Chereads / Forgotten Summer / Chapter 5 - Chapter 4 - Annoying Neighbor

Chapter 5 - Chapter 4 - Annoying Neighbor

Wala talagang jeep na masakyan kahit anong paghihintay ang gawin ko, kaya sa huli ay tinanggap ko rin ang alok ni Kai sa akin. Mabigat man sa kalooban ko, walang imik na umangkas na lang ako sa motor niya.

Muli niyang isinuot ang extra niyang helmet sa akin at sinigurong maayos na ang upo ko sa likuran niya bago niya pinaharurot ang kanyang motor. Kumapit na lang ako sa magkabilang balikat niya para hindi ako mahulog.

Habang binabaybay namin ang tahimik at mahabang kalsada ng Horencio, parehas lang kaming walang kibo ni Kai. Mabuti na rin 'yon dahil wala rin naman ako sa mood na makipag-usap sa kanya. Mamaya, kung anong kalokohan na naman ang biglang lumabas sa bibig niya. Baka maitulak ko siya pababa sa motor niya ng wala sa oras at maaksidente pa kami.

Ang dapat na twenty minutes naming biyahe pauwi ay mukhang magiging sampung minuto na lang ata dahil bigla na lang binilisan ni Kai ang pagpapatakbo ng motor niya. Sinamantala niya ang pagiging maluwag ng daan kaya pakiramdam ko tuloy nasa drag racing kami dahil ayaw niya magpaawat sa bilis.

Panay na ang sigaw ko sa kanya na bagalan niya lang ang pagpapaandar ng motorsiklo niya, pero hindi nakinig ang loko-loko. Patawa-tawa pa ito na tila enjoy na enjoy siya sa ginagawa.

"Bwisit ka talaga!" inis na usal ko.

Saglit niya akong nilingon kaya nasapok ko siya. "Sa harap lang ang tingin! Kapag tayo naaksidente at nagalusan ako, mapapatay talaga kita!Kaya please lang, bagalan mo na. Natatakot ako," buong pusong pakiusap ko.

Hindi ko na namamalayan na dumidiin na ang kuko ko sa balikat ni Kai dahil sa sobrang higpit ng pagkakakapit ko do'n. Ayoko talagang mahulog! Hindi pa ako ready na umakyat sa langit.

Finally, pinakinggan din ni Kai ang mga pagmamakaawa ko. Binagalan na niya ang pagpapatakbo ng motorsiklo kaya bahagyang napanatag ang kalooban ko.

"Sorry," I heard him mumbled.

"Saan?"

"For scaring you. I didn't mean it," he said sincerely. "When I was in Greece, madalas akong sumali sa mga motorcycle drag racing. Na-excite lang ako dahil maluwag ang daan dito at matagal ko na 'yong hindi nagagawa. Na-miss ko lang."

"Okay lang. Basta bagalan mo na lang kapag may angkas ka," tugon ko habang nakatitig sa likod niya.

"First time kong may i-angkas sa motor ko," bulalas niya.

"Utot mo. Sa dami mong babae, wala ka pang nai-aangkas kahit isa man lang sa kanila?"

"Wala pa nga. Hindi ko sila hinahayaang umangkas sa motor ko dahil baka magasgasan. Mas mahalaga sa akin ang motor kong ito kaysa sa kanila," he said jokingly.

"What a jerk!" I sneered.

"Only to them."

"You really need to learn how to treat every girls right. Mali 'yang ganyang pakikitungo mo sa kanila. Kahit pa sabihin natin na sila ang nagpapakita ng motibo sa'yo, dapat ay igalang mo pa rin sila. Hindi sila babae lang. Babae sila, babae kami."

"Don't worry, I will treat you with utmost respect."

Mahina ko siyang hinampas sa likod.

"Huwag lang ako ang irespeto mo! Irespeto mo ang lahat ng babae!" pangaral ko.

"Oo na," galing sa ilong na sagot niya, kapagkuwa'y hindi na ito muling umimik.

Itinikom ko na lang din ang bibig ko at nilasap ang kapayapaang namamagitan sa aming dalawa. Lumipas pa ang ilang minuto ay huminto na ang motor ni Kai sa may 7/11 sa tapat ng compound namin.

Bumaba ito sa motor niya at laking gulat ko na lang nang ilahad niya ang kamay niya sa harapan ko para alalayan akong bumaba.

May sapi ata itong lalaking ito. Biglang naging gentleman, eh.

Hinubad ko muna ang helmet na suot ko bago inabot ang kamay niya.

"Thanks," I mumbled.

He just flashed me his bashful smile. Gwapo.

"Tara, samahan mo muna ako saglit sa loob. May bibilhin lang ako."

"Ikaw na lan-"

Hindi na ako nakaalma pa nang hilahin ako ni Kai at napasunod ako sa kanya papasok sa loob ng convenience store. Kumuha ito ng basket at dumampot ng mga pagkain at kung ano-ano mula sa mga istante. Mostly mga instant noodles, de lata at mga tinapay ang nilalagay niya. May iilang bote rin ng beer at pakete ng sigarilyo.

Tsk! Tsk! This guy will surely die so young if he wouldn't quit his habit. Malakas pa naman daw itong manigarilyo.

"May plano ka palang mag-grocery, dapat sa supermarket ka nagpunta," puna ko. "Ang mahal pa naman dito."

"Ayos lang 'yan. Konti lang naman ang difference," pakikipagtalo nito.

Napatanga na lang ako sa kanya ng ilang segundo. Konti ang difference? Ang laki kaya! Sayang naman iyong matitipid niya kapag doon sa supermarket siya bumili.

Well, pera naman niya 'yan. Pake ko naman kung hindi siya marunong mag-budget. Hindi naman ako ang maghihirap.

Nasa likod lang ako ni Kai dahil hawak niya pa rin ako sa pulsuhan habang namimili ng ilalagay sa basket niya. Ayaw akong pakawalan ng loko. Samahan ko raw siya hanggang matapos siya.

Nang makapagbayad siya sa cashier, doon niya lang binitawan ang kamay ko. Sumakay siya ulit sa motor niya at pinaangkas niya ako. Kung tutuusin, pwede ko na lang lakarin ang bahay namin dahil sobrang lapit lang naman, kaso suko ako sa kakulitan ni Kai. Masyado siyang mapilit. Hinatid niya talaga ako hanggang sa tapat ng bahay namin.

Bago ako pumasok, inabutan ako ni Kai ng binili niyang clubhouse sandwich.

"Thanks!" sambit nito habang may kakaibang ningning ang mga mata.

"Bakit ka nagpapasalamat?"

"Salamat dahil hinayaan mo akong makasama ka, kahit saglit lang."

"You forced me," I reminded.

"Pumayag ka pa rin naman na ihatid kita."

"Wala lang akong choice. Huwag kang feeling," paglilinaw ko.

Tinalukaran ko na siya para tuluyang pumasok sa loob ng bahay namin. Saglit ko pang pinag-aralan ang clubhouse sandwich na binigay niya. Wala sa loob na napangiti na lang ako.

Mabait naman pala siya.

***

Kabado akong nakatitig kay dada CK nang tikman na niya ang niluto kong chicken adobo. Ilang beses pa akong napalunok ng sarili kong laway habang naghihintay ng hatol niya.

"Hmm...tastes good!"

"Talaga?" I asked with hopeful eyes.

Ginulo ni dada ang kulot kong buhok saka nag-thumbs up. "Masarap! Kasing sarap na ng luto ng mommy mo."

"Totoo? Hindi mo ko binobola?"

"Of course not! Kailan ba nagsinungaling si dada sa'yo?"

"Yehey!" I clapped. "Achievement unlocked!"

"Sige na, ako na ang mag-aayos ng hapag-kainan," prisinta ni dada. Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat at pinagtulakan paupo sa dining chair. "Maupo ka na. Hintayin natin ang mommy mo, malapit na raw siya."

Tumango na lang ako at pinagmasdan na lang si dada sa paglalatag ng placemat sa dining table.

"Oo nga pala, sino iyong naghatid sa'yo kanina? Iyong naka-motor?" usisa ni dada.

Halos sabay lang kaming dumating ng bahay kanina. Nauna lang siguro kami ni Kai ng ilang minuto. Nakita niya pala ang paghatid sa akin nito.

"It's Kai," tipid kong sagot.

Dada CK looked at me with a grim look on her face. "Bakit magkasama kayo?"

I shrugged. "Walang masakyan, eh. Hindi naman ako na-informed na strike pala kaya nagpumilit itong si Kai na ihatid ako dito sa bahay."

"Hinatid ka ni Kai?!"

Sabay na napatingin kami ni dada sa may pinto ng kusina nang marinig namin ang boses ni mommy. Dumating na pala siya at mukhang narinig pa niya ang pinag-uusapan namin ni dada.

Nagmamadaling umupo si mommy sa tabi ko para kulitin ako. "Hinatid ka talaga ni Kai?" she asked, her voice was bit cheerful.

"Yes. Wala kasing masakyan, mommy."

"See! I told you, Kai is a good guy kahit maloko."

"Good guy, eh playboy nga ang isang 'yon," sabat ni dada. Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon.

"Sakit naman talaga siya sa ulo, pero sabi nga nila, don't judge a book by its cover. So, baby, bakit hindi mo kilalanin muna ng mabuti si Kai? Malay mo mag-click kayo?"

"No! Stay away from that guy. Ayokong may lalaking umaaligid sa'yo."

"Pero kapag si Jaxon, okay lang?" nakataas kilay na tanong ni mommy.

"Jaxon is a good guy," dada pointed out. "Sayang talaga ang batang 'yon. Kung hindi la-"

"CK!" maagap na suway ni mommy.

My heart instantly sank at the mention of his name. Napayuko na lang ako nang maramdaman kong nag-iinit bigla ang mata ko.

Stop it, self! Huwag kang iiyak!

Nang mapansin ni dada ang reaksyon ko ay umupo ito sa tapat ko at masuyong inabot ang kamay ko.

"I'm sorry, baby. Hindi ko sinasadyang banggitin siya."

"Ayos lang po."

Kinabig naman ako ni mommy palapit sa kanya at mahigpit na niyakap. "My poor baby," pinupog niya ako ng halik sa pisngi. "I know you're having a hard time right now, but don't forget that your dada and I will always be here for you. Iyak ka lang sa amin kapag gusto mong ilabas 'yan."

"Okay lang ako, mommy. I'm strong, 'di ba?" I said reassuringly. Pinilit ko pang ngumiti dahil ayoko namang pag-alalahanin pa sila.

Sana nga talaga, maging okay na ako. Sana dumating 'yung araw na kahit isang pagbanggit lang ng pangalan nila Jaxon, hindi na ako masasaktan.

***

Maaga akong nagising kinabukasan dahil maaga rin akong nakatulog kagabi. Matapos kong mailigpit ang pinaghigaan ko ay bumaba na ako para maghilamos bago dumiretso ng kusina.

Nadatnan ko doon si mommy na katatapos lang magluto ng sopas. May malaking stainless steel soup bowl sa harap niya na mukhang sinasalinan niya ng sopas na umuusok-usok pa, habang si dada naman ay sumisimsim na ng mainit na kape.

Uupo na sana ako, kaso bigla akong inutusan ni mommy. "Punta ka muna diyan sa tapat. Ibigay mo 'to kay Kai."

"Kai? Bakit?"

"Anong bakit? Siyempre para dalhan ng pagkain ang batang 'yon. Dinamihan ko na ang luto dahil sigurado akong puro instant noodles lang ang kinakain niya."

"Dito rin siya nakatira?!" I gasped in disbelief, with my eyes wide open.

"Yep! Diyan lang sa tapat bahay nila," mommy smiled.

Kaya naman pala ang lakas ng loob na magprisintang ihatid ako kahapon, kapitbahay lang pala namin siya. Tignan mo nga naman. Napakaliit lang pala talaga ng mundo namin. Ibig sabihin, araw-araw ko pala siyang makikita. Ugh! What an annoying neighbor.

"Sige na, dalhan mo na siya ng pagkain, baka gising na 'yon."

Tumango na lang ako at lulugo-lugong lumabas ng bahay bitbit 'yung sopas na pinapabigay ni mommy. Pagdating ko sa tapat ng gate ng bahay nila Kai ay ilang beses akong nag-door bell pero walang sumasagot. Pumasok na lang ako sa loob ng malaking bahay ng walang paalam at kumatok sa pinto pero pagpihit ko ng door knob ay bukas naman pala ito.

"K-Kai?" tawag ko.

Nakarinig naman ako ng isang impit na ungol bilang tugon nito sa akin. Agad na ginalugad ng mga mata ko ang kabuuan ng malawak na sala na siyang kinaroroonan ko ngayon. Makalat sa paligid na animo'y dinaanan ng delubyo ang buong bahay. May mga empty box fresh milk, balat ng tsitsirya, pinagkainan na cup noodles at kung ano-ano pa ang nagkalat sa sahig. Ano ba naman itong lalaking ito? Hindi ba siya marunong maglinis?

"Z-Zoey..."

Napasapo ako sa dibdib ko nang marinig kong muli ang tila nanghihinang boses ni Kai. Natagpuan ko itong nakahiga sa mahabang sofa na parang namimilipit sa sakit.

Agad kong nilapag ang hawak kong bowl sa center table para daluhan ito. Nataranta na lamang ako nang masilayan ko ang mukha niyang putlang-putla at pawis na pawis. Nakahawak din ang isang kamay niya sa tiyan niya habang mariin na napapapikit.

"What happened?!" I asked, my voice lace with concern.

Dahan-dahang iminulat ni Kai ang kanyang mga mata at nanghihinang tumitig ito sa akin. Umangat ang isang kamay niya kaya agad kong inabot 'yon at mahigpit na humawak doon si Kai na parang sa akin kumukuha ng lakas.

Unti-unti ay bumuka ang bibig niya upang magsalita sana, ngunit bigla na lang siyang nawalan ng malay dahilan para mas lalo pa akong mataranta.

Jusko po! Ano bang nangyayari?!

***

SNEAK-PEAK (Chapter 5)

"Gusto mo na bang mamatay?!" Hindi ko na mapigilang magtaas ng boses dahil sa katigasan ng ulo niya. Nasita tuloy ako ng ibang pasyente na nagpapahinga dito sa ward.

Mahinang natawa naman si Kai kaya tumingin ako sa kanya ng masama.

'What?' he mouthed.

'I hate you,' I mouthed back.

"I like you!" buong lakas niyang bigkas kaya napatingin na naman sa akin ang mga pasyenteng narito.

But this time, nakangiti na silang lahat sa akin ng nakakaloko.