Chereads / A Magical Virus: Zombie outbreak / Chapter 4 - Chapter 2

Chapter 4 - Chapter 2

"Ano ng gagawin ko?" Nanlulumong sabi ko

Eh paano ba naman kasi, na car nap ang kotse ko. Paano na ako makakauwi nito? Paano ako makakapunta sa Sanctuary?

Ilang oras na akong nakaupo dito sa ilalim ng puno, nag-iisip kung paano ako makakauwi. Dahil una sa lahat ay hindi ko alam kung nasaan ako dahil nasa kotse ko yung cellphone.

May naisip narin ako kanina na paraan kung paano ako makakaalis dito pero hindi gumana. Sinubukan ko kasing pumara ng sasakyan para makasabay kaso hindi ito humihinto. Akala nila siguro ay holdupper ako. Sa cute ko na toh? Mukha ba akong holdupper?

Napabuntong hininga nalang ako. Napatingin ako sa bag na nasa gilid ko. Buti nalang talaga at nilabas ko ito kundi ni isa ay wala na akong gamit.

Kinuwa ko ang bag at nilabas lahat ng gamit. Meron nalang akong dalawang mineral bottle, tumbler na walang laman, knife, dalawang junk food, yung hommock ko, mga damit ko, underwear at tuwalya.

"Paano na ako kung ganito lang ang natira sakin? Bakit ba kasi hindi pa ako nagpasama sa driver eh. Edi sana nandun nakaupo lang ako sa backseat at nag ce-cellphone." Pagkakausap ko sa sarili ko

Bumuntong hininga nalang ako at inayos ko na ulit ang gamit ko.

"Walang mangyayari kung mag aantay lang ako dito" bulong ko sa sarili

Pinagpag ko na rin ang puwitan ko bago sinukbit ang bag sa likod ko. Nagsimula na akong maglakad sa walang hanggang daanan.

Ilang oras na akong naglalakad pero wala parin akong makitang kotse na dumadaan. Tumingin ako sa kalangitan at napansin kong pagabi na.

"Saan na ako matutulog" nanlulumong sabi ko

Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa paligid. Sa kaliwa ko ay puro puno at sa kanan naman ay bukid.

"Kung wala akong makitang tao dito sa daan, baka sa bukid meron akong makitang bahay" bulong ko.

Nagsimula na akong maglakad pakanan at naglibot-libot ng tingin dahil baka may makita akong bahay.

Gumabi na pero wala parin akong makita.

Napabuntong hininga nalang ako sa pagod. Mabilis akong mapagod kaya pumunta ako sa gilid at doon umupo. Ayaw ko man aminin pero natatakot ako ngayon.

Paano kung biglang may lumabas dito bigla na nangangain ng tao? Paano kung biglang lumabas dito gaya nang sa wrong turn?

Umling-iling ako para mawala sa isip ko ang mga nakakatakot na bagay. Hindi ito makakatulong sakin ngayon.

Nakaramdam ako ng antok pero pinipigilan ko ito dahil nag-iisip ako kung saan ako matutulog. Ayaw ko naman sa lupa dahil ang dumi at baka may kung anong hayop ang kumain sakin.

Biglang pumasok sa isip ko ang binili kong hammock. Nilabas ko ito sa bag at naghanap ng pwedeng pagtaliang puno.

Ng may makita ako ay inakyat ko ito at tinali sa sanga nito. Medyo mataasan kung saan nakatali ang hammock ko kaya pag nagkamali ako ng galaw ay siguradong hulog ako. Kinakabahan man ay dahan-dahan akong humiga dito at ng maka puwesto na ay tinanggal ko ang bag sa likod ko at niyakap bago ako tuluyang humiga.

Nakaramdam ako ng gutom kaya dahan-dahan kong nilabas ang junk food sa bag at binuksan. Konti lang ang kinain ko dahil baka maubos agad. Uminom ako ng konting tubig at binalik sa bag ko.

Nakatingala ako sa mga magagandang bituin. Ang sarap pakinggan ng mga kuliglig habang nakatingala sa langit. Sobrang payapa rito na parang walang gulo, hindi gaya sa Maynila na puro busina, kotse, o mga nagkakantahan na lasing ang maririnig mo.

Sa lugar na toh ay sobrang payapa ng puso ko. Umusal ako ng dasal na sana ay makauwi ako ng ligtas.

Pumikit na ako hanggang sa makatulog na ako ng payapa na para bang wala akong malaking problema.

~~~

Feb 28, 2015

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama saaking mukha.

Mukhang 7 o'clock na base sa taas ng araw. Tatayo na sana ako ng gumewang ang duyan ko. Bigla ako napahawak sa magkabilang gilid ko.

Nakalimutan kong nasa hammock nga pala ako. Kinuwa ko ang bag ko at sinukbit sa likod at dahan-dahan akong bumangon para hindi rin mabigla ang katawan ko. Ng magtagumpay ay kumapit ako sa sanga at tumungtong doon.

Tinanggal ko ang tali nito sa sanga at tiniklop ko ito. Dahan-dahan lang ako dahil bumabalanse rin ako. One wrong move at mahuhulog ako. May kataasan rin kasi itong pinagkabitan ko ng hammock.

Dahan-dahan akong bumaba at nagpapag ako ng puwit pagkatapos kong bumaba dahil may mga dumi akong nadikitan.

Inayos ko na ang sukbit ng bag ko ng biglang may mahigip ang mata ko. Isa itong manok, hindi ko alam kung saan galing pero iisa lang ang tumatakbo sa utak ko.

"Pagkain" bulong ko

Binaba ko ang bag ko at kinuwa ko sa bag ang knife ko at binalanse ito sa daliri. Ng masiguradong balanse na ito ay hinawakan ko ito at hinagis sa dereksyon ng manok. Natamaan ito sa katawan kaya dali-dali akong lumapit.

Buhay pa ang manok ng makita ko pero naghihingalo na ito. Nakaramdam ako ng lungkot dahil naalala ko yung manok na inaalagaan ko dati nung bata pa ako na nabibili tuwing Fiesta.

"Sorry chicken pero kailangan ko tong gawin" hinugot ko ang knife at ginilitan ng leeg na naging dahilan ng tuluyang pagkamatay nito.

Kinuwa ko ang bag at nilabas ang isang plastic doon. Kinuwa ko ang patay na manok at pinasok sa loob.

Sa gilid ng bag ko ay may parang sipit doon kaya doon ko muna tinali ang manok. Hindi ko muna siya lulutuin dahil kailangan ko muna itong linisan. At para malinisan ay kailangan ko ng tubig.

Ang nilalakaran ko ngayon ay hindi na bukid dahil puro puno na ang nakapaligid sakin.

Dalawang oras makalipas ay nakarinig ako na umaagos na tubig.

Dali-dali kong nilapitan ang pinanggagalingan ng tunog at napangiti dahil meron ngang ilog.

Binaba ko ang bag at lumapit sa ilog. Hinugasan ko muna ang kamay bago hugasan ang knife ko.

Kinuwa ko ang tumbler ko at nilgyan. Tinikman ko muna dahil baka iba ang lasa pero ng mukhang ayos naman ay nilgyan ko na ito. May pangsala naman ito kaya hindi pumapasok ang mga tuyong dahan sa loob. Uminom muna ako bago ulit lagyan ito.

Tinanggal ko ang plastic na nakakabit sa gilid ng bag ko at nilabas ang manok. Tinanggalan ko muna ito ng balahibo na mano-mano. Napapangiwi nalang ako dahil alam kong masakit yun kung buhay pa sya.

Sunod ay tinanggalan ko ng mga paa at ulo (ang brutal talaga HAHAHA). Hiniwa ko ang gitna nito at binuksan. Nilinis ko muna ang loob nito bago ko ito iwanan muna sa gilid.

Hinugasan ko ulit ang knife ko bago tumayo para maghanap ng mga sanga.

Binaon ko sa magkabilang gilid ang makapal na stick at sa ilalim nito ay may mga sanga na maliit at nilagya ko narin ng mga tuyong dahon. Nakapaligid rin dito ang mga bato oara hindi ito kumalat.

Tinuhog ko ng stick ang puwit ng manok at lumabas ang stick sa bunganga nito (brutal talaga si Diane HAHAHA) at nilagay sa ibabaw ng magkabilang makapal na stick.

Ang pinaka problema ko lang ay paano ako gagawa ng apoy?

Mabilis akong naghalungkat sa bag ko at napangiti dahil meron pala akong dalang posporo.

Mabilis akong bumalik at inapuyan. Inikot-ikot ko ito para pantay ang pagkakaihaw.

Bigla kong naalala ko yung una akong nag-ihaw noong siyam na taong gulang lang ako.

Flashback

"Diane, mag ihaw ka nga muna. May ginagawa kasi si Manang eh. Mga isang oras bago mo tanggalin sa ihawan" Mama

"Okay po" Ako na cute HEHEHE *piece*

Nasa private ressort kami nun at naka handa na ang ihawan kaya ang gagawin mo lang ay ilalagay mo ang manok sa ihawan.

Nilagay ko ang manok sa ihawan at nag cellphone na ako. Pumunta ako sa timer at nilagay ang isang oras.

1 hour later

Tinanggal ko na ang manok sa ihawan at nilagay sa plato.

Maya-maya ay dumating si Mama at tiningnan ang manok. Nakangiti akong proud dahil binantayan ko ito maigi pero si Mama ay lukot ang mukha at si Papa naman ay tumatawa.

"Anong nangyari sa manok Diane? Bakit ang kalahati ay sunog at ang kalahati ay hilaw" natatawang sabi ni Papa

Sumimangot ako. Pagtawanan ba naman ako. At simula nun ay tinuruan na nila ako ng tang pag-iihaw.

Present

Natatawa nalang ako sa naiisip ko. Halos isang oras din ng maluto ang manok. Hiniwa ko ang pakpak nito at simula ng lantakan dahil gutom na gutom na talaga ako.

Ang sarap sana nito kaso wala akong kanin.

Sunood kong hiniwa ang ibang parte ng katawan ng manok. Ng mabusog na ako ay may naramdaman akng kakaib-

"Burrrfffff hihihihi *piece*" ako

Lahat ng natira ay pinalastic ko ulit at sinabit sa gilid ng bag ko.

Kung napapansin niyo ay hindi ko nilalagay sa loob dahil mangangamoy manok ang loob ng bag ko.

Lumapit ako sa ilog daladala ang knife ko at hinugasan ito. Inilagay ko ito sa loob ng bag.

Lumapit ako sa gilid ng ilog at tumingin sa paligid. Nang masigurong walang tao ay dahan dahan kong hinubad ang hoodie ko. Nang matanggal ay bumungad sakin ang makinis at balingkintan kong katawan. Sakto lang rin ang laki ng dibdib ko hindi gaya ng iba diyan na pader HAHAHA *piece*

At tama kayo ng iniisip. Wala akong damit panloob. Sa loob ng hododie ko ay naka bra lang ako.

Tinanggal ko ang butones ng jeans ko at hinubad. Lumusong ako sa tubig at nagpasalmat na hindi ganun kalamig. Naghilod ako ng katawan ko at kili-kili ko. Kinuwa ko narin ang sinuot ko at nilabhan sa ilog.

Halos isang oras din ako naligo sa ilog bago umahon dahil naglaba pa ako.

Lumapit ako sa bag ko at kinuwa ang tuwalya ko. Nagpunas-punas ako bago ko ito itapis sa katawan ko. Hinubad ko ang bra ko na hindi natatanggal ako tapis sa katawan ko, ganun ein ang ginawa ko sa panty ko.

Lahat ng nilabhan ko ay nilagay ko sa malaking bato para matuyo agad. Ma-araw ngayon kaya madali lang yan matuyo plus pinigaan ko pa maigi.

Kinuwa ko sa bag ko ang underwear, damit at shorts ko. Pumunta ako sa likod ng malaking bato at doon nagbihis.

"Hayss, ang hirap naman magbihis dito." Me

Pumunta ako sa bag at nilabas ang hammock ko. Umakyat ako sa puno at tinali rito. Dahan dahan akong humiga sa hammock at doon nagpahinga.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sakin. Mainit na ito at isa lang ang ibig sabihin.

"Tanghali na" sabay unat ko

Dahan dahan akong tumuntong sa sanga at tinanggal ang tali nito. Tiniklop ko ang hammock ko at bumaba sa puno

Kinuwa konna ang mga damit ko dahil tuyo na toh at nilagay sa bag ko. Inayos ko lahat ng gamit ko dahil magsisimula na uli akong aalis.

Nagsimula na uli akong maglakad papalayo sa ilog. Hindi ko alam kung ilang oras na akong naglalakad dito sa mapunong lugar. Hindi ko nga alam kung nasa gubat na ba ako eh. Basta ang alam ko ay malapit na ako sa bundok.

Maya-maya ay bigla nalang kumilimlim at may pumatak na tubig sa ilong ko at nagsunod-sunod na ito.

Dali-dali akong naghanap ng masisilungan pero wala akong makita. Takbo ako ng takbo ng may makita akong kuweba sa di kalayuan.

Mabilis akong tumakbo dito. Hindi ako natatakot mabasa. Natatakot akong mabasa ang mga gamit ko.

Ng makarating na ako sa kuweba ay pagod na pagod ako. Pumasok pa ako ng kaunti dahil umaangi.

"Woooh, buti nalang may kuweba akong nakita. Nasaan lugar na kaya ako?" Tanong ko sa sarili

Sa loob ng kuweba ay may mga tuyong dahan at mga sanga na bali. Dali dali ko itong inipon at sinindihan ng posporo ko.

Hindi ko kakayanin ang lamig kung walang apoy. Lumipas ang oras at padilim na ng padilim. Nilabas ko ang manok at iniit ulit ito bago ko kainin uli.

Ng maubos ay uminom ako ng tubig bago ulit sumandal.

"Kailan kaya ako makakakita ng tao?" Me

Bumuntong hininga nalang ako at naramdaman kong bigla akong inantok. Hindi ko alam bakit ako inantok dahil kakagising ko lang man kanina.

"Ah baka dahil pagod na pagod ako." Sabi ko sa sarili.

Umayos na ako ng upo at pipikit na sana ako ng may maramdaman akong kumagat sa binti ko.

Napatingin ako sa binto ko. Nakakagat doon ang ahas. Hindi nornmal na ahas kundo cobra.

Napapikit ako sa sakit. Kanina naman walang ahas ah, bakit meron ahas ngayon..

Naramdaman kong inaantok ako. Pinipigilan ko ng bumagsak ang mata ko dahil maaaring hindi na ako muling magmulat muli pero hindi ko na kinaya.

Hanggang sa pumikit na ang mga mata ka.

Geh tulog muna ako

~~~

Pagdilat ko ng mata ay puro dilim ang aking nakita. Nasaan ako? Patay na ba ako? Oh my, nasa langit na ba ako pero bakit ang dilim?

Wag niyobg sabihin na nasa impyerno ako? Huwaaaa. Wala naman akong ginawang masama ah.

Tiningnan ko ang binti ko. Meron parin tong bakas ng kagat ng ahas.

Natatakot akong humakbang dahil baka bigla nalang akong mahulog dahil as in wala ka talagang makikita kundi kadiliman.

Napatigil ako ng may marinig akong ungol. Bigla akong kinilabutan sa hindi malambg dahilan.

May naririnig akong mga yabag at maya maya ay biglang lumiwanag.

Pumikit ako dahil sumakit ang mata kk sa biglaang pagliwabag. Ng maka-adjust na ang mata ko ay hindj ako kaagad nakakilos.

Dahil sa tapat ko ay nakatingin sakin ang isang matandang babae at babae. Kakaiba ang mga kasuotan nito pero ang mas nakatawag ng pansin sakin ang mga mata nito.

Mga matang kulay pula.

★★★★

Abangan sa susunod na kabanata:

-Ano ang nangyari kay Diane? At saan siya napunta?

★★★★

Hanggang sa muli, paalam! :)