Chapter 31 - Chapter 29

"ITO NA ANG INUMIN!"

Masayang nilapag ni nay Lusing ang juice sa harap maliit na table. Nasa sala kami ngayon kasama ang bisitang sinasabi ni nay Lusing na nobyo ko daw.

Bago ko siya pinapasok kanina, klinaro ko muna sa matanda na wala akong boyfriend at higit sa lahat itong lalaking kaharap ko sa upuan ngayon ay hindi ko boyfriend.

Hindi ko alam kung naniwala ba ang matanda sakin dahil nagkibit balikat lang siya at tumango na parang napipilitan.

At kaya familiar ang pangalan niya ng banggitin ni dada kasi siya pala yung CEO ng StarShine company na minsan ng nag-alok sa kay Laz na magkaroon ng collaboration at ang company nila ang siyang nagpasikat sa kwentong ginawa ko noon limang taon na ang nakakaraan. Hindi ko alam kung kamusta ba ang tv drama na ginawa nila gamit ang kwento ko, under 'Project R' naman kasi yung ginawa ko kaya wala akong ikinabahala nung umalis nalang bigla sa company na pinagtatrabahuhan ko.

"Ikaw pala iyong sinasabi ni Roberto?" basag sa katahimikan namin.

Roberto ang tawag ni nay Lusing kay dada, Robert lang naman ang pangalan ng tatay ko. Maging saakin din, imbis na Emannuel naging Manuela. Hindi ko rin masakyan ang trip ng matanda, kaya minsan hinahayaan ko nalang.

"Opo." Napapaikot nalang ang mata ko sa pagiging magalang ng kaharap ko.

Tinignan naman niya ako nahuli niya kasi ang pag-irap ko sa kanya. Tinaasan lang ako ng kilay. Suplado! Sarap niyang sapakin sa oras na 'to. Bakit hindi niya ipakita ang totoong ugali niya.

"Samuel diba?" tanong ulit ng matanda sa kanya. "Kay gwapo mong binata. Ano naman ang nag-udyok sayo at natipuhan mo ang dalaga namin-"

"Nay!"

Napapakamot naman si Samuel sa batok dahil sa kakulitan ng matanda. Gusto kong paalisin si nay Lusing at ng makapag-usap kami ng lalaking 'to. Hindi ko alam kung ano ba ang balak niya bakit siya pumunta sa Naga at bakit siya pumayag na ireto siya ni dada saakin. Gusto ko ring tanungin kong paano sila nagkakilala ng ama ko, anlabo kasing isipin na nakilala ng tatay ko ang isang CEO na katulad niya. Hindi ba aware si dada na ang taong inirereto niya ay ang tagapagmay-ari ng malaking entertainment company? Isn't he aware?

Tumikhim ako nagkatinginan kami ni nay Lusing, nagsinyasan kami dahil nasa likod naman siya ni Samuel nakatayo. Tumikhim din siya bago nag salita.

"Ah, maiwan ko muna kayong dalawa at ako'y magluluto. Gutom kana ba?"nakuha pang magtanong kay Samuel.

Tumingin siya sa matanda "Hindi pa naman po nay Lusing. Nag drive thru ako kanina kaya medyo busog pa ako..." matamang sagot niya. Feeling close narin nakikitawag ng nay Lusing sa matanda.

Kada sigundo ata napapabuntong hininga ako. Sabay nila akong nilingon, hindi ko naman sila pinansin. Napaayos lang ako ng upo nang dalawa nalang kami ang nasa sala. Nilukob ng katahimikan ang paligid at pareho kaming tahimik.

Sino ba ang dapat maunang magsalita saamin? Ako ba? Tatanungin ko ba siya? Parang ang awkward kasi tapos hindi pa kami ganun ka close para simulan ko ang usapan? Hindi naman magsisimula ang topic kung magtititigan lang kaming dalawa? Baka pagkamalian kaming baliw nito.

Inipon ko muna ang lahat ng hiya ko, huminga din ng malalim bago pinakawalan pagkatapos ay ibinuka ang bibig para makapag salita.

"So..." nagkagulatan kaming dalawa dahil sabay kaming nagsalita.

"Ikaw muna..." sabay ulit.

Pinanliliitan ko siya ng mata dahil sinasadya niya talagang sumabay sa sasabihin ko. Tumikhim ako ganun din siya.

"Sige ikaw muna..." aniya.

Dahil sinabi niyang ako muna ang magsasalita, grinab ko na ang opportunity na makapag salita baka kasi sumabay na naman siya e.

"Anong balak mo?"

"Balak?" nalilito niyang tanong sakin, nakunot na rin ang noo habang nakatingin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at nag-cross arm. "Oo, anong balak mo? Hindi ka naman pupunta sa ganitong napakalayong lugar para puntahan ako." Pabalang kong sabi.

"Excuse me?" natatawa and at the same time amaze ang bumalatay sa kanyang mukha.

"Anong nakakatawa?"

"Ikaw..." aniya "You're so full of yourself."dagdag niya. Hindi man lang sinugar-coat yung sinabi, nakakasakit a!

Nag-iinit na talaga ang ulo ko dahil sa lalaking to! Sinabi ko lang naman ang totoo a! Anong nakakatawa sa sinabi ko? Kung pwede lang sabunutan ang lalaking to! Pinapainit ang ulo ko. Pasalamat siya ang nakakaya ko pang magpigil dahil kung hindi, naku! Ewan ko lang talaga!

"I'm not here because of you."panunuya niyang sabi. "I have other things that need to do here in Naga. When your dad knows my whereabouts he asked me to visit this ancestral house-"

"Ipagbibili niya?!" iksahurada kong tanong. Dagundong ang kaba sa puso ko.

He laughed.

"No! Of course not!" napapailing pa tsaka sumandal sa upuan na parang hari sabay patong ng isang paa sa kabila.

"Then what?!" nanlalaki pa ang mata ko sa inis.

"Relax! Let me finish, 'em not yet done!" sayang-saya siyang inisin ako. "I'm not here to visit you or buy your mother's ancestral house. Your dad just asked me to visit this house that's all! No buying and no negotiation."

Nakahinga naman ako ng maayos. Akala ko talaga ipagbibili ni dada ang bahay dito sa Naga. Medyo tinablan naman ako ng hiya dahil agad-agaran akong nag-react sa sinabi niya tapos hindi ko pa siya pinapatapos sa sasabihin. Naging oa ata ako masyado! Nakakahiya!

"Sorry..." sabi ko na pasulyap lang sa kanya.

Tumango lang siya bilang pagsang-ayon. "Anyway! Didn't your dad tell you that I will be staying here for weeks?"

"Stay dito?"

Hindi na naman ako makapa niwala sa sinabi niya. Bakit hindi ako iniinform ni dada about sa pagdating ni Samuel, maging ang pagtira niya dito ng ilang buwan? Iniisip niya bang hindi ako papayag kung sasabihin niya? Sino naman ako para hindi pumayag, bahay nila to at anak lang ako, sa kanila parin manggagaling ang desisyon.

"Yup! Sinabi ko naman sa kanya na maghohotel nalang ako, but then he insist na mas makakatipid ako kung dito nalang daw. I told him na afford ko naman maghotel but I have no choice."

"My choice ka!" naiinis naman ako "Pwede mo namang baliwalain ang offer niya." Sakay ko sa rason niya.

"I respect your dad's offer and beside makakamura nga ako dahil magtatagal ako dito ng higit dalawang lingo or so months. I have a business to attend too."

"Respect..." panuyang bulong at ikinaikot ng mata. "Ang sabihin mo ayaw mo lang gumastos..."

"What? May sinabi ka?"

Napaangat naman ang tingin ko sa kanya. Nanliliit ang matang nakatingin saakin, it is like a dagger na anytime tatama saakin. Tumukhim ako at ngumiti.

"Wala! Ang sabi ko pwede ka rito..." pwede na ba akong maging artista? Ang galing ko kasing umarte ngayon, mukha naman siyang naniwala. Pero kung alam niya lang gusto ko na siyang sipain palabas ng bahay angkapal din kasi!

"Ito ang magiging kwarto mo..." nang mabuksan ko ang kwarto malapit sa kwarto ko "Dating kwarto nila dada at moma 'to, dahil nga lumipat sila ng manila medyo napabayaan na, minsanan nalang kung malinisan." Sabi ko sa kanya habang nakasandal sa pinto naka cross arms pa.

Inilibot naman ni Samuel ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Mas malaki 'to kesa sa kwarto ko dahil pang dalawahang tao ang kwarto ng parents ko. Tanging malaking kama ang sa gilid tapos may dalawang bintana, mayroon din cabinet lagayan ng mga damit at feeling ko naman kasya na doon ang mga gamit niya. Wala pang dikorasyon na makikita dahil pinatanggal ko na nung dumating ako rito. Bukod kasi sa alikabukin na, luma na rin.

Actually, kakalinis lang nito ni nay lusing nung nakaraang lingo, inutos kong linisan niya kahit hindi na nauukapahan kasi baka pagtirhan ng masamang spiritu, mahirap na at multuhin ako, kaya dapat nililinis.

"Isang maleta lang ang dala mo?" napatanong ako dahil napansin ko ang maleta niya ng ipatong sa kama.

"I have one more maleta at my car. Kukunin ko nalang mamaya." Hindi siya nakatingin ng sabihin iyon. Nakita ko rin sa mukha niya kahit nakatagilid siya, halatang problemado siya.

Napapairap nalang ako.

"Don't worry papalagyan ko ng cover at mga unan yang kamang paghihigaan mo..." sagot ko agad dahil iyon ang hinala ko na pinobroblema niya.

Tinignan niya ako nagtataka sa bigla kong sinabi. Napaharap siya ngayon sa direksyon ko.

"I didn't tell you that I'm worried about this..." turo niya sa kama.

"Diffensive? Sinabi ko lang din para alam mo..." sagot ko naman sa kanya, napangisi pa ako mukha kasing nainis din siya sakin, at least kwits na kami.

"What?!" singhal niya sakin, napansin niya siguro na iniinis ko siya. Nagkibit balikat lang ako, playing innocently in front of him.

-----------

Kinabukasan masama na ang gising ko dahil kay Samuel. Hindi pa man tumitilaok ang manok kanina, maingay na niyang kinatok ang pinto ko.

Sabi nga diba 'magbiro kalang sa lasing huwag lang sa bagong gising', e hindi pa nga ako gising nun, ginigising niya palang ako kaya ganun nalang ang inis na nararamdaman ko sa kanya.

Nakailang katok siya sa pinto at hindi niya talaga tinantanan. Kulang nalang sirain niya ang pinto para makapasok.

And now we're here at my friend's café shop na 24 hours bukas. He doesn't want me to make coffee for him at baka daw lasunin ko siya dahil galit ako sa kanya. Totoo naman kasing lalasunin ko siya dahil ginising niya ako ng napakaaga para lang sa kape. Imagine?! Sobrang arte niya at mapili pa! Ipalaklak ko kaya ang isang basong kape na binili niya ngayon.

"Stop glaring at me..." he said while sipping his coffee.

"Alam mo kung nakakamatay lang ang irap ko, patay kana sana." I can't stop myself from irritation.

"I know! I know that, that's why I apologize for bothering you." Casual niyang sabi, parang hindi rin totoo kung magbitaw ng salita.

Hindi nalang ako nagsalita dahil baka ano pa ang masabi ko. Alam ko naming labas kabilang tenga niyang papakinggan ang mga talak ko.

"You know why I like coffee?" napatingin ako sa kanya. He's looking down on the cup he's holding when he said that.

I didn't ask him if he likes coffee or not. It takes me ten-second staring at him with eyebrows furrowed. What's with him this time? Why asking me if he likes coffee?

"Because I have sleep deprivation since I was 19. At my young age, I've been faced with that problem." He paused.

"Sleep Deprivation." Bulalas ko, curious akong tumitig sa kanyang mukha maging sa pangangatawan niya. "Hindi ka naman mukhang may sakit a..." I held his chin that surprised him at hindi niya inaasahan yun. I saw how his face turn red but I didn't mind. "Pinagloloko mo ba ako?" marahas kong binitawan ang baba niya na ikina galit niya, napahawak din siya dun at minasahe.

"Sakit nun ha!"

"Masakit ba?" nakuha ko pang inisin siya, he just glare at me and I make face.

"Pero teka nga! Ang alam ko kapag nakakaranas ang isang tao ng sleep deprivation bawal sa kanya ang kape. E, baliw ka rin pala e." dagdag ko. "Alam mo nangang hindi ka makatulog umiinom kapa ng kape? Dinadagdagan mo lang ang sakit mo... hindi ka talaga nag-iisip!"

"I know that! But I can't control myself from liking coffee even though I have sleep deprivation! Kahit alam kong bawal dahil nakakaapekto sa kalusugan ko 'to hindi ko mapigilan." Naawa naman ako sa kanya ng bumalatay sa kanyang mukha ang hirap sa pagtulog. "Coffee is my comfort zone and I felt at peace... this is my medicine though it's not really a medicine." mapakla siyang tumawa "But every time na hindi ako makatulog dahil sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko, ito lang ang solution ko drinking coffee..." halos pa bulong na niyang sabi sabay tingin sa labas ng shop.

"Nagpacheck kana ba?" I was worried as a friend? I don't know.

"No. I just research it through the internet. I don't have time because I have lots of things to do. I'm a busy person so I don't do check-ups." Baliwalang sagot niya sa tanong ko at patuloy din ang higop niya ng kape.

Napabuntong hininga ako. May makukulit talagang tao na kahit alam nilang bawal sige parin ng sige.

"Alam mo..." pagbitin ko sa sasabihin. Nakita ko naman na tumaas ang isang kilay niya. Hinihintay ang kasunod kong sasabihin. "Hindi mo dapat pinapabayaan ang kalusugan mo e. Coffee is not the solution!" medyo napataas ang boses ko na ikinabaling ng ibang customer.

Tumikhim ako..."Aanhin mo ang yaman na meron ka, aanhin mo ang kasipagan sa pagpaparami ng pera kung mismo sarili mo hindi mo maalagaan tapos aasa kalang sa kape at hindi mo pa mabigyan ng atensyon ang sarili mo? Useless yan! Hihintayin mo pa bang dalhin ka sa hospital at e confine para matauhan? Hihintayin mo pang mag-aagaw buhay ka ganun?" gusto kong ipaintindi sa kanya yun.

"I've been there too, katulad mo naranasan ko narin ang naranasan mo ngayon. Hindi ako makatulog dahil may pinagdadaanan ako but then I realize that this is not good for me nor for my health. Kaya pinilit ko matulog, I followed certain preventive measures as the doctor told me. You know Samuel... give yourself a little bit of attention and care because if you wouldn't do that? You will face death. Take rest too..." I sincerely said 'coz I pity him like myself before.

Napaayos ako nang upo.

"..." wala akong nakuhang sagot mula sa kanya, nanaliti siyang tahimik na nakatingin sakin. I don't know if my pumasok ba sa kokote niya o wala. Hindi ko alam kong pinakikinggan ba nya ang sinabi ko kanina?

I even shared my experience before, like Samuel. I experience sleep loss because of that breakup. I can't sleep because I'm emotionally broken. I have lots of questions to myself at that time and that caused me to sleep-deprived, it affects my health. I become moody and easy to lose my temper. I also experience a lack of focus, concentration, and attention. Nangayayat ako at nagkaroon ng dark circles under my eyes.

Ang laking sayang ng mga panahong iyon kung aalalahanin ko. Ang laking tanga ko rin dahil pinabayaan ko ang sarili ko. Mas inuna ko pa ang sariling emotion. Now that I learned my lesson from my past, ipinangako ko sa sarili ko na hindi na kailanman mauulit ang naranasan ko noon.

Value yourself before others, if you know how to value yourself makakaya mo ring pahalagahan ang iba.

Love yourself first before others, dahil saktan ka man nila at iwan ka, kaya mo paring mabuhay dahil mahal mo ang sarili mo. No one can value and love you the way you do.

Kaya mamahalin ko muna ang sarili ko higit pa kanino dahil kapag hindi ko natutunan iyon baka lugmok na ako.

-----------

After that talk with Samuel umuwi din kami, I don't know if he takes my word seriously kasi ganun parin naman ang mukha niya nang makauwi kami, parang binuhusan ng sangkatutak na problema. Nagulat pa nga si Nanay Lusing dahil pagbuksan kami ng gate, bakas sa kanyang mukha ang hindi mapantayang saya at mapang-usyosong tingin. Hindi nalang namin pinansin at pumasok sa bahay.

A week later naging maayos ang pakikitungo namin sa isa't isa. He takes my advice to take rest, do check-ups as I did before at syempre sinamahan ko naman siya para hindi mahiya kahit alam kong wala namang bakas ng kahihiyan sa mukha niya.

We both did exercise every morning para bumalik ang sigla ng katawan niya, napansin ko kasing medyo nangayayat siya. Nakakatawang isipin na ako ang naging coach sa pag-eexercise niya, pati tuloy ako nakapag exercise din.

I've become his alarm clock every night and day too. Taga remind kapag lumalampas sa oras ang tulog, ganun. Kapag naiinis siya dahil I keep on reminding him to sleep kahit hindi pa siya talaga makatulog sinasabunutan ko siya. Yes, I've become savage towards him and hit his head kapag pasaway, para nga siyang bata e! I didn't know na makikita ko ang ganoong side ni Samuel, he's kinda funny and comfortable kasama. Wala akong nararamdamang ilang o something na maa-attached ako sa kanya. He also feels the same towards me kaya naging magkaibigan kami, kung yun yung tamang term dun.

We talk about life and other things. We share the same problems, alam nyo yun! Yung normal na nag-uusap, walang hiyaan kasi wala namang feelings na involved e! Napaka casual naming sa isa't isa, I feel like I have a kuya. Samuel is kinda like that, I thought he is someone who doesn't know how to be polite with others. Noong unang encounter kasi naming medyo hindi maganda kaya ang pangit ng first impression ko sa kanya. May kasabihan nga diba? Don't judge the book by its cover. At iyon ang maling ginawa ko... Kung aalalahanin ko yung uang pagkikita namin, sobrang judgemental ko talaga sa kanya, nasabihan ko pa ng kung anu-ano. Mabuti nalang din at nagkita kami ulit at medyo nakilala siya ng lubusan. He's so sweet though sometimes nakakainis siya dahil sinasabayan ang trip ni Dada. Not that sweet for his special someone okay? But sweet like a brother, maging kay Begail napakasweet niya.

He knows my break-up with Simon, nag-open up ako about doon because he keeps on asking me about my past. Hindi ko naman din inililihim o ideni-deny yun dahil noong time na hindi pa kami ganun ka close na dalawa at nagkikita lang kami as a stranger, dahil nga siya ang CEO ng company niya at writer naman ako dati sa ka sosyo niyang kompaniya. Alam niya na may boyfriend ako noon, Samuel witness how shocked I am that time because of Simon who's outside that bar and saw us hugging each other kahit hindi talaga iyon kayap, that was an accident at hindi naman iyon sadya...

"Do you still have feelings for him Ran?" I look at me him with eyebrows furrowed. His question made me stopped from walking and he does the same. Nakapamulsa ang dalawa niyang kamay sa kanyang pantalon.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam e... Siguro..." I made a deep sigh. "Matagal narin kasi kaya hindi ako sigurado sa nararamdaman ko ngayon para sa kanya..." namamawis ang kamay ko at walang kasiguraduhang sagot.

"I think you still have feelings for him..." he thinks that way? Hindi ako mapakali dahil doon.

"You think Samuel? Panu mo naman nasabi yun?"

"Eyes can't deny..." simple niyang saad.

Mapakla akong tumawa sa simpleng sagot niya sa tanong ko. Talaga bang hindi nakakapag sinungaling ang mata? Pwede ko na bang bulagin ang mata ko para hindi na masabihang hindi makapag sinungaling?

"Cat got your tongue, no? Your eyes can't deny the fact that you still have feelings for him and also your heart..." he pointed his finger at me. Hindi ko naman maiwasang tapikin ang daliring naka turo sa akin.

"Hindi naman!" I pouted.

"Sige deny pa! Kakainin at kakainin mo rin yan." He said with finality in his voice. Nawala naman ang kislap sa mata ko at masama ko siyang tinignan.

Balak ko na sanang abutin ang buhok niya para sabunutan ng mabilis siyang lumayo at nakailag. I use to be like this when I don't like how he pissed me. Alam na alam niya na talagang sasabunutan ko siya pagakatapos. Kakainis!

"Ayan ka na naman sa gawain mo ha!" nanlalaki pa ang mata ng isigaw yun. "Namumuro kanang babae ka!" nainis narin siya, instead na mainis ako natawa nalang din ako dahil sa pagsigaw niya.

"Tatawa tawa ka diyan, kapag talaga si ano makita mo dito. Humanda ka tatawanan kita!"

"Bla,bla,bla...wala akong naririnig!" kanta ko habang nakatakip ang dalawang kamay sa magkabilaang tenga.

"Sige! Keep on not hearing me! Magbingibingihan kalang makikita mo... tatawanan talaga kita..." patuloy niyang sigaw sa tenga ko habang naglalakad kaming dalawa sa dalampasigan...

Hinihintay kasi naming lumubog ang araw kaya kami narito. Gamit ang sasakyan niya papunta rito dahil medyo malayo 'to. Ako ang pumilit sa kanyang pumunta ditto at panuorin ang paglubog ng araw.

"bla,bla,bla.... Wala akong naririnig! Pangit!" patuloy kong kanta habang siya pinipilit na tanggalin ang kamay ko sa tenga, tawa ako ng tawa habang siya naman parang tangang sigaw ng sigaw sa likod ko at pilit na tinatanggal ang kamay ko.

Kaya nakakaagaw kami ng pansin sa mga taong naglalakaad din. Dahil 'tong kasama ko ay hindi marunong makiramdam tuloy parin siya sa kakasigaw. Tinablan naman ako ng hiya, bigla naalang akong tumakbo habang takip ang mukha gamit ang dalawang kamay.

Ayoko talagang pinagtitinginan e! Baka isipin pa ng mga taong nakatingin sa'min magnobyo at magnobya kami. Naku! Masasabunutan ko talaga si Samuel-

"Aray!" natumba ako at muntikan ng masubsob sa buhanginan. Napahawak ako sa mata mo. "Ang sakit!" naluluha akong dumudilat pero hindi ko maidilat ng maayos dahil napasukan ng kaonting buhangin ang mata ko.

Feeling ko pulang-pula na ang mata ko sa sobrang sakit. Grabe talaga! Buhangin pa naman iyon na may kasamang tubig dagat! Sobra naman kasi ang pagkabunggo ko sa kung sino, ang laks ng impact nun!

"Are you okay Miss-"

"Sh*t what happens to you?" suddenly Samuel hugged me so I stopped turning my head to look for the man whom I bumped.

Why do I always bump into other people? Lagi nalang talaga at kapag ganun mala sang inaabot ko!

Hindi ko tuloy malingod ang lalaking nakabunggo ko. Nakaharang kasi si Samuel at ang mukha niya ang medyo nakikita ko, blur pa rin ang image sa paningin ko dahil naluluha ang mata ko.

"Samuel masakit sobra..." halos maibulong ko na.

"Okay relax! Huwag kang gumalaw at hihipan ko ang mata mo..." sinunod ko naman ang ginawa niya, hindi nga ako gumalaw hinitay na hipan ang mata ko.

"Is she okay-"

"Oo pare. Pwede kanang umalis." That was rude to cut the guy who just asking politely. Kumunot ang noo ko sa narinig mula kay Samuel, para siyang naiinis na nababadtrip sa lalaking nakabungguan ko. Another thing the man's voice is so familiar with me...

"Samuel-"

"I said stay still..." he coldly said na ikinatahimik ko. "You can go now pare. Don't worry hindi naman ganun kalala ang puwing niya."

"Samuel-"

"I said stay still babe and don't open your eyes yet..." nakapikit man ako nakuha ko paring ikunot ang noo dahil sa walang kwentang saad niya. Ano na naming pakulo ang ginagawa nito at kabaliwang sinasabi. Kapag talaga nakadilat ako sasabunutan ko siya hanggang sa mawalan siya ng buhok.

"I'm really sorry-"

"Yeah! Whatever! Just go pare!" now he can't hide his anger, I held his shirt so that he will realize that it was rude to be like that towards the guy. "I'm sorry..." after he said those two words, he hugged me without thinking, I was so shocked afterward.

Pilit naman akong kumakawala pero binaon niya ako sa bisig niya. Ano bang pakulo ang naisip niya sa oras na 'to? Bigla-bigla nalang niya akong pagsasabihan ng 'babe' at yayakapin.

Kusa rin akong sumuko dahil mas malakas siya kesa saakin, syempre dahil lalaki siya, sobrang higpit pa. Mahigit limang minute ata akong niyayakap ni Samuel hanggang sa lumuwag ang pagkakayakap niya.

Nakakuha naman ako ng lakas at bahagya siyang tinulak. Nakapikit parin ako, medyo masakit pa ang mata pero nakukuha ko nang dumilat ng kaonti.

"Problema mo?!" masama ko siyang tiningnang kahit papikit-pikit dahil sa sakit.

"Sorry..." para siyang guilty ayon sa emosyong bumabalatay sa mukha niya.

"Anong sorry ka diyan?! Baliw kaba? Masakit na nga ang mata ko niyakap mo pa ako ng mahigpit! Tinutopak kaba ngayon?"

"Sorry nga diba? Halika nga dito tignan ko kung dumugo mata mo-"

"Gag*!-"

"Don't curse me! Ginawa ko lang yun para hindi ka masaktan..."

"Ano?!" nalilito akong tumutig sa kanya.

"You didn't know who you bumped ha? Such a careless lonely brat you are...mabuti nalang at hindi kayo nagkatinginang dalawa..." he murmured.

"Ano bang pinagbubulong mo Samuel?! Para kang tanga diyan! Bahala ka nga sa buhay mo!" nainis ako kaya dali-dali akong tumayo sa buhanginan kahit na naluluha parin ang mata ko sa pagkapuwing.

"I did that for your own sake!" sigaw niya at yun ang huling narinig ko dahil malayo na ang nararating ng paako kakalakad...