Chereads / Divorce Me Kuya! / Chapter 16 - Chapter 15: Welcome Home

Chapter 16 - Chapter 15: Welcome Home

"Welcome home. In your absence, you were missed. Now that you have returned, though, things they are alright. Let us begin living again"

****

Eiffel's POV

I was standing in front of the gate of a very familiar house.

"This is it Eiffel" saad ko.

Hatak hatak ang maleta ko at si Puffy, I entered the white wooden gate and walked as I examine the front yard. I expected na abandonado na ang bahay na ito but as I can see ay parang hindi man lang lumipas ang napakahabang panahon.

Naroon parin at nakatanim ang mga puting rosas na pinagtulungan naming itanim noon at ang iba pang mga halaman sa tabi ng coffee table na madalas na pinagtatambayan niya tuwing umaga ng sabado. Nakatayo parin ang puno ng mahogany sa gilid ng gate na nagbibigay ng sariwang hangin.

Ibinaba ko si Puffy na kanina pa excited, siguro ay naaalala din niya ang lugar na ito. I took a deep breath as I stand before white door to enter the house.

A heartwarming feeling spread through my body as I scan the house from the inside. The sofa in front of the TV where we watch movies together. The round table in the dining area where we always eat together. All those things full of our old memories, they were all there.

It seems just like yesterday when I last entered this house. Binitawan ko ang maleta ko at wala sa sariling naglakad papunta sa kusina, my hands brushed the cold counter. Dati ay hindi ko maabot abot ang mga nakasabit na gamit at masyadong mataas ang kusina pero ngayon ay hindi ko na kailangang tumuntong pa sa maliit na upuan dahil abot kamay ko na ang mga ito.

I saw the eleven-year-old girl inside this kitchen who reads recipe books and enjoys learning how to cook in hope of making her husband delighted.

Walang pinagbago ang ayos at itsura nito. Kung saan ko iniwan ang mga gamit ay naroroon at nadatnan ko parin. Maski ang mga display sa lamesita, sala at mga gamit sa kusina ay hindi nagalaw. Wala rin ni isang alikabok na matatagpuan kahit sa kasuluksulukan ng bahay.

Buong akala ko ay pinabayaan na niya ang bahay na ito dahil wala naman itong halaga sa kanya but I guess I was wrong. The whole house and even the front yard are all well maintained as if a long time never passed.

Tears started to stream down to my cheeks. Akala ko ay hindi na ako makakabalik dito... At kung sakali ay torture at sakit lamang ang mararamdaman ko sa pagtapak ko sa bahay na ito but somewhere inside my heart, I felt relieved being able to come back here, for being able to stay inside this house for one more last time.

I felt so happy being able to come back home ...

Clyde's PoV

"Briana ano pang schedule ko mamaya?" tanong ko sa sekretarya ko habang mabilis na naglalakad.

"U-Uhm mamaya na pong 1:30 yung scheduled orientation para sa mga bagong hired CPA which will probably take 1 hour. Mamayang 4:00 pm narin po ang hininging appointment ni Ms. Teyna ng JBL Network Company for an exclusive interview" sagot ni Briana na hirap maglakad kasabay ko.

Naiinis ako dahil kanina ko pa gustong umalis at kunin ang mga gamit ko sa condo para lumipat sa bahay namin ni Eiffel. I couldn't even sleep last night because I was too excited. But I can't do that right now dahil tambak ang appointments ko.

Tumatakbong lumapit sa akin ang head ng Finance Department "Sir, kailangan na po ng pirma niyo para dito business permit na kinukuha natin para sa Cebu branch" mabilis na kinuha ko iyon at pinirmahan at nagpatuloy sa mabilis na paglalakad kasama ni Briana. I can see how tired she is from trying to walk with the same pace.

"Cancel the interview and reschedule it some other time"

"B-But Boss! Three times niyo na po iyon pinacancel at baka hindi na ito magustuhan ng JBL! They might put something in the article that would make the company look bad. We can't risk it" napatigil ako sa paglalakad at tiningnan ang hinihingal na secretarya ko.

Halata sa mukha niya ang takot dahil ngayon lamang niya ako unang beses na kinontra. Nagkipit balikat lamang ako.

"You have a point. Kainis bakit pa kasi ako pumayag dito?"

"For publicity reason sir" mabilis na paalala niya.

Wala sa sariling natawa ako at napatigil ang mga empleyado maski si Briana. Don't get me wrong, hindi naman sa sobra akong nakaktakot kaya first time nila akong makitang ganito, masyado lang talaga akong iwas sa sa mata ng mga empleyado. I prefer being an autocratic leader.

"Nagiging more attentive ka na at alisto. Keep up the good work Briana" puri ko at bumalik sa paglalakad ng mabilis.

"Oh my gosh! Pinuri ni Sir si Briana!" narining kong tili ng mga empleyado ko.

"Kahapon pa good mood si Sir ah!"

"Oo nga, nilibre pa niya tayong lahat ng lunch e"

"Ano kayang nakain ni Boss?"

"Ewan. Pero sana lagi na lang niya ulit kainin iyon hehehe"

Hay nako, I will let this slide for now, pasalamat sila at kahit papaano ay good mood ako.

''''

"It was stated that the FFG Universal Bank is one of the most top banking company here in Asia with its different branches in Japan and Russia, so is there any more goals you want to achieve Mr. Fuentabella?" Tanong ng kilalang broadcaster na si Teyna Vilencio.

Pinili ko na lamang na sa mismong office ko maganap ang inteview na ito. Since matagal na nila akong kinukulit ay agad naman silang pumayag at inayos ang set. It was one on one interview so pareho kaming nakaupo sa swivel chair at magkaharap.

"It is a great honor hearing that but for us here in FFG Company, we don't just stop there. We want to keep improving and be innovative for our clients. We want to keep this solvent Company on top for the next following years" maagap na sagot ko. Daig ko pa ang sumama sa Ms Universe sa mga tanong na binabato sa akin. Sinugurado ko na lamang na passive ako sa pagsagot.

"Wow, that is one thing to be sure of! So, maiba naman tayo Mr. Fuentabella. We gathered random people and asked them to describe you in one word, here is the video"

Nakangiting tumingin siya sa nakaset na projector.

Napakunot noo ako nang iflash dito ang ibat ibang blured na mukha ng mga tao.

"Clyde Fuentabella? He's a Demigod!" Tili ng isang office worker. Then the scene changed again.

"Perfect! As in pak na pak siya!" Tsk! Highschool pa lang aga aga lumandi.

"Sana pinanganak siya 50 years earlier. Di ko feel magchild abuse eh" tumatawang sambit naman ng isang lola.

"Ayna ngarud! Nagwapo nga lalake! Maiawid kuma" Wait-what is that language?

"Amore. Siya ang aking mi amore" deklara ng isang boses bakla nang bigla siyang tinulak palayo sa Camera.

"Excuse me! Di kayo bagay dahil langit siya lupa ka. As in hamapas lupa amoy lupa pa!" Ngumiti ito ng matamis sa Camera.

"Hi Fafa Clyde! It's me ya' destiny"

Natatawang binalik ni Teyna ang atensyon sa akin. "That was very interesting isn't it Mr. Fuentabella?"

Tipid na ngumiti lamang ako. In fact, I felt more threatened. Maghire ata ako ng kasama ni Carlo as my body guard.

"Being a great business Tycoon full of charisma, you are branded as one of the top bachelors in the country so for sure you have so many admirers" nanghuhuling tanong niya.

Napatingin naman ako kay Briana na nakatayo sa likod ng camera man at mabilis na nagsulat sa malaking placard.

She looked at me apologetically while raising it with the written words: SORRY BOSS!

Then she flipped it once again

:Ms Ana approved it po!

Napailing naman ako. They all know, especially Ana that I don't like answering personal questions like this.

Ang babaeng iyon! Wala na nga dito pero namamanipula pa rin ako! Yung totoo, sino ba ang boss sa aming dalawa? Bakit siya ang sinusunod ni Briana?!

Biglang nangislap ang mata ko sa naisip na kalokohan.

"Well, handling this company I'm afraid I never had the time for those kinds of things" I answered and rested my face on my left hand enough for her to get a glimpse of my ring.

"Mr. Fuentabella, is that a wedding ring you are wearing?" Curious na tanong niya at lihim akong natuwa.

I looked at the camera knowingly and smiled.

Panigurado ay magugulat ang mga manonood nito not just because of this ring but also because this is my first time to smile like this in front of a camera.

Bahala na silang magtaka kung ano ang totoo.

"""

Napaupo ako sa swivel chair ko at tinangal ang necktie ko. Katatapos lamang ng interview sa akin at sawakas ay makakapagpahinga na ako. Pinauwi ko na din si Briana 'cause I know she was so tired too.

I took my phone and called Carlo.

"Is it ready?"

"Yes Sir. Nakalagay na po lahat ng maleta niyo dito sa kotse, hinihintay ko na po kayo dito sa parking lot"

"Ok, papunta na ako diyan"

Napangisi ako. Buti na lang at inutusan ko na si Carlo na kunin ang mga gamit at bagahe ko mula sa condo unit ko and now I'm so excited to go in the that place.

Binilisan ni Carlo ang pagmamaneho tulad ng inutos ko at pagbaba ko mula sa kotse ay umalis na si Carlo. Hatak hatak ang gamit ko ay napatigil na ako sa harap ng bahay. Parang nawala lahat ng pagod ko at napalitan ng kaba. This is worse than having business deals with huge companies or that interview earlier.

I took a deep breath and slowly opened the door with my shaking hands.

Natatakot ako.

Na sa pagukas ko ng pintuan na ito ay kadiliman lng ulit ang sasalubong sa akin.

The same thing that happened to me these past nine years...

Me all alone inside a cold and lifeless place.

But the moment I opened the door, a bright light welcomed me.

Hindi ko mapigilang hindi mapatulala. Ngayon lang ulit ako pumasok sa bahay na ito pagkatapos ng mahabang panahon...

"Arf arf!" narinig kong tahol ng aso na nakapagpabalik s akin sa realidad.

A familiar dog was excitedly running towards me. Umuklo ako at kinuha ang aso na masayang sumama naman.

Nilibot ko ang paningin ko and hundreds of memories flashed in front of me. Memories of old and yet happy moments inside this house.

Ngayon lang ako muling tumapak sa lugar na ito pagkatapos ng siyam na taon.

Napadako ang paningin ko sa lamesa na may mga nakahanda ng pagkain. Everything was seemed like just a replay... Tila naulit lamang ang mga nangyari siyam na taon na ang nakakalipas.

And then, I felt my heart stop.

Lumabas mula sa kusina ang babaeng siyam na taon kong pinagdasal na bumalik sa akin.

Her majestic blue eyes landed on me as she walks while holding a plate of food and wearing an old white apron.

"Bat ngayon ka lang? hindi ko alam kung nakakakain ka na but nakapagluto na ako" pagbibigay alam niya at inilapag sa lamesa ang dala dala.

Her voice was so sweet, a perfect music to my ears

The bright place seemed to get brighter around her.

I opened my mouth, but no words came out. I had no idea what to say...

A single tear dropped from my left eye.

Maingat na binaba ko ang aso at tulalang naglakad papunta sa babaeng nakakunot ang noo sa akin na tila naweweirduhan sa kinikilos ko.

Slowly, I raised my hands, I was hesitant at first...

Is she going to disappear once I made contact with her? Is she gonna pop like a bubble and leave me once again?

I blinked, but she didn't vanish. She just stayed in front of me.

The moment my body made contact with hers, I felt a tingling emotion inside me.

I embraced her so hard for I was scared.

Baka panaginip lamang ang lahat ng ito…

I can smell her fragrance and feel her so this got to be real right?

For the past nine years... This is the first time I felt so warm...

Unang beses na hindi ako papasok sa madilim na lugar.

Unang beses na hindi ako ang magbubukas ng ilaw para sa sarili ko.

Unang beses na may nakahanda ng pagkain para sa akin.

Unang beses na may naghihintay sa pagbalik ko...

I can't stop myself from shaking as I hold her close.

If this is a fucking dream. God please. Don't wake me up anymore.

Stop the damn clock from ticking and let this moment last forever.

"I-I'm home..." I stated stammering like what I used to say nine years ago...

I didn't expect any replies but I opened my eyes when I heard her gentle voice replying.

"Welcome back..."

***