Chereads / Divorce Me Kuya! / Chapter 15 - Chapter 14: Their Plans 

Chapter 15 - Chapter 14: Their Plans 

"A goal without a plan is just a wish"

****

"Oh! Ayaw mo yun?! This is a great chance Eiffel!" Nakangiting sambit ni Mharya. Kakatapos ko lamang sabihin sa kanya ang demands ng lalaking iyon kapalit ng pagpirma niya sa divorce papers namin.

"Chance for what? Alam mo namang kaya nga ako nagpunta dito para putulin na ang lahat ng koneksyon ko sa kanya" I reminded her.

She chuckled and took a sip from her drink "Ano ba yan best friend, naturingan kang Goddess of Wisdom sa Business world pero di mo maisip ang simpleng bagay na ito"

"Ano ngang pinupunto mo Mharya Xavier?" Pangungulit ko.

"Revenge" she bluntly answered that made me stop.

"Don't tell me never sumagi sa isip mo ang salitang iyon?"

Of course it did! For nine years that I hated him I always wanted to give him a payback.

"He's already giving you an opportunity to strike back dear. I mean if I were you, I'll grab that fucking opportunity and make him feel all the pain he caused me"

She's right.

But...

"I-I can't Mharya" amin ko at napayuko.

"At bakit naman?"

"Ayokong makasama siya ulit sa lugar na iyon. The mere idea of it makes me uneasy"

"Eh ano namang plano mo ngayong ayaw niyang pirmahan yang papeles niyo?"

"Babalik na lang ako sa Britain kasama nila Mama at Livi. Since wala na din naman akong planong magasawa ay hindi ko naman kailangang ipilit ito. Pwede ko parin naman gamiting ang maiden name ko at hindi ang apelyedo niya just like how it used to be. Walang makakaalam na kasal ako sa kanya" I pointed out and she nodded.

"Eiffel, nakakalimutan mo atang isa kang Kondesa ng maharlikang pamilya. Everyone in your circle of society will pressure you to take a partner to continue your family's legacy. After being the Countess ay andami mo nang natatangap engagement proposals hindi ba? Kung hindi lamang dahil sa de Sevilles ay hindi mababawasan ang mga lumuluhod sa iyo" paalala niya. Kaya nga malaki ang utang na loob ko sa nga magulang ni Silva dahil tinulungan nila ako noon.

"I already have Livi, he'll be the next Count of the Sinclaires"

Napahilot ng noo si Mharya. "I won't let you do that Eiffel. You can't make Livi a Count. Isipin mo ang mga sasabihin ng publiko pag nalaman nilang wala siyang dugong bughaw. Kakawawain lang nila ang anak mo"

I clenched my dress and looked so troubled. Tama siya, lumaki ako sa mundong iyon at alam ko kung paano umikot ikot ang mga bagay bagay sa aming mga maharlika.

Noong una kong salta Britanya ay nahirapan akong ibuild ang pangalan ko. I was only a half noble, in short, born lowly. Kung hindi lamang sa pagkilos at pagsasalita ko sa kakaibang paraan ay hindi ko pa makukuha ang loob ng ibang maharlika. Specially the elders.

Tumaas ang kilay niya at tinitigan ako "Are you scared?" She implied which made me speechless.

"N-No! Of course not" tangi ko.

"Then show it to him. Ipakita mo sa kanya na hindi ikaw ang labing isang taong gulang na batang sinaktan niya! Make him regret leaving you! Make him feel the same pain of being hurt by the one you love!" Saad ni Mharya at napatingin ako sa kanya. Ngayon ko lang siya narinig na ganito.

"I may not know the man personally but I hate him for hurting an amazing person like you Eiffel. I want to slap him so hard though sadly, I can't but you Eiffel, you can do it for yourself. You can have the chance"

I felt so happy seeing how sincere Mharya is. Madalas ay maldita talaga siya pero isa ito sa mga piling panahon na seryoso siya.

"Don't worry. I will back you up girl" kindat niya na nagpangiti sa akin.

""""

"Yes. I agree" sagot ko habang nakatitig sa gulat na mukha ng kausap ko.

"T-Talaga?"

I smiled menacingly "Hindi ba ito ang gusto mo? You should be happy I'm complying with your demands Mr. Fuentabella"

A smile scaped from his lips as he suddenly held me!

"What the-" napatili ako ng bigla niya akong binuhat sa bewang at inikot habang humahalakhak.

"Nagpropose ata girl. Swerte naman ni ate girl" sabi ng mga taong napatingin sa amin.

"Awww ang sweet naman"

Inis na tiningnan ko ang malanding lalaking ito "Get me down this instant Mr. Fuentabella!" At sinunod naman niya pero hindi parin nawawala ang mga ngiti niya sa labi.

"You won't regret this Eiffel" saad niya na palihim na nagbigay kasiyahan sa akin.

Of course because it is you who will regret it. Afterall, two can play the game!

Inayos ko ang buhok kong nagulo.

"Are you sure about this?" tanong niyang muli.

"Si, je suis d'accord mais après tout..." (Yes, I agree but then)

"After this bahay bahayan game, we'll proceed accordingly sa mga pinagusapan natin dati. You'll sign the papers; I'll give you the Dela Fuente-Sinclaire fortune and well forget all the connections we had as we go on our ways"

Tumawa lamang siya.

"Too confident aren't we Countess?"

"Just one of the perks of being a woman Mr. Fuentabella"

"I don't need your family's money, baka mamaya e mawalan ng pera ang mga Sinclaire " giit niya.

It was my turn to laugh now.

"I am known as Athena, Mr Fuentabella,I can always start from a scratch. Baka hindi mo namamalayan, isa na ako sa mga magiging karibal ng kompanya years from now. But rest assure that it won't happen. I don't want to have any connections with you, even as a rival" Malamig na sabi ko.

"And after all, I'm marrying a Duke who owns a multi-million Mining Company. I believe that my fiancée can provide me everything that I need or any thing I want. Aside from that, he's also a noble like me, truly a fitting partner of mine" nakangiting dagdag ko at napatingin sa singsing na suot ko.

Tila napalitan ng naglalagablab na apoy ang kaninang malokong mga mata ni Clyde na hindi ko malaman kung bakit.

"As you please your grace" pagpayag niya.

"I'll be fixing my things later, bahala ka na kung kelan ka din lilipat sa bahay na iyon. I'll see you when I see you" yun lang ang sinabi ko at umalis na ako.

""""

Nasa gitna ako ng pageempake nang naiiyak na pumasok sa kuwarto si Livi na siyang ipinagtaka ko.

"Maman are you angry for what I did a while ago?"

"Of course not Livi. Why are you crying?' Sagot ko at bumaba sa kama ko.

"Tita Mharya said I was a bad boy that's why you're leaving the house" sagot niya habang kinukusot ang mga mata.

Natawa ako sa sinabi niya at bahagyang umuklo, si Mharya talaga!

"Wag kang magpapaniwala sa mga sinasabi ng Tita Mharya mo. You know Maman will never be angry at you di ba?"

"Then don't go. Don't leave Livi again"

Binitbit ko siya at pinaupo sa kama ko. "I won't be gone for too long baby. Babalik din naman si Mommy eh" pangako ko at hinalikan ang noo niya.

Niyakap niya ako ng mahigpit "I just want to be with you Maman"

Naku. Napakahopeless talaga ng anak kong ito.

"You can always visit me naman sa titirhan ko eh. Saka always love kita" suyo ko.

"T-Talaga? I can always visit you?" He asked adoringly.

"Oo naman. That's a promise" saad ko at nakipagpinky swear pa.

Napalingon ako sa pintuan ng makita kong pumasok si Mama.

"Livi apo, can you leave us for a while?" Nakangiting request ni Mama.

Livi looked at me once more and then nodded.

"Yes Lola" at sinunod si Mama. Pagkaalis ni Livi at nagpatuloy ako sa pageempake ko.

"Ginulat mo nanaman ako Eiffel" aniya at umupo.

Tipid na ngumiti ako. "I'm sorry Ma biglaan lang kasi"

"It's ok. I just wanna wish you a good luck. For sure your father finds it entertaining watching you and your husband wherever he is right now"

Napatigil ako sa ginagawa ko at ngumiti kay Ma. "I'll make sure Daddy will look forward for it, Mom"

Mama smiled and held my face. "My daughter is so brave and strong now, I'm sure he is so proud of you"

I nodded and hugged Mama. "Don't worry Ma. I'll make sure I will win this time"

Yeah, my vengeance will be his greatest fall...

Clyde's Pov

I was skipping and whistling as I went inside my Company's building.

Kanina pa ako nakakatangap ng mga weird na tingin mula sa mga empleyado ko pero hindi ko sila pinapansin.

Sinalubong ako ni Briana sa may fourth floor at natatakot na lumapit sa akin.

"Boss you have a phone call from the management of the mall. Tungkol po sa mga guards dun sa mall na naghold sa inyo. Mr. Yoon wants to apologize if they ever offended you" sabi Briana. I smiled and took the phone as I continued walking towards my huge office.

"Mr. Yoon good afternoon! No- it's really fine, I am very pleased personally experiencing your security measurements. Yes, and because of that I am now thinking to open an outlet of my company in the very same mall and I want to reqruit those two for that plan. Of course I'm not kidding! In fact, I will be sending my men to give rewards to them. You see, I have a huge debt to them so I hope you will treat them nicely"

Napahalakhak lamang ako pagkatapos ng usapan namin.

"Really! What's wrong with the people today? Lagi naman akong mabait ha, right Briana?" nakangiting tanong ko at umupo sa swivel chair ko.

Namumutlang tumango naman siya at inilapag sa lamesa ko ang mga work papers ko. "Boss ito po lahat mga papeles para sa araw na ito. You're three hours behind your original schedule. Andito narin po yung papers about the prepaid insurance of the employees.

Napabuntong hininga ako nang makita ko ang gabundok sa dami na mga papeles.

"I don't feel like working today" I stated.

"P-Po?" Nagulhang tanong niya.

Kinuha ko ang makakapal na papeles at balewalang tinapon iyon sa ere.

Nanlaki ang mga matang pinanuod ni Briana ang mga lumilipad na papeles.

Ahhh... Masaya din palang gawin ang ganitong kalokohan. Kung andito lang si Ana ay paniguradong pinagalitan na niya ako.

Tumayo ako at tinapik ang tulalang sekretarya ko. "Make a reservation for a hundred of people. Let's all eat out today"

"S-Sir? May okasyon po ba?"

Napahilot naman ako ng batok ko. "It's a umh- happy work day?"

"Ha?"

"Hey, everyday should be celebrated right? Don't be a kill joy like Ana!"

"O-Okay po" sagot niya at hinarap na ang telepono habang ako naman ay nakaharap sa glasswall na may mga ngiti sa labi ko.

This is the happiest day I had ever in the last nine years ago!

Kinuha ko ang cellphone ko nang makatangap ako ng tawag. Mas lumawak ang ngisi ko nang makita ko ang name ng caller.

Stupid-Idiot-moron-dunce-Willam

"My friend! How are you? Bakit ngayon ka lang tumawag sa akin? Don't you know how much I missed you?"

Namayani ang katahimikan bago nagsalita ang nasa kabilang linya.

"A-Ah sorry wrong number pala ako"

Napahalak naman ako sa narinig ko. "You're so funny as ever Willam"

"No wait! Inisnatch mo ba ang cellphone na yan sa kaibigan kong bugnutin?! Tarantado ka pala eh! Pangpadagdag pa talaga kayong mga snatcher sa problema ng bansa natin eh! Pag nagpaoplan tukhang si Duterte para sa inyong mga magnanakaw naku todas ka!"

"Willam what on earth are you talking about mon ami?"

"C-Clyde is that really you?"

"Do I really have to prove myself Mr. Feng? How is my secretary there?"

"Ana is fine but that's not important. You! What happened to you?! Why so nice so suddenly? May problema ka ba? Bad debts? Pulled out shares? Are you drunk?"

I just chuckled "No none at all. It's just everything today is so perfect and perhaps the following days too"

"Hay... Buti ka pa"

"Why what's wrong?" Tanong ko.

"Nah. Ikaw nalang magkwento. What makes you this unbelievably happy Mr. Clyde Dale Fuentabella?"

"She's back Willam. Back in my life"

"She... I mean-your wife? Eiffel?!"

Masayang tumawa ang kaibigan ko.

"Congrats brad! Kay tagal mo siyang hinintay!"

"Yes. And I'm never letting her go again. Never"

*****