Eyah POV
Bagong buhay ang aking hinahangad. Na makamit ang katahimikan.
Iba ang inaasahan ko sa paaralang papasukan ko. Akala ko ay iba ito sa lugar na pinanggalingan ko pero mukhang malala pa ito sa inaasahan ko.
Maraming mga barumbado ang paaralang pinanggalingan ko, akala ko ay wala ng makahihigit sa paaralan na yon pero mukhang nagkamali ako dahil simula pa lang mukhang sasabak na ako sa bakbakan.
Lahat ng mga studyante dito ay puro mayayaman kaya walang gustong magpalamang. Suot ko ang maong kung pants, naka t-shirt na katamtaman ng ang sukat hindi malaki at hindi rin maliit at naka rubber shoes na itim.
At dahil halos lahat ng babae na nag-aaral dito ay parang mga modelo at magaganda kaya agaw pansin ang aking itsura. Nasa akin ang lahat ng mata maliban sa isa na naka upo lang sa dulo na parang walang pakialam sa mundo.
Dumeritso lang ako sa tabi ng upuan nito, marami man ang bakanteng upuan pero mas gusto ko sa dulo para walang makapansin sa akin. At mukha na mang walang paki alam ang taong matabi ko kaya wala akong magiging problema. At dahil masyado pang maaga hindi pa complete. Kinuha ko ang notebook ko para ma prepare ang gagamitin ko bago dumating ang lecture.
Hindi pa man nag iinit ang puwet sa kakaupo, heto at may mga taong sadyang di maintindihan kung anong problema, para pag initan ka ng husto. May mga grupo ng babaeng papalapit sa akin at dahil ayaw ko ng may masimulan yumuko na lang ako.
"sino ka?" sabay tapik sa aking ulo, hindi man masyadong malakas pero talagang nakaka insulto.
"kilala mo ba yang tinabihan mo?" inis nitong tanong na hindi maka paniwala kung bakit ako tumabi sa lalaking nasa tabi ko.
Umiling na lang ako dahil wala naman akong kakilala kahit isa dito. Imbes na mag angat ako ng ulo mas pinili ko na lang yumuko. At ingat na ingat na hindi magtagpo ang mga titig namin.
"ang lakas din naman ng loob mo para tabihan si Nathan, wala pang kahit sinong nag lakas loob na tumabi sa kanya maliban sayo" patuloy nitong sabi at nakikita ko ang labis na pagttimpi.
Sinuyod nya ang aking kabuohan mula ulo hanggang paa pabalik sa ulo ngunit wala syang narinig na sagot mula sa akin at hindi ko na sila pinansin.
"at sino ka sa inaakala mo? Marami ka pang bigas na kakainin para umpisahang kilalanin ang mga tao dito" malditang sabi nito sa akin.
Nag init ang bigla ang tenga ko sa sinabi ng babeng kaharap ko na mukhang leader ng grupo, pero kailangan kung pigilan ang sarili ko para maka iwas sa gulo, kaya wala pa rin itong makuhang sagot sakin.
"pepi ka ba o bingi? Kanina pa ako tanong ng tanong dito pero hindi ka man lang nag abalang sagutin ako, kung ayaw mo ng gulo lumipat ka ng upuan ngayon din!!" pag uutos nito sa akin na para ba itong amo.
"pasensya na" yun lang ang tangi kung nasabi at nanatili pa rin ako kung saan ako naka pwesto, tinitigan ako nitong mabuti at nagtaas ito ng isang kilay sa mataray na paraan.
Patalikod na sana sila ng mapansing hindi pa rin ako lumipat ng ibang pwesto kaya bumalik sa aking ang kanilang paninin at hinarap nila ako na may galit.
"ang kapal din naman ng mukha mo! Sino ka ba? Sino bang pinag mamalaki? O sadyang ginagalit mo lang talaga ako!!"
"bakit ikaw ang galit? Ikaw ba ang tinabihan ko?" pang iinis kung sabi dito.
"walang hiya ka! At sino ka sa inaakala mo?
" hindi mo gugustuhing makilala ako"
Nag aapoy man sa galit itong kaharap ko na para bang kahit anong oras pwede akong saktan nito pero wala itong magawa ng dumating ang lecturer namin.
Habang sa gilid ng aking paningin nakita ko ang lalaking walang pakialam sa mudo na pa simpleng tinitingnan ako,.
Napa isip tuloy ako bigla *ano kaya ang meron sa lalaking katabi ko at walang sino man ang naglakas loob na tabihan ito, hindi kaya girlfriend nya ang babaeng yun, tsk selosa *
Sa isip ko habang sekretong pinag aaralan ang kabuohan ng katabi ko masasabi kong cool din ito, ang lakas ng dating at bad boy type, hindi rin maitatangi ang aking hitsura nito ang tangos nang kanyang ilong, makinis ang balat, nakaka akit na labi, makapal na kilay at sa madaling salita napa ka gwapo nito medyo bad boy type man pero napaka linis nyang tingnan kahit may angas.
Ang lakas makahatak ng tinggin yung tipong hindi mo sadyang tinggnan pero maagaw ulit ang pansin mo dahil sa kagandahan lalaki nito.
Masyadong tahimik pero mukhang matalino. Pero sa bawat magagandang katangian sa pan labas na anyo mukhang meron din itong kakaibang ugali, unang tingin pa lang ay masasabi mong strikto ito at hindi palakibo. Lalo namang walang ganang kausap o mamansin.
Gaya ng inaasahan sa first day of school, ay puro introduce your self and knowing to each other lang. Hindi ko masyadong bini- bigyang ng pansin ang mga classmates ko dahil hindi ako intersado at wala akong pakialam.
Pero sadyang agaw pansin talaga itong nasa tabi ko dahil sa pag papakilala pa lang astig na, wala naman siyang sinabi bukod sa pangalan nya pero bakit parang ang astig pakinggan.
Ano ba naman to kailan pa ako nagkaroon ng interes sa iba. Tsk tsk tsk dapat layuan ko ang mga taong mag lalapit sa akin ng gulo. Dahil hindi ko pa nga to kilala kanina, marami ng babaeng matalim kung makatingin sa akin. Parang ilang ulit nila akong sinasaksak sa isip nila yung inuunti para magdusa. Siguro kung nakaka matay ang matalim na tingin, kanina pa ako namatay.
Nakinig lang ako sa mga sinasabi ng mga ka klase ko dahil panay lang naman pakilala ang lahat at salamat sa dios dahil dumating na ang pinaka hihintay ko ang breaktime para maka pag recess na. Mabilis akong gutumin at matakaw sa pag kain kahit hindi na man talaga halata sa aking katawan.
Wala pa naman akong kakilala dito kaya heto nag iisa ako pa puntang canteen. Namili lang ako ng pwedeng ma snack at naghanap ng pwesto kung saan may bakanteng upuan.
Nang maka hanap ako dumiretso na akong umupo pero sa di malamang dahilan bakit kaya lahat tinitinggnan ako na para bang may malaking kasalanan ako sa mundo? Maka tingin naman tong lahat para naman akong wanted na nakatakas galing kulungan.
Wala akong pinansin kahit isa, dahil hindi ako mamatay sa tingin nila pero mamamatay talaga ako sa gutom kung hindi ko pa to kakainin.
Pinag tuonan ko na lang ng pansin ang kinakain ko hindi pa man ako makalahati ay may lalaki ng naka tayo sa mismong harap ko, nang mag angat ako ng tingin walang ibang tumitingin sa akin kundi si Nathan. Napa tanong tuloy ako sa isip ko na himala kung bakit di ko malimutan ang pangalan nya ng mag pa kilala sya kanina. Hindi ako matandain sa mga pangalan dahi hindi ako interesado. Pareho kaming nag ka tinginan sa isat isa kaya napa isip ako bigla. Sa isip ko bakit kaya tinitinggnan nya ako habang kumakain, gusto ba nya tong snack ko? Baka na ubusan na sya kaya nag lalaway sya sa kinakain ko pero hindi nya lang siguro pinapahalata dahil bukod sa akin marami talagang nakatingin sa amin. Sabihin na nating lahat ng nandito sa canteen naka tinggin sa amin, ano bang problema ng mga taong to?
"gusto mo ba tong kinakain ko? Siguro naubusan ka nito kaya tinitinggnan mo ako ng ganyan dont worry share tayo apat na naman tong binili ko, kain ka, dali umupo ka" sabay turo sa upuan na nasa harap ko
Bakit kaya hindi man lang ito natinag ng kinausap ko ano ba talaga ang sadya nito at nakatayo lang ito sa harap ko habang naka titig sa mga mata ko pero walang makita na expression sa mga mata. Blangko lang at hindi mahulaan kung ano ang iniisip.
"sorry but i dont share my seat's with someone i dont know who"
"really this is your chair? do you have your name here?"
"i dont need to put my name on my chair because everyone knows that i seat only here" sabay hawak sa upuang nasa harap ko.
"ok im really sorry, i didn't know but just for now let me share your table please because i dont know where to find a new seat. By the way I'm Eyah" sabay lahad ng aking kamay ngunit hindi man lang ito nag atubiling makipag shake hands kaya nilagay ko na lang pabalik sa ilalim ng mesa ang kaliwa kung kamay.
Ano bang problema ng taong ito? Malaki ba ang kasalanan ko dito at ganito na lang kung makatingin para kang kakainin ng buhay. Mabuti pang hindi ko na lang ito pansinin dahil mukhang may tama yata ito sa utak lakas maka bad trip. Para upuan lang tsk ang damot. At binilisan ko na lang ang natitira kung snack para maka alis.
"im done, thanks a lot" 😊
"tsk"
"ang sungit mo naman, gwapo ka sana kaya lang masama ang ugali" 😔 at binilisan kung umalis dahil alam kung mainit ang dugo nito sa akin
Habang papunta ako sa locker para kunin abg iba kung gamit sa susunod na subject at iniwan ang ibang gamit na hindi ko ka kailanganin sa susunod na lessons.
Sinarado ko na agad ang locker ko ng may mapansin akong matang nakatitig sa akin hindi ko man tinggnan pero makalas ang pakiramadam ko kaya paalis na sana ako sa tinatayuan ko ng may mabunggo ako , napa atras ako ng dalawang hakbang dahil sa gulat ko hindi ako makakilos ng kinulong nya ako gamit ang dalawang braso.
"how dare you?"
"a-no bang prob-lema mo?" mabilis kung tanong dito na bigla ay kinabahan ako sa hindi malamang dahilan sa sobrang lapit nya sakin at kahit minsan wala pang nakalapit sa akin ng ganito.
"you" blangko lang ang kanyang mukha at hindi man lang mahulaan kung ano pa ang nararamdaman.
"bakit ako?"
"wala naman!! Sinabihan mo lang naman ako na masama ang ugali"
"ba-kit ka ga-lit?" Nauutal kung sabi
"alam mo bang naiinis ako sayo dahil ikaw pa lang ang naglakas loob na mag sabi ng ganyan sa mismong harap ko! Akala mo ba palalampasin ko ang lahat na sinabi mo?"
Sa hindi inaasahang galaw nanginig ang mga tuhod ko ng bigla nyang dinampi ang labi nya sa labi ko sabay hawak sa dalawang pinsgi ko na umabot sa aking buhok ang kanyang mga kamay na parang sinusuklay gamit ang kanyang mga daliri. Na shock ako 😲kung bakit nya ginawa yun.
Pagka tapos niya akong hinalikan iniwan lang niya ako bigla. Tinalikuran na parang wala lang nangyari. Sobrang lambot nang mga labi niya pero hindi ako dapat mag pa apekto. Buong araw akong hindi mapakali sa loob ng klase lalo nat nakikita ko sya palagi. Naiilang ako pag tinitingnan ko sya lalo nat mag katabi lang kami.
Minsan ay nahuhuli ko syang naka tingin sa akin pero nag papanggap lang akong walang paki alam.
Naiinis ako sa kanya kung bakit ginawa nya yun sa akin. Wala ka ming relasyon ni hindi nga kami mag kaibigan pero basta basta na lang nya akong hinalikan.
Naiinis man akong isipin pero bakit may paki ramdam ako na labag sa loob ko ang umangal. Nakaka hiya mang aminin pero ang halik na yun ay ang pinaka unang halik na naranasan ko pero na gustuhan ko.
Matapos ang klase ay wala pa rin ako sa sarili. Hindi kahit kailan mawaglit sa aking isipan ang nangyari kanina. Nang palabas na ang guro ay biglang pa ulit ulit na bumabalik sa aking utak ang pangyayari.
Kaya wala sa sarili kung napa sigaw sa inis at ginulo ang aking buhok. Tuloy nag mukha pa akong baliw. At sa pag sigaw ko ang lahat nang tao sa loob nang classroom ay napa tingin sa akin pati ang guro namin ay napa hinto sa pag hakbang.
"Miss. Delmon you are here at school your not supposed to shout like your a saleswoman in the market. Ka babaeng tao, sumisigaw" pinag sabihan ako nang aming lecturer at pa iling iling pa ang kanyang ulo na nag papahiwatig ng kanyang disappointment.
Nakaka hiya parang nawala ako sa aking sarili. Ito ang unang beses na hindi ko ma control ang aking sarili. Kaya mabilis kung nilingon ang kina uupuan ni Nathan at tiningnan ko sya nang sobrang sama. Dahil kasalanan nya to kung hindi nya ginawa ang bagay na yun ay hindi ako hahantong sa ganito.
Ngunit ano pa ba ang aasahan ko wala akong magagawa dahil parang wala na man itong paki alam na parang wala lang nangyari.
Ngunit kahit alam kung wala akong mapapala sa taong masyadong seryuso sa tabi ko ay hindi ko pa rin mawala sa kanya ang paningin ko.
"done checking me?" mayabang nitong sabi.
"ang kapal nang mukha mo sino ka sa ina akala mo. Artista ka ba?" inis kung sabi nito na nanlilisik ang mata kung naka tingin sa kanya.
"gwapo lang pero hindi artista." nakangiti nitong sagot sa akin na parang nanadya pa akong asarin.
"kapal talaga! Im staring, not checking on you. Mag kaiba yun"
"ok, if that's what you mean!" at bigla na akong iniwan tanda ng kanyang pag suko.
Ang pag balewala nya sa nararamdaman ko ay mas lalong nag pagigil sa nararamdaman kung inis sa kanya. Pag ka tapos nang ginawa nya iiwan lang nya ako sa ire na parang walang nangyari. At hindi man lang ako kinausap sa nangyari.
Dapat siyang mag sorry sa akin dahil mali ang maghalik sa babae na padalos dalos lang at nang hahalik na hindi nya ka relasyon.
"baka manyak! Shit nakakainis" wala sa sarili kung napa sigaw ulit mabuti na lang at wala na ang guro dahil kung nag kataon ay baka ma sabunan pa ako.
Bago ako uuwi na pag isipan kung dumaan sa library. Bago pa lang ako kaya hindi ko kabisado ang lugar. Pa paling paling ako nang tingin ngunit hindi ko mahanap ang library. Nang may narinig akong nag uusap sa dulo ng pasilyo ay nag tangka akong lumapit para maka pag tanong.
Nang maka lapit ako ay puro pala ito mga lalaki at tanging mga likod lang nila ang nakikita ko. Nasa lima yata ang bilang ko.
"excuse me, mag tatanong sana ako kung saan banda ang library?"lahat ay napa tingin sa gawi ko ngunit laking gulat ko nang makita ko si Nathan na sinasakal ang ka harap nito.
Nag iisa lang ito habang sya ay may mga kasama. Ngunit tanging siya lang ang may ginagawa sa lalaki at ang iba ay naka tingin lang sa kanya.
"oy, anong ginagawa mo?" bigla kung nabitawan ang dala kung notebook. At lumapit sa kanya at pinilit na inalis ang kamay sa lalaking sinakal nya.
"baka mapatay mo siya Nathan" dahil sa higpit nang pag kaka sakal ay namumutla na ito at lumalabas na ang ugat sa leeg at sa ulo. " bitawan mo na siya" patuloy kung sabi pero hindi pa rin ito nakikinig. Kaya na sampal ko sya.
Malakas ang pag ka sampal ko sa kanya na ikina gulat din nang mga kasama niya. Kaya na alarma ang mga kasamahan nya at akmang lalapitan ako pero sininyasan ni Nathan gamit ang kamay nya na wag akong idamay.
Diretso lang ang tingin nya sa lalaking sinakal nya kanina. At bago nag salita ay tinapunan ako nang tingin. Nag tiim bagang pa ito at kinuyom ang kanyang mga kamay sa galit.
"sa susunod na mahuli kitang nambubuso sa cr nang mga babae hindi na kita sasantuhin."
Sa gulat ay para akong binuhusan nang malamig na tubig at di maka galaw sa aking tinatayuan. At dahan dahan kung pinihit ang aking ulo para matingnan ang nerd na kinampihan ko. Nag ka mali ako sa aking kinampihan at siyang nag pa hiya sa ginawa kung pag sampal ni Nathan kanina. Bigla akong sumali sa away nila na hindi man lang ako nag tatanong sa totoong nangyari.
" at tandaan mo ang babaeng to dahil sa oras na malaman kung idinadamay mo sya sa mga kalukuhan mo! Simulan mo nang tawagin ang lahat nang santo na kakilala mo!" matalim ang kanyang tingin sa lalaking katabi ko at biglang hinablot ang pulsuhan ko at hinila habang nag lalakad. Dahil hindi ko pa ma proseso ang aking na saksihan kanina ay nag pa ubaya lang ako sa kanyang pag hila.
Wala sa sarili ko kung saan kami pupunta o saan ba nya ako dadalhin. Huli na nang mapag tanto ko na nasa harap na kami nang library.
Sinamahan nya akong pumasok at umupo habang ako ay parang wala sa sariling hinahanap ang librong kailangan ko. Sa laki nang library dito ay hindi ko maiwasang humanga. Ngunit dahil sa pangyayari kanina ay hindi ko lubos na mahangaan ang dami at ang ganda nang library.
Nang sinilip ko siya ay hindi pa rin ito umaalis. Kahit iniwan na ng mga kasama ay nanatili pa rin siyang naka upo at nag hihintay sa akin.
At sa tuwing nararamdaman ko ang presensiya niya ay hindi ako mapakali. Kay nila pitan ko ito.
"umuwi ka na hindi mo na ako dapat hintayin." walang gana kung sabi na kahit ang totoo ay may kakaiba sa aking pakiramdam.
Tinitigan niya lang ako at hindi man lang sumagot. Kaya ako na lang din ang sumuko dahil mas lalo pa akong nailang nang palalim ng palalim ang kanyang titig.
Bumalik ako sa pag hahanap nang libro. At dahil sa tensyon ay natagalan ako sa pag hahanap. Nang makita ko siya ay pumunta ako sa librarian para ma hiram ang libro. Binalikan ko sya pag katapos ngunit wala na sya sa pwesto niya kanina.
Ina amin kung na dismaya ako kung kanina ay pina alis ko ito. Ngayong umalis na ito nang walang paalam ay nalungkot naman ako. Nag pakawala ako nang malalim na buntong hininga. At saka ko tinungo ang pintuan sa labas.
Dire- diretso lang ang aking pag lalakad palabas nang biglang may humila sa akin sa gilid nang pinto. Bahagya niyang inangat ang kamay ko at hinawakan bigla. Magka hawak kamay kaming umalis sa library at nag tataka kung bakit nya ginagawa ang bagay na to.
To be continued