Second week of my summer break. I'm still looking for a volunteer organization to keep me busy the next month, but for the mean time ay dito muna ako sa restaurant ni mommy natulong.
Naturuan na rin niya akong magluto ng iba't ibang californian dishes kasi mostly, iyon ang food na sine-served dito sa restaurant nila. Iilan pa lang ang asian dishes na naituro niya sa akin.
Maraming tauhan dito si mommy dahil ang sa mga part-timer na galing pa sa Manila gaya ko. Magkaganun man, gusto ko pa ring tumulong dito sa restaurant kahit paano.
Kapag nanatili lang kasi ako doon sa bahay, for sure magmumukmok lang ako at titignan ko na naman ang mga photo album ko na puno ng mga pictures namin nina Jaxon at Brendon. Maaalala ko na naman iyong mga panahon na kasama ko sila at masaya kaming tatlo. Iiyak na naman ako.
Nakakapagod na rin. Ayoko nang i-torture pa ang sarili ko. Masakit na masakit na kasi. Kailangan ko talaga ng mapaglilibangan para panandalian ko silang makalimutan.
"Miss!"
"Yes, sir?" Nakangiti kong tugon sa lalaking customer na tumawag sa akin saka lumapit sa kanya.
"Pwede bang makahingi ng isang basong tubig? Iyong hindi malamig."
"Sige po, sir. Ikukuha ko po kayo. Sandali lang po," magalang na sambit ko.
Aalis na sana ako para kumuha ng tubig para do'n sa customer pero may humarang sa daraanan ko. Agad ko siyang pinaningkitan ng mata lalo na at nakangiti ito ng nakakaloko.
Ano bang trip ng Makai na 'to? Pepestehin na naman ako.
"Saan ka pupunta?" magiliw na tanong nito.
"Saan pa ba? Kukuha ng tubig, malamang!"
"Ako na, baka mapagod ka," he winked at me before he left to get a glass of water.
I hugged myself and shivered at his stupid antics. I just want to enjoy my summer break, but there's an annoying guy who keeps on bugging me. I hope he would stop asking on a date. I'm not really interested.
"Aba, sinisipag ata si Kai, ah."
Napaigtad ako nang bigla na lang sumulpot si mommy sa likuran ko. Humarap ako sa kanya, may kakaiba sa ngiti niya habang nakahalukipkip. Ang mga mata niya ay nakatanaw kay Kai na ngayon ay pabalik na sa customer na nanghingi ng tubig sa akin.
Saglit na pinagmasdan ko rin si Kai. Mukha itong mabait na empleyado sa suot nitong uniform which is black pants, burgundy vest and white long sleeve shirt underneath with a black bow tie. Napakakintab din ng suot nitong itim na sapatos. Mukhang bagong-bago pa.
Sabi ni mommy, sa loob ng halos apat na buwan na nagtatrabaho ito dito, ngayon lang daw ito nagsuot ng uniform. May sariling dress code daw kasi ang loko.
"Dapat pala, lagi kang nandito para nagtitino si Kai. Nagpapa-pogi points ata sa'yo," pang-aasar ni mommy nang ilipat niya sa akin ang mga mata niya.
"Mommy, binilin ni dada sa akin na huwag akong makipaglapit sa lalaking 'yan. He's a red flag. And because I'm such an obedient child, I am willingly following my dada's order."
"Overprotective lang 'yang dada mo. I think Kai is a good guy."
"Good guy?" I shook my head, unconvinced. "Eh, sabi mo nga pasaway 'yan at hindi nakikinig sa inyo. Not only that, papalit-palit daw ng babaeng dine-date 'yan sabi ng mga tauhan mo. Mostly mga babaeng mayaman na may edad na ang trip niya o kaya 'yung mga sexy na babae. For sure, gusto niya lang akong isama sa collection niya kaya panay ang pangungulit niya sa akin."
Because of the rumors about him, I started wearing baggy shorts and shirt whenever I'm here, so he will stop targetting me. Kaso mukhang walang epekto dahil patuloy niya akong ginagambala.
"Hindi mo type?" usisa ni mommy.
Mabilis akong tumango at pinagdikit ko pa ang mga braso ko para gumawa ng 'x' sign. "Malayong-malayo siya sa ideal guy ko."
"Pwede namang magbago ang tipo mo sa lalaki sa paglipas ng panahon. Malay mo naman," mom chuckled as she playfully nudge me with her elbow.
Napangiwi na lang ako dahil sa tinuran niya. Never! Jaxon already set the bar too high. Walang sinuman ang makakatibag ng standards ko pagdating sa lalaki.
Makai is handsome, yes. Malakas pa ang karisma, walang duda. But I don't like his guts and everything about him. He always pick a fight with customers, maikli ang pasensya, walang hiya, naninigarilyo at babaero pa. Siya ata ang epitome ng pagiging bad boy kaya hindi talaga siya papasa sa taste ko.
Wala siya sa kalingkingan ng ex kong si Jaxon. Gentleman, magalang, mabait, masipag, matalino, kayang tumayo sa sarili niyang mga paa at may respeto pa sa babae. Bonus na lang ang kag wapuhan ng lalaking 'yon.
He's the definition of a perfect guy that girls could ever dream of. Kumbaga sobrang rare. Kaya nga siguro ako nagkakaganito, hirap na hirap ako na kalimutan siya. He's been a good boyfriend to me when we were still together. He's the sweetest and the best.
Okay, enough Zoey. You're here to move on from him, right? Stop thinking about Jaxon. Baka nga hindi ka na naiisip no'n. Pathetic.
***
"Mommy, mauna na po akong umuwi. Anong gusto mong ulam sa dinner?" naglalambing kong tanong kay mommy habang nakasilip sa pinto ng office niya. Mukhang abala ito sa ginagawa niya dahil tuktok na tutok ang mga mata niya sa laptop.
"Oh! Ikaw ang magluluto?" napapantastikuhang saad niya nang hapyawan niya ako ng tingin saglit.
I smiled and nodded. "Opo, pero 'yung madali lang, ha? Hindi pa ako gano'n kagaling magluto gaya niyo ni dada."
Mom held her chin, tilting her head to the side, thinking for a bit. "How about chicken chopsuey? I've been craving for that lately, eh."
"Sige po, mommy! Noted!" I sent her a wink. "Anong oras kaya uuwi si dada?"
"Maaga 'yon uuwi hangga't nandito ka. You know your dada, even if she's busy with work, she will always spend more time with you. Uuwi rin ako before seven, so we could bond together and watch movies after. What do you think?"
"I love that!" I said in glee.
Kapag nandito talaga ako sa amin, alagang-alaga ako ng mga magulang ko. They always prioritized me, above anything else. I feel so love.
Matapos makapagpaalam kay mommy, ay pakanta-kanta akong lumabas ng restaurant na hindi nawawala ang maaliwalas na ngiti sa labi ko.
"Hey! You going home?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang bumulaga na lang si Kai sa harapan ko paglagpas ko ng pathway. He's now wearing a plain gray sando with wide open sides, black shorts and a Vans checkered shoes. Alas-kwatro palang ng hapon pero bakit nakapagpalit na siya? Tapos na ba ang shift nito o tatakas na naman siya sa trabaho niya? Pasaway talaga.
Naninigarilyo ito kaya bahagya akong umatras palayo at gamit ang kamay ko ay itinaboy ko ang usok na pumupunta sa akin. Nang mapansin niya ang pagsama ng mukha ko dahil sa usok ng sigarilyo niya ay agad niya itong itinapon sa sahig at tinapakan.
Umarko naman ang isang kilay ko sa ginawa niya. "Pwede bang huwag kang magkalat?"
"Sorry?" he smiled cheekily while rubbing the back of his head before he picked up the cigarette and throw it in the trash can.
Nagmamadaling nilayasan ko na siya at hindi ko na ito pinansin pa. Naglakad ako patungo sa kalsada para mag-abang ng jeep na masasakyan. Akala ko matatahimik na ang mundo ko pero ilang saglit lang ay bigla na lang may humintong motorsiklo sa harapan ko — it was a Yamaha MT-15.
Otomatikong nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil si Kai na naman ang tumambad sa paningin ko. Ang kulit-kulit talaga ng lalaking 'to.
"Hop in! Ihahatid na kita," alok niya.
Nagpanggap ako na hindi ko siya naririnig saka tumanaw sa bandang kaliwa ko. Sana naman ay may dumaan agad na jeep dahil ayokong makasama ang lalaking ito. Kaso mukhang ayaw dinggin ng langit ang panalangin ko ngayon. Kahit isang jeep ay walang dumadaan. Napakaluwag at tahimik tuloy ng kalsada.
Anong nangyari? Lagi namang dagsa ng jeep sa gawing ito, ah!
"Don't be shy, babe. Sumabay ka na sa akin. Kiss mo lang naman ang bayad, eh."
Sa inis ko, pinagsisipa ko ang binti ni Kai kaya halos malaglag siya sa motor niya dahil hindi niya malaman kung paanong iwas ba ang gagawin niya. Panay pa ang hiyaw niya dahil napapalakas ang sipa ko.
"Ang brutal mo naman! Bakit ka ba nananakit?" inis na bulyaw niya sa akin. "Ikaw na nga itong bibigyan ng free ride, ayaw pa."
"No, thanks! Mas gusto ko pang maglakad na lang pauwi kaysa sumakay sa'yo!"
He, then, smiled at me, as he stared at me with pure amusement dancing in his eyes. "So, feisty. Ganyan mga gusto ko sa babae."
Ugh! This guy was really good at pissing me off. To teach him a lesson the hard way, I clench my fist to punch him this time, but he was so fast and he dodged it so easily!
He gave me a triumphant smile as he held my wrist tightly to prevent me on hitting his face and pulled me closer to him. I hitch my breathe at the proximity and wanted to pull away from him. But he's so strong that I couldn't break away from his grip.
"Bitawan mo ko!" sigaw ko sa kanya pero tumawa lang ito na tila aliw na aliw siya sa akin.
Walang nakakatawa at hindi nakakatuwa ang ginagawa niya!
"Come on, ihahatid lang naman kita." Dahan-dahan niyang binitawan ang pulsuhan ko kaya agad akong umatras palayo. "Wala akong ibang gagawin sa'yo, promise. Ihahatid lang talaga kita. You don't have to make a big fuss about it."
"And I told you already, I don't want to! Kaya kong umuwing mag-isa!"
"Really?" he asked playfully. "Walang jeep na dadaan ngayon dito. Haven't you watched the news? May strike po."
Napatigalgal ako dahil sa narinig. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang mga sandaling iyon. Muling tumanaw ako sa kaliwa ko at halos magkandahaba-haba na ang leeg ko sa kakatingin sa malayo, umaasang may isang jeep akong makikita pero wala talaga.
Ang malas ko naman! Balik na lang kaya ako sa restaurant para sumabay na lang kay mommy? Kaso, gusto ko talaga silang ipagluto ng dinner ngayon.
Bigla na lang may humarang sa paningin ko kaya napakurap-kurap ako. Sinuotan ba naman ako ni Kai ng helmet na walang pasabi. Napabuntong-hininga na lang ako at inangat ang visor ng helmet para samaan siya ng tingin pero hindi natitinag ang kulugo.
"Come on, babe. Sumakay ka na. Magdidilim na, baka mapahamak ka pa sa daan."
"I'm not safe with you either! And stop calling me, babe! I'm not one of your girls!"
"Oh, jealous?" he wiggled his eyebrow up and down. "Gusto ba na ikaw lang ang babe ko?"
Agad na hinubad ko ang helmet na pinasuot niya saka binato 'yon sa kanya. Tumawa lang itong muli ng pagkalakas-lakas na tila hindi inda ang malakas na pagtamada ng helmet sa dibdib niya. Baliw na talaga.
"Will you stop pestering me?! Naiirita na ako sa'yo!"
He just let out a small chortle. "I don't wanna. And it's okay if you're getting irritated with my presence. It only means that I already caught your attention, right?"
Napasabunot na lang ako sa sarili ko at napapadyak dahil sa labis na inis. Grabe talaga ang lalaking 'to, ubod kapal ng mukha.
"Hop in! Like I promise, I'll just give you a ride. I won't do something, unless you want me to," nakakalokong sambit nito kaya iniumang ko ang kamao ko.
"Just kidding!" bawi niya. "Ang pikon mo pala, no?"
Huminga na lang ako ng malalim at mariing pumikit. Nakakaubos talaga siya ng pasensya. Nang magmulat ako ay tumingala naman ako sa kalangitan, piping umuusal ng panalangin dahil baka may magawa akong hindi maganda ngayong gabi.
***
SNEAK-PEEK (Chapter 4)
"Thanks!" sambit nito na may kakaibang ningning sa mga mata.
"Bakit ka nagpapasalamat?"
"Salamat dahil hinayaan mo akong makasama ka, kahit saglit lang."
"You forced me," I reminded.
"Pumayag ka pa rin naman na ihatid kita."
"Wala lang akong choice. Huwag kang feeling," paglilinaw ko.