Chapter 38 - Chapter 36

"Nandiyan na naman si pogi! Naku Ran ha? Araw-araw nalang may dalang rosas yang manliligaw mo! Imbis na kape ang binibenta natin dito, naging flower shop na! Inaraw-araw ang pagdala nang bulakbulak. Jusko po!" napapairap ako habang sinasabi iyon ni Shakesmette. 

Pinandilatan ko siya nang mata na ikina ngisi niya lang. Baliw talaga ang isang to. Kung makapag salita rin akala niya kasing edaran ko lang siya. Napapailing nalang ako.

Talaga naman kasing totoo ang sinabi niya. Halos araw-araw dumadalaw si Simon dito sa cafe ni Ligaya para lang puntahan ako. Halos one week din siyang ganito saakin, magdadala nang isang bugkos nang rosas at chocolate.

Hindi ko nga alam kung kamusta ang flower shop na binibilhan niya baka ubos na dahil araw-araw may bulaklak siyang binibili at dala para saakin.

Tumukhim si Shakesmette. "Aasikasuhin ko muna ang mga customer. Mukha kasing ma-oop ako kapag dumito pa ako. Sana lahat binibigyan nang rosas. Sana lahat Ran!" aniya at tumawa na parang baliw.

Balak ko sanang ihampas sa kanya ang cup na hawak ko pero mabilis siyang umalis. Kinaiinisan ko talaga ang tawa nang babaitang yun. Mahilig mang-asar.

Napabaling ako kay Simon nang ilapag niya sa counter ang dalang rosas. Amoy ko din ang pabango niyang gamit, dahil nakalapit siya. Ngiting makalaglag panty naman ang binungad niya saakin.

"Flowers for my babe." sabi niya sabay patong nang dalawang siko sa counter at mataman akong tinitigan.

Tuloy hindi ko mapigilang ngumiti at kiligin. Hindi ko talaga maexplain kung bakit ganito ka grabe ang dating niya sa tuwing dadalaw siya dito, tapos may dala pang isang bugkos nang rosas.

Halos araw-araw pinapakilig niya ako. Halos araw-araw din akong binibwisit ni Shakesmette, dahil nga daw puno na nang rosas ang shop.

Naisipan ko kasing idisplay yung mga binibigay ni Simon. Kesa naman mabulok sa bahay at hindi madisplay diba? Hindi naman nagreklamo si Simon. Parang natuwa pa nga ang mokong na 'to.

"Thank you!" inamoy ko ang rosas. "Hindi ka kaya mamulube nito? Halos araw-araw bumibili ka para ibigay saakin." inilapag ko ito at tumingin sa kanya pagkatapos.

"The price is not that expensive so why bother to ask me that? Babe, you are more expensive than  flowers. Hindi pa naman ako mamumulube. Unless kung bibilhin kita sa magulang mo para maging akin." nakakalokong tawa pagkatapos ang ginawa niya.

"Loko to! Ang baduy mong bumanat Simon." sinasabi ko iyon pero sa loob-loob ko kinikilig ako.

Lagi na siya ngayong may baong kabaduyan sa katawan. Pero hindi man lang nahiya na sabihin iyon saakin. Ang cheesy niya talaga.

"Baduy pero kinikilig ka babe. Ito lang ang baduy bumanat pero kinakikiligan mo." naihampas ko sa kanya ang rosas dahil sa sinabi niya. Natatawa siyang napaiwas.

"Tumigil ka nga! Ang hangin mo ngayon, anong nakain mo?"

"Hindi pa nga kita nakakain." pabulong niya na ikinasalubong nang kilay ko.

"Baliw!" pinandilatan ko siya nang mata at patingin-tingin sa likod niya baka kasi may makarinig nakakahiya. "Yang bibig mo talaga ang bastos." sabi ko.

"O-kay! I'll shut up once I get my kiss. Come on baby..." he's teasing me.

Inirapan ko siya na ikinataas lang nang isang kilay niya at pilyong ngumiti saakin.

"Hindi talaga nakukompleto ang araw mo nang hindi makakuha nang halik no?" sarkastiko kong sabi sa kanya. Kibit balikat niya akong sinagot.

Inilapit niya ang mukha saakin tapos nakapikit siya. Hindi ko mapigilang mapangiti. Kahit kasi nakapikit sya, nadidipina parin ang kagwapuhan niya. Tuloy napapatanong ako sa sarili ko kung bakit ganun nalang ang pagkagusto niya sa isang katulad ko.

Napansin niya sigurong nakatitig lang ako sa kanya kaya dumilat siya. Pero sa kanyang pagdilat agad kong inilapit ang mukha ko sa kanyang mukha, itinagilid ko nang naunti ang ulo ko upang sakupin ang kanyang labi. He stunned. Napangiti ako habang hinalikan siya at nakapikit.

Hmm! What a sweet morning!

After that ako na ang unang humiwalay sa halik. Nang umayos ako sa kinatatayuan ko, nakapikit parin siya.

"Goodmorning!" pasweet kong bati sa kanya dahil maaga pa naman talaga. "Dumilat kana!" natatawa kong pukaw sa kanya. Napanguso siya dahil nasira ko siguro ang moment niya.

"Bitin." aniya na lalong ikinatawa ko lang. "Isa pa babe...please!" nagmamakaawa niyang sabi saakin while pouting his lip. Nakaka pang-akit man pero pinigilan ko dahil nasa public place kami, isipin pa nang iba dito PDA kami, nakakahiya.

"Mamaya na..." bulong na ikina aliwalas nang mukha niya. Aba! Masaya ang mokong sa narinig. "Loko ka talaga."

---------

Kinabukasan medyo hindi maganda ang lagay nang katawan ko maging ang pakiramdam, feeling ko sobrang pagod ako. Per hindi naman ganun ka busy sa cafe kahapon, talagang mabigat ang pakiramdam ko.

Parang hinahalukay din ang tyan ko ngayon, wala pa naman akong nakain. Matapos kong mag-ayos ay bumaba na agad ako papuntang kusina, kahit hindi maganda ang pakiramdam pinilit ko dahil inaalala ko ang shop ni Ligaya. Next week pa ata ang dating nila, kaya hanggang ngayon ako parin ang nag-aasikaso nito.

"Good morning Nay Lusing." bati ko sa matanda nang makapasok ako sa kusina.

"Magandang umaga. Maupo kana at ipaghahain kita." aniya habang sumasandok nang kanin. "Magkakape kaba? Ipagtitimpla kita." bumaling siya pero ibinalik din sa pagsandok ang tingin.

"Opo Nay Lusing pero ako na po ang magtitimpla. Ano po kayang gamot sa sakit nang katawan Nay Lusing?" tumayo ako at kusang kumilos. Pero bumaling muna ako sa matanda dahil gusto kong malaman kung ano ang pwede kong inumin. "Mabigat po ang pakiramdam ko pagkagising ko e. Tapos masama ang lagay nang tiyan ko parang hinahalukay. Hindi naman po ako natatae." dagdag ko.

Saglit niya akong binalingan nang tingin. "Hindi kaya naulanan ka kagabi? O baka naman sa malamig na klima yan anak. Hayaan mo at magpapabili ako nang gamot kay Begail." aniya.

"Siguro nga po Nay Lusing." ipinagkibit balikat ko na lamang ito.

Kumuha ako nang mug at binuksan ko ang isang drawer sa taas upang kuhanin ang kape at asukal.

Binuksan ko ang lagayan nang asukal at naglagay nang kaunti sa mug, sumunod kong binuksan ang lagayan nang kape ngunit tinakpan ko ulit dahil bigla nalang para akong nasusuka. Dali-dali akong pumunta sa lababo para sumuka pero wala namang nailalabas, nagmumog nalang ako pagkatapos.

"Anong nangyari sayo Manuela?" dinaluhan ako ni Nay Lusing, may pag-aalala sa kanyang mukha.

Binalingan ko siya at napapatakip na ako nang ilong. "Sira po ata itong kape? Ang pangit po nang amoy Nay Lusing." sabi ko sa kanya na pinagtakhan niya.

Inabot niya ang lagayan nang kape tsaka binuksan, napalayo naman ako doon dahil para akong nasusuka na ewan. Inamoy niya ito, saka ulit bumaling saakin.

"Kaka salin ko lang nito kagabi. Yung matapang na kape ang binili ko. Kaya siguro nasabi mong parang sira. Ganyan lang talaga ang amoy niyan." ibinaba niya ang lagayan at pansamantala akong tinitigan.

"Baka nga po. Doon nalang ako magkakape sa shop Nay Lusing. Kakain nalang po ako dito, kailangan ko narin makarating doon nang maaga." sabi ko nang nakatakip parin sa ilong ang kamay ko.

"Osige ikaw ang bahala. O siya, maupo kana at kumain. Sandali lang tatawagin ko lang si Begail, tulog pa kasi yung batang iyon e." aniya saka umalis.

Naiwan akong mag-isa sa kusina. Nahinto ang tingin ko sa lagayan nang kape at napapaisip. Hindi naman daw sira yun, kasi bagong bili, pero bakit ang pangit nang amoy? Hindi ko talaga lubos maisip, nandidiri ako sa amoy e. Kapag naiisip ko, nanginginig ako at parang masusuka.

Itinuon ko nalang ang sarili sa pagkain. Nakailang sandok ako nang kanin pagkatapos magana akong kumain nang ulam. Himala! Hirap tuloy tumayo sa kinauupuan ko, busog ako, naparami ang kain.

Nagpaalam ako kay Nay Lusing at umalis din papuntang cafe. Naabutan kong nagwawalis si Heart at si Shakesmette naman ang nag-aayos nang mga upuan.

"Magandang umaga!" masigla kong bati sa kanila.

"Wow, maganda ang araw natin ngayon a! Anong meron? Mukha ka ring blooming." panimula ni Shakesmette.

Sinundan ko naman siya nang tinging nakakapagtaka at hindi makapaniwala habang naglalakad papuntang counter. Ano na naman ang pinagsasabi niya ngayon?

"Laging maganda ang araw ko. Kaya huwag na huwag mong bubwisitin." kapag tagala itong babaeng ito ang kausap ko nagiging maldita ako. Tinawanan ba naman ang sinabi ko.

"Di nga! Anong meron at mukhang blooming ka Ran! Tell me your secrets naman dyan, para blooming din ako."

I tsked. "Lagi naman akong blooming. Tinatanong pa ba iyan." pumunta ako sa counter para icheck ang mga listahan doon.

"Yabang! Haha." sabi niya nang matapos sa pag-ayos nang upuan.

Tumabi siya saakin at sinipat ang mukha ko. "May kakaiba talaga sayo ngayon Ran e. Hindi ko ngalang maexplain kung ano yun. O siya, mag-pupunas muna ako nang glass window wala pa namang customer." aniya at iniwan akong nag-iisip.

Anong sinasabi niyang may kakaiba saakin ngayon? Ano yun? Ang labo din kausap ni Shakesmette e.

Tumunog ang bell na mistulang nakakabit sa pintuan nang cafe. Kaya napaayos ako nang tayo at tinignan kung sino ang pumasok. Maging sila Heart at Shakesmette na kasalukuyang nagpupunas sa labas nang shop ay nahinto sa ginagawa at napatingin narin.

"Tom?" hindi naman ako nagulat, nagtaka lang. Ano kayang- ah! Oo nga pala. Bibili siya syempre. Bakit pa ako magtataka diba?

"Goodmorning Ran. You're...um...the new...owner?" hindi niya alam kung maglalakad ba siya palapit sa counter o aalis nalang, mukha kasi siyang na dismaya.

Yung kilay ko pasalubong na dahil sa tanong niyang iyon. Anong sinasabi niya?

Magsasalita na sana ako nang unahan niya ako sa gustong sasabihin. "I...um...where's the..." hindi niya matuloy ang sasabihin kaya napapabuntong hininga na lamang ako.

"Si Ligaya ba hanap mo, pogi?" bigla na lamang sumulpot si Shakesmette sa tabi ni Tom, hawak pa nito ang pinampunas niya sa glass window kanina. "Wala siya dito ngayon... nagbakasyon sila nang pamilya niya." binalingan ako nang tingin ni Shakesmette at kinindatan.

Ano na naman kaya ang nasa isip nito? Ngayon naman nadagdagan ang tanong sa isip ko tungkol kay Tom at Ligaya. Anong meron sa kanila? Bakit hinahanap ni Tom si Ligaya?

"Noong nakaraan pa sila umalis hindi mo ba alam?" sinundan ko naman nang tingin si Tom.

Clueless and so innocent look. Mukha siyang nawalan nang sasabihin at problemado na ngayon.

"Ang alam ko kasi next week pa ang balik nila o baka maextend sila. Kasama din nun si...Kuya Tristan e." nakakalokong ngiti ang sumilay sa mukha ni Shakesmette. Mukhang may alam ito tungkol sa dalawa.

Kakausapin ko nga ito mamaya kapag umalis si Tom. Mang-uusisa ako kung anong klaseng relasyon ang meron iyong dalawa. Wala naman kasing naikwento si Ligaya saakin.

Naalala ko pa nung nasa Paris kami, sa bahay ni Tom. Sinabi nang isa nilang kaibigan na wala naman silang nababalitaang girlfriend nito, at hindi nagkaka love life. Paanong nangyari 'to ngayon?

Naawa tuloy ako sa kaibigan ni Simon. Para siyang bigo at dismayadong hindi makita si Ligaya.

"Are you okay Tom? Don't worry I'll message her to inform that you're looking for her-"

"No...um. Sorry." aniya. "Do you mind if hingiin ko ang cellphone number niya?" tumikhim siya "It's for...business." ang pormal nang pagkakasabi niya niyon pero hula ko hindi iyon para sa business. He has something to say to Ligaya but it's unrelated to business, kaya hinihingi niya ang phone number nang kaibigan ko.

Tinitigan ko pa siya nang matagal. Hindi siya makatingin saakin ngayon, umiiwas. Pero sa huli binigay ko rin sa kanya ang phone number ni Ligaya.

"Omygosh!" biglang tili sa tabi ko ni Shakesmette habang nakatingin sa phone niyang hawak. Hindi ko man lang napansing nakalipat na pala siya, kanila lang nasa tabi siya ni Tom, ngayon katabi ko na. Parang kabuti!

"Ang swerte naman ni Ligaya. Tignan mo oh! Nakaakbay sa kanya si Kuya Tristan!" aniya at ipinakita ang picture nang dalawa saakin na nakaakbay yung Tristan na sinasabi niya sa kaibigan ko.

Ikinataas ito nang kilay ko lalo na nang tignan ko si Shakesmette na todo ang ngiti pero halatang peke naman at kunwari kinikilig, sabay baling nang tingin sa harapan, which is kaharap namin si Tom.

Madilim na ang tingin nito sa phone na hawak nang katabi ko at nagtatagis ang bagang. Parang gusto niyang manuntok sa paraan nang tingin niyang ibinibigay.

Hindi siguro niya napapasin pero nahahalata namin ni Shakesmette na nag-aapoy na siya sa galit at selos? Nasisikuhan kaming dalawa ni Shakesmette. Now I don't need to ask Shakesmette about Tom and Ligaya's relationship.

"Bagay sila hindi ba?" siniko ako ni Shakesmette "...Ran?" pero ang tingin ay nakay Tom parin, wari tinitignan niya kung ano ba ang magiging reaksyon nang kaharap. Dahil gusto ko ring malaman kung ano ba ang magiging reaksyon niya, sinabayan ko rin ang trip nitong katabi ko.

"Sobrang bagay! Boyfriend niya ba yan? Grabe si Ligaya nagsesekreto na siya saakin. Nagtatampo tuloy ako..." kunwari kong sabi at nagtampo-tampuhan. Pero sa loob-loob ko natatawa na ako.

Halos puputok na ang ugat sa kamay ni Tom sa higpit nang hawak niya sa cellphone niya. He's jealous, my gosh! Kinikilig ako para kay Ligaya.

"Nililigawan palang 'to ni Kuya Tristan..... pero feeling ko...sasagutin na siya ni Ligaya. Kasi noong nakaraan napag-usapan namin si Kuya Tristan e, parang nahuhulog na ata si Ligaya sa kanya tapos balak niya na ngang sagutin-" nagkatinginan kaming dalawa ni Shakesmette nang bigla na lamang kumaripas nang alis si Tom at hindi na nakapagpaalam.

My Gosh! Ang aga pa para magsenti! Ang aga pa para mabadtrip! Naawa tuloy ako kay Tom.

"Binggo!" parang nagwagi sa isang pustahan si Shakesmette nang ipatong niya ang dalawang siko sa counter at pangising sinundan nang tingin ang papaalis na sasakyan ni Tom. "Umaapoy sa selos si Pogi. Naku! Ang haba talaga nang buhok ni Ligaya!" aniya at pailing-iling pa.

---------

Tanghali nang bumisita ulit si Simon sa Cafe. As usual he brought roses and chocolates for me. Sadya nyang tinutoo ang sinabi ko na ligawan ako. Maganda nga iyon dahil noong naging kami dati, wala nang ligawang nangyari. Mabilis ang pangyayari naging kami agad nun.

Bigla ko nalang kasi siyang sinagot noon. Kaya ayun bigla din kaming nagkahiwalay, though naipakilala ko na siya sa family ko. Yung family niya nalang ang hindi ko pa kilala at hindi pa ako ipinakilala. Hindi naman ako sa nagmamadali, kinakabahan nga ako e. Kung sakali mang ipakilala niya ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila.

We didn't talk about his family pa. We keep on fixing things between us. Getting to know each other stage pa kami hanggang ngayon. Kulang yung mga panahon na magkakilala lang kami. Kaya ngayon dapat kilalanin muna namin nang husto yung isa't isa.

Wala din akong balak na patagalin pa ang pagsagot sa kanya. Hindi ko gagawing isang taon yung panliligaw niya no. May tamang oras para sagutin siya, but not this day, not tomorrow, soon.

"Let's eat lunch? Where do you want to go?" tanong niya habang nakasandal sa counter, katabi ko siya, nagfefeeling casher siya ngayon habang ako naglilista nang order.

"This is your change! Ihahatid nalang po sa table nyo ang inorder nyo. Thank you!" sabi ko sa umorder pagkatapos nun ay binalingan ko si Simon nang tingin.

"Where do you want to eat?" pag-uulit niya.

"Hindi ba pwedeng dito nalang tayo magtanghalian?" hinanap ko si Shakesmette at Heart. "Wala silang katulong dito kapag sa labas pa tayo kakain.

Tinitigan niya ako na parang hindi makapaniwala. "Sandali lang naman tayo babe. Can you give your time to me? 30 minutes will do...please?" Bigla namang sumulpot si Heart.

"Pumayag kana ate Ran..." aniya at ngumiti. "Hindi naman po ganun ka rami ang customer ngayon, mamaya-maya pa dadagsa ang mga iyon."

"Such a good girl!" ginulo ni Simon ang buhok ni Heart na parang nakababatang kapatid niya ito. "See babe? Heart said you should agree to have lunch with me." pilyo at nakakaloko akong tiningnan ni Simon.

Nakahanap nang kakampi para lang mapapayag ako sa gusto niya. Itong bata namang ito todo soporta sa Kuya Simon niya. Nang-aasar pa akong nginitian. Naku!

"Oo na! Nagkampihan pa kayo! Sandali at mag-aayos lang ako."

Makahulugan akong tinitigan ni Heart habang naglalakad ako papasok sa opisina ni Ligaya. Iniisip siguro nito na papayag din pala ako, nagpapakipot pa.

"Oh, anong tingin yan ha?" defensive kong tanong.

"E ate Ran-" natatawa niyang sabi, mukhang tama nga ako sa iniisip ko kanina.

"Tse! Asikasuhin nyo ang mga pumapasok. Naku!" nang makapasok ako, agad kong isinarado ang pinto. Namula ata ako. Napaka defensive ko talaga! Napakadaling mabasa ang iniisip ko. Hay!

Naghilamos ako nang mukha kahit hindi naman oily yung pisngi ko. Gusto ko lang maging feeling fresh. Bakit ba? Tapos nagpalit din nang damit at nagpulbo tapos nag-lipstick. Ipinusod ko rin ang buhok nang pabilog, ginulo nang kaunti para may style naman siya.

Inayos ko narin ang sling bag na daldalhin ko. Pagkatapos lumabas narin, aabutan ko pa ang tatlo na nag-uusap malapit sa pintuan nang shop. Nagsalubong ang kilay ko dahil mukhang may pinag-uusapan sila na hindi ko alam.

"Kailan mo babalakin Kuya Simon? Dapat yung hindi niya iniexpect. Haha" si Heart iyon habang si Shakesmette naman mukhang nag-iisip nang malalim.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila. Busy sila sa pinag-uusapan nila, maging presensya ko hindi nila napansin.

"Hush! Lower your voice she might hear us." sita pa niya sa dalawang dalaga, pigil ko namang huwag matawa.

Lower your voice daw, he! Narinig ko na kaya ang pinag-uusapan nila. Hindi man lang ako naramdaman.

"Huwag mo nalang kayang surpresahin pogi? Mukha namang hindi iyon mahilig sa surpresa, KJ pa naman si Ran- Aray! " mabilis kong hinila ang buhok ni Shakesmette, nagulat ang dalawa dahil doon.

"Ikaw ang KJ! Anong surpresa yun?" tanong ko sa kanila. Hindi maipinta ang mukha ni Shakesmette dahil sa paghila ko nang buhok niya, pero hindi naman ganun ka sakit yun. OA lang talaga 'tong babaeng to.

"Kita muna? Hindi mo pa nasusurpresa, alam na niya. Huwag nalang yun pogi." bunganga talaga nang babaeng 'to kahit kelan walang galang! Mabuti pa si Heart nag-aate at kuya saamin. Napapailing nalang ako.

"Kung mag-uusap kasi kayo siguraduhin nyong wala ako dito, hindi iyong naririnig ko kayo." sabi ko sa kanila. "Ano tara na?" tanong ko kay Simon na para nang problemado dahil buking na siya, dinamay pa ang dalawa sa surprise na gagawin niya.

"Right! Let's go." na una na siyang lumabas, ako naman pinagbilinan ko pa ang dalawa bago umalis. Sinabi ko ring bibilhan nalang namin sila nang pangtanghalian nila.

--------

"We talk about you." basag ko sa katahimikan habang nasa byahe kami ni Simon, naghahanap nang restaurant.

"We?" salubong ang kilay na nasa daan ang mga mata. "Who?"

"My dad. Sorry I didn't open up this topic to you, I forgot." napakagat labi ako.

"What did you two talking about?" sinulyapan niya ao saglit. "Is it about me?" aniya.

Tumango ako. "Hmm. Actually, noong nakaraang linggo pa iyon after those misunderstanding we have, lumuwas akong Maynila nun." nasa daan ang tingin ko ngayon. "Sinabi ko sa kanya na nagkita ulit tayo. Wala naman siyang ibang sinabi pa, maliban nalang sa gusto ka niyang makausap.....pagbalik ko daw doon." sinulyapan ko siya, bakas ang pagkagulat at kaba sa kanyang mukha.

"Other than that, wala na siyang ibang sinabi?" paninigurado niya.

Natawa ako dahil mukha siyang na hot seat kahit hindi naman. "Are you scared?" sumulyap siya at matalim akong tinitigan.

"Sinong hindi matatakot kung ang tatay nang mahal ko gusto akong makausap? Babe, bukod sa takot ako sayo, takot din ako sa tatay mo." lalo akong natawa sa sinabi niya. Pero grabe seryoso siya nang sabihin niya iyon.

"Don't be scared Simon.... Hindi naman nangangain si Dada e. Kakausapin kalang nun..."

"Hindi kaya maitak ako nun dahil pinaiyak kita noon?" aniya na parang paranoid. Hindi na tuloy ako natuwa sa sinabi niya.

"Oa mo Simon! Why would Dada do that to you? Of course hindi nang-iitak yun, huwag ka ngang over acting diyan..." hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong nainis.

Nagtataka niya akong sinulyapan. "Are you mad? I'm sorry babe..." hinawakan niya ang kamay kong nasa hita ko, mahigpit iyon. Tuloy isang kamay nalang ang nagmamaneho.

"Ewan ko sayo!" gusto kong kutongan ang sarili dahil bigla-bigla nalang akong naiinis nang hindi ko namamalayan.

"I said I'm sorry." aniya. "Gutom kana ba? Don't worry malapit na tayo... what do you want? Ice cream?" pag-aalo niya, tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Ano ako bata? Tumigil ka nga, hindi nakakatawa." pinandilatan ko siya nang mata, malamlam naman niya akong tinitigan. Parang hindi niya alam ang gagawin dahil sa biglang pagbago nang mood ko.

"Why changing of mood? Period time?" tanong niya. Wala akong panahon sa mga itinatanong niya, pero bigla ring kumudlit sa isipan ko ang huling tanong niya.

Period? Baka nga ganito ako ngayon dahil malapit na ang red tide ko? Baka nga.

Hindi ko siya sinagot hanggang sa ipark niya ang sasakyan niya sa harap nang restaurant na napili naming pagtanghalian.

Pinagbuksan niya ako nang pinto nang kotse, maging sa restaurant. Tahimik lang ako, ngayon naman gusto ko lang na tahimik kami.

Siya narin ang pumili nang kakainin namin. Hinayaan ko siya dahil wala akong balak magsalita. Alam kong alam niyang wala ako sa mood kaya inuunawa niya ako.

"Simon?" may bigla na lamang huminto sa table namin habang naghihintay kami nang order namin. "Ikaw nga! It's me Ronalyn! Remember? We met at the airport back in Manila... nice to see you...again!" she emphasizes the word again? Anong pinagsasabi nang babaeng 'to?

Kumulo nalang bigla ang apoy nang inis at galit ko para sa babae. Nakuha pang hawiin ang kulot niya buhok at ilagay sa gilid nang kanyag tenga.

Nagpapa cute ba siya kay Simon? The way she acted like that, hindi malabong wala siyang gusto kay Simon.

Hindi ko mapigilang sulyapan si Simon na mukhang hindi alam ang gagawin nang mapansing matalim ko siyang tinitigan.

Tinaasan ko nang kiloay si Simon bilang pagtatanong. Alam niyang wala ako sa mood dahil sa kanya tapos dumagdag pa 'to?

"Hindi mo na ako natatandaan? Magkatabi tayo seat nu'n... remember?" ang kapal nang babaeng 'to, ang manhid din para hindi maramdamang may kasama si Simon.

"I-I um...remember." feeling ko sasabog ako nang magsalita pa si Simon. Binibigyan lang niya nang tsansa ang babaeng ito na makapag-usap pa. "It was nice to see you here. But sorry to say... you umm...disturbed us." taas noo akong sumandal sa upuan nang balingan ako nang tingin nung Ronalyn na 'yun.

"Oh, I'm sorry! You're with umm... friend? Sister?" nakataas ang kilay niya, halatang hindi nagustuhan na makita ako. Bumaling siya kaagad kay Simon at todo ang ngiti niya, napaka kapal nang mukha.

Yung konting magtitimpi ko feeling ko mapipigtas na dahil sa nakakainis na tanong nang babaeng 'to. I hate her name!

"She's my-"

"Fiancee!" medyo nilakasan ko para ipamukha sa kanyang akin si Simon. Napapalingon ang ibang customer saakin.

I'm jealous! Can't she see that? At naiinis ako sa pagiging epal niya ngayon na bigla-bigla na lamang susulpot at tatanungin si Simon na parang nanlalandi lang!

Hindi ako makikipag pekean pa sa kanya dahil pigtas na ang pagtitimpi ko. Kanina pa ako wala sa mood tapos dumagdag pa siya.

"Right! She's my fiancee!" masaya ang mokong nang sabihin iyon. Wari nanalo sa loto.

Kung sa ibang pagkakataon nasabi iyon ni Simon baka naglumpasanay na ako sa kilig. Malas lang at ngayon pang nagseselos ako, naiinis at galit sa kanya, lalo na sa babaeng makapal ang mukha. Hindi man lang natinag kahit sinabi ko nang fiancee ko si Simon at kahit sinabi narin sa kanya ni Simon iyon.

"Ah! Sayang!" she said na para bang laki pagkakamali iyon ni Simon. "By the way! Nice to see here! Free kaba mamaya? Invite sana kita sa-"

"Can't you see!" napatayo na ako at nangangalaiti sa galit dahil sa kakapalan nang mukha niya. "Nandito ako na fiancee niya tapos iimbitahin mo! Ganyan ba ka kapal ang mukha mo?" nagtatagis ang bagang ko habang pinipigilan ni Simon. Hindi ko napansing nakatayo narin pala siya.

How dare she invite Simon even though she knew already that I'm the fiancee!

"Babe, stop!" Simon held my hand tightly. "Sorry Miss...but please umalis ka nalang? Ayokong mag-away kami dahil lang sayo." nagtatagis bagang at galit na sabi nito sa babaeng mukhang natameme sa harap namin at hindi alam ang gagawin, siguro nahiya dahil sa kakapalan nang mukha niya kanina.

Pinagtitinginan narin kami nang ibang nasa loob nang restaurant. Nakahatak tuloy kami nang audience dahil sa kanya. Yes! Because of her! Siya ang gusto kong sisihin dahil sa nakakamanhid niyang mukha, hindi marunong makiramdam. 

Iwinaksi ko ang kamay ni Simon at padarag na kinuha ang sling bag ko pagkatapos ay umalis sa table na 'yun at lumabas na.

Mukha kasing ayaw umalis nung babaeng 'yun dun, ako nalang ang aalis, nakakahiya naman sa pagmumukha niya. Hindi ko nalang pinansin ang mga taong nakikiusyoso sa loob, mapakla akong natawa nang makalabas, sobrang magpipigil nang luha ang ginawa ko. Para akong sasabog sa galit, selos at inis. Bakit ba ganito ang mood ko? Hindi naman ako ganito e!

"Babe wait! Please listen!" iwinawaksi ko ang kamay ni Simon dahil pilit niya akong pinipigilan sa paglalakad. "Ran! Makinig ka naman sakin, babe! Sht! She's just nothing! Nakilala ko lang siya sa airport okay? Yun lang yun! Believe me please!" para siyang maiiyak na nagagalit na ewan.

Tuluyan ko nang binuksan ang front seat nang kotse niya at naupo doon habang habol ang hininga dahil mabilis ang lakad ko kanina. Nakita ko pa ang babae sa loob nang restaurant nakasunod ang tingin kay Simon.

Si Simon naman napapahilamos nang kanyang mukha. Tirik ang araw sa labas pero hindi man lang niya iyon ininda, hindi pinansin. Sinulyapan niya ako mula sa labas kahit hindi naman niya ako makikita dahil tented ang bintana nang kotse niya.

Parang siyang nanlumo at nagmamakaawa. Medyo mapula rin ang mukha maging ang mata. Hindi niya alam ang gagawin ngayon.

Napasandal ako at napapikit pagkatapos nun naramdaman ko nalang na tumulo na pala ang luha ko. Pinalis ko iyon pero putek! Bakit naman sunod-sunod na ang pag-agas nito! Hindi ko na nakayanan pa, humagulgol na ako sa loob nang kotse.