Chereads / Death's Shadow (TAGLISH) / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4: Common Grounds

"Pupunta ka ng dinner hall?" Salubong sa'kin ni Blaze nang makapasok ako sa kwarto namin. Nakaupo siya sa common area at may kinakain na kung chichirya.

Nabanggit sa'kin kaninang umaga ni Blaze na may breakfast hall tuwing 7 ng umaga at dinner hall tuwing 7 ng gabi. Do'n magkakasama sa pagkain ang mga students base sa rank.

"Mag-aayos nalang ako ng gamit," aniko.

"Sige. Tatambay muna akong library," galak niyang wika.

Dala niya ang chichiryang kinakain noong lumabas siya at suot pa ang uniporme dahil hangga't hindi pa tapos ang dinner hall ay bawal pang magpalit.

Nagtungo ako sa kwarto ko para makapag-ayos ng gamit.

Hindi ko alam kung sapat na ba ang siyam na araw para sa'min. May kailangan pa nga pala kaming tapusin na poison flower. Wala namang sinabi ang Headmistress na kailangan namin magtagal do'n.

I was packing my things when I heard three knocks on the door. I was able to hear it since I left the door in my room open. Pinuntahan ko ang pinto at binuksan 'yon, hindi ko namalayang napatingin ako sa paligid para makita kung may tao at wala naman.

"Here," he handed me the book and immediately turned his back.

Tinignan ko ang libro. Where should I put this? Should I bring it with me?

Pinanood ko lang siyang kaswal na umalis. Sinakto niyang wala masyadong tao sa girl's dormitory kaya confident siyang pumunta dito dahil ang karamihan ay nasa dinner hall.

Pagkasara ko ng pinto, agad ding nasundan 'yon ng sunod-sunod na katok kaya nagmadali ako para buksan 'yon. Bahagya ko palang itong binuksan pero tinulak ni Kei 'yon at pumasok sa loob bago sinandal ang likod sa pinto.

"Shit, sinundan ako," he uttered.

"Nino?"

Ibig sabihin nakita ang libro? Naguguluhan ako. Bakit naman siya susundan at bakit naman siya magpapasunod?

"Scarlette." He said.

Narinig ko na ang pangalan na 'yon. 'Yung vice-captain na sinabi ni Blaze.

"Anong gagawin mo jan?!" Pigil ko nang dumeretsyo siya papunta sa kwarto ko. Agad akong nagmadali para maunahan siyang pumasok.

My under garments were on my bed! Nakakahiya kapag nakita niya 'yon!

But I was too late. He was already inside my room. Tumingin siya saglit do'n sa kama ko pero mabilis ding umiwas at pumunta sa may bintana. May iba't-ibang kulay pa ako ng underwear na nasa kama. Hindi ko kinaya kaya namula nalang din ako sa kahihiyan.

"Nice choice of colors by the way," I heard him say before jumping out of the window. My mouth parted in shock.

I was in stunned for a moment but when realization hit me, mabilis akong sumilip sa bintana para makita kung may nangyari sa kaniya.

"What the hell?..." I whispered when I saw him jumped on the tree. Malaki ang puno pati ang sanga nito. He was even walking on the branches like it was nothing. "Fucking monkey."

Sinara ko na ang bintana ko at nagmamadaling inayos ang gamit ko dahil hindi ko malimutan ang kahihiyang natamo ko kanina. I continued packing things and while I'm at it, it made me forget the embarassment I felt awhile ago. I packed clothes that were sufficient for five days.

Naupo ako sa kama ko at kinuha ang libro tsaka ipinatong sa hita ko. Binuksan ko ulit ang libro para hanapin ang blankong pahina pero nanatili nalang ulit itong blanko.

There was also a topic about the Necklace of Life, the History of Lumiere, Light Academy, the Three Grounds of Lumiere, and the Rulers of Lumiere.

But Blaze was right.. there were no informations about the second war that happened thousand years ago. Kahit isang inpormasyon mula sa nagdaang digmaan ay wala. Hindi ako sigurado kung meron sa ibang libro.

Alam kong nagkaroon ng digmaan tungkol sa dalawang kaharian at hindi ko alam kung bakit pilit nilang tinatago 'yon.

Tenebrae won the first war who wanted nothing else but peace. When the people of Lumiere heard the lost of their kingdom, their hopes turned into despair and they all screamed for help. Tenebrae did nothing after winning the war but Lumiere took it as a chance. The king that time—Tyron Yumiz, took advantage of Tenebrae's desire for peace and decided for a counterattack hanggang sa nangyari ulit ang isa pang digmaan.

And the last war happened two hundred years ago. Hindi na 'yon nadagdagan pa at sana hindi na madagdagan pa. Pero dahil sa balitang nagkakaroon ng patayan sa Common Grounds, naalarma tuloy ako sa sinabi ni Aqua.

There's always a prophecy when a war is about to happen. Everything will be gloomy and the skies will be filled with roaring thunder. Light will vanish and the air will be filled with the stench of blood. The clouds will cry their hearts out thus one man will only stand alive between the Descendant and the Cursed.

They were only made to be a killing machine for the war. Both person are the holders of both powerful elements. Their elements can't be describe beyond words.

Unfortunately, I'm the Cursed one. It's really a curse. What if I meet the Descendant here? Would that person kill me? I bet they will.

Itinago ko nalang ang libro sa ilalim ng kama ko para walang ibang makakita at natulog nalang pagkatapos para maagang gumising kinabukasan. Hindi ko aakalaing mas maaga kumpara sa inaasahan kong gising ko.

I prepared two sandwiches for me and Blaze. Kahit may breakfast hall at dinner hall, meron pa rin kaming maliit na kitchen para makapagluto kami. Essentials are provided by the academy.

Nauna rin akong gumayak at nag-check ng mga gamit ko. Tapos na ako sa lahat nang gumising si Blaze mula sa kwarto niya, nakasabit ang twalya sa balikat at kinukusot pa ang mata bago dumeretsyo sa cr.

Kumatok ako sa pintuan ng cr para sabihan si Blaze na mauuna na ako at sumigaw nalang siya ng 'oo' mula sa loob. Kinuha ko ang mga gamit ko at dumeretsyo sa headquarters.

Naabutan ko do'n si Aqua na prenteng nakaupo. Dumako lang ang paningin niya sa'kin saglit bago ulit tinuon sa binabasa niyang libro.

Naupo nalang ako sa may tapat niya. Tahimik lang ang paligid kaya naging komportable ako kaso agad ding nabasag nang marinig ko na si Rai mula sa labas palang.

"Aga ah!" Agad niyang sabi tsaka inilagay ang gamit sa lamesa kung nasa'n nakalagay din ang gamit namin.

"Where's Blaze?" Tanong sa'kin ni Aqua habang nakakunot ang noo.

"Kakaligo lang," sagot ko naman.

"O 'di ako late," proud na sabi ni Rai kay Aqua.

Ilang minuto kaming naghintay kay Blaze to the point na nakatulog pa ulit si Rai.

"Sorry!" Habol hiningang sabi ni Blaze, nakasabit sa balikat ang bag na may lamang gamit. Napakamot nalang siya sa ulo niya nang makita kami.

Walang emosyong sinara ni Aqua ang libro at tumayo na bago binigyan ng malakas na tapik si Rai sa mukha. Hindi ko alam kung dapat bang tapik pa rin ang tawag do'n... dapat ata sampal.

"Aray!" Napabalikwas ng bangon si Rai mula sa kinauupuan, hawak ang pisnging nasaktan. "Pota, 'di uso tapik sa balikat?!"

"Hindi ka magigising," rason ni Aqua at kinuha na ang mga gamit. Narinig ko naman ang paghalakhak ni Blaze sa isang gilid.

Suot namin ang uniform namin hanggang sa mapuntahan ang karwaheng sasakyan papuntang Enchanted City. Nagtungo muna kami sa Office para makakuha ng pass mula sa Headmistress. Gano'n lagi ang kailangan gawin bago magpatuloy sa expedition o mission.

Tahimik kami sa loob ng karwahe dahil siguro inaatok pa sila. Hindi ko alam kung pa'no nagawang makatulog ulit ni Rai kahit wala pa kami sa limang minutong umaandar.

Si Blaze naman ay gano'n din ang ginawa. Ihiniga ko nalang ang ulo ko sa may bintana bilang suporta at ipinikit ang mata.

"We're here."

Hindi ko namalayang nakatulog na ako dahil nagising nalang ako sa boses ni Aqua. Pagdilat ko, automatikong tumayo si Rai at nagmamadaling bumaba, natakot atang masampal ulit ni Aqua.

The place was bright. Madaming tao at sumikat na ang araw. Nasa kalagitnaan ata kami ng bayan dahil maraming nakahilerang tindahan agad ang nakita ko. Pinagtitinginan naman kami dahil na rin siguro sa suot namin.

"Watch out!" Agad kaming napatingin sa biglang pagsigaw ni Aqua na hawak ang batang muntikan nang madapa dahil sa pagtakbo.

"S-sorry po!" Nauutal na sabi ng bata.

"Be careful next time," I saw Aqua smiled a little before patting the kid's head. So he knows how to smile. May soft spot ata siya sa mga bata.

"Hindi pa po ako nakakaintindi ng wikang Ingles pero salamat po, kuya!" Kumaway siya kay Aqua at tumakbo pabalik sa mga kaibigan niya.

Ako lang ata ang nakapansin ng nangyari dahil nagtuturuan si Rai at Blaze sa mga tindahan. Bumalik din sa dating itsura ni Aqua ang mukha niya, iyong walang emosyon at tsaka naglakad para masabayan sila Blaze. Sumunod nalang din ako.

Hindi nakawala sa mata ko ang tingin ni Aqua kay Rai at Blaze. Nakatayo lang siya at tinitgnan lang sila.

"I'll search an inn for us," sabay sabi ni Aqua nang balikan kami ni Rai at Blaze na galing sa kung saan-saang tindahan.

"I'll help," I offered.

"Wait lang ako, kita-kita nalang din tayo dito," excited na wika ni Blaze habang pumunta sa stall na nagtitinda ng kung ano-ano.

Nagsimula na maglakad si Aqua. Si Rai naman ay sumama kay Blaze na gusto ring maglibot kaya naiwan akong kasama si Aqua. Wala ni-isang nagsalita sa'min pero okay lang dahil maingay naman ang paligid.

Ilang minuto kaming naghahanap at may mga kinausap pa si Aqua na nagtuturo ng daan tapos do'n kami pupunta. Halos siya lang din ang naghanap at sumusunod lang ako.

"Hindi ba maintindihan ang tagalog ko?" Biglang tanong sa'kin ni Aqua nang makabalik siya. Magkasalubong na naman ang kilay niya.

Maayos naman ang tagalog niya kahit may konting nahihirapan sa tono niya. It was managable. I think it was my turn to help because he was already looking so annoyed. Kaonti nalang ay magiging isang linya nalang ang kilay niya.

Ako ang kumausap do'n sa taong kinausap niya kanina at nagtanong ako ng pwede naming tulugan. We ended up in a cheap tavern, but it was enough. They gave us two rooms. Ako at si Blaze ang magkasama habang sa kabilang kwarto ay silang dalawang lalaki. Lumabas din kami agad pagkatapos ilagay ang mga gamit para puntahan sila Blaze.

We met on the same spot. May hawak pang stick si Blaze at si Rai, kumakain. Inabutan naman kami ni Rai ng paperbag samantalang si Blaze ay may inabot na kung ano kay Aqua.

"I saw this on a candy store, it's your favorite chocolate," may ngiti sa labing sabi ni Blaze. Hindi agad nakagalaw si Aqua at kinuha nalang 'yon.

"Eto din, Thalia, tikman mo 'to," may inabot din sa'kin si Bmaze at tinanggap ko 'yon.

"Salamat." Ngumiti ako.

"Tara na? Magbababa na rin kami ng gamit," ngiting wika ni Rai at naunang naglakad. Sinabayan ko siya para hindi sila maligaw.

"Aqua!" Napalingon kami kung sa'n sumigaw si Blaze dahil nakatayo pa rin si Aqua at halos napag-iiwanan na namin.

Do'n lang ata siya nagising noong tinawag siya ni Blaze.

"Parang wala naman masyadong ganap dito," komento ni Rai.

"Kailangan pa rin natin pumunta sa Town Office para makakuha ng reports." Blaze said while pointing her stick on Rai.

"First day lang pala kahapon? Akala ko isang taon na. May mission agad, e," ani Rai.

"Okay lang 'yan para maunat 'yung buto mong 'di naman nagalaw noong summer," balik na sabi ni Blaze.

"You guys should take a rest first. Mamayang gabi nalang tayo tumuloy," Aqua said once we reached the tavern.

"Ang baho mo talaga magtagalog," Asar ni Rai, tumatawa-tawa pa.

Natahimik lang si Rai nang bigyan siya ng tingin na nagbabanta ni Aqua. Hindi ko namalayang natawa ako dahil sa kanila. Aqua reminded me of his brother. The power they hold and the cold aura that surrounds them does not differ. It runs in the blood, I guess?

Pumasok na kami sa kwarto at mabilis na itinapon ni Blaze ang sarili niya sa kama.

"Hmm! Ang sarap mahiga at walang gawin buong araw!" Nakapit niyang sinabi at yakap ang unan. Nakalabas pa ang paa niya para hindi madumihan. Bigla naman siyang bumalikwas ng bangon at masayang tinignan ako. Nakaramdam naman ako dahil 'yon ang mga mata ng may balak na kalokohan.

Sa ugali ni Blaze, mukhang siya 'yung taong gagawin ang gusto niya dahil 'yun ang gusto niya at masaya siya. It takes courage to be like her. Some people can't even stand on their own.

"Ayaw mo bang.." she paused as if she was making it a suspense, "..maglibot?"

"Ang mahal!" Pabulong na reklamo ni Blaze nang marinig niya ang presyo ng kwintas na nakita. "Sige po, babalikan ko po mamaya." She smiled after speaking with the seller.

Hindi ko alam kung bakit nandito kami ngayon sa kalagitnaan ng bayan imbis na magpahinga para mamaya. Ni hindi nagpaalam si Blaze kina Aqua at tahimik akong sinama na para bang planado niya na talaga ang mangyayaring 'to.

"I think we should head back.." I said.

"Shh! Meron lang tayong ilang araw dito. First time ko lang dito at gusto ko ma-enjoy!"

We started going from one place to another. Napasukan na ata namin ang bawat store pero wala namang binibili si Blaze pwera nalang kung pagkain ang tinda ng papasukan namin.

Ang sumunod na tindahang pinasukan namin ay boutique. Talagang sinusulit ni Blaze ang pagpunta namin dito. Nang makahanap ako ng upuan ay naupo nalang ako. Wala akong interes sa mga damit. Mukhang may nakakuha naman ng atensyon ni Blaze dahil pumunta siya sa may counter at kinausap pa 'yon, hawak ang isang dress.

Naghintay ako ng ilang minuto bago ako inaya muli ni Blaze paalis.

"And last but not the least! The library!" Kulang nalang ay tumalon siya sa sobrang saya ng boses niya.

Huling pinuntahan namin ay ang maliit na library. Halos isang shelf lang ata ng Light Academy ang lahat ng libro dito.

"Alam ko iba ang libro dito sa common grounds. Alam mo ba 'yung mga fairytale na stories? Gano'n daw. Sa LA kasi puro elements, lumiere, tapos king. Walang nakakakilig." Sambit ni Blaze habang naghahanap ng libro.

Nginitian lang kami ng nagbabantay at hinayaan maghanap. Gano'n din ang ginawa ko. Nothing caught my attention except for one. A book covered in black. It wasn't oustanding. It was like being hidden on the upper right corner of the shelf. Parang ayaw nitong magpakita.

"Tara na." Balak ko na sana itong kuhanin nang hatakin na ako ni Blaze. Hindi naalis ang tingin ko hanggang sa maka-alis kami.

Nakabili na ata siya ng libro dahil may hawak na naman siyang paperbag. Malapit nang lumubog ang araw at kumaonti na rin ang tao.

Sa paglakad namin pabalik, tumunog ang malakas na dagungdong mula sa clock tower na nasa sentro ng bayan. Biglang nagsitakbuhan ang mga tao papunta sa kani-kanilang bahay, 'yung iba ay sinara nila ang bintana.

Napatingin nalang kami dahil nagpapanik ang karamihan sa kanila na para bang hinahabol sila ng kung ano. Pinatay din nila ang mga ilaw na nasa bahay nila. Buti nalang may kaonting ilaw pa mula sa palubog na araw.

"Anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ni Blaze.

The place suddenly looked like a desert in a glimpse. It was a ghost town. Everything went silent and the air felt odd. Lumapit si Blaze sa'kin at humawak sa braso ko.

Blaze and I were careful with every step we make. Sa hindi malamang dahilan, tahimik ang bawat lakad namin kaya mas lalong humigpit ang kapit sa'kin ni Blaze.

And in the middle of the deafining silence. A loud scream echoed the walls of Enchanted City.