Chereads / Ramified / Chapter 5 - Chapter 4: Friends with benefits

Chapter 5 - Chapter 4: Friends with benefits

Antika's POV

Front kick...

Side kick...

Turning long...

Round house...

Ilan lamang yan sa mga natanggap kong sipa mula sa promotion ng black belt. After our break up bumalik ako sa training. Matagal tagal rin mula noong iniwan ko ang gym. Red belt na ako noong panahong iyon at ngayong iniwan ako ng taong pinakamamahal ko, gusto ko sanang magpaka abala sa mga bagay bagay upang hindi ko na ito maalala madalas.

Pinagpatuloy ko ang pag tretraining para magkaroon naman ako ng libangan habang nasa lagay ako ng pagmomove on. Hindi ko na kinulit pa si Lemuel pagkatapos magsend saakin ni Breyan ng picture nila ng maganda niyang girlfriend ngayon.

Wait! Maganda? Saang parte? Hindi hamak na mas maganda ako doon nuh. Pakiramdam ko rin ay angat ako sakanya sa lahat. Natalo lang ako nito sa pang aagaw. Hindi niya ba naisip yung pakiramdam ng kapwa niya babae dahil sa ginawa niya? Hindi na bale, may karma rin sila.

Masakit pero kakayanin. Nakakalungkot pero kailangan ng tanggapin. Hindi naman pwedeng ipilit ko pa yung gusto ko. Ayaw ka na nga, pipilitin mo pang bumalik. Hindi naman ako tanga.

Basag sa labi ang nakuha ko mula sa promotion na ginanap ngayon. Idagdag mo pa ang dumudugong ilong ko.

"Okay ka lang?" tanong saakin ni Amar. Kaibigan ko sa Taekwondo dito sa Manila. Tumango naman ako dito bago ako tumakbo papuntang Cr. Tumingin ako sa salamin. Nakakahiya ka. Nakakadissappoint ka. Mula noon hanggang ngayon mahina ka parin sa sparring. Nagtetraining ka naman pero bakit ganun?

Mas masakit pala ito kesa sa heart break. Oo nga naman hahahaha. Sino ba namang hindi masasaktan kung dumudugo yung ilong mo saka basag bibig mo after promotion mo? Ewan ko nalang kung iisipin mo pa yung heart break na yan.

'Kring... Kring...' dinig kong tunog ng Cellphone ko. Nagpunas ako ng mukha at tinakpan ko ang ilong upang mapigilan ang pagdudugo nito.

Si Frank?Anong mayroon? Ipraparnk ba ako nito? Hahahaha joke!

"Babiiii! Kamusta?"

"Heto, nadugo ilong at basag ang bibig."

"HAHAHAH! Okay lang yan babiii! At least black belter ka na ngayon."

HAHAHA! Akala niya ba natutuwa ako? NO! Kung hindi ako iniwan ni Lemuel, hindi talaga ako babalik sa training. Ang hirap kaya nuh. Hindi naman ako kasing galing ni Frank sa sparring eh. He's a legend for me. Walang training pero kayang manalo. Samantalang ako, hirap na hirap na ako sa training, mabagal parin, mahina parin. Walang nagbabago. Hindi nag iimprove.

"Hoy!" dinig ko ulit na sabi niya.

"Oh?"

"Babiii! Kelan ka uuwi? Miss na kita."

"Alam mo namang ayokong umuwi na diyan diba? Isa pa di na ako pinapauwi diyan."

"Then...Ako na pupunta sayo tutal andyan naman si Llord."

"Weh?"

"Totoo nga."

Seriously? Gagawin niya yun para saakin? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. I am so lucky to have a friend like him. Siguro nga may purpose kung bakit hindi siya inalis ni Lord sa buhay ko.

"Then should we go to batangas to unwind, babi?" tanong ko dito. I really want to go somewhere talaga since bukod sa stress ako sa training, stress pa ako sa school, sa business, sa lahat lahat na ata. Gusto kong mag unwind kumbaga.

"Okay babiii!" Ang dali niya talaga mapapayag sa ganito.

Then the call ended as he says good bye to me. How I wish... How I wish he would stay for a long time beside me. Ayoko na siyang mawala dahil nasanay narin ako na andyan siya. I want him to stay with me forever.

'Kring... Kring...' tumunog muli ang aking Cellphone. Anong nanamang mayroon? Tinignan ko kung sino ang tumawag. Si Llord? Why? Anong problema niya?

"Hey zup!" bungad ko.

"Can we see each other love later?" tanong nito.

Love? Ah oo nga pala, kalandian ko pala siya. Nanlalandi eh. So para makamove on ako ng mabilis. There is this guy na kafling ko lang. We're not serious to each other anyway since magbest friend sila ni Frank and I know parehas silang cassanova at ayoko ng ganun. Why? Hoy! Napakaloyal ko nuh. 6 years kaya kami ni Lemuel. Why should I pick a lust instead of a gold, right?

"Okay then... See you later, Llord." then I ended his call.

I knocked the door of their house.

"Sandali..." dinig ko before mag open yung pinto.

"Hi!" bungad ko sakanya. Bakas sa kanyang mukha ang saya na makita ako muli. Niyakap ako agad nito ng sobrang higpit.

"Ang ganda mo talaga, love." bulong nito saakin habang nakayakap ng mahigpit.

"Wala ka bang kasama dito?" tanong ko sakanya saka ako kumalas mula sa pagkakayakap.

"Wala si papa. Pasok tayo sa loob." Aya nito saakin bago alisin ang kanyang mga braso na nakapulupot sa katawan ko. Tumango lamang ako dito bilang tugon.

"Love, look! I made you a cake and I cooked for you. Shall we eat na ba?" tanong nito saakin.

"Okay." Naglabas din si Llord ng alak.

"Seriously?" tanong ko sakanya.

"Yep." Kumuha ako ng baso at agad na naglagay ng alak doon.

"Cheers!" sabi ko. Mukha naman itong nagulat sa kilos ko.

"Cheers!" At dahil lasinggera na ako mula nung iniwan ako. Ayun, tinuloy tuloy ko ang pag inom ko hanggang sa maramdaman ko na ang pagkahilo.

"Can we go to bed?" I ask. Tumayo ako papalapit sakanya. Lumapit naman agad ito saakin para alalayan ako. Inalalayan niya ako hanggang sa mapunta kami sa kwarto niya.

Nagulat na lamang ako ng bigla itong pumatong saakin.

"No." mahina kung sabi gawa ng aking pagkahilo. Hinalikan ako nito sa labi ko saka hinalikan ang iba't ibang parte ng aking katawan. Ang mga kamay naman nito ay nililibot ang iba't ibang parte ng aking katawan hanggang sa dahan dahang bumababa ang mga daliri nito sa ibaba.

"Please."

"Hindi kita boyfriend."

"Hindi ikaw si Lemuel." Nanghihina kung bulong sa hangin habang dumadampi ang kanyang labi sa pisngi ng aking dibdib. Nadidinig ko ang tunog ng aking Cellphone mula saaking bag.

Si Frank... Baka si Frank yun...

Lumapit ang mukha saakin ni Llord.

"Please. Isusumbong kita kay Frank." sabi ko sakanya.

"Yun ay kung maniniwala siya sayo, love." bulong nito saakin saka hinawakan ang aking mga kamay at saka inumpisahan ako nitong babuyin.

Nag umpisang tumulo ang aking mga luha bago magsara ang talukap ng aking mga mata at kainin ng kadiliman.

Nagising na lamang ako dahil sa tawag ni Frank.

"Asaan ka? Bakit hindi ka sumasagot kagabi?" tanong nito.

"Asa apartment." Ayun na nga. Nagsinungaling na ako sakanya. Malaking kahihiyan yung nangyari saakin kagabi. Hindi ko boyfriend pero may nangyari.

"Hello! Hello! Babi? Andyan ka pa ba?" tanong nito.

"Babi, tatawag nalang ako mamaya." sabi ko sakanya bago ko ibaba ang tawag.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko. Katabi ko ngayon si Llord. Parehas kaming hubad at nasa iisang kama. Fuck! Mali ito...Maling mali...Tatayo na sana ako ng bigla nito akong hinila pabalik sa pagkakahiga.

"Masarap ka love." bulong nito.

"Bitawan mo nga ako." pagpupumiglas ko sakanya.

"Love, isasama mo ako sa batangas niyo ni Frank ha." sabi nito.

"Paanong-" agad naman akong natigil sa pagsasalita gawa ng pag halik niya saakin.

"Magkaibigan kami ni Frank diba? Malamang sasabihin niya saakin atsaka dito siya saakin titira." sabi nito saakin pagkatapos niya akong halikan.

Muli nitong idinampi ang kanyang labi sa pisngi ng aking dibdib ko saka sinipsip na para bang may bata akong pinapad*d*at ang ibang parte naman nito ay nagkaroon ng marka.

"Akin ka na Antika. Tandaan mo yan! Lagi mong tatandaan yan." mariin nitong sabi.

"Isusumbong kita kay Frank." sagot ko sakanya.

"Hindi ka ba nadidiri sa sarili mo? Malamang si Frankmadidissappoint sayo pag nalaman niya yan, kaya kung ako sayo, huwag mo ng ituloy." sabi nito saka tumayo at nagbihis.

"Don't forget love. Isasama mo ako sa batangas ha. Kung ayaw mong mandiri siya sayo." bigkas nito muli bago lumabas ng kwarto. Bumangon ako at niyakap ang aking tuhod. Bakit kailangang mangyari ito? Magkaibigan rin kami. Pero paano niya nagawa saakin ito? Kung sana hindi ako iniwan ni Lemuel edi sana hindi nangyari ito. Sana maayos pa ang buhay ko. Sana wala ako sa kinalalagyan ko ngayon.

Maya maya pa ay muli kong isinubsob ko ang aking mukha sa aking tuhod upang umiyak. Sobrang sakit ng nangyayari saakin na tila ba hindi ko na alam kung ano pa ang aking gagawin.