Chereads / The Gangster Lover's / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

Nathan POV

Umaga pa lang excited na akong pumunta ng school. Bago ako umalis sa bahay pinitas ko ang tatlong rosas sa garden ni mommy. Nasa parking lot na ako nung tingnan ko ang kotse ni Eyah.

Papasok na ako ng room ng matanaw ko ang room ni Eyah may naka upong lalaki dito. Gwapo, matangkad, at may dating pero syempre mas gwapo ako.

" may naka upo na dyan" - nasa harap ako ng lalaking to madalas ko na syang makita pero hindi ko kilala dahil wala akong pakialam. Naka tayo ako sa mismong harap bitbit ko ang aking bag sa sa isa kung balikat.

"alam ko" - nakangiti nitong sabi

"hinihintay ko sya" - patuloy nya.

Nangunot bigla ang noo ko sa sinabi nya. Iba ang pakiramdam ko, alam kung may ibig sabihin ang paghihintay niya. Base sa ngiti ay nahulaan ko na.

"anong sadya mo?" walang paligoy-ligoy kung tanong.

" ikaw ba sya? " iba ang tono sa pananalita niya pero nanatili pa rin siyang nakangiti  sa akin.

" kung may balak kang manligaw sa kanya, maghanap ka na lang ng iba. Dahil na unahan na kita " paliwanag ko sa kanya.

" bakit kayo na ba? Walang naka pag sabi sa akin na isang Nathaniel Torres ay may pagka possisive pala " uminit bigla ang ulo ko sa mga tanong nya hindi naman masama ang approaching nya pero naka ka bad trip. Kung tutuusin parang ang chill niya lang mag salita pero may kung ano sa pakiramdam ko na hindi ako narerelax sa mga inaasta niya.

" malapit na, at oo pag dating sa taong gusto ko, possisive nga ako! " matigad kung sabi na hindi inalis ang mga tirig ko sa mata niya.

"pero wala pa, so may the best man win na lang bro!" sabay tayo sa pagkaka upo at tinapik ako sa balikat ko. Mas lalo tuloy kumulo ang dugo ko dahil may pangiti-ngiti pa ito.

Nakaka bad trip, dahil sa disappointed ay pa bagsak kung inupuan ang silya ni Eyah, walang ibang pwedeng umupo at mag hintay dito maliban sa akin.

Ilang sandali pa akong hintay sa kanya. Nakabusangot ang mukha ko at hindi ko na alam kung ano ang makakawala sa inis ko.

Akala ko nasira na ang buong araw ko pero isang sulyap lang sa babaeng nakakapagtibok ng puso ko, nawala bigla ang lahat ng galit ko, kanina lang kung hindi ko na mapigilan kwenilyuhan ko na yung taong yun.

Binigay ko sa kanya ang tatlong rosas na pinitas ko. Nabigla ako ng niyakap nya sobrang saya ko at bago sa akin ang lahat ng to. Inalalayan ko syang umupo.

"ano to?" Nagtatakang tanong nya ng walang pasabi kong inabot sa kanya ang cellphone ko.

"cellphone ko" simple kung sagot.

"oo nga pero i mean anong gagawin ko dito?" habang hawak nito ang cellphone.

"eh save mo yung number mo para ma text at matawagan kita" hindi ko man sya tinitingnan pero alam kung nasa akin ang paningin nya.

Ng pasimple ko siyang tiningnan, ay nahagip ng aking mata ang ngiti niya. At tinipa ang cellphone ko na hawak niya.

"eto na" tipid nitong sagot.

"thanks" nginitaan ko sya pero bigla na lang tinambol yung dibdib ko dahil sa kaba ng mag tama ang mga mata namin medyo nailang ako pero mas pinili ko labanan ang mga tingin nya.

Hindi ko tuloy maiwasang magtanong sa sarili ko kung bakit ganito ang pakiramdam ko pag dating sa kanya, bakit kaya? , kaya nyang labanan ang mga titig ko. Kakaiba talaga sya.

Hindi naman sa mayabang pero wala pa akong nakitang babae na kayang labanan ang mga titig ko.

"huwag kang masyadong tumitig baka masanay ka, mahirapan ka ng tumingin sa iba." seryuso niyang sabi, kaya bigla akong natauhan.

"bukod sayo wala na akong gustong iba"

" tsk nabibigla ka lang hindi naman ako ka gandahan, kumpara sayo masyadong kang gwapo para sa hitsura ko." nabigla man ako sa sinabi nya pero tinitigan ko lang sya

"para sa akin, sobrang ganda mo para sa paningin ko. Mas maniniwala ako sayo kung sasabihin mong bagay tayo" hinawakan ko ang kamay nya "at isa pa alam ko sa sarili ko na wala ng mas hihigit pa sayo. Masyado mang mabilis ang nararamdaman ko pero napatunayan ko meron talagang pakiramdam na ganito." patuloy kong sabi hahabg nakaka titig sa kanyang mga mata.

"marami akong iniisip at problemado akong tao, lapitin ako ng gulo at ayaw kung pati ikaw madamay sa gulo ko"

"hindi ko alam kung anong gulo ang tinutukoy mo, pero handa akong mapasama sa mundo mo" - sa tuwing may sinasabi sya tungkol sa pagkatao nya, hindi agad ma proseso sa utak ko kung anong klaseng tao ba talaga sya Masyado syang misteryusa.

Maraming araw ang nag daan paulit ulit lang ang nangyayari bahay skwelahan pero ang pinag kaiba mas may gana na akong mag aral at minsan na lang akong uminom at gumala. Naninibago pa pati parents ko dahil kahit nasa bahay ako madalas akong uminom at walang gana kung ano ang patutunguhan ng buhay ko. Naging maayos din ang panliligaw ko mas kinikilig pa nga yata ako kaysa nililigawan ko.

" lunch na tayo"nakangiti kung sabi ko

" sige"

" nathan, pinatawag ka ni coach sandali lang daw may itatanong daw sayo" sabi ni Lemir ka teammates ko

" Eyah mauna ka na sa canteen, ok lang ba? Dadaanan ko lang si coach baka may importanti syang sasabihin. Madali lang to."

"ok lang" nakangiti nyang sagot, hinawakan ko ang pisgi nya at hinawa ang buhok nya papunta sa likod ng kanyang tenga.

" miss na kita agad"

"susunod ka naman agad diba?"

Tinanguan ko sya

Binilisan ko ang pag lalakad at hinanap si coach sa gymnasium pero hindi ko makita. Hinanap ko rin sa ibang parte ng school pero wala pa rin. Natanaw ko si Lemir sa hindi kalayuan kaya binilisan kung pumunta sa gawi nito.

"pare nasan si coach? Kanina ko pa sya hinahanap"

"wala ba sa gym?"

"dun ako galing"

" ganun ba pare?" napakamot sya sa ulo nya na may pagtataka" hindi ko rin alam eh pasensya na pare pinasasabi lang kasi sakin ni Nina kanina na hinahanap ka ni coach kaya sinabihan kita kasi nagmamadali daw sila" patuloy nitong sabi.

Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Alam kung pakana to ni Nina kaya binilisan kung makaalis. Patakbo kung tinungo ang canteen dahil alam kung may masamang balak si Nina kay Eyah, kilalang kilala ko si Nina lahat alam na basagolera sya at disperada lalo na pag dating sa akin. Papalapit na ako sa canteen kaya rinig ko ang malalakas na boses ni Nina lalapit na sana ako ng bigla akong natigil sa hindi malamang dahilan may kung ano sa aking kalooban na napahinto para pakinggan lang ang ang palitan ng masasamang salita.

"akala mo maniniwala ako sa mga sinasabi mo, ang sabihin mo mang aakit ka. Sobrang kapal yata ng mukha mo at hindi mo halos makita ang sarili mo kung ano ka!"

"look who's talking, are you talking to your self?" wala man lang akong nakitang kaba sa kanyang mata parang natural lang sa kanya ang mga sitwasyon na katulad nito.

"ang kapal ng mukha san ka humuhugot ng loob na para kausapin mo ako ng ganyan?"

"saan sa tingin mo?"

"hindi mo pa ako kilala Eyah Delmon!"

"baka manginig ka kung makilala mo ako Nina Montes"

"you, bitch! Akala mo matatakot mo ako, wala akong kinakatakutan" sabi nito na dinuduro pa si Eyah

"same to you" natural na natural pa rin nyang sabi hindi mabanggit kung ano ang reaksyun dahil blangko parin ang mukha nito.

"bwesit ka!" pasigaw nitong sabi at sabay sampal pero sa hindi inaasahan natigilan ako sa sumunod na nagyari dahil sa bilis ng pag sangga ni Eyah sa kamay ng kaharap napaatras ito dahil medyo may kalakasan ang pag hawi nito na tumama sa kanyang braso.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko wala man syang reakson pero humanga ako sa anggas nya at mas lalo akong humanga dahil hindi ito tulad ng iba na sumusuko lang na walang laban.

Lahat ng tao sa loob ng canteen ay nakuha ang atensyon nila, makikita ang pagka interesado sa kanilang mga mata na parang may gusto pang mangyari na higit pa sa sagutan ng dalawa.

"palaban ka pala" patuloy ni Nina na nanglilisik ang mata sa galit

"partida! Huwag mo akong subukan dahil maliit lang ang pasensya ko sa taong katulad mo. Ang huling taong ginulpi ko inutil na ngayon. Baka gusto mong ma baldado"

" Masyado kang mayabang, hambog!"

Tama si Nina may parte sa akin na naniniwala sa sinabi niya na mayabang si Eyah pero bakit sa kabila ng yabang nya mas pinili kung maniwala na kaya nga nyang gawin ang lahat ng mga sinasabi nya.

"dahil may ipagyayabang ako. Kakayahan kung manakit ng tao pag humaharang sa dinadaanan ko" para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko mas matapang pa yata to sa inaakala ko.

Nakaka panindig balahibo ang nasaksihan ko wala mang sakitan ang nangyari pero sapat na ang nakita ko para masabing may kakayahan nga itong makipaglaban sa ano mang paraan. Pero imbes na madismaya ako sa ugali nito may parte sa sarili ko na hindi ko magawang hindi humanga.

May kung anong sarap sa pakiramdam ko na hindi ko matanggi. Maraming bumubuong katanungan sa isip ko pero nangingibabaw ang nadarama ko.

"akala mo matatakot mo ako?" na nakangising sabi ni Nina alam kung hindi matatakot basta- basta si Nina dahil kilala itong matapang.

"bakit natakot ba kita?"

"sino ka sa inaakala mo witch?" pang iinsulto nito na tinawanan naman ng mga kasama nito.

"bitch ako!" diniinan nya ang pagkaka sabi nito "baka ikaw ang witch" patuloy na sabi

Nawala bigla ang tawa ng ka grupo ni Nina dahil sa pabalik na insulto ni Eyah imbes magalit sa sinabi ni Nina mas dininan pa nitong sabihin na isa syang bitch at hindi witch.

"anong karapatan mo para sabihan ako ng witch? Sa galit nito nakuyom nya ang dalawa nyang kamao na parang hindi na maka pag timpi sa galit

" tama na ang satsat kung ganon hihintayin ko na lang ang araw ng pag sorpresa nyo. Hindi kasi ako nangunguna sa gulo pero lumalaban ako. Mukhang may may ibubuga naman kayo" hindi ko alam kung saan nya nakukuha ang mga sinasabi nya lahat may laman at nakaka panindig ang mga ibig sabihin nito ngayon lang ako naka tagpo ng babae na ganito manalita pero masyado ng mainit sa pagitan ng dalawa at kilala ko si Nina may ugali itong hindi marunong mag palampas kaya nilapitan ko na sila.

" Nina stop this bull shit" sabi ko sabay alalay sa siko ni Eyah

"Oh! The savior. The Knight ang shining armor!" bang masamang tinitingnan si Eyah makikita sa mata nito ang tindi ng selos

"so pathetic! You think that I am that so weak huh? I can fight you without, ___tsk what you called that the knight and shining armor?"

"your a daughter of bitch"

"mas may higit pa ba sa salitang bitch dahil kung meron man ako yun lalo na pag tulad mo ang nakakasalamuha ko"

" Nina please, ano bang problema mo? Sino ka ba para bakuran ako? Wala kang kahit konting karapatan?" alam kung nasaktan sya sa sinabi ko pero gusto kung matigil na sya sa pamamakod nya.

" Nina please stop this kind of bull shit" inis kong sabi na nagtitimpi sa inis, hinawakan ko ang kamay na Eyah at iniwan si Ninana naka kuyom ang kamao.

To be continue