Eyah POV
Maaga pa lang pero heto ako di mapakali dahil naghalo ang excite at ang kaba. Kinakabahan akong makita sya, sa tuwing nakakaharap ko sya may parang tambol sa aking dibdib.
At excited akong makita sya pero kapag nasa harap ko sya nakaka ramdam ako ng hiya, sadyang hindi ko lang pinapahalata dahil nakakabawas ng angas.
Minsan talaga maypag ka weird ako kung mag isip pero excited akong maranasan ang ligawan ni Nathan alam kung kailan lang kami nag ka kilala pero magaan na agad ang loob ko sa kanya kahit tahimik lang sya sa unang araw na nakatabi ko sya.
Pero ramdam ko ang koneksyon namin sa isa't isa. Nararamdaman kung magkakasundo kami sa maraming bagay.
Hindi naman unang beses may mag tangkang manligaw sa akin, pero ito ang unang beses na pumayag akong magpa ligaw.
Hindi ko rin lubos maisip kung bakit parang ang dali lang sa akin na payagan siyang pasukin ang aking buhay.
Bago pa ako makapasok sa loob ng classroom wala pang masyadong tao at sa aking upuan naka upo si Nathan, ang gwapo nya kahit naka uniform lang. Ibang iba talaga ang dating niya pagdating sa akin.
Maydala syang bulaklak na tatlong piraso ng rosas. Alam kung sa kin niya ibibigay kaya kahit kinilig man ako pero ay hindi ako nagpa halata. Talagang inumagahan nya dito para maka pag surpresa sa akin.
Ang lakas ng nararamdaman kung kabog na nagmumula sa aking puso. Kakaiba ang aking nararamdaman, hindi ko mapangalanan. Para akong kinakabahan ngunit hindi ko maipaliwanag ang saya.
Tuloy gusto kung tumalikod sa kanya, para mabitawan ang labis na saya na hindi ko naipakita sa kanya ang aking ngiti, baka makita niya kung gaano ako kinilig sa simpleng the moves niya
At dahil may naisip akong kalukuhan sa kabilang isip ko imbes na ako ang surpresahin nya gumawa ako ng paraan para matagalan ko ang sitwasyon namin dahil sobrang nakakailang. Para hindi ako mailang ang ginawa nya,na sobrang kilig ang nasa sistema ko
Niyakap ko sya bigla pagkatapos kunin ang tatlong rosas.
"flowers for me?" turo ko sa aking sarili, napatitig lang siya sa akin na parang natulala sa aking inasta. "sweet ka pa lang manligaw may pa flowers ka pa" astig kung sabi at hindi pinahalata ang kilig sa aking sistema. Ginawa ko ang lahat ng pag pipigil para hindi ako bumigay sa harap niya. Upang hindi mabawasan ang angas ko.
"ako nga na surprise mo kasi hindi ko aasahan na yayakapin mo ako" di makapaniwala niyang sabi.
"tsk maliit na bagay" kunwari ko na parang hindi apektado.
"malaking bagay na yun para sa akin" - nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya hindi ako makabawi kung anong dapat kung isagot sa kanya.
Tumawa ako ng hilaw, dahil hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Nakabawi lang ako, ng biglang narinig ko ang boses ng isang grupo ng mga babae, na kilalang ko na. Boses pa lang ay nahulaan ko ng sila, at tama nga ako sa aking hinala. Napailing ako dahil hindi nga ako nagkamali.
"umayos ka Nathan dahil palapit na ang grupo ni Nina dito."
"who cares? Basta huwag ka lang nila pag tripan wala naman problema " - galit na saad nito
"ano ka ba, huwag mo ng pansinin hindi naman oobra sakin yan kahit sila pa lahat ng ka grupo nya, away babae to kaya huwag kang makialam, kaya ko ang sarili ko" pinal kung sabi. Ayaw na ayaw kung nasasali siya sa away ko dahil alam ko namang kaya ko ang sarili ko kahit wala siya.
Dahil sa sinabi ko ay napatitig siya sa akin ng matagal. Bago siya bumaling ng tingin sa grupo ni Nina ay pinanliitan niya ako ng mata. Na para bang pinaparamdam niya sa akin kung gaano ako ka yabang.
"tsk hambog"
"look who's here? Very early huh! Ang babaeng probinsyana, nakaka awa ka naman pati style ng pananamit mo nakakadiri." malakas na sabi ni Nina na sinabayan pa ng tawa. Yung tawang nakakainis dahil alam mong ang liit ng tingin nila sa sarili ko.
Ngumiwi ako sa kanila, at dumiretsong naka tingin sa kanyang mata. Hindi ako nagpahalata na naiinis ako sa kanila. Sa halip mas gusto ko silang inisin pa.
Tiningnan ko ang sarili ko, at binigyan sila ng nakakalokong ngiti, bago nag salita.
" tsk anong nakakadiri eh ang cool nito kumpara naman sa mga suot ninyo"-sabay tingin sa kabuohan nila.
Nanlaki ang mata nila sa galit, at akmang susugod sa akin. Pero tumikhim si Nathan kaya na alarma silang hindi ako lapitan.
"ang kapal ng mukha mo, sino ka sa inaakala mo? - nanlilisik man ang mata ay hindi ako nagpatinag.
" baka ma ulol ka pag nagpa kilala ako sayo"-sabay ngisi sa nakakatakot na paraan. At sinadya kong diniinan ang aking sinabi.
Napansin ko rin ang gulat nila. Napapansin ko rin na parang kinabahan sila.
Sanay na ako sa ganitong sitwasyon dahil ito ang buhay na kinalakihan ko, buhay na hindi ko hinangad pero kusa talagang nangyayari.
"pag sisisihan mong kinalaban mo ako, mo kami! Babaeng probinsiyana! " - sinabi nya habang dinuduro ako "hindi mo kami kilala lalo na ako" patuloy nyang sabi na may pagbabanta.
"hindi ako takot sa mga banta"
"pwes ngayon matakot kana" - sigaw nito na parang ubos na ang pasensya.
"wag na wag mo akong babantaan!" kalma kung sabi.
"hindi ako marunong mag banta, dahil ginagawa ko pag ako ang napuno." mayabang nitong sabi.
" pwes, gawin mo! Marami pang sinasabi!" naka ngiti kung sabi.
"maghintay ka dahil malalaman mo pag nangyari na." kaya natawa ako ng hindi inaasahan.
"baka umurong yang bahag mo pag nakalaban mo na ako?" walang gana kung sabi. At tiningnan ko siya pailalim para masalubong ang kanyang tingin.
"at sino ka sa inaakala mo?Isang katulad mo lang para urungan ko?"
"pwes hihintayin ko ang araw na yun. Dahil sa araw na magtutuos tayo, sisiguraduhin ko sayo na hindi mo malilimutan ang araw na kinalaban mo ako" sabi ko bago tumalikod.
"hindi kita mapapatawad sa ginawa mo" pa sigaw nitong sabi na siyang dahilan upang mapahinto ako sa pag hakbang.
"bakit may kasalanan ba ako sayo para patawarin mo?" diretsahan kung tanong at nanatili lang nakatalikod sa gawi nila.
"sa pagkaka alam ko wala akong naaalalang may ginawa akong masama sa isa sa inyo, kayo itong nanggugulo sa buhay ko." patuloy kung sabi.
" king ina"sabi nito na halos maubusan ng boses dahil sa galit nito
Parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ng murahin niya ako. Dahil ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang minumura ako.
Kaya mabilis akong napalingon at mahigpit na hinawakan ang bibig niya.
"bwesit ka! alam mo bang magaling akong mag mura, huwag mo akong sigawan dahil na bibingi ako sa boses mo." mahina kung iginalaw ang aking leeg dahil parang mauubos na ang lahat kong pasensiya.
"so tama talaga sila balita ko matatapang ang mga bisaya?" sabi nito na halatang nang aakit ito ng away.
"hindi ka nga nagkamali, kumpara sa inyo hindi pa yata umabot sa kalingkingan nyo ang tapang ko" pag mamayabang ko.
"hambog! Pwes mag ingat ka na simula ngayon!" pagbabanta niya sa akin na akala niya ay natatakot ako.
"bat di mo subukan"
"magtutuos din tayo, maghintay ka lang!"
"hindi lang kita hihintayin, aabangan pa kita" - sinadya ko talagang diinan ang huling linya ng aking sinabi para ipaalam sa kanilang hindi nila ako basta matatakot. Wala akong dapat ikabahala dahil wala akong ginawang masama. At patulak ko siyang binitawan.