Alas-syete palang ng umaga nang magising ako. Hindi ko pa halos maidilat ang mga mata ko dahil mugtong-mugto ito. Wala akong ibang ginawa kagabi kundi ang umiyak nang umiyak habang nasa bisig ako ni mommy at nasa tabi ko naman si dada. Hinahagod-hagod niya ang likod ko habang ang isang kamay niya ay hinahaplos ang buhok ko kaya nakatulong 'yon para kahit paano ay kumalma ako.
Dito na ako nakatulog sa kwarto nila ni mommy nang matapos akong maglabas ng sama ng loob sa kanila.
Ilang araw na kasing napapansin ni mommy na matamlay ako mula nang bumalik ako dito sa Horencio, tapos umuwi pa ako na napaka-ikli na ng buhok ko kaya naghinala agad siya na may problema ako.
Alam kasi ni mommy na sa tuwing pinapagupitan ko ng maikli ang buhok ko, ibig sabihin stress ako. Dinahilan ko na lang sa kanya na naiinitan lang ako kaya ako nagpagupit pero hindi umubra ang mga palusot ko sa kanya. Kinulit niya ako nang kinulit kung anong problema ko kaya sa huli ay nagsabi rin ako ng totoo sa kanila.
Ipinagtapat ko sa kanilang dalawa na naghiwalay na kami ni Jaxon at ang totoong dahilan kung bakit kinailangan na naming humantong sa gano'ng tagpo.
And because my mom and dada we're in the same shoes like Brendon and Jaxon, naunawaan nila ang dalawa.
Oo, masakit talaga dahil mahal na mahal ko si Jaxon pero dapat ko raw tanggapin ng paunti-unti na may mga bagay talagang nagtatapos na hindi naaayon sa gusto natin. Kung talagang pinapahalagahan ko pa rin daw ang pagkakaibigan naming tatlo, intindihin ko raw sila, hindi man ngayon, kundi kung kailan handa na ako dahil hindi rin biro ang pinagdadaanan ng mga ito.
Hindi ang paghihiwalay namin ni Jaxon ang katapusan ng mundo ko, sabi pa nila. Tama naman ang mga magulang ko do'n. Some endings are just new beginning for us and I have to try harder to pick up myself again.
I will try my best to move forward and make a fresh start. I will definitely overcome this, before summer ends. I hope so.
"Baby, gising ka na?"
Napaangat ako ng tingin sa pintuan ng kwarto nang bumukas ito. Napangiti na lamang ako nang masilayan ko ang napaka-aliwalas na mukha ni mommy. Wala talagang kakupas-kupas ang ganda niya. She's still beautiful like the first time I met her. Mukha pa rin siyang anghel.
"Gusto mong sumama sa akin sa restaurant? I will teach you how to cook."
"Really?!"
"Yes! Hindi ba matagal mo nang gusto na matutong magluto? Hindi lang natin nagawa kasi sa Manila ka na nag-aral pagtuntong mo ng kolehiyo, eh."
Right after my high school graduation ay lumuwas na ako ng Manila para doon mag-aral ng college. Nasa second year na ako. Sa condo ako nakatira na siyang tinitirhan din nila Jaxon at Brendon. Magkakatabi lang ang unit namin at si Jaxon ang taga-luto namin kaya sobrang spoiled ako at hindi na ako nag-aral magluto noong nando'n ako.
Hay. Naalala ko na naman sila. Mabilis ko silang iwinakli sa utak ko at pinilit na ngumiti kay mommy.
"Baka makaabala lang ako sa'yo, mommy. Hindi ba, marami kayong customers kapag ganitong panahon?"
Mom quickly went to my side and sat on the bed, next to me. She cupped my face between her hands and softly kissed my forehead. She, then, looked at me fondly. "Kailan ka ba naging abala sa akin ang baby ko, hmm?"
My heart instantly melted at the sweetness dripping from her voice. Gustong-gusto ko talaga sa pakiramdam 'yung ganito. Iyong kahit 20 na ako, bine-baby pa rin ako ng mga magulang ko.
"Thank you, mommy! 520!" I giggled as I hugged her tight on her waist.
520 means I love you. Secret code nila ni dada na na-adapt ko na rin.
"520, baby ko!"
"Bakit kayo nagyayakapan?" Biglang pumasok si dada sa kwarto na palipat-lipat ang mga mata sa amin. Ilang saglit lang ay ngumiti ito ng napakalapad at nagtatatakbo palapit sa amin.
"Pasali!" Sumampa siya sa kama at dinambahan kami kaya napatili na lang kami ni mommy sa ginawa niya lalo't sinasadya niyang daganan kami. Pinulupot niya pa ang mga braso niya sa magkabilang bewang namin ni mommy saka salitang pinupog kami ng halik sa mukha.
"I love you both," buong lambing na pahayag ni dada CK bago humiga sa pagitan namin ni mommy at pinaunan niya ang braso niya sa mga ulo namin.
"Let's stay on the bed for awhile. Mamaya na tayo mag-breakfast," dada suggested.
Sabay na tumango naman kami ni mommy at mahigpit na yumakap kami kay dada. Matagal-tagal na rin kasi mula nang matulog kami ng sama-sama. I guess staying here in Horencio on my summer break is the best decision I've made.
***
Suot ko ang isang kulay blue na sundress at boho criss-cross sandals nang bumaba ako sa sala. Nakabihis na rin si mommy ng simpleng green knee-length dress with halter neckline na kakulay din flip-flops niya. Ang dark brown naman niyang buhok ay naka-clip sa magkabilang gilid gamit ang isang hair clip na seashell ang design.
"Hindi sasama si dada?" tanong ko kay mommy nang mapansing wala pa ito. It was Saturday, wala namang pasok si dada sa trabaho niya kapag weekends.
Umiling si mommy at ngumiti. "Sasama 'yon. Iyon pa ba magpapaiwan?"
Magtatanong pa sana ako kung nasaan ito pero nakita kong pababa na ito ng hagdan. May bitbit ito sa kanang kamay niya.
"Let's go, my Queen and my Princess," yakag ni dada saka isinuot kay mommy 'yung bitbit niya. Kimono cardigan pala na may leaf print.
"Masyadong exposed ang likod mo. Suot mo para matakpan," malambing na utos niya kay mommy.
"Sus!" pinisil niya ang tungki ni dada saka mahinang natawa. "Ang selosa naman ng CK ko."
"Siyempre, for my eyes only," kindat ni dada. Kilig na kilig naman ang mommy ko.
Ang sarap talaga nilang pagmasdan kapag naglalambingan.
***
Ala-una na ng tanghali nang makarating kami sa beachside restaurant na pagmamay-ari nina mommy at dada. CliCK ang pangalan ng restaurant na ito, combination ng pangalan ng mga magulang ko.
Cli from Clio and CK naman from my dada's nickname. Si mommy ang nakaisip nito.
The interior design of this restaurant was quite minimalist with high soaring ceilings, that gives a welcoming vibes to the customers. Wall was painted in pure white while the dining chairs and oversized sofa was in grayish-blue, associated with chunky timber coffee tables.
For the outdoor dining, this restaurant has a spacious patio and rooftop where customers can enjoy the lovely view of the ocean while dining.
"Good morning, ma'am!" masiglang bati sa amin ng isang tauhan nila mommy nang makapasok kami. Limot ko ang pangalan niya dahil matagal rin akong hindi nagagawi rito, pero kilala ko siya sa mukha.
"Good morning din, Zoey! Nakauwi ka na pala," baling niya sa akin."
"Oo. Kahapon lang," I smiled at her.
Kilala ako ng ibang tauhan dito lalo na 'yung mga matagal nang nagtatrabaho dito.
"Where's Kai? Nandiyan na ba siya?" tanong ni mommy nang mapadaan kami sa counter. Palinga-linga pa siya sa paligid na tila may hinahanap.
"Wala pa ma'am. Late na naman ata," sagot nung babaeng cashier sa kanya.
"Late na naman?!" tila nangungunsuming bulalas ni mommy. "Kahapon late na siya saka noong isang araw, ah! Namimihasa na talaga ang batang 'yon."
"Pasaway ba?" natatawang tanong ni dada.
"Sobra! Noong isang linggo, hinamon niya ng away 'yung customer dahil bastos daw makautos. Then noong nakaraang araw, may dalawang babae na dito pa nag-eskandalo dahil pinagsasabay niya. Tapos nagbasag pa siya ng mga bote ng wine nung sinaway siya ng mga tauhan ko. Pakisabi diyan sa kaibigan mo, sumasakit na ang ulo ko sa ugali ng anak nila," litanya ni mommy.
Agad namang lumapit si dada sa likod ni mommy at minasahe ang balikat nito. "Easy, love. Huwag kang magpa-stress do'n. Maligalig talaga 'yong si Kai simula pagkabata kaya nga pinatapon na dito sa Pilipinas ng mommy niya, para daw magtino."
"Sino ang tinutukoy niyo dada?" curious kong tanong.
Bumaling sa akin si dada. "Si Makai, anak ng kaibigan ko na nasa Greece. But his parents are both Filipino, nag-migrate lang do'n. Mas matanda ata siya sa'yo ng tatlong taon. Graduate na dapat siya ng college, kaso sobrang pasaway kaya umulit ng isang taon. Lagi daw naki-kick out sa school kaya ayan pinatapon na sa Pilipinas. Dito na siya mag-aaral next school year."
Bubuka din sana ang bibig ni mommy para magsalita pero inunahan siya nung babaeng cashier at may itinuro sa entrance ng restaurant. Napalingon naman do'n sina mommy and out of curiousity, sinundan ko rin ang tinitignan nila.
Nakatuon ang mga mata nila sa lalaking kakapasok lang ng restaurant. Matangkad ito na may blonde na buhok at undercut. Nakasuot ito ng ripped jeans, brown combat boots at pulang polo na bukas ang lahat ng butones at puting sando sa ilalim.
"Speaking. Nandiyan na ang pasaway ma'am," bulong nung cashier na may halong inis. Mukhang ayaw niya do'n sa lalaki.
Pumihit paharap si mommy at pinamewangan ito habang naghihintay sa paglapit nito. Dire-diretso naglakad 'yung lalaki patungo sana sa counter pero nang makita si mommy, agad itong tumalikod at mabilis na humakbang paalis.
"Makai! Saan ka pupunta?! Kapag ikaw hindi nagtino, isusumbong na talaga kita sa parents mo! Ayaw mo naman sigurong itakwil ka na nila nang tuluyan, no?" pananakot ni mommy.
Nagkakamot sa ulo na humarap ulit 'yung Makai, saka dahan-dahang lumapit uli kay mommy. Magkasalubong ang dalawang kilay nito na akala mo galit na galit sa mundo at sangkalupaan.
"I told you, I don't want to work here anymore!" reklamo nito na parang bata. May nginunguya pa itong bubblegum.
"Then why are you here?" Mom asked with an arched eyebrow, her arms folded across her chest.
"I have a date! See that girl?" may pagmamayabang na itinuro nito ang isang babaeng nakaupo sa gitnang bahagi ng restaurant.
Saglit na pinagmasdan namin 'yung babae at sabay-sabay kaming napangiwi dahil halatang may edad na ito. Lagpas singkwenta na siguro ito. Sugar mommy pala ang nais.
"Ang sabi ko, magtino ka!" Malakas na piningot ni mommy ang tainga nung Makai kaya napasigaw na lang ito sa sakit. Bahagyang hinila pa ni mommy ang suot nitong maliit na lighter case necklace at inamoy-amoy ito.
"Naninigarilyo ka na naman?! Ilang kaha na naman ang naubos mo? Pasaway ka talagang bata ka!"
"Hindi na ako minor! Natural maninigarilyo ako!" katwiran pa nito kaya dalawang tainga na ang piningot ni mommy.
"Aray! Aray! Tama na, oo na, magtitino na ako!" sunod-sunod na daing nito na akala mo naman isang hayop na kinakatay.
Natawa na lang kami dahil agad na namula ang buong mukha nito. Maputi kasi. Pointed nose pa ito na may maliit na nunal sa tungki at makapal ang kanyang kilay na bumagay sa magandang kulay ng mga mata nito — brown hazel.
Nang binitawan ni mommy ang tainga niya ay tumingin ito sa akin. Bahagya akong napaatras nang humakbang ito palapit. Ang nakabusangot niyang mukha kanina ay biglang lumiwanag kasabay ng pagtaas ng sulok ng labi nito.
Umayos ito ng tayo pati ang polong suot ay inayos niya rin saka inilahad ang kamay sa harap ko.
I just frowned at him but he winked at me, a playful smirk still present on his face.
"Hi, beautiful." Sapilitan niyang kinuha ang kamay ko at pinatakan ng halik ang likod ng palad ko. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa ginawa niya at mabilis na binawi ko ang kamay ko mula sa kanya.
"Wanna go on a date with me?" kindat pa nito. At sa isang kisap lang ng mata ay nakatanggap siya ng isang napakalakas na sapok mula sa dada CK ko.
"Tarantado! Huwag ang anak ko!" nanggagalaiting sigaw ni dada sa loko-lokong lalaking 'to habang nanglilisik ang mga mata.
Huh! Serves you right.
***
SNEAK-PEEK (Chapter 3)
"Will you stop pestering me?! Naiirita na ako sa'yo."
He just let out a small chortle. "I don't wanna. And it's okay if you're getting irritated with my presence. It only means that I already caught your attention, right?"
Napasabunot na lang ako sa sarili ko at napapadyak sa labis na inis. Grabe talaga ang lalaking 'to, ubod kapal ng mukha!