"We should not be asking who this child belongs to, but who belongs to this child"
*****
"Maman! Are you alright?" Tanong ni Livi habang nakasilip sa pintuan ng kuwarto ko. Nakaupo ako sa kama at inaasikaso ng mga maids.
Tumango ako "Of course. Maman is much better now after seeing my Liviatus. Will you give her a good morning kiss?"
Ngumiti siya at pumasok, mabilis na umakyat ng kama ko saka ginawaran ako ng halik sa aking pisngi.
"Lady Eiffel ito po ang gamot niyo" saad ni ate Ekay
"Thank you" kinuha ko ang tabletas na inabot nito at ininom.
"Maman, Grandma Pau said that you were out drinking juice for adult because you have a problem. Can Livi help you? I'm a big boy diba so lemme help you!" My son offered as he tilted his head adoringly.
Nangigigil na niyakap ko siya at hinalik halikan earning a cute chuckle from him.
Hinawakan ko ang kulot kulot na buhok niya "Ok na ako Livi" Parang nawala ang stress ko kagabi dahil sa cuteness ng ampon kong ito.
Until now ay nagatataka ako kung paano ako nakauwi dito sa bahay.
I couldn't remember anything that happened last night.
Muling bumukas ang pintuan at pumasok ang matalik kong kaibigan. "I received a call from Tita Pau. It seems like my best friend is in a lil' trouble. Bakit hindi mo ako tinawagan kagabi? Edi sana dalawa tayong masayang naginuman at may hangover ngayon!" Nagmamalditang sermon niya.
"Tita Mharya!" Masayang tawag ni Livi sa kanya at sinalubong ng yakap.
"Liviatus! How many times do I have to tell you, don't call me Tita. Feeling ko ang tanda tanda ko na" sermon niya at binitbit ang bibong bata.
Naglakad siya papunta sa akin at umupo sa kama.
"I'm fine Mharya, si Mama lang naman ang paranoid at ayaw akong palabasin ng kuwarto" I don't usually get hangover because I have a high tolerance against alcohol. Hindi naman na masakit ang ulo ko and I seriously feel alright now.
"Gosh I hate you Eiffel, how can you stay beautiful even under hangover?" Nakataas ang kilay na tanong niya at tumawa lamang ako.
"Well, I know bagot ka na dito so why don't we go out? Let's bring along Livi " Aya niya.
"Mabuti pa nga" payag ko at tumayo na mula sa kama ko.
""""
Masayang hawak ni Livi ang kamay ko habang naglalakad lakad kami dito sa mall kasama ni Mharya.
Walang nagawa ang mga gaurds ng umalis ako kahit na mahigpit silang pinagsabihan ni Mama. I'll just talk to her pagkauwi namin.
Hinayaan naming maglaro si Livi sa play pen at umupo sa katabing cafe.
"So what is the problem of the Countess?" Tanong ni Mharya at napatingin ako sa kanya.
Clyde's PoV
Napadaan ako saglit dito sa mall para kausapin ang management about the ATM Machines na dinistribute ng kompanya ko dito nang mamataan ko ang isang batang nakatingin sa glasswall ng isang toy shop.
"Woah! It's the new edition of Optimus Prime. So cool" he adoringly cooed as his eyes twinkle in admiration.
Lalagpasan ko na sana siya ng bigla siyang naglakad at nadumbo sa akin.
Napaupo siya at napahawak sa noo niya.
Napakalampa naman ng bulingit na ito.
"Hey watch where you're going midget"
Dahan dahang iniangat niya ang mukha niya at nanlilisik ang mga matang tumingin sa akin.
Grabe! Kulang na lang mapatay niya ako sa tingin niya.
He looks like a foreigner child, natural curly hair and fair as white complexion, siguro mga nasa tatlong taong gulang pa lang to.
"What.Did.You.Call.Me?" Tanong niya na puno ng pagbabanta. English speaking pala.
Hindi ko alam pero napangiti lang ako sa kanya.
"I believe I called you midget" ulit ko at mas nainis yung bata.
"I'm no midget! Im a grown-up man already!" Giit nito.
Umuklo ako para mapantayan siya at hinawakan ang ulo niya na parang minemeasure ko siya.
"You're hardly three feet, how can you be a grown up?" I sarcastically asked.
He stomped his feet "My Maman said that height isn't the definition of how one should perceive himself" nagmamalaking sagot niya.
Hmh... May point naman ang bulingit na ito. His mother must be a wise woman as well.
"Really?"
"Of course! Livi may be small but Im big enough to protect my Maman!"
I scanned the place then looked at him. "If that's so then... Where's your Maman?"
Nang marinig niya ang tanong ko ay lumingon ito sa likuran niya at nagsimulang mamutla. Muli siyang tumingin sa akin at unti unting nakusot ang mukha.
Big crocodile tears suddenly fell from his eyes as he made a loud wailing sound.
"Oy! Teka akala ko ba grown up man ka na?! I mean stop crying pipsqueak!" Natatarantang tigil ko sa kanya. Dahil sa lakas ng ngawa niya ay pinagtitinginan na tuloy kami!
"Hush! Dont cry! I-I'll buy you that freaking toy so stop already"
Shit! Pati bata napapaiyak mo Clyde Dale Fuentabella!
"Sir may problema po ba?" Tanong nung mga guard na lumapit.
Biglang tinaas ni bulingit ang kamay niya at tinuro ako "H-He's a bad guy!" Ngumangawang sumbong niya at nagaakusang tinignan ako ng mga ito.
Oh fudge.
"Brad. Ito ata yung modus operandeng kumakalat sa social media ngayon" rinig kong bulong nung isang guard sa kasamahan niya.
"Oo nga ata, may nangyari ding kidnapping dun sa kabilang mall last week"
Pinagpapawisan ng malamig kong tinaas ang kamay ko. "Hey I don't know where you're going on but I tell you, this is not what you think it is"
"Paenglish english ka pa ha! Halika sumama ka sa amin!" At bigla akong kinaladkad habang pinagtitinginan ng madaming tao!
"Stop! Kilala niyo ba kung sino ako!" Pagpupumiglas ko.
"Quiet! You hab da rayt to be silent!" Sita nung guard habang yung isa naman ay binitbit si bibwit.
"Dont cry bebe boy, tuturuan natin ng leksyon ang bad guy na iyan" pangako ng guard at paawa effect na tumango naman ang chanak at yumakap sa leeg nung guard saka binelatan ako!
"You little runt!" Naiinis na nagpumiglas ako para sana tirisin ito pero pinigilan lamang ako nung guard.
"Abat talagang hihirit ka pa ha!" Naiinis na sumuko ako habang nanlilisik na tumingin lamang ako sa demonyitong batang nagbabalat anyong anghel.
""""
"As I have said for a hundred time, this is all a misunderstanding! Wag nga kayong magpapaloko sa bulingit na iyan! He's just making a fool out of you!" I yelled as I glared at the pipsqueak sitting pretty on the chair in front of me.
After hearing me, he started tearing up once again and looked at the guards pitifully.
"Itigil mo nga yan! Natatakot ang bata!"
"Uh noh! Don't cry bebe boy! Wag kang matakot, di namin hahayaang saktan ka niya" alo ng mga guard at binigyan pa ito ng lollipop.
Andito ako sa information office habang hinahanap pa ang nawawalang guardian ng bulingit na ito.
Frustratedly na napahilamos ako ng mukha ko. I'm so behind my schedules for today! Buti na lamang at natawagan ko si Carlo para ayusin ang gulong ito.
Lumabas yung dalawang guard at kinausap ang isang sales lady.
Matalim na tiningnan ko ang batang pahikab hikab pa. "Aren't you scared that they won't find your mother?"
He suddenly smiled knowingly as he rested his face on his hand.
"Nope, I knew that I will be paged after all. I thought I'll be bored waiting for my mom here alone so I kept you to accompany me"
What-
"My acting skills is great isn't it?" He smiled widely.
"Y-You planned this all along?!" Halos mapanganga ako. How can this kid be so cunning?
"It's not my fault. You're the first one who tried to pick a fight with me and I just find you quite entertaining"
This is my first time being played by someone. Worst is that it's done perfectly by a CHILD!
"Y-You chanak incarnate!"
Biglang bumukas ang pintuan at lumuob ang isang babaeng dahilan ng pagkagulat ko.
"Liviatus!" Napapaluhang tawag niya sa bata.
Mabilis na sinugod siya ng yakap ng batang nakangiti. "Maman!"
Umuklo ang ina at niyakap ng mahigpit ang bata.
"I was so worried Livi! Where have you been?!"
"I-I was just looking on a toy shop. I'm sorry for worrying you Maman" the boy apologized as he snuzzled on his mother's neck.
She shook her head and kissed the child "It's ok, its Maman's fault. I promise it won't happen again baby"
Yakap yakap ang bata ay tumingin ang ina sa dalawang guards na nag guide sa kanya.
"Thank you so much for helping my son"
Namumulang tumango ang mga ito. "N-No problim po. Nakita po namin siya kasama tong lalaking ito. May plano po atang kidnapin ang anak niyo" sagot nila at tinuro ako.
I couldn't find any words to defend myself for all I can do is to look at the beautiful woman hugging that cursed child full of love.
Tama ba ang nakikita at naririnig ko? Siya ang nanay ng bulingit na iyon? Ang bulingit na nagdala sa akin sa sitwasyon na ito?!
"E-Eiffel"
Ang nagiisang asawa ko ang nanay ng batang ito?!
"Y-You..." di makapaniwalang tinitigan niya ako pabalik.
"Kilala niyo po ba siya Ma'am?" Tanong ng mga guard.
"N-No-"
"She's my wife" I answered before she could deny it.
"Ex-wife. Nine years na kaming hiwalay" nakataas ang kilay na correction niya.
"Maman..? What is he saying?" Agaw atensyon niya sa kanyang ina.
"A-Anak mo siya?" Di ko mapigilang itanong.
Eiffel is only nineteen! H-How can she... Wait pero nakuha nitong bulingit nito ang ibang features niya like her curly hair and snow as white complexion.
Napasinghap ang dalawang guards sa narinig nila. "Brad! Eto yung nangyayari sa mga drama sa TV hindi ba?"
"Oo brad! Yung mga kwentong naghihiwalay ang magasawa pero hindi alam nung lalaking buntis iyong babae tapos makalipas ang panahon magkrukrus ulit ang tadhana nila at makikita nung lalaki yung bata!"
"Oo! Tapos ipagpipilitan nung lalaking suyuin ang dating asawa para maging one big happy family na sila!"
Parang tuwang tuwa pa sila sa pinagsasabi nila.
Pero t-teka nga...
"C-Can hugging and kissing on the head can impregnant a woman?" I asked loudly at napatanga naman sa akin si Eiffel at unti unting namula ang pisngi.
"Stop asking absurd questions in front of my son!"
"P-Pero-"
Napailing siya "Paano mo naipasa ang highschool Mapeh at Biology classes mo Mr. Fuentabella?" Sarcastically she retorted.
W-Wait Clyde! K-Kung sakali, Eiffel was only eleven back then! Paano mo siya mabubuntis?!
Shit! Hindi kasi ako nakikinig sa subjects ko noong high school ako e!
"Maman Livi don't like that bad guy! He called me midget, pipsqueak, bulingit and chanak!" Sumbong ng kutong lupang ito at tinuro ako.
"You're fighting a three-year-old child Fuentabella?! How low can you get?"
"Ikaw pa ang may ganang sabihin yan samantalang pinlano mo ang lahat ng ito!" Mahigpit na niyakap nito ang asawa ko na parang takot na takot sa akin, if I know, nagkukunwari nanaman ang demonyitong chanak na iyan!
"You dare bully my son in front of me?!"
"N-No Eiffel! I-"
"Ang lakas ng loob mong paiyakin ang anak ko!"
Anak ng- Gabriella Silang na nga pala siya ngayon!
Biglang tumikhim yung isang guard. "Ma'am si Sir po ba ang ama ng bata?"
Mas napanganga naman ang asawa ko sa sinabi ni kuyang guard.
"Stop giving my son those stupid ideas! Please!" Singhal ni Eiffel sa mga guards.
"P-Pero po Ma'am, hindi naman po sa nanghihimasok kami pero sa tingin namin ay may karapatan naman po ang mister niyong makilala ang anak niyo. Minsan naman po siguro kayong nagmahalan"
"What?!" Natameme si Eiffel sa mga guards.
"Oo nga po Ma'am! Saka panigurado naiingit ang anak niyo sa mga ibang batang lumaking may tatay. Ipagkakait niyo po ba iyon sa kanya?" Pangogonsensya pa nung isa.
"Maman? Don't I already have a father? I have Père Silva?"
Mas lalong napasinghap ang mga guards sa sinabi ni Chanak.
Ako naman ay tila pinipiga ang puso sa narinig ko. Parang nawala lahat ng lakas ko at nanghihinang napatingin sa batang dala-dala niya.
Hindi ba yun ang sinabing pangalan ng fiancée ni Eiffel?
Kung ganoon ay anak niya ang batang ito sa lalaking iyon?
T-Totoong nagmamahalan ang mga ito?
Pero teka napakabata pa niya para magbuntis at manganak hindi ba?
That child looks like two or three years old. Eiffel can't be pregnant to him when she was only seventeen or eighteen right?
S-Saka wala naman nasasabi sa akin si Mama Pau na nanganak si Eiffel!
Ugghhh! Sumasakit ang ulo ko!
"Grabe namang plot twist to brad!"
"Oo nga! Pang Famas Award na ito!"
Pumasok naman ang isa pang pamilyar na babae sa office at hinihingal na lumapit sa asawa ko kasama ang maputlang si Mr Tanner at si Carlo.
Lumapit sa akin si Carlo at tumayo sa tabi ko "Sir" tawag niya at tinanguan ko lamang siya.
"Nakakaloka ka best friend! Paano ka nakatakbo ng ganoon kabilis dyan sa suot mong sapatos Eiffel? Livi, don't scare your mommy like that" sermon nito at napalingon sa akin.
Wait. I'm sure I've seen her somewhere!
"You're that guy in my Gallery right?" Nakakunot noong tanong niya.
"If you're talking about the Xavier Gallery, then you are right." sagot ko.
"You know each other?" Gulong tanong naman ni Eiffel sa babaeng lumapit sa kanya.
"Not really-"
"What did you do?! Hindi niyo ba kilala kung sino ang taong ito?!"
Biglang pinagalitan ni Mr Tanner ang mga guards.
"B-Boss..."
"He's the owner of the FFG UniBank! Clyde Fuentabella and one of our major investors!"
Narinig ko ang pagsinghap nung kaibigan ni Eiffel at pamumutla nung dalawang chismosong guards.
Lumapit sa akin si Mr Tanner "I'm so sorry Mr. Fuentabella. Our boss informed us just now about your situation. Our security personnel didn't really mean to harm you. Kakalipat lang nila mula sa province branch namin kaya hindi pa sila naoorrient " paumanhin nito. Siya ang tumatayong representative ng mall na ito.
"No its ok, hindi ko din naman sila masisi, ginagawa lang nila ang trabaho nila. You did a good job hiring these efficient security personnel, I hope I can also hire people like them in my company " nakangiting pagsisinungaling ko. Of course I have to be careful about my publicity lalo na at isa ang mall na sa pinakamalaki dito sa Manila.
Una nang lumabas sila Eiffel na sinundan ko lamang ng tingin. Oh, I won't let you escape!
"S-Sir sorry po talaga"
Umiling ako at tumayo na " It's ok, no harm done. I have to go, Carlo handle this" utos ko at patakbong umalis narin ng office nila.
Paglabas ko ay agad kong hinabol ang dalawang magkaibigan.
"Eiffel! We have to talk!" I demanded.
Tumingin siya sa akin ng puno ng lamig "What is it?"
Lumipat ang tingin ko sa batang yakap niya.
"About him"
Kumunot ang noo niya at mas niyakap ng mahigpit yung chanak.
"Leave my son out of this Mr. Fuentabella"
"Pero-"
"Ugh, grabe Eiffel wala sa itsura niyang siya yung tangang nangiwan sa iyo noon" malditang putol noong babaeng madalas kong nakikita sa gallery.
"Excuse me?" I remarked offendedly
Nagkipit balikat ito "You can't blame me, you look responsible and wise to me. But I guess I shouldn't really judge the book by its cover" sagot nito at kinuha mula kay Eiffel ang bata.
"Mharya" tawag ni Eiffel sa kanya at napabuntong hininga naman ito.
"Puntahan lang muna namin yung laruang tinitingnan ng anak mo kanina. Just call me after you talk with this stupid guy" pagkasabi non ay iniwan na niya kaming dalawa.
Pagkaalis nila ay tinitigan ko ang mukha ng asawa ko puno ng pagaalala. "You look pale, hindi ka dapat umalis ng mansion niyo at nagpahinga na lamang"
Absent mindedly, tinaas ko ang kamay ko para hawakan ang mukha niya ng bigla siyang nataranta at tinapik palayo ang kamay ko.
Composed na inayos niya ang buhok niya "Wala kang pakealam"
I felt a little pain in my heart again but I didn't budge.
"Siguro nga. But I still demand the answer to my question my wife. Kaninong anak ang batang iyon?"
Napaiwas ito ng tingin "He is my son"
So it's true...
"In papers" biglang dugtong niya na nagbigay buhay muli sa akin.
"I adopted him and now is being raised by Aleng Cora and Mang Berto. Yan nasagot ko na"
Agad akong napangiti. So hindi niya talaga anak ang batang iyon. "Hmh I see, kaya pala ganoon ang chanak na iyon"
"Stop picking a fight with Livi Mr. Fuentabella" babala niya.
Mas lumawak ang pagakakangiti ko "I'll try but I cannot promise. You see, he's just like his mother, full of spunk"
"Wha-"
Bigla akong humakbang papalapit sa kanya which caught her off guard and instinctively stepped backward.
Napasandal siya sa pader at kinulong ko siya sa pagitan ng mga kamay ko.
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya "So... Can you now give me an answer about my offer to you?"
Namula ang pisngi niya at hindi makasagot. I can relate to her I guess, ganyan din ang reaction ko noon.
After all, nine years ago she offered me the greatest deal I've ever had. Which is to marry her.
"Will you be my wife again?"
****