Antika's POV
It was monday morning nung nabasa ko yun. Asa bus ako papauwing Manila. May klase na kasi ako at baka kapag bukas pa ako umuwi ay mastranded ako sa daan dahil sa bagyo. Madali akong nakasakay ng bus dahil narin sa maagang pag gising saakin ni Mama. Nag aalala rin kasi siya saakin dahil parating na ang malakas na bagyo sa aming lugar.
Habang nasa loob ako ng bus, naisipan kong buksan ang aking messenger. Kagabi pa kasi ako hindi nag oonline sa kadaahilanang walang signal sa aming lugar. Natulugan ko narin naman ang boyfriend kong si Lemuel dahil doon.
Nabigla na lamang ako nang biglang makita ko ang isang mensahe mula sa boyfriend ko. Kinabahan ako sa mga una niyang sinabi na lumitaw sa notification ng cellphone ko. Hindi agad nag loading ang chat niya kaya inantay ko pa muna ito. Nagimbal ang mundo ko nang makita ko ang mga mensahe na tumambad sa akin.
"Hindi ko nga ramdam na mahal mo pa ako eh"
What the heck! Anong pinagsasasabi ng bonjing ko? Prank nanaman ba ito? Nagtatampo ba siya kasi hindi ko siya nakausap kagabi? Hindi ko naman siya inaway or what, so what's the problem?Alam niya naman na mahina ang signal sa amin tapos ganyan sasabihan niya. Naku, nag iinarte nanaman ang bonjing ko.
Bonjing o bonj, ang tawag ko sakanya ng ilang taon. Yes, taon na kami and I am so proud of it! Nalagpasan namin ang unang curse year na sinasabi nila but somehow ang 6 years ay isa sa mga numero ng curse years ayon sa mga nakatatanda, so parang nasa isip ko 'Ahy, bagong challenges nanaman. Kakayanin kaya namin?'
Kaka 6 years and 4 months lang namin, 2 days ago. Libing ng lolo niya kaya sabi ko sakanya huwag na muna kaming magkita para narin after ng libing makapagpahinga na siya. Ayoko naman kasi na after nun pupunta siya agad saakin. Dapat nag grogrow din yung pag iisip namin, hindi dapat ganun, hindi namin dapat sanayin ang mga sarili namin na magkasama. May kanya kanya rin kasi kaming buhay kaya naman pinili ko na magpahinga na lang muna siya.
I go out with my sister 2 days ago, after ng meet up namin for our costumers sa Online shop. I also treat her and her friend sa isang kainan. Well, I loved to be friends with her friends too. So, anong mali sa pagbabonding naming dalawa habang siya ay nakikilibing sa namatay niyang lolo? Why is he acting like this? What's wrong with him? Binasa ko ang mga sumunod na chat niya saakin.
"Oo sabihin na natin na nag busy ka at masipag ka magaral .. pero wala na bonj eh .. di na nag wowork relasyon natin"
To be honest, I don't know kung saan mo nahuhugot yan whether its a prank or not. Masakit! Hindi nag wowork yung relasyon natin? What? Ang saya natin 2 days ago. What the hell are you talking about?
"mahirap mag assume na balang araw may narating na kasama ako at may naipon ka na wala man lang ako naiambag sa pag angat mo"
Balang araw pareho tayong aangat sa buhay. Magkasama natin yung tatahakin, lahat ng ups and down, challenges, magkasama nating dadaanan yun. So, I don't get you. Nakaya natin ng ilang taon, bakit ngayon ka pa susuko?
"ayaw ko ng ganun na balang araw mukha akong inutil sa pamilya mo na palamunin mo lang ako"
I know you're not going to do that. Bakit ba kasi binababa mo yang sarili mo? Kilala kita. Kilalang kilala kita bonj pero bakit ka ganyan? Anong mayroon?
Nag umpisa na akong manginig at umiyak dahil sa mga nabasa ko. Ewan ko ba, parang gusto kong bumalik papauwi saamin tapos puntahan siya. I want to be with him but I can't. Ilang oras ang biyahe papuntang Manila so its impossible for me to go back. I have choices, its either I go back or continue to travel to Manila but since may klase pa ako, I choose to continue. Importante saakin ang pag aaral ko. Isa pa, magagalit sa akin si Mama and I don't want that to happen.
"sana maintindihan mo ako"
"ayoko na bonj .. sawa na ako .. tagal ko narin pinagisipan to"
Matagal? So kelan pa? 2 days ago lang yung monthsary natin ah.
"lahat ng yun .. dina ako makatulog ng maayos"
"paalam .."
"BREAK NA TAYO"
Nang makita ko ang mga katagang iyan ay lalo na akong humagulgol sa pag iyak.
Mula sa dating mga 'I love you'. Bakit biglang napunta sa ganyan?
Okay naman tayo diba? Anong mali? Saan ako nagkamali? Nagselos ka ba? Nagtampo? May nagawa ba akong hindi maganda? Hindi ko na alam kung anong problema. Ang tagal natin pero bakit sa chat ka lang makikipag hiwalay. Bakit?
"salamat sa lahat lahat salamat kasi naging mabuti sila mama mo saakin .."
Gusto ko nang bumaba ng bus noon kaso impossible na dahil sa taas ng tubig gawa ng baha. Inilagay na nga ng kundoktor ang mga nasa babang gamit sa loob ng bus para hindi mabasa ang mga iyon. Tumingin ako sa daan ngunit patuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha ko. Hindi ko alam kung prank lang ba ito o ano?
Nag chat ako sa kapatid ko. Ini-screenshot ko lahat ng sinabi niya and she just replied "Sa lahat ng break up niyo, ito yung pinakamasakit."
Yes, ito nga. Kasi alam kong kapag may iba na, wala na akong laban. Natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi na siya bumalik. Natatakot akong mapunta siya sa iba. I build him pero bakit siya ganito? Lalo lang akong umiyak dahil sa sinabi ng kapatid ko na nag aantay sa pagbabalik ko sa Manila.
"Miss, okay ka lang?" dinig kong tanong saakin ng Kundoktor ng Bus. Oh! Issue kayo ha. Ano? Iisipin niyo ganyan ang ending ko? Kundoktor makakatuluyan ko? Pwede naman hahaha! Hindi. Hindi kayo nagkamali. Char!
Pagkarating ko sa Manila agad ko siyang tinawagan. Sinubukan ko rin siyang i-chat.
Nagbabakasali ako na baka mapag usapan pa namin ito. May laban pa naman ako diba?
Sinubukan ko lahat ng paraan para makausap siya pero nakablock lahat ng account ko sakanya at kapag tatawagan ko naman siya lagi niya akong pinapatayan. Ano bang problema talaga? Kataka taka kasi yung pakikipag hiwalay niya sa akin. Ang hirap tanggapin.
Gabi gabi akong nag iisip, umiiyak. Paano kami napunta sa sitwasyong ganito? Paano niya ako nagawang iwanan ng ganun lang kadali? Paano ha?
Sobrang lungkot na para bang hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin kasi sobrang tagal na naming magkasama at pinangangalagaan ko pa ang pangako namin sa isa't isa. Nasanay na kami na andyan kami para sa isa't isa. Pero kami nga ba talaga o ako lang? Pero paanong sa isang iglap, sa isang kurap lang ng mata ko bigla na lamang nawala lahat nang yun? Paano niya ako nagawang iwanan ng ganun ganun nalang? Na walang malinaw saakin ang dahilan, walang katanggap tanggap na rason, paano ha?
Chapter 2: Embarass