"Suyin!"
I heard someone call my name so I looked around to see where that voice came from.
Halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko si Chef Liu na nakatayo sa gilid na bahagi na nasa labas ng restaurant.Kaagad ko siyang nilapitan at pilit na nginitian.
Nagtaka ako kung bakit hindi pa siya umuuwi,
It's already 1 in the morning and I suddenly remember that he told me awhile ago na hihintayin ako nito bago umuwi.
At halata naman talagang hinintay Niya ako.
"Dà chú nǐ zěnme hái zài zhèlǐ (Chef, why are you still here?)It's already 1 in the morning"
Nag aalala kong sabi rito.
Hayy nako,sana hindi niya na ako inantay.Halos nga pumikit na ang mata niya,sigurado akong pagod na siya at inaantok.
Sinabi Niya yun kanina,he do the work of Chef Bao,at sobrang daming guest kanina kaya alam kong pagod talaga ito.
He just smiled at sinuklay ang sarili nitong buhok gamit ang kamay nito.
"I waited for you,So.....did you find the other piece of your lost earrings?"
Napabuntong hininga nalang ako,Yun pa ang isang problema ko.
Hindi ko na natuloy ang paghahanap sa earrings na regalo ni Bàba.
Pagkatapos ng halikan namin ni Axl sa loob.
Wala ng iba pang nangyari at wala na ulit na mangyayari pa.Napakalaking pagkakamali ang hinalikan ko siya pabalik at pipilitin kong hindi na kailanman mangyayari yun.
"Hindi ko nahanap,Siguro bukas ko nalang uli hahanapin,late na kasi baka hinahanap na ako ni Thorn,Hinahanap pa naman ako nun pag nagigising sa gabi,"
Paggabi na ako nakakauwi sa Apartment,Minsan nagigising si Thorn at hindi matutulog unless hindi mo siya uli patutulugin,gusto niya ako mismo magpatulog sakanya.
"Really?.. Your children are really adorable,"
Napangiti nalang ako sa sinabi niya,Yes.They are really adorable.
"Hmmm.I think,wala nang taxi,Maglalakad nalang ako Chef Liu,malapit lang naman ang Apartment ko mula rito"
Sabi ko sakanya,
Inayos nito ang pagkakasuot ng backpack niya sandalk at pasimpleng hinawakan ang kamay ko kaya hindi agad ako nakagalaw at nakatingin lang sa kamay nitong hawak hawak ang kamay ko.
"Then,sasabayan nalang kitang maglakad,It's dangerous for woman's to walk on their own especially in this late of time."
Napangiti nalang ako at tumango.
We started walking.Chatting some stuffs.He tell me about his life at hindi naman boring yun kaya hindi ako nabagot kasama siya.
Hindi pa kami nakakalayo ng may tumigil sa tabi namin na isang Mercedes Benz.
At bumaba mula roon si Axl na naka Black Aviator sunglasses at naka tuxedo parin gaya ng suot Niya kanina.
"Mr. Gauthreaux?"
Bulong ni Chef Liu sa tabi ko.
I take a deep sigh and look at Axl.
What he doing here?
Tapos na kaming mag usap kanina ah?ano pa ba ang problema Niya?Kung gusto niyang mag sorry na Naman ako,Edi sige,pero kung sasabihin Niya na Naman ang tungkol sa mga anak ko,Hindi ang sagot ko.
Hindi ko ibibigay sakanya ang mga anak ko.
When Axl got in the direction of Chef Liu and me he looked at me for a moment and went down to my hand held by Chef Liu.
So I tightened my grip on Chef Liu's hand for fear of what Axl might do to me like what happened inside the restaurant earlier.
"Good evening Mr. Gauthreaux"
Nakangiting sabi ni Liu sakanya habang hawak parin ang kamay ko pero hindi man lang ito tinapunan ni Axl ng tingin ngunit nanatili parin ang tingin nito sakin.Hindi ko man makita kung saan talaga nakatuon ang mga tingin Niya dahil sa sunglasses nitong suot pero ramdam ko na saakin ito nakatuon.
Bahagya Naman akong yumuko at binati siya.
"Mr. Gauthreaux,"
Tanging nasabi ko nalang,....
Namulsa ito at marahan lang tumango.
"It's late Mr.Liu,Why you still here?And you too Ms.Zhuo"
Malamig na sabi nito.
Nagkatinginan kami ni Chef Liu at marahang binawi ang kamay ko at hindi nalang nagsalita.
Bakit ba nagtatanong siya ng ganito?As far as I remember,He's one of the reason kung bakit natagalan ako sa paglabas sa restaurant.
"I will just take Xena to their house because it is dangerous if she walks home alone at this late of night Mr. Gauthreaux"
Tumango tango Naman ako sa isip ko dahil sa sagot ni Chef Liu.
Axl take of his sunglasses kung kaya nakita ko ang kulay abo nitong mga mata and take a sharp glances at me and and he immediately turned to Chef Lui who was next to me.
"Mr. Liu, don't you have a money to buy a car so that you can somehow use something para maihatid manlang ang girlfriend mo?"
Nakangisi nitong sabi kay Chef Liu.
Naiinis Naman ako sa sinabi Niya.
Iniinsulto niya ba si Chef Liu?!
"I have sir but I don't bring it at hindi ko pa po girlfriend si Suyin"
Nakangiti paring sabi ni Chef Liu.
Hayy,hindi Niya ba napapansing iniinsulto siya ng lalaki na kaharap namin ngayon?
Minsan talaga ang hina nitong si Chef Liu.
Gwapo nga at mabait sana kaso medjo slow naman.
"Really?"
Axl ask while smirking at the both of us.
Ano ba talaga ang problema niya at ginugulo niya kami ni Chef Liu?
Kung sana ay hindi siya dumating ngayon ay nasa apartment na ako at nagpapahinga.
"Your not still with Ms.Zhuo I see"
At binalingan ako nito ng tingin.
Teka nga?
Bakit ba Kasi siya nandito?!
Bago pa ako tuluyang mapikon kay Magnus ay nginitian ko nalang siya ng pilit at tinaasan ng kilay.
"Wala na po ba kayong sasabihin Mr. Gauthreaux?"
Diniinan ko pa ang 'Mr. Gauthreaux'
Tinitigan Niya ako at ngumisi na naman,
Hindi nagtagal ay may tumigil na namang isang kulay itim na Audi A3 at bumaba roon ang isang lalaki na halos hindi nagkakalayo sa edad namin.
Mapapansin mo agad rito ang ibang lahi nito,Hindi ito chinese o di kaya'y pilipino,magkasing tangkad rin sila ni Axl at ang mas agaw pansin sa lalaki ay ang kulay silver nitong medjo mahabang buhok na nakatali.
Para siyang gangster.Pero ang cool niyang tignan.
Nakipag fist bump ito kay Axl at ng lumipad ang tingin nito saakin ay ngumiti ito ng konti.
"So,where is he?"
Tanong nito kay Axl,
Prente namang tumayo si Axl at tinuro ng tingin si Chef Liu sa tabi ko kaya napatingin rin ako kay Liu na nakakunot ang noo habang lumilipat lipat ang paningin nito kay Axl at sa lalaking may silver na buhok.
"Mr. Liu,This is my friend Calum,and he is going to take you to your house para makauwi kana"
Malamig na sabi nito kay Chef Liu habang ako ay nakakunot parin ang noo.
A-ano ba ang pinagsasabi niya? Bakit niya ipapahatid si Chef Liu?
"Huh?B-but Mr. Gauthreaux,wala pong kasamang maglalakad si Suyin-at delikado na para sakanya na mag-"
Paliwanag ni Chef Liu ngunit hindi nito natapos ang sasabihin ng Bigla itong akbayan ng lalaking may silver na buhok at hinila ito papalayo ng konti saakin kaya hindi ito makagalaw sa kinatatayuan nito dahil sa akbay akbay siya ng lalaki at may binulong kay Chef Liu na hindi ko naman narinig pero nakita ko ang pagkunot ng noo ni Chef Liu at papalit palit ang tingin samin ni Axl,At may binulong na naman ang lalaki na nakaakbay kay Chef Liu at mas lalo akong nagtaka ng bahagya itong natahimik at bakas ang takot sa mukha nito.
Nagtataka ako sa nangyayari.Ano na Naman bang pakulo ito?!
Galit kong pinukol ng tingin si Axl pero nakatingin lang ito kay Chef Liu at nakangisi ng konti.
"Calum,Ikaw nang bahala kay Mr.Liu,Take him at his house now"
Tumango ang lalaki na tinawag niyang Calum and guide Chef Liu to the Audi car.
A-ano bang nangyari?
Galit kong tinignan si Axl ng makaalis ang Sinakyan ni Chef Liu.
"What are you doing fucker?"
Galit na tanong at mura ko rito pero hindi man lang ito sumagot at sinuot lang uli ang sunglasses niya.
Ano bang problema Niya?!
Baka anong mangyaring masama kay Chef Liu,baka anong gawin nung Calum kay Chef.
"Well,We are not still done Xena"
He emotionless said again.
Ayos lang bang sinasampal ko siya sa isip ko?Binubugbog at sinasabunutan at itulak sa kalsada at pasagasaan?
"We are done Mr. Gauthreaux,....If about na naman ito sa kasalanan ko sa inyo ni Monet,....mag sosorry rin ako ng personal kay Monet."
Kay Monet ako mag sosorry at hindi na sakanya dahil wala naman talaga siyang paki kung mag sorry pa ako ng 1 milyong beses.
"Why don't we settle this at my car Xena?Ihahatid na kita"
Napangisi ako ng mapakla at galit na tinignan siya.
"Pinaalis mo si Chef Liu.Siya dapat ang maghahatid sakin at dahil sa tingin ko ay tinakot siya ng kaibigan mo ay hindi ko alam kong papasok pa siya sa trabaho"
Yamot na sabi ko rito pero napalitan ng galit ang kaninang malamig na emosyon nito.
He gave me those sharp stares na para bang papatayin ako ng mga tingin niya.
"Then that's good."
Matigas na sabi nito at agad na hinila ako papasok sa passenger seat ng mercedes benz nito.
Sinubukan kong buksan ang pintuan ngunit naka automatic lock ata iyon kaya frustrated nalang akong umayos ng upo at diretso lang ang tingin hanggang sa makasakay siya sa Driver Seat.
"Xena,"
Tawag nito saakin pero hindi ko siya sinagot o nilingon.
Pagod na akong makipagtalo sakanya at gusto ko nalang na iuwi Niya ako pagkatapos ay magpapahinga ako sa bahay dahil magtatrabaho nanaman ako bukas,At wala pa akong tulog.
Ayaw ko na munang nakipag away sakanya.
"Xena,I am calling you"
Matigas na sabi nito at hinawakan ang baba ko at ipinihit ang ulo ko para maiharap ang mukha ko sakanya.
Madilim ang kulay abo nitong mata,
Napabuntong hininga nalang ako at marahang inalis ang kamay nito sa baba ko.
"Ihatid mo nalang ako please."
Mahina kong sabi sakanya,
Tumitig pa ito sa mga mata ko at hindi naman naglaon ay marahan rin itong tumango at binuhay ang makina ng kotse at sinimulan Niya ng tahakin ang daan patungo sa Apartment ko.
Pagod na ako ngayong araw.
Ang daming nangyari saakin ngayon at pagod na ako para nakipag argumento pa sakanya at makipagtalo pa kay Axl.
Unang kita pa namin uli sa loob ng walong taon at ngayon ay kasama ko pa siya sa kotse.At magkasabay na tinatahak ang Apartment ko.
Ipinikit ko nalang ang mata ko dahil sa antok at hinintay na makarating kami sa bahay.
BlackG7