Frank's POV
Kanina ko pa nakikitang tolero at walang kibo si Antika. Hindi ko alam kung anong problema niya. Tinatanong ko siya. Ayaw naman niya magkwento. Hindi ko naman alam kong paano ko mapapagaan ang loob nito kung hindi ko alam kong anong rason nito kung bakit siya nagkakaganyan ngayon.
Inaya niya nga ako sa isang mamahaling Restaurant pero ganyan naman siya nung dumating kaming dalawa ni Llord sa napag usapang tagpuan namin.
"Aray!" sigaw nito ng mapaso siya sa kinakain niya. Paano, hindi niya tinitignan yaon tapos lutang pa ata yung isip niya. She's not even aware sa mga taong nasa paligid niya.
"Anong problema?" tanong ni Llord sakanya. Tinignan lang ni Antika si Llord ng masama ng tanungin siya nito. Anong mayroon? May problema ba sa kanilang dalawa?
"Babi, okay ka lang?" tanong ko sakanya. Ngumiti lamang ito na tila ba may kunting pait na kasama sa ngiti niyang matamis. May problema kaya siya? Heto nanaman, nag aalala nanaman ako sakanya.
Pinagpatuloy namin ang pagkain sa mga nakahaing pagkain sa aming harapan. Kung dati rati ay maraming nakakain si Antika sa mga ganitong kainan ngayon ay tila ba nagbabawas ito ng timbang sa sobrang unti nitong kumain.
Nakakabingi at mabigat ang dala ng katahimikan ngayon. Anong problema sa dalawang ito?
Pagkatapos naming magdinner ay agad kaming nagcheck in sa pinakamalapit na hotel.
"Sagot ko na." sabi ko sakanila.
"Aba'y dapat lang! Ikaw perwisyo at bwisita dito eh." sagot ni Llord saka humalakhak. Tinignan ko si Antika. Malungkot lang ito at nakayuko sa harap ko. Gusto kong kausapin siya ng kaming dalawa lang kaya lang lagi kasing nakabantay si Llord.
Pumasok kami sa kwarto namin nang ibigay na ang susi para doon. Iisang kama lang ang mayroon sa kwartong napasukan namin.
"Tabi tabi tayo diyan?" tanong ni Antika.
"Yep babi!" masigla kong sagot dito. Alam kong hindi problema iyon sakanya dahil alam naman nitong marespeto akong tao at kahit kelan ay hindi ako gagawa ng ikasisira ko ng pangalan sakanya lalong lalo na ng iniisip niya ngayon. Mahal na mahal ko siya at kailanman ay hindi ko hahayaan ang sarili kong lapastanganin siya.
"May problema ba?" tanong ni Llord dito. Napatitig rin naman ako kay Llord. Pakiramdam ko ay may hindi tama sa nangyayari ngayon.
.
"Wala naman." matamlay nitong sagot.
Naunang maligo si Antika na sinundan ko. Huli na si Llord.
Paano napakabagal ng tropa kong iyon.
"Babi, may problema ba?" tanong ko sakanya habang naliligo si Llord.
"Babi, ikaw lang katabi ko please." pagmamakaawa nitong sabi na parang naluluha. Ano ba talagang mayroon? Hindi maabsorb ng utak ko kung anong mayroon. Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan.
"Ano bang mayroon babi?" tanong ko sakanya.
"Kasi..." napahinto ito ng biglang bumukas ang pinto ng banyo.
"Tapos na! Matutulog na tayo!" masiglang sabi ni Llord na nakatingin sa direksiyon ni Antika. Pakiramdam ko ay may mali talaga.
Gustuhin ko mang ako lang ang katabi ni Antika. Hindi pumayag si Llord. Gusto niyang asa gitna si Antika para daw hindi ito matakot sa multo. Hindi naman matatakutin si Antika kaya naman hindi ko mawari kung bakit yaon ang dinahilan nito saamin. Hindi naman umangal si Antika sa dahilan nito.
Maya maya habang nababalot na ang paligid ng dilim at parepareho na kaming nakahiga ay nakaramdam ako ng mahigpit na kapit mula kay Antika.
Nakapikit ito pero para bang nahihirapan ito.
Tinakluban ko ang aking mukha ng kumot. Sa ibaba nito, nakita ko ang hindi ko dapat makita. Shit! Agad kong iniangat ang ulo ko sa kumot. Pinabayaan ko sila. Bakit hindi nagsabi saakin si Antika na may nagaganap na pala sakanila? Hays.
Tumalikod ako sakanilang dalawa.
Maya maya pa ay unti unti narin akong nilamon ng dilim ng isara ko ang talukap ng aking mga mata.
"Good Morning!" masiglang bati ni Llord saakin ng lumabas ako ng kwarto namin.
"Anong nakain mo at maganda ang mood mo ngayon?" tanong ko dito.
"Wala lang pare! Masarap kasi yung kinain natin kagabi kaya ngayon pinaghanda ko narin kayo." ani nito. 'Kinain natin o kinain mo?' ani ko sa aking isipan.
Maya maya pa ay lumabas narin si Antika sa kwarto.
"Good morning, babi." bati ko sakanya. Kahit na hindi nito sinabi saakin na may nagaganap na sa kanila ay pakiramdam ko kailangan ko parin itong pansinin kahit na nagtatampo ako dito.
"Good morning din babi." sagot niya saakin.
"Oh! Ano pang hinihintay niyo? Kain na tayo." aya ni Llord saamin na mukha namang gutom na gutom kaya nauna na sa harap ng hapag kainan.
Nakakabinging katahimikan naman ang aming naranasan habang asa harap ng hapag kainan ang nangyari saamin nang mag sama sama kaming tatlo sa iisang lamesa.
Tinititigan ko si Antika habang kumakain. Matamlay ito. Bakit ba wala itong sinasabi saakin? Never nagsinungaling si Antika lalo na saakin. Hindi ako nito pagtataguan ng sekreto.
Ilang oras pa ang nakalipas ay nakarating kami sa dapat naming patutunguhan. Habang nanunuod kami sa sinehan, niyakap nito ang braso ko. Tinitigan ko siya. Oo nga pala. Comfort zone ako nito. Napansin kong tumitig si Llord sa kanya.
"Pare, iihi lang ako." paalam ni Llord saamin saka umalis.
"Babi, nag la-lovers quarrel ba kayo ni Llord? Halata masyado eh." tanong ko dito nang makaalis si Llord.
"Babi, hindi." sagot nito.
"Babi, if ever siya. Please do save yourself from him. Hindi ka dapat magkagusto sakanya babi."
"Huh?"
"Act like nothing happened babi. Masasaktan ka sakanya babi. Bata palang kilala ko na siya. Hindi siya marunong sumeryoso sa mga kagaya mo babi."
"Anong pinag uusapan niyo?" tanong ni Llord na kadarating lang.
"Wala pare, sinasabi ko lang kay Antika na sobrang ganda ng movie."Pagkukunwari ko. Sa dami ng babaeng lulukuhin mo, bakit kaibigan ko pa? Magkababata tayo pero bullshit! Huwag naman sanang si Antika. Ayokong nakikitang nasasaktan ulit siya.
Ayokong makita siyang nasaktan dahil sayo. Ayokong magalit sayo hanggat maari...Kasi magkababata tayo...At yang tinatarget mo, kaibigan ko. Pinakapaborito ko pang tao. Alam ko namang maling makialam pero kapag kaibigan ko ang masasaktan para bang hindi ko kakayaning makita ulit na ganun. Ayokong makita ulit si Antika na nasa isang toxic relationship.
Gusto kong sumaya ang kaibigan ko. She didn't deserve to be hurt by someone he loved. Minahal ka na nga, sasaktan mo pa. Katangahan na yun, pare. Ang bobo mo sa parteng ganun. Sa makabagong panahon ngayon, iilan nalang ang taong seryoso at isa na doon si Antika kaya kung pwede, huwag sanang maging bobo dahil baka bumaba ang tingin ko sa mga taong mananakit sakanya kahit mataas pa ang pinag aralan nila.