Chapter 17: Husband's Worst Day
"Never blame any day of your life. Good day gives you happiness, bad days gives you experience and worst days gives you lessons"
***
Clyde's PoV
Pigil hiningang isinalin ko sa plato ang kakaluto kong sunny side up egg. Isang maling galaw lamang ng spatula ay masisira ang pinaghirapan kong ilutong itlog at hinding hindi ko ito hahayaan. Intense na pinanuod ko ang bahagyang pagalaw ng egg yolk at nagdasal ng taimtim na hindi iyon masira. Dahan dahan na tinangal ko na ang spatula mula sa itlog at hindi ko mapigilang hindi mapatalon sa tuwa nang makitang maayos ang itlog ko!
I feel so damn great!
Pasipol sipol na inilapag ko ang plato sa dining table na sinigurado kong maayos at maganda, fresh flowers on the center, her favorite glass of milk and juice, slightly toasted bread, fresh vegetable salad, bacon and hotdogs and of course! My perfect eggs!
Buti nalang at hindi nadumihan ang suot kong suit dahil sa aking mahiwagang apron, saan ka makakakita nang guwapong Ceo ng isang kompanya at the same time ay magaling na chef!
I hope this would make her smile now.
"Arf arf!" tahol ni Puffy na nakaharap sa dog bowl niya, nakangiting binigay ko sa kanya ang almusal niya at hinimas ang ulo "How's the sleep with your mom lil' girl?" tanong ko sa busying kumakain na aso.
And as of cue, napatingin ako sa pintuan na bumukas at pinangalingan nang pinaka magandang babae sa buhay ko.
Her majestic blue eyes, messy bun hair, her so sexy figure hugged by that strapped clothes and of course, small short pants that shows her smooth long legs...
Dumeretso siya sa ref at kumuha ng tubig habang tila nahihipnotismong sinundan ko siya ng tingin.
Nanigas ako nang bigla akong nakaramdam ng kakaibang init.
"W-Why are you wearing that?!" nautal na tanong ko.
Bale walang tinignan niya ang suot niya "Mr. Fuentabella, nakakalimutan mo bang tropical country ang pilipinas at halos buong buhay ko ay tumira ako sa malamig na bansa?" sarcastic na sagot niya.
"K-Kahit na! Ano to nagtitipid ka sa tela? Go wear something long and thick! Yung hangang sakong!" pagtataboy ko sa kanya and to my own expense, kinulisapan lamang niya ako!
"Do I have to spell it out na mainit sa bansang ito para maintindihan mo ako?"
Inis na hinubad ko ang suot kong apron at isinuot sa babeng ito.
"Dati naman ay puro bestida ang suot mo ah! You never wear these kinds of clothes!"
Humalukipkip siya at kasing lamig ng yelo ang mga matang ngumisi "ikaw na mismo ang nagsabi, dati iyon"
And as usual, I felt a pang of guilt.
Ako nga pala ang rason kung bakit nagiba na ang mabait at masunuring batang iyon, ngayon ay nakatayo sa harap ko ang isang babaeng may paninindigan at puno ng pride.
Kinuha ko ang coat ko at brief case "The breakfast is ready, you should eat. Sa office na lang ako so don't worry about me" puno nang lungkot na nakangiting nilingon ko siya "I'll be back later" and unceremoniously walked out of our house.
I wanted to have breakfast with her everyday but when things come this way, I better leave, it might get worse after all and I don't want to upset my wife further more.
Nadatnan ko ang driver/ body guard ko na naghihintay sa labas ng kotse, he opened the car door for me.
"Bad day Sir?" tanogn niya na pumukaw sa pagkakatulala ko sa bintana habang bumabuyahe kami.
"Yeah, lagi namang ganito eh" mabigat ang loob na amin ko.
It's so unfathomable how an angelic and perfect little girl turn into that cold and tigress woman.
Isang lingo na mula nang tumira kaming magkasama, akala ko madali ko nang maayos ang gap namin sa isat isa ngayong napapayag ko na siya sa nais ko pero as I can see, it's all useless. Hindi niya ako pinapansin o kinakausap unless I initiate first, she always locks herself inside her room, heck, she even acts like I'm not with her under one roof!
Ginagawa ko ang best ko para malapitan siya, kahit na kagagaling ko lang sa trabaho ko ay ako mismo ang nagluluto, naglalaba, naglilinis at naggrogrocery. Hindi ko naman pinagmamalaki nag efforts ko dahil noon ay siya din naman ang gumagawa nang lahat ng mga iyon noon pero hindi ko maiwasang hindi masaktan sa tuwing hindi niya pinapansin ang efforts ko.
Just a simple smile from her will lessen my exhaustion and perhaps make me happy but I always fail. Just like today too.
"Don't worry Sir, I think you'll see something good later" aniya at tumingin sa aking repleksyon sa rear view mirror.
"Hay... Yeah anything would be good to me right now" tambak nanaman ang mga papeles ko lalo na at ber months na.
As usual ay sinalubong ako ni Briana sa first floor ng company building at dinictate ang schedule ko for today.
Pagdating ko sa opisina ko ay napakunot noo ako nana maratnan kong may nakaupo sa sarili kong swivel chair at nakaharap sa glass wall, napatingin ako kay Briana na nakayuko lamang, bago ko pa siya matanong ay naarinig ko na ang pamilyar na boses ng isang babae.
"Nakakamiss din pala ang pagsalo sa mga trabaho mo at maging part time CEO ng kompanyang ito"
Agad akong napangiti nang inikot niya ang upuan at tumayo "Buti na lang at may nabalikan pa akong trabaho, I really expected na babagsak ang kompanya sa pag alis ko. You're such a big boy now Boss" nangiinis na bati niya sa akin.
"Buti nalang at naalala mo pang ako ang boss mo Ms. Lovely Ana" nakangising panggagaya ko sa babaeng nakasuot nanaman ng baduy at balot balot na formal clothes pero halata pa lang sa tindig na matalino at responsable ito.
She just chuckled when I opened my arms and hugged her.
"Namiss ko ang robot kong sekretarya, wala tuloy akong substitute tuwing gusto kong tumakas"
"That's great at least napirmi ka rin sa opisina mo. Buti at hindi nahirapan si Briana sa iyo" baling niya sa pansamantalang pumalit sa kanyang pwesto.
"H-Hindi naman po Ms Ana, si Sir Clyde pa nga ata ang nahirapan sa akin" namumulang amin niya at natawa ako.
"Yeah, yeah, why don't you join me with my breakfast? Nagugutom na ako eh"
"Libre mo? Isang buwan din akong hindi nakapagtrabaho kaya gipit ako ngayon"
"Echosera, paid vacation ka iyon. Anong akala mo sa akin? Kuripot na boss?" nakataas pa ang kilay na tanong ko sa kanya at sa wakas ay napangiti na rin siya.
"Sabi ko nga ako na ang manlilibre sa napakagwapo kong boss" ulit niya.
Binalingan ko sina Briana at Carlo na magkatabi. "Carlo, put up another desk and computer beside Ana's area, Briana you'll stay there and continue your job with this hard headed boss-acting woman" instruct ko sa kanila at gulat na napatingin sa akin ang ngayon ay pangalawa ko nang secretary.
"S-Sir?"
"No more questions. Let's go Ana" aya ko sa kanya at lumabas na nang malawak kong office.
"This is new, napaka choosy mo pa naman sa mga sekretarya mo. Ako nga lang ang tumatagal sa iyo" comment niya nang makarating kami sa cafeteria at inukupa ang pinaka sulok na pwesto.
"Why? Sa tingin mo ba hindi ko afford ang dalawang secretary? According to my interview nga, I am the owner of the top Banking Company here in the country" pagyayabang ko at napailing naman siya. Sa totoo lang ay naisip ko na ito noon pa bago siya magleave, having two secretaries will lessen my job and now I'll have more time to spend for my wife!
"Maiba tayo? Asan ang self-proclaimed best friend ko Ana? Akala ko pa man din ay uunahan ka niyang magpakita sa akin"
Napa iwas siya ng tingin "Malay ko sa sira ulong iyon. Siguro nag gagatas pa ng baka sa Nueva Viscaya"
Natigil ako sa pagnguya ng kinakain ko at napainom "He's milking cows?!"
"O kaya nagpapaanak ng baboy o nagpapastol ng kambing o nagpapaligo ng kabayo at kalabaw sa may ilog" napanga nga ako sa mga pinagsasabi niya.
"Ginawa mo siyang alipin sa gigilid?! Si Willam Feng na nagmamayari ng napakalaking Ospital sa Pilipinas?!"
"Not me, my father did"
Napailing nalang ako habang inimagine ang siraulong chinito na iyon sa kamiserablehan niya. Parehas pala kaming pinapahirapan ng mga babaeng mahal namin!
"Bilisan mo nang kumain at nang makapunta ka na schedule mo ngayong araw" utos niya.
"Ha? Saan?"
"You were invited to play golf with Mr. Dreyfus" sagot niya.
"What?! Bakit hindi ko alam iyan!"
"Ako kasi ang tumangap ng tawag niya kanina and who are you to object? Baka nakakalimutan mong ikaw ang nangangailangan ng investment ng italyanong iyon boss" paalala niya.
Napabutong hininga naman ako. "I don't really mind Mr. Dreyfus, it's his-"
"Daughter named Roweina Dreyfus, 25 year old spoiled brat half Filipina-Italian model who is currently targeting you right now?" putol niya habang binabasa ang hawak hawak na papel. Napatingin ulit siya sa akin, "Go bring Briana and your bodyguard with you, hindi ka naman niya siguro marirape sa gitna na golf course Boss"
Inis na inubos ko ang kape ko at tumayo na. "Sige na nga, tell those two I'll wait for them in the car, siguraduhin mo lang na matatapos mo ang mga paper works ko Ana"
"Be at ease and consider it as good as done, have a nice game boss" nakangiting paaalam niya.
'''''
"Hahaha, it's really good spending time in some recreational activities right Clyde?" masayang untag ni Mr. Dreyfus sa akin habang naglalakad papunta sa pwesto ng bolang kakatira lamang niya.
Trenta minutos lamang ang nakakalipas nang makarating kami dito sa golf field at nadatnan ang matandang italyanong kasama ang secretary at mismong may ari ng golf course.
"Indeed Sir" simpleng sagot ko lamang, napatingin ako sa tirik na araw at init na init ako kahit na naka putting T-shirt at cargo shorts na ako.
"Drop the Sir, young man. You got troubled for the day just to play some game with this old fool" saway niya at maingat na inasinta ang golf ball "You see, my dearest only daughter specifically told me to be nice to you, such a lovely girl isn't she?" may kakaibang kislap sa mga matang tumitig siya sa akin.
Umiwas ako ng tingin at tinuon ang atensyon sa bola "Oohh!" exaggerated na sigaw ko "It's a hole-in-one Sir! As expected to the member of Italian Golf Association" pumapalakpak na puri ko.
Inabot sa akin ni Carlo ang golf club "Good luck Bossing!" support ni Briana na masayang sumama sa amin ni Carlo, like us ay nakasuot din siya ng white polo pero skirt ang pangibaba. First time niyang sumama sa ganitong outside the office activity, well mas mabuti na ngang siya ang isinama ko kesa ang Anti-social person like Ana.
"Clyde~!" napangiwi ako nang marinig ko ang nakakarinding tili ng babae. Sino na nga ba ulit to?
She was wearing strapped top showing her flat stomach with mini skirt and huge bee like sunglasses, she's with some other girls carrying her things and even holding an umbrella for her. Ni wala na itsura nitong sasama sa isang sport game sa kapal ng make up niya.
"La mio figlia! It's a good thing you came" (My daughter) Mr. Dreyfus dotingly hugged his daughter. Mula sa ama nito ay sa akin naman ito tumingin.
"Perché no Daddy? I knew I would see someone great" (why not)
Tinawanan lamang ng ama ang sinabi nito "I'll leave you two here for now, I still have a ball to hit" anito at sumakay na sa naghihintay na golf cart.
"S-Sir" tawag ko pero tuluyan na itong nakalayo at wala akong nagawa kundi harapin ang bubuyog na nasa harapan ko.
"It's good to see you again Ms. Dreyfus" nakalahad ang palad kong bati sa kanya pero imbes na tangapin niya ito ay naglakad siya ng mas malapit sa akin at niyakap ako. Nanuot agad sa ilong ko ang matapang niyang pabango, pinanligo niya ata.
"Altrettanto Tesoro" (likewise love)
Bahagya akong umubo at lumayo, I'll pretend I don't understand Italian Language though it was one of the FLs I took.
Lumapit ako sa ngayon ay pangalawa ko nang sekretarya "Briana, will you give me my drink?"
"O-Ok"
"Is she your wife?" biglang sulpot muli ng anak ni Mr Dreyfus sa tabi ko. Nangunguyam ang mga matang tinitigan nito mula itaas pababa si Briana, halata ang pagkairita.
"N-Naku hindi po!"
Ngumiti ito na puno ng insult at hinawakan ang braso ko "Ah, I thought you settled for the worse Clyde"
Medyo napayuko naman si Briana sa narinig niya.
"She's my secretary" saad kong walang kangitingiti, ayoko sa lahat ay nangmamaliit ng ibang tao. Tinangal ko ang kamay nito "and rest assure I didn't settle for the worse" my wife is better than you or any other woman out there after all.
"Let's follow Mr Dreyfus" utos ko kanila Carlo at sumakay na rin sa Golf Cart na naghihintay sa amin.
As we resume the game, kapansin pansin ang mga kinikilos ng anak ni Mr Dreyfus. Nagpapapansin ba siya sa amin?
"Daddy! I can't hit the ball!" nagpapadyak na sumbong nito sa ama. Mr Dreyfus looked at me pleadingly, 0-0h this is not good!
"Clyde, will you teach my daughter?"
Napatingin naman ako bigla sa nakangiti nang anak nito. I knew it! dinodouble team nila ako!
"U-Uh there are some professional coaches here Sir, let me call one for Ms. Dreyfus" mabilis na sagot ko.
"No!" naiiritang tili nanaman ng anak ni Mr Dreyfus.
"You see Clyde, I want to leave my daughter in your care for I trust you more than anyone here" explain niya.
I groaned mentally as I answered "Yes Sir, I understand"
'''''
Pagbaba ko mula sa sasakyan ko ay bumunot muli ako ng malalim na hinga, it was an stressfull day being a nanny to a spoiled brat. Damn you Ana!
"I'll see you tomorrow Sir" paalam ni Carlo.
"NO! I'll have an off tomorrow and tell this to Ana, she's going to have a date to Willam or she can kiss her 13th month pay a good bye!" inis utos ko, that unsympathetic woman needs to experience what I did! Accompanying an annoying person for a day!
Imbes na mawala ang inis ko pagpasok ko sa bahay namin ay tila natriple pa ang pagkasira ng mood ko.
"Je promettre de faire quelque chose, Pride me manqué"
Eiffel was standing near the open window on the living room talking to the phone. Nakatalikod siya kaya hindi niya napansin ang pagdating ko at halatang halata ang aliw sa boses niya. Nilukob ng ingit ang puso ko, sana ay marinig ko din siyang kausapin ako ng ganito.
Napuno ng halakhak ang sala "Your son also misses you, ill veut que tu reviennes Grande-Bretagne"
Teka, sino baa ng kausap niya?
"Vraiment, tu me manques Silva"
Silva.
Silvarius de Seville...
Ang tinutukoy niyang Fiancé niya?
Ang lalaking aagaw sa asawa ko?!
Nagpanting ang tenga ko kasabay ng pagkulo ng aking dugo. Inilang hakbang ko lamang siya at buong pwersang hinablot ang phone niya.
Gulat na napalingon siya sa akin.
"What-" naputol ang sasabihin niya at nanlaki ang mga matang pinanuod niya ang pagbagsak sa sahig ng kanyang cellphone.
The cracking sound resonated as the phone shattered into pieces.
Nanlilisik na lumipat ang tingin ko mula sa nagkapira pirasong cellphone sa kanyang mukha.
"WHY ARE YOU CALLING THAT MAN?!" I shouted.
I saw Puffy whimper and hide under the table.
Sinalubong niya ang tingin ko ng puno nang tapang "Why do you care? Don't I have a right?"
Inis na napahilamos ako ng mukha! Why is she so stubborn!
"Didn't we both agree that as long as we stay under the roof of this house, I am your husband and you are my wife! Bear this in mind Mrs. Eiffel Sinclaire Fuentabella, I will never tolerate third parties!"
Pagak na tumawa siya at pumalakpak pa sa nasabi ko.
"WOW!" napailing siya at ngumiti sa akin.
"Coming from you? I never expected na ganito pala kakapal ang mukha mo para ipamukha sa akin ang bagay na iyan. Sino ba sa ating dalawa ang unang nang loko Mr. Fuentabella?!"
Napatigil naman ako sa pahayag niya.
"It's all in the past Eiffel"
"Yes I agree, past, move on, those whatever shits" tumitirik ang mga matang sangayon niya.
"Then you should realize that you are already my past and Silva is my present, so you don't have the right to act like I am having an affair when we both know that this is all just a game that will only last for seven months"
Parang sinampal niya ako sa sinabi niya.
It fucking hurts!
Lumapit siya sa akin "Next time, if you still have the guts to tell me those things again, you better not go home smelling like another woman. Chanel no. 5 Limited Edition Grand Extrait, she must be rich" malamig na aniya at nilagpasan ako saka tumungo sa sarili niyang kuwarto.
Nanghihinang napaupo ako sa sofa at napatingin sa kisame.
WORST DAY EVER!
****