Bigla akong nagising sa tunog ng alarm ko ng tignan ko ang oras ay maaga pa 5:00 am palang nagtataka ako bakit 5:00 tumunog ang alarm ko meron sigurong nakialam nito?. Bumaba ako at pumunta sa office ni dad para kausapin siya tungkol sa Car Key ko ayoko kasi makasabay yung mahangin kong Professor/tutor. pag pasok ko ng office narinig ko nag uusap si mommy and daddy tungkol kay kuya.
"Theo sigurado kaba sa disisyon mo na papauwiin mo si Ashton sa Canada?" mom said.
"Yes, pero pansamantala lang para makalimutan niya lang yung babaeng yon." dad said.
"but he loves her"
"ano ba gusto mo Makita yang anak mong nasasaktan huh?"
"pano kung hindi pumayag si Ashton na pumuntang Canada?"
"Pag sinabi ko susundin nya, parasakanya din naman tong disisyon natin."
"dad,mom?"
"Kaylee?" mom said.
"hayaan nyo na lang si kuya mag disiyon sa buhay nya matanda na sya. he can decide for himself."
"Kaylee is right."mom said.
"bakit ang aga mong nagising?" dad ask.
"someone touch my alarm clock."
"how's Audrey?"
"hindi ko pa sya nakakausap at wala akong balak kausapin siya, for now."
"ma'am, sir andito po tutor ni Kaylee." yaya said.
"WHAT?"
"papasukin mo siya at mag prepare na kayo ng breakfast." mom said.
"mommy sabihin mo nga anak mo si Rence?"
"future." mom said.
"mommy!" sambit at umalis na lang ako sa office ni dad paglabas ko sa pinto saktong nasa harap ng pinto si Sir kaya muntik ko ng mabangga sa mukha nya.
"Good Morning" he said.
"walang good sa morning kapag ikaw ang nakikita ko, kaya tabi dyan."
pumunta akong kitchen para tignan kung anong breakfast namin ngayon ng narinig kong nag chichismisan ang yaya namin sa may kitchen.
"Ang gwapo nung tutor ni ma'am Kaylee no?" sambit ng isang yaya namin
"anong gwapo don" pabulong ko habang nakasandal ako sa may pinto at hindi pa ako napapansin ng mga yaya namin.
"oo nga e sigurado ako may gusto si ma'am Kaylee don ang gwapo e."
"pati yung tutor nya sigurado may gusto din yun kay ma'am ganda kaya ni ma'am Kaylee"
"of course" sambit ko kaya nagulat ang sila ng bigla akong nag salita.
"may gusto kayo sakanya ma'am?"
"WALA NO"
"e sabi nyo po of course?"
"mag prepare na lang kayo napaka chismosa nyo" sambit ko atchaka ako umalis sa kitchen pag labas ko sa kitchen Nakita ko si kuya paakyat sya ssa kwarto nya kaya sinundan ko sya sa taas. kumatok ako sa pintuan niya.
"mag papahinga ako pwede ba wag niyo akong istorbuhin!"
"kuya it's me"
"Kaylee not now please"
"kuya kumain ka muna"
"I'm not hungry, mauna na kayo"
"katapos namin kumain ipagdadala kita okay?"
"okay"
habang kumakain kami may ibinulong sakin si mowitz.
"Kaylee, tumawag sakin si hailey"
"and bakit daw?"
"tumawag daw si Audrey sakanya, pupunta na daw ng Canada si Audrey and ikakasal na daw sya kay tyller."
"What! andali para sakanya no!?"
"what happen?" mom ask.
"ikakasal na daw si Audrey sa Ex nya and also uuwi na sya sa Canada, iiwan nya lang si kuya ng ganong kadali!"
"what did you say!?" sigaw ni kuya galling taas.
"Asthon?" mom said.
"where is she?" kuya ask.
"I don't know"
"andali para sakanya no!"
"let her son" dad said.
"but dad I love her" sambit ni kuya sabay ng pag patak ng kanyang mga luha
biglang bumgsak ang mga luha ko dahil nakikita kong nasasaktan ang kuya ko. gustso kong magalit kay Audrey pero diko magawa dahil alam ko mahirap para sakanya ito at mahalaga din siya sa akin. bigla akong inakbayan ni sir at biglang tumibok ng mabilis ang puso ko, alam mo yon yung hinalikan ako noon nung mystery guy para ganon yung naramdaman ko. ang weird, pero wala akong gusto sa kanya.
Pumasok na kami ni Sir sa school tulala ako at tumutulo parin yung luha ko dahil nakikita kong umiiyak si kuya kanina ng papunta nako sa room hinatak nya ako papuntang office niya, inupo nya ako sa may Swivel chair nya at tinitigan niya ako. gosh yung puso ko diko mapigilan parang lalabas na sa titig niya saakin, diba self wala kang gusto sa kanya? bakit ganyan yung tibok ng puso mo? di pwede yan naiinis ka sakanya diba?.
"dyan kana muna wag kana muna pumasok sa klase ko, mag pahinga ka muna." sambit ni sir at tumango lang ako hindi ako makapag salita sa titig niya yung mga tama nyang pamatay yung mga labi nyang nang aakit MY GOSH SELF calm down at kinuha niya na ang mga gamit niya at lumabas na siya ng office niya.
"Teka Sir!?" sambit ko ng matauhan ako at bumalik naman si sir ng marinig niya akong nagsalita.
"bakit?" sambit niya habang hawak nya ang doorknob nasa labas na kasi siya.
"babalikan moko ditto ba?"
"oo naman, mag pahinga ka muna wag ka nang umiiyak, I'll be right back okay?"
"okay, brought me a food kapag bumalik ka dito" sambit ko.
"anong gusto mo?"
"anything" sambit ko sabay ngiti ng tipid sa kanya.
umalis na siya ng office iniisip ko parin yung mga titig niya sakin hindi siya maalis sa isip ko yung lungkot ko kanina napalitan ng kilig ano bang pinakain sakin ng lalaking yon at kinilig ako sa titig niya. may potion ba siya ng pang aakit sa mga babae, kung meron lakas kasi nung tama sakin e. hay naku Sir hindi na tama yung ganon hindi ko kaya, ayoko mahulog ng tuluyan sayo.
"wala naman akong gusto sa kanya diba?" bulong ko sa sarili ko at yumuko na lang ako dahil inaantok ako dahil maaga akong nagising kanina.
habang natutulog ako may nararamdaman akong parang nakatitig sakin, kasi nararamdaman ko ang hininga niya sa mukha ko nang imulat ko ang mga mata ko Nakita ko si Sir ang nakatitig sakin at bigla siyang umatras ng minulat ko ang mga mata ko.
"here's your food." sambit niya habang naiilang at hindi makatitig sakin.
"thank you." sambit ko at kumain kaming dalawa sa table niya.