Chereads / The Gangster Lover's / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

Nathan POV

Napuyat ako ka gabi sa kaiisip kung ano na ba kami ni Eyah? Kung seryuso ba sya sa sinabi nya kay Nina, marami akong gustong itanong ka gabi pero alam kung bad trip sya kaya hindi ko nalang kinulit.

Nang maalala ko ang ganap ka gabi. Marami paring mga katanungan ang bumubuo sa aking isipan kung paano nya na gagawa yun? Kung paano niyang iwasan ang ataki ni Nina? Kung paano nya nagagawang kumilos na parang hangin sa bilis? Kung paano sya natutong maki pag laban?

Masyado syang misteryosa, pero natatabunan ang mga katanungan ko dahil sa saya na dulot ng sinabi nya ng sabihing girlfriend ko sya parang hinaplos ang buong sistema ko. Tumitibok ng malakas ang dibdib ko at naririnig ko na ito sa sobrang lakas.

Sinadya ko talagang agahan ang pag pasok ko dahil plano kung hintayin sya sa parking lot dahil hindi na ako maka paghintay masyado akong na e-excite tinawagan ko sya at sinabing hinihintay ko sya sa parking lot.

Nakinig lang ako ng music at pasandal na umupo sa upuan para maka idlip pero kahit anong pilit ko hindi talaga. Ipikit ko man ang aking mata pero naglalakbay pa rin ang aking diwa.

Hindi ako mapakali hanggat hindi ko ma kumpirma sa kanya ang katayuan sa relasyon naming dalawa. Naiinip man pero isana sa walang bahala ko na lang.

Nang dumating sya kinabahan ako agad, hindi ko ma pangalanan ang kaba ko sa kanya habang sya parang wala man lang reaksyon at blangko ang mukha

Hinintay nya akong mag salita, tumitig sya na syang hudyat para mag bukas ng usapan? Nagtataka nya akong tiningnan kaya hindi na ako nag palihoy-ligoy pa.

"yung ka gabi? Yung sinabi mo, tayo na ba?" lakas loob kung tanong

"narinig mo naman diba?"

"you mean tayo na?" tanong ko ulit sa kanya

"bakit ayaw mo ba?"

"hindi, i mean gustong-gusto"

Yinakap ko sya sa saya, hindi mapaliwanag pero sobrang saya. Wala akong ma ilarawang salita o ma ipangalan sa kumpirmasyung natanggap. Eto na yata ang pinaka masayang araw sa buong buhay ko.

"thanks love, hindi mo pag sisishan ang naging disesyun mo. Mahal na mahal kita" masaya kung sabi sa kanya. Hinawakan ko agad ang kamay nya at hinalikan ng paulit ulit. At nag lakad papasok sa campus habang hawak ang kamay namin sa isat isa.

Maraming nag taka nasa kamay lang namin ang paningin nila. Masaya ako na naging official din kami. Ilang buwan ko din syang binakuran ng pa sekreto para hindi sya ma pormahan ng iba.

Halos hindi ko na sya inaalis sa paningin ko para masiguradong walang makakalapit sa kanya. Kahit nga masama ang pakiramdam ko pumapasok parin ako para mabantayan lang sya.

Gaya ng dati maingay parin ang loob ng classroom kanya- kanya ng trip. Magkahawak kami ng kamay habang pumapasok.

Hinanap agad ng mata ko si Shanon para ipag malaki ang aking nobya na gustong gusto din nya. Para matauhan na at tumigil na sa ka hahabol nito. Sya lang ang pakay kung biglain pero lahat yata biglang-bigla sa nakita, naka nganga pa nga ang iba hindi makapaniwala.

Inalalayan ko syang umupo at agad ding tumabi sa kanya. Kinuha ko ang isang kamay nya at pinag siklop.

"love, masaya ka ba?"tanong ko dito

""syempre" tango tango pa nito

"love bakit pa rang diko maramdaman?" naka nguso kung sabi

"love, mahal kita" lumaki bigla ang mata ko sa sinabi nyaayaw ko man aminin pero kinikilig talaga ako sa mga banat nya.

"ulitin mo nga love"

"ang ano? Yung love? Love, love, love mahal na mahal kita kahit anong mangyari solid tayo"

Para akong dinuduyan sa mga sinasabi nya ang sarap sa pakiramdam. Imbes na dapat ako ang magpa kilig sa kanya ako tong kilig na kilig sa sinasabi nya.

"love sama ka sa akin mamaya"

"saan"

"sa bahay ipa kikilala kita kay mommy at daddy"

"love saka na lang kaya, hindi pa ako handa nahihiya ako"

"love magugustuhan ka nila, promise" sabay halik sa kamay nya

"salamat hindi ko alam kung ano ba ang nagawa kung kabutihan sa nakaraan buhay ko para pag palain mg isang tulad mo, napaka swerte ko sayo"

"mas ma swerte ako sayo"

"alam kung mabait ka, at mapag mahal, nararamdaman ko. At higit sa lahat bonus na lang ang pagiging gwapo, marami kayang nagkaka gusto sayo. Sismulan ko na bang maghanda sa sangkatutak na paghihiganti ng mga admirers mo?" patawa nitong sabi

"love, hindi ko hahayaang saktan ka nila" at niyakap ko sya sa isang braso ko at ipinasandal sa dibdib ko.

"huwag kang mag alala, love lalaban ako para sayo"

"love umiwas ka na lang sa gulo dahil ayaw kung mapahamak ka ako na lang ang bahala sayo"

"paano kung wala ka"? "

" hindi mangyayari yan, sisiguraduhin ko sayong sa lahat ng oras nasa likod mo ako"

Isang buwan na ang nakalipas sobrang saya parin sa pakiramdam ng inaalagaan at may inaalagaan. Hindi man sya masyadong showy pero ramdam ko kahit sa mga titig nya kung gaano nya ako ka mahal.

Nandito na kami ngayon sa gym para sa sport fest na magaganap. Five minutes na lang mag sisimula na kami sa laban. Bigla akong kinabahan dahil nagpa alam lang syang pumuta sa Cr pero hindi pa rin sya nakabalik sampong minuto ng nakalipas.

"pre, saglit lang puntahan ko lang si eyah" paalam ko sa kasama ko dahil hindi ako mapakali.

"pre,huwag na mayaya-maya lang magsisimula na, dadating yun"

"sandali lang ako, bibilisan ko lang"

"pre tinatawag na tayo" gustong gusto kung magwala, nasabunot ko ang sariling buhok dahil sa inis.

Kinutuban akong may masamang nangyari, hiniling ko na sana mali ang kutob ko. Hindi ako maka pag focus dahil mas na dagdagan ang minuto ng pag tatagal nya sa CR. Wala ako sa hulog at nasasayang lang ang mga tira lalo na pag pinasa nila sa akin ang bola. Hindi ko na iniisip ang manalo basta ma tiyak kung ligtas sya.

Sa bandang taas ng gym may naririnig akong sumisigaw na may hawak na banner pero wala si eyah sa taas. Napa isip ako kung bakit nasa kanila ang banner. Sinadya ba nyang hindi sumipot.

Nag tawag ng break ang coach namin at nag paalam na huwag muna akong ipasok. Kahit di ako pinayagan nagpumilit pa rin ako. Hindi na ako makapag hintay na hanapin sya.

Na disappoint man sila sa inasal ko pero wala akong pakialam. Ang mahalaga sa akin kung ano ang nangyari sa kanya at bakit hindi sya pumunta.

Paalis na sana ako, nang may narinig akong nag salita. Ang boses na yun kilalang- kilala ko kahit hindi ko man sya tingnan kabisado ko na ang boses nya.

"nahuli na ba ako ng dating?" nawala lahat ang inis ko, kaba at pag-aalala, tiningala nya ang score.

"tsk, tsk, tsk wala yata kayo sa kondisyun" ngisi nitong sabi

To be continue