Chereads / Ramified / Chapter 4 - Chapter 3: Friendship

Chapter 4 - Chapter 3: Friendship

Antika's POV

Every 6th day of the month was our monthsary. Tandang tanda ko pa kung gaano ako ka-excited sa tuwing darating ang araw na iyon. Umuwi ako sa Province namin this day. Syempre, sumuway ako sa parents ko. Just to see him again. Walang sukuan kasi mahal ko siya. Hindi pa tapos ang laban.

Pagkauwi ko ay agad ko itong pinuntahan sa kanila. Maswerte ata ako nung araw na iyon na naabutan ko siya sa bahay nila. Wala akong pinagsabihan ni isa na pupunta ako sakanila. Baka kasi makatunog nanaman ulit siya kapag ginawa ko iyon. Naglakas loob talaga ako. Kinapalan ko na yung pag mumukha ko. Para makausap siya, para makita siya at para mayakap siya.

Chinat ko si Frank nang makarating ako sa labas ng bahay nila Lemuel, knowing na ayaw na ayaw niya na akong pumunta sa ex ko.

"Nandito ako sa ex ko."

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Hindi ka pa ba nadadala? Nagpapakatanga ka sa taong hindi ka naman na mahal, Antika?"

"Erp, mahal ko yung tao eh kaya hangga't maari gusto kung suyuin hanggang sa ma-win back ko siya."

"Ang tanong mahal ka pa ba? Bahala ka nga. Ang kulit kulit mo. Hindi ka marunong makinig."

Nasasaktan narin ako sa totoo lang pero hindi ko parin pinansin ang mga sinabi ng kaibigan ko. Dumiretso ako sa loob ng bahay nila Lemuel at ayun na nga, gulat na gulat ang kapatid niya ng makita ako sakanila maski siya. What a nice surprise, right? Lumapit ako sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?"

Yaon ang pambungad niya sa akin. Hindi ako nagsalita. Niyakap ko lang siya ngunit pilit niyang inalis ang mga braso ko mula sa pagkakayakap ko sakanya.

"Umalis ka na."

"Hindi mo ba naaalala kung anong araw ngayon?"

"Alam ko."

"Bonj, balik na tayo sa dati please."

Hindi ako nito pinansin. Hindi rin naman ako nito magawang titigan sa hindi ko malamang dahilan. Anong nangyari saatin bonj? Bakit biglang nawala? Hinalikan ko siya ngunit hindi ito humalik pabalik. Tinitigan ko siya ng mata sa mata at ramdam kong wala na talaga. Yung matang iyon na tila ba wala ng nararamdaman para sa akin, sobrang lamig na. Tila ibang Lemuel na ang kaharap ko.

"Paano kung closure na ito?"

Lumuhod ako sa harap niya. Ayokong ito na ang huli. Ayokong ito na yung closure. Hindi pa ako handang mawala ka bonj.

"Bonj, I am begging you to please stay. Babalik tayo sa dati, gagawa ako ng paraan mahalin mo lang ako ulit."

"Tumayo ka na diyan. Babalik at babalik naman ako eh."

"Bonj, may bago na ba? Kasi kung may bago na handa akong magparaya."

"Wala."

"Bonj, please."

"Nadedepress na ako." sabi nito na naging dahilan ng pag iyak niya. Hindi ko alam kung saan ito nadepress pero pakiramdam ko, kailangan ko muna siyang hayaan para makapag isip isip.

Niyakap ko siya kahit na alam ko sa sarili ko na malaking tanong iyang depression na sinabi niya. Depress? Saan? The next thing I know is niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

"Mag iingat ka...."

"Parati..."

Saka siya bumitaw saakin. Masakit sobra. Pakiramdam ko iyon na yung huli. Pakiramdam ko doon na talaga kami nagtapos. Pero anong magagawa ko? Anong magagawa ng isang katulad ko kung ang sinabi niyang dahilan ay isang mental health issue.

"Okay na ba?" tanong ni Ken. Isa sa mga kaibigan ni Lemuel. Lot of our friends do expect na magkakaayos kami. Lahat din kasi nagulat nung nalaman na naghiwalay kami.

"Hindi."sagot ko sakanya sa chat.

"Okay na ba kayo balla?" tanong rin saakin ni Nicole na pinuntahan ko after kong puntahan si Lemuel sa kanila.

"Oo balla. At least ngayon alam ko yung reason."

"Eh paano kung di na bumalik?"

"Edi palayain balla. Kung saan siya masaya, doon ako."

Ako ba talaga yun? Papalayain? Kaya ko bang palayain siya? Hindi nila alam kung gaano kasakit magpalaya ng tao. Parang pinipiga yung puso ko, tang ina! Yung taong gustong gusto mong kasama hanggang dulo, ayaw na sayo kaya palayain mo nalang.

Yung taong gusto mong maging hari sa palasyo na mayroon ka, iniwan ka kaya palayain mo nalang. Akala ba nila sobrang dali?

Hindi, lalo't taon ko nakasama yung tao! Sobrang hirap.

I go back in Manila after that.

Breyan, one of Lemuel's friend din from Makati chatted me.

"Kamusta kayo ni Lemuel?"

"Bakit di mo itanong sakanya?"

I was wondering the moment he chatted me. Kinakabahan talaga ako sa kung anong sasabihin ng kaibigan niyang iyon. Maya maya pa ay nag umpisa na akong makaramdam ng hirap sa paghinga. He sent me a photo of a girl na kasama si Lemuel. Nag sent pa siya ng isa, bio nilang dalawa ang isa't isa.

Masakit. Sobrang sakit. Masakit kasi hindi niya saakin sinabi yung totoo. Ano ba naman yung sabihin saakin na may iba na, hindi yung depress. Ganun ba talaga siya kaduwag? Kahit yun nalang sana, yung katotohanan na every girls DESERVE!

Hindi ko kasi deserve ito eh. I know hindi ko deserve ito. Nagmahal lang naman ako pero bakit ganito?

Bakit walang nagsabi? Bakit ang bilis?

Ganun na ba ako kabilis palitan? Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?

Bakit ganun? I build the man who I loved the most for another woman. I balanced my business, studies, my taekwondo and muay thai trainings too. Balanse ko lahat at andun din ang relationship namin habang kami pa.

Hindi ako ganun kabrainy pero mapagtiyatiyagaan.

Hindi ako ganun kaganda pero pwede ipanlaban.

Hindi ako ganun kasexy pero kaya naman maging sexy para sakanya.

Hindi ako mayaman pero kaya kong makipag sabayan.

Ang unfair! Ang unfair niya! Unfair sila! Taon kami pero bakit ganun kabilis akong napalitan?

Ako yung history pero bakit hindi siya natrigger? Diba mostly, mas natritrigger ang mga babae sa mga may history ng past ng lalaki? Lalo sana ngayong nagtagal kami. Bakit hindi natrigger yung babae?

Ako yung history pero ako yung walang laban. Bakit hindi niya man lang naisip mararamdaman ko? Bakit hindi niya inisip yung kapwa niya babae?

Bakit hindi nila inisip yung mararamdaman ko?! Bakit saakin pa nangyari ito?

"Okay ka lang ba?" tanong saakin ni Frank sa chat. Tinitigan ko lamang iyon ng ilang sandali bago ako mag chat sa kanya.

"Mukha ba akong okay? Papatayin ko sila. Kaya ko namang gawin yown una palang. Iniisip ko lang si tita at tito."

"Para ka talagang tanga. Pinapairal mo yang pride mo"

"Wala akong paki sa pride erp. Hanggat hindi ako nagiging masaya. Hanggat hindi nawawala yung sakit. Hanggat hindi ako nakakaganti. Don't expect me na magiging masaya ako para sa kanilang dalawa. Mananahimik ako pero di ako gaya niyo na nagpapatawad ng ganun kadali."

"So masaya ka sa mga ginagawa mo? Bahala ka sa buhay mo! Edi gawin mo yung gusto mong gawin, para ka lang tanga."

Tumulo luha ko. Iniisip ko kung kaibigan ko ba talaga ito. Bullshit din eh. Imbis na i-comfort ako lalo pa akong bwinisit.

"Madaling sabihin sayo kasi hindi ikaw yung nagmahal ng sobra. Hindi naman ikaw erp yung iniiwanan eh. Hindi naman ikaw yung nasaktan. Hindi mo naman alam yung sakit na maiwanan ng biglaan lang, yung mabibigla ka nalang talaga. Hindi naman ikaw yung nanaginip na paulit ulit kang iniiwan. Hindi rin ikaw yung nagigising ng madaling araw para mag iiiyak kasi nga naaalala mo ulit sila o natutulog ng umiiyak gawa nila, maswerte na nga ako pag natutulugan kita. Hindi rin naman ikaw yung nasasaktan pag nakikita sila ditong dumadaan sa kalsada. Hindi rin ikaw yung kada sulok ng bahay niyo kahit saan ka magpunta naaalala mo yung tao. Hindi rin ikaw yung nalulungkot pag sinasabihan ako nila mama at papa niya na maghanap narin ako kasi mga matagal tagal na. Hindi rin ikaw yung iiyak nalang sa Cr pag may mga events o kung ano itatanong sayo kelan ka magpapakilala ng jowa mo. Ni manliligaw nga wala na akong tinatanggap ngayon paano pa magkakajowa. Pag tinanggap mo naman sooner or later malalaman mo pinagtritripan ka lang, pinagpupustahan ka lang. Kahit singpangit pa nga ng daga, napakakapal ng mukha manloko. Hindi rin ikaw yung tinithird wheel na maaalala mo yung dating kayo. Hindi rin naman ikaw yung nagtiwala sa taong yun erp eh. Hindi rin naman ikaw ako na sobrang takot mawalan. The more na malapit ako sa tao, mas masakit sobra. Hindi ikaw yung nakakaramdam na pakiramdam na itinatapon. Hindi rin ikaw yung gandang ganda sa sarili mo, sinasabi nila mas maganda ka pero asa isip mo kaplastikan nila. Sinasabi lang nila yown kasi kaibigan ka nila, kilala ka nila, kailangan ka nila. Alam mo naman yung totoo na mas better si Rose sa sarili mo. And dont worry, kahit naman gusto kong saktan yung mga taong yown. Pumatay ako. Kulamin sila. Kahit papano alam ko pa naman yung tama at mali. Alam ko namang tumanaw ng utang na loob sa mga magulang niya. Kung hindi ako marunong nun edi una palang ginawa ko na. Tanga lang ako sa salita, di sa gawa. Pero dont expect talaga na magpapatawad ako ng ganun kadali, hindi ako katulad ni lord na kahit hindi nanghihingi ng tawad pinapatawad niya. My standards aren't high as the sky but not low as the land. Ayoko lang talaga masaktan kaya ayoko sa mga nagbabalak manligaw."

Marami nang nakaabang but I choose not to have them because I'm so scared of pain and heart aches again. Ilang oras bago siya nagchat after niyang matanggap ang chat ko. Nasobrahan ko ata.

"I just want to say sorry kanina. I was wrong. Ang sakin lang kasi bakit kailangan mo pang gantihan si Lemuel tapos yung babae bakit di mo nalang sila hayaan? Kung patuloy yung galit mo walang mangyayari concern lang ako sayo kasi you're not doing this just for your own sake. Inaachive mo yung mga yun para lang gumanti that's your purpose diba? Para sa ibang tao hindi para sa sarili mo. Bakit hindi mo pwedeng piliin nalang yung sarili mo, maging masaya kasi you are lucky to have naman na may kaibigan kang concern sayo hindi yung susuportahan ka sa gusto mo kahit na alam mong risky yung gagawin mo; maybe na achive mo yung gusto mo pero nawala naman yung taong andyan for you.

I'm sorry wala akong karapatan para mangialam pero ginagawa ko to para lang din sayo. I know it hurts pero bakit di mo sila gantihan sa mabuting paraan. Kasi walang magagawa yung galit na yan just be happy, enjoyin mo yung buhay mo hindi para lang sa mga taong sumira at nanakit sayo."

"Sorry."

"Enough na. Sorry din."

Hindi na ako nagreply sakanya since masakit na mata ko kakaiyak. Swear, hindi kasi nito alam kung gaano ako kaswerte sa taong ito.

"I love you."

"I love you more, erp."