"Ano bang hiniling mo?" he asked.
I stared at him fondly. "Isa lang naman ang lagi kong hinihiling, eh."
"Ano?"
"To spend an eternity with you."
***
The beginning of my summer this year was the worst. The worst of worst. Why?
First, my boyfriend Jaxon and I broke up and unfortunately, we ended our two years relationship on bad terms.
Second, he was in love with a man all along. Shocking, right? I wasn't really expecting that and I was hurt by his revelation.
Third, kanino siya in love? Sa best friend at kababata naming lalaki na si Brendon. And to make things more complicated and awkward for me, the feeling is mutual.
Pakiramdam ko tuloy ngayon ay isa akong napakalaking sagabal sa pag-iibigan nilang dalawa. Tanggap ko naman kung ano at kung sino sila, pero sigurado akong matatagalan akong maka-move on, matapos ang lahat ng nangyari. I felt betrayed by the people I cherished and trusted the most, and the wound in my heart runs so deep.
Si Brendon ay tinuring ko ng kapatid dahil magkakaibigan ang mga magulang namin, samantalang si Jaxon naman ay espesyal na sa akin mula bata pa kami.
I'm in love with him for a long time. It was that kind of love where I could see myself growing old with him. But then, you can't always get what you want, right? Hindi ko naman siya pwedeng pilitin na manatili pa sa akin, kung sa ibang tao na tumitibok ang puso niya.
He said he fought so hard to stop his feelings for Brendon, but obviously, he failed. He, then, became another person. Someone that I didn't know when I thought I've known him better than anyone else.
I was wrong. I couldn't see through him or maybe, he's just good at pretending. But I guess, we are better off this way. I don't want to stay in a relationship full of pretense, and I don't want to force him to stay with me just to save our faces.
It's okay. Kaya ko naman 'yung sakit, eh. I know I'll get over it soon. I can move on from him so easily. I'm Zoey Natividad after all. I'm strong as a rock.
Lie.
Kasi heto ako ngayon, tahimik na umiiyak habang nakaupo sa pinadulong bahagi ng bus. Nakatanaw lang ako sa labas at hindi iniinda ang mga nag-aalalang tingin na ipinupukol sa akin ng mga pasahero.
May nag-abot pa sa akin ng panyo pero hindi ko ito tinanggap. I don't care if I looked like a mess right now. Gusto ko lang umiyak nang umiyak habang nasa biyahe ako pauwi. Gusto kong ubusin na ang lahat ng luha ko dahil ayokong umiyak sa harapan ng mga magulang ko.
Hindi pa nila alam na naghiwalay na kami ng Jaxon. Hindi ko alam kung paano sisimulang sabihin sa kanila ang nangyari sa amin. At sa tingin ko ay wala ring balak si Jaxon na ipaalam ito sa mga magulang niya.
Tiyak na gugulo lang ang sitwasyon kapag nalaman ng magulang niya ang rason ng paghihiwalay namin. Gusto pa naman ako ng parents niya at kahit noong mga bata pa kami ay gusto nilang kaming dalawa ang makasal. Siguradong magpupumilit sila na ayusin ang relasyon namin ni Jaxon, kahit hindi na talaga pwede.
Mas lalo akong napahagulgol. My lips contorted into an uncontrollable pout as I tried to suppress my cries. Luha naman, eh! Kailan ka ba kasi mauubos?
Isinandal ko na lang ang ulo ko sa nakasaradong bintana ng bus. Bigla namang nagpatugtog si manong driver at tumagos sa puso ko na parang kutsilyo ang bawat lyrics ng kantang bumungad. Parang nang-aasar pa.
Never mind, I'll find someone like you
I wish nothing but the best for you, too
Tears started form in my eyes once again, blurring my vision. May iilang hikbi na tumatakas sa bibig ko kaya napatakip ako ng isang kamay habang marahang sinusuntok-suntok ang dibdib kong kumikirot sa sakit. Daig ko pa ang na-sun burn dahil sa hapding nararamdaman ko ngayon.
Ayoko na.
Pinikit ko na lamang ang mga mata ko para makatulog ako. Baka-sakaling sa paggising ko, wala na 'yung sakit.
***
Nakatulog na lamang ako dahil sa kakaiyak ko at nang magising ako ay may nakatakip nang dilaw na panyo sa mukha ko. Dali-dali ko itong tinanggal at doon ko napagtanto na nag-iisa na lang pala ako sa loob ng bus.
"Miss, nasa terminal na tayo? Hindi ka pa ba bababa?" sita sa akin ni manong driver.
I instantly shifted my gaze outside the window to look at the surroundings. Nakahinto na pala ang bus sa Horencio bus terminal at gabi na pala. I glanced at my wrist watch, pasado alas-otso na. Siguro naabutan kami ng traffic kaya ganitong oras na kami nakarating. Alas-tres ng hapon ako umalis ng Manila at apat na oras lang ang biyahe from Manila to Horencio, naging 5 hours tuloy.
Hindi ko na inayos pa ang sarili ko kahit pa magulo na ang hanggang baba at natural na kulot kong buhok. Sinukbit ko ang malaki kong backpack sa balikat ko at isinuot ang malaki kong shades saka nagmamadali akong bumaba ng bus. Pumasok ako sa loob ng mall para makarating sa kabilang kalsada.
Nang makalabas ako ng mall ay yumakap agad sa akin ang preskong simoy ng hangin. Isa sa masarap na uwian sa probinsya ay ang sariwang hangin na hinahaluan ng amoy ng dagat. Marami kasing dagat dito sa Horencio kaya maraming dumadayong turista dito lalo na kapag summer na. Kahit pa may pagka-moderno na ang siyudad ng Horencio ay mare-relax ka pa rin sa mga tanawin. May mga lugar pa rin dito na mapuno at may ilang kabundukan rin.
"Estegui! Estegui! Maluwag pa!" rinig kong tawag ng barker kaya nagtatatakbo ako patungo sa jeep na nakahinto sa tapat lang ng mall para sumakay doon. Sa Estegui Village ako nakatira. Twenty minutes ang layo nito mula rito sa terminal.
Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking backpack para tawagan ang mommy Clio ko. Nakakaisang ring palang ito nang magbago ang isip ko at mabilis na pinatay ko ang tawag. Susurpresahin ko na lang pala sila. Hindi kasi ako nagsabi sa kanila na ngayong araw ako uuwi. Magtataka ang mga 'yon dahil hindi ko kasama sina Jaxon at Brendon para magbakasyon dito.
I stared at the wallpaper on my phone and I can't help but heave a tired sigh as I feel my heart shattered for the nth time. As if there's a wrecking ball that swooped in and destroyed my already bleeding heart.
My wallpaper was a picture of Jaxon, Brendon, and I back on our high school graduation. Brendon and I looked like an idiot as we make a wacky face, but Jaxon, as usual remained poker face. We were inseparable when we were kids, but now, we started to fall apart.
Ngayon ko naintindihan 'yung sinasabi nila noon na mahirap makipagrelasyon sa kaibigan mo. Kapag naghiwalay kasi kayo, hindi lang kayong dalawa ang maaapektuhan kundi pati na rin ang mga tao sa paligid niyo. And worst, mahirap nang ibalik 'yung dati. Sira na 'yung friendship. Nando'n na 'yung awkwardness.
Kaya nga ako umuwi ng Horencio ngayong summer break dahil gusto kong umiwas sa kanila. Gusto kong makalimutan kahit paano 'yung sakit. At sana kapag natapos itong summer break na ito, maging okay na ako. Sana kapag bumalik ako ng Manila, kaya ko nang haraping muli 'yung dalawa. Time heals all wounds, right?
"Manong para po!"
Napabalik ako sa wisyo ko dahil sa lakas ng sigaw ng babae sa tabi ko. Huminto naman agad 'yung jeep kaya bumaba na 'yung babae. Napatingin ako sa labas. Agad na tumambad sa mga mata ko ang 7/11 sa tabi lang ng Horencio Elementary School. Dito nga rin pala ako bababa.
"Manong saglit!" sigaw ko nang bahagyang umandar ang jeep.
Nabwisit pa ata sa akin si manong dahil masama ang tingin nito sa akin nang ihinto niya ulit ang jeep niya. Pahuli-huli kasi ako.
Nilagay ko na sa bulsa ng suot kong maong na jumper ang cellphone ko saka maingat na bumaba na ako ng jeep. Pumasok muna ako saglit sa loob ng convenience store para bumili ng jumbo siopao pasalubong kay mommy Clio at chocolate donuts naman para kay dada CK.
After that, tumawid na ako sa kabilang kalsada dahil nasa tapat na lang ang village kung saan kami nakatira. Dire-diretso lang akong naglakad hanggang sa lumampas ako ng basketball court.
I stopped right in front of the two-storey brick and wooden house with a black iron balcony and a high swing gate. Si dada CK ko ang nagpagawa ng bahay nito at hindi alam ni mommy 'yon. Nalaman na lang niya after nilang ikasal na matagal na pala itong ipinagawa ni dada para sa kanya.
Napangiti na lang ako nang makita ang napakagandang flower bed sa paligid ng front porch. Puno ito ng makukulay na moss roses. Maganda ang bulalak na ito dahil mas namumukadkad sila tuwing summer lalo na kapag sumasapit ang alas-diyes o alas-onse ng umaga. Si mommy Clio ko ang nagme-maitain ng greenery ambience dito sa labas ng bahay.
Pumasok na ako sa loob ng bahay namin na magagaan ang bawat hakbang. Walang tao sa living room pero bukas ang t.v kahit wala namang nanunuod. Nilapag ko na lang ang bag ko sa sofa nang makarinig ako ng boses sa kusina kaya nagtungo ako roon.
Nadatnan ko doon ang parents ko na mukhang naglalambingan. Abala sa niluluto niya ang mommy Clio ko, samantalang ang dada CK ko naman ay nakayakap sa bewang ni mommy na parang isang tuko. Ang clingy talaga ng dada CK kong 'to.
Sumandal na lang ako sa hamba ng pintuan ng kusina at nakahalukipkip na pinagmasdan ko sila. Na-miss ko sila.
"CK! Lumayas ka nga sa likod ko. Hindi ako makapagluto nang maayos dahil sa'yo!" suway ni mommy kay dada CK pero tumawa lang ito.
"Ayoko. Na-miss kita, eh. Ilang linggo rin kitang hindi nakasama," paglalambing niya na may kasamang paghalik-halik sa leeg ni mommy.
Hanggang baba lang din ang haba ng buhok ni mommy kaya expose na expose tuloy ang leeg niya kay dada. Hindi na ito nagpahaba pa ng buhok hindi gaya noong college siya. Sa picture ko lang ata siya nakita na mahaba ang buhok at napakaganda niya. Mas maganda lang talaga siya maiksi niyang buhok dahil nagmumukhang siyang bata lalo kahit 46 years old na siya. Mas bata siya kay dada ng isang taon.
Si dada CK naman ay lagpas balikat ang haba ng buhok na paminsan-minsan paiba-iba ng kulay, gaya ngayon, parang may pagka-burgundy ang kulay nito samantalang noong huling video call namin, brown pa ang buhok niya. Habit daw talaga ito ni dada kahit noong college sila.
"I love you," rinig kong usal pa ni dada.
Siguro may project si dada CK sa ibang lugar at kauuwi niya lang kaya ganyan maglambing. Structural engineer ang trabaho niya, samantalang ang mommy Clio ko naman ang siyang namamahala sa beachside restaurant na naipundar nila ni dada CK.
My parents were same-sex couple and I respect them so much. Sobrang hinahangaan ko ang pagmamahalan nila. True love kumbaga.
My mommy Clionna Agnes Velez and my dada CK Natividad fell in love when they were in 4th year college. Hindi raw naging madali ang pinagdaanan nila noon at nagkahiwalay pa nga sila ng limang taon dahil nilayo ni tita Ciara si mommy Clio. But love surely moves in mysterious way, sa huli kasi, sila pa rin ang nagkatuluyan at natanggap rin ni tita Ciara ang relasyon nila.
They got married in U.S and they adopted me when I was 6. Swerte ako sa kanila kasi mahal na mahal nila ako at gano'n din naman ako sa kanila. Binuo nila ako noong mga panahong kulang na kulang ang pagkatao ko. Kaya nga hangga't maaari, ginagawa ko ang lahat para maging mabuting anak at masuklian ko ang pagmamahal na binuhos nila sa akin.
"How's our restaurant, love?" tanong dada CK. "Hindi ka ba nahihirapan? Summer pa naman, maraming customers kapag ganitong panahon, 'di ba?"
"Ayos lang naman. Maraming nag-summer job ngayon, kaya marami akong katuwang sa restaurant natin," sagot ni mommy Clio saka pinatay ang kalan para humarap kay dada CK. "I miss you, love."
"I miss you too, love." buong pagmamahal na tugon ni dada at siniil ang labi ni mommy ng halik.
Bago pa man ako makasaksi ng kung ano, malakas na tumikhim ako para makuha ang atensyon nila. Natawa ako dahil bahagyang naitulak ni mommy Clio si dada CK at sabay na nanlaki ang mga mata nila nang makita ako.
"Zoey?! Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka?" masayang bati na mommy sa akin at nagmamadaling kumalas siya sa pagkakayakap ni dada para lapitan ako. "Kararating mo lang ba?" tanong pa ni mommy.
I smiled sheepishly, trying my best to keep my cheerful front. Mabuti na lang at hindi sila nagtataka na may suot akong shades. "Yep! I just got here."
"Bakit hindi ka tumawag sa amin? Para nasundo kita," sabat ni dada na nakasunod agad sa likuran ni mommy. Magkasalubong ang mga kilay niya habang nakatitig sa akin.
Lagot. Overprotective dada alert.
"I miss you, dada CK!" Sinunggaban ko na lang siya ng yakap at naglalambing na pinupog ko ng halik ang pisngi niya.
Natawa naman ito, pero mabilis din siyang sumeryoso. "I miss you too, my princess. But next time, magsasabi ka sa amin kung uuwi ka lalo na kung gabi ka na makakarating. Delikado pa naman sa daan," sermon nito.
"Pero safe naman akong nakarating eh," katwiran ko. "Saka gusto ko kasing i-surprise kayo ni mommy."
"Ikaw talaga," masuyong pinisil ni mommy Clio ang pisngi ko kaya napahagikgik na lang ako. "Kumain ka na ba?"
Humarap ako kay mommy para siya naman ang yakapin habang nakapatong ang baba ko sa balikat niya. "Hindi pa po. Ang tagal ng biyahe kasi traffic, gutom na gutom na nga ako, eh."
"Tamang-tama, chicken adobo ang niluto ko. Favorite mo."
Napapalakpak naman ako dahil sa narinig. Finally! Matitikman ko na ulit ang luto ng maganda kong mommy.
"Pero bago tayo kumain, magbihis ka na at hubarin mo na 'yang shades mo. Nasa loob ka na ng bahay, nakaganyan ka pa," komento bigla ni mommy kaya napalunok na lang ako.
Uh, oh! Mahaba-habang paliwanagan ito kapag napansin nilang namumugto ang mga mata ko.
***
SNEAK-PEEK (Chapter 2)
"Hi, beautiful." Sapilitan niyang kinuha ang kamay ko at pinatakan ng halik ang likod ng palad ko. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa ginawa niya at mabilis na binawi ko ang kamay ko mula sa kanya.
"Wanna go on a date with me?" kindat pa nito. At sa isang kisap lang ng mata ay nakatanggap siya ng isang napakalakas na sapok mula sa dada CK ko.