"Nasaang lugar ba tayo?" Tanono ko kay Trinity
Naglalakad kasi kami papunta daw sa bahay niya eh puro puno naman ang nakikita ko.
Totally ilang linggo ng puro puno nakikita ko
"Nasa Brgy. Sabog po tayo" Trinity
Napatango nalang ako. Kaya naman pala parang sabog yung nga lalaki kanina kasi nasa Brgy. Sabog kami.
"Ang ibig kong sabihin ay anong city ito" sabi ko
"Ah, nasa San Matino City po tayo" Trinity said
Bakit naman ganto ang tawag dito. San Matino City at Brgy. Sabog? Naka drugs ata ang nagpangalan nito eh
"Yung mga lalaki kanina? Kilala mo ba ang mga yun?" Me
"Hindi po, naghahanap lang po ako ng pagkain ng bigla nila akong kinuwa at dinala doon sa manggahan." Sumbong niya "Ikaw ate, saan ka galing?" Trinity asked
Tiningnan ko muna siya mabuti. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan kaya sinabi ko sa kanya.
Kinuwento ko sa kanya kung bakit ako nandoon at kung taga saan ako. Sinabi ko rin sa kanya na nanakawan ako ng kotse at hindi ko alam kung nasaang lugar kami ngayon. Pero hindi ko kinuwento ang tungkol sa kuweba.
"Saan ka po ba patutungo?" Trinity
"Sa Sanctuary" sagot ko
Ngumiti ng malapad si Trinity
"Medyo malayo pa po abg Sanctuary. Dalawang lungsod pa po ang kailangan niyong daanan bago kayo makarating sa Sanctuary." Napahinto ako sa narinig
Akala ko puro malas ang mangyayari sakin kasi nanakawan ako, nagutom ako, nakagat ako ng ahas, nakagat ako sa panaginip at naging totoo, nanlalabo ang paningin ko nung nakaraan at sumasakit ang katawan ko pag hindi ako tumakbo o nag work out.
Buti nalang swerte parin ako dahil malapit na ako sa Sanctuary.
Pinatong ko ang kamay ko sa kanya at ginulo na ang magulong buhok.
"Salamat" sabi ko
"Walang anuman ate. Ako nga po dapat ang magpasalamat dahil niligtas niyo ako kanina. Pero ano po ba ang gagawin nila sakin kanina?" Inosente niyang tanong
Napatingin ako sa kanya. Seryoso ba siyang hindi niya alam? Napangiti ako
Ang inosente naman ng batang ito. Pag nakita ko talaga ang mga lalaking yun. Puputulan ko talaga ng mga ulo grrrr.
"Wala yun. Gusto lang nilang makipag-away. Mga bading kasi sila kaya sila pumapatol sa babae" sabi ko
Napatingin ako sa katawan ni Trinity
Maliit siya,mukhang amerikana dahil maputi siya at kulay blonde ag buhok. Maliit ang mukha niya at sakto lang ang payat niya.
Ang sabi niya ay 7 years old na daw siya
Tumango tango siya at hindi na nagsalita. Nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Makalipas ng ilang minuto ay may tinuro siya.
"Ayun po ate Diane yung bahay namin oh" turo niya sabay takbo sa maliit na kubo.
"Lola may bisita po tayo kaya bangon na po kayo diyan" rinig kong sabi ni Trinity
Bigla siyang sumilip sa bintana at parang sinasabi na pumasok ako.
"Good morning po" sabi ko bago pumasok.
Ang una kong nakita ay isang mapayat na babae na nakahiga sa papag. Nakatingin siya sa mga armas ko sa bewang. Nakalagay kasi sa belt yung pana ko at katana. Baka natatakot siya kaya nilapitan ko.
"Hello po. Hindi po ako masamang tao" ngiti ko sa kanya
"Umupo ka hija. Pasensya na at hindi ako makatayo ah." Sabi ni Lola
"Ayos lang po. Bakit nga po pala hindi kayo makatayo?" Inosenteng tanong ko
Ngumiti ng mapait ang Matanda "Meron akong cancer kaya nanghihina na ako"
Bigla naman akong naawa kay Lola.
"Pag nakauwi na po ako samin ay sisiguraduhin ko pong ipapagamot ko po kayo" sabi ko kay Lola
Ngumiti lang ang matanda at tumingin sa langit na puno ng bituin.
Tiningnan ko ang buong katawan ni Lola. Payat siya at kulubot na ang mga balat. Manipis narin ang buhok niya dulot siguro ng cancer.
Nilibot ko ang paningin sa kubo. Plain lang ito at ang lagayan ng plato nila ay sira-sira na. May nakita akong mga lampara. Mukhang wala silang kuryente dito.
Napabuntong hininga nalang ako.
Hinanap ko si Trinity at nakita ko siya papasok at basa ang buhok at may hawak na kaldero.
Sa labas ay nakita ko ang lutuan nila. Sanga ng kahoy ang ginagamit nila pangluto.
Nag saing na siguro siya kanina bago siya umlis para kumuha ng pagkain pero imbis na pagkain ay muntilan na siyang mapahamak.
Itatanong ko sana kung saan sila kumuwa ng pera para makabili ng bigas pero pinili ko nalanv manahimik dahil halatang si Trinity ang gumagawa ng paraan.
"Kumain ka na po ba ate?" Trinity asked
Umiling ako "Hindi pa Trinity" sabi ko
Ngumiti siya at nag tungo sa kusina. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang sardinas.
Nilapag niya at. Pumunta siya sa Lola niya para paupuin. Dali-dali akong tumayo at tinulungan si Lolang umupo. Nang maayos na ay bumalik na kami sa pagkakaupo sa papag.
"Pasensya na po ate sa ulam namin. Wala na po kasi kaming pambili ng pagkain at wala rin akong nakitang manok o baboy kanina." Sabi niya habang nakatingin sa mata ko. Nakangiti rin siya habang sinasabi
"Bakit ka nakangiti kung iyan lang ang ulam niyo?" Tanong ko
"Kasi po minsan lang po kami nag-uulam ng delata. Nag-uulam lang po kami kapag birthday po ni Lola o ako o hindi kaya kapag may bisit po kami. Kaya tinatabi po namin ang delata namin." Trnity
"Paano kapag wala kayong ulam? Anong kinakain niyo?" I asked
"Toyo at mantika po" Trinity
Parang may kung anong humaplos sa puso ko.
"Pwede po bang kumuwa ng plato?" Tanong ko
Tumango naman sila ng nagtatakaka
Ngumiti ako sa kanila at tumayo. Pumunta ako sa bag ko at tinanggal ang pagkakatali ng plastic. Isinalin ko ang laman ng plastic sa plato at nilagay sa harapan nila.
Ang laman ng plastic ay ang baboy na nakatay ko kanina. Luto na yun ah < ^ _^ >
Ng makita nila yun ay napatingin sila sakin. Parang gusto na nilang kainin pero nagtataka kung saan ko nakuwa.
"Agahan ko po yan kaninang umaga. Nakita ko po kasi kaya pinana ko po para may agaham po ako." Sabi ko
"Saan ka ba galing ineng?" Tanong ni Lola.
Mabilis na kumuwa si Trinity ng baboy. Kumakain si Trinity habang si Lola ay sinusubuan niya.
Nag simula narin akong magkuwento kung anong nangyari sakin. Maliban nalang ang tungkol sa kuweba.
Tapos na kaming kumain ng matapos na akong mag kuwento.
"Buti hija walang nangyari sayong masama" sabi ni Lola.
"Sa awa naman po ng Diyos ay hindi ako nasaktan" magalang na sabi ko
Tumayo na ako para iligpit ang pinagkainan. Dinala ko ito sa labas dahil meron silang Poso. Sa tabi ng poso ay may sabon, shampoo at dishwasher.
Sinimulan ko ng hugasan ng pinggan ng may isang maliit na kamay ang tumulong sakin. Agad akong napatingin sa kanya
Ngumiti siya sakin "I will help you" sabi niya
"Saan ka natuto mag english?" Manghang tanong ko
"Nakapag-aral po ako dati pero tumigil din pp ako dahil wala na po kaming pera." Sabi niya
"Ayos lang yan. Pag nakauwi na ako ay dadalawin ko kayo dito ng lola mo at pag-aaralin kita" i said
"Salamat po talaga ate" masayang sabi niya
Pinagpatuloy na namin ang paghuhugas. ako ang taga sabon at siya naman ay taga banlaw.
Tumayo na kami dahil tapos na kami. Umupo si Trinity sa upuan sa tapat ng kubo.
Habang nakatingin sa kanya ay may bigla akong may naalala. Pumasok ako sa loob at nadatnan kong nakahiga na si Lola at natutulog.
Pumunta ako sa bag ko at binuksan ang secret pocket. Napangiti ako ng makita ko ang pera. Maliit lang ang halaga nito pero malaki na ito para sa kanila.
Lumabas ako at nadatnan ko siyang nakatingin sa mga bituin.
Lumapit ako sa kanya at inabot ang garapon na may lamang pera.
"Para saan po ito?" Taka niyang tanong
"Pera yan. Gamitin mo para may makain kayo" i said
"Maraming salamat po talaga" sabi niya at yumakap sakin. Niyakap ko rin siya pabalik
Humiwalay na siya sakin at umupo ulit ng maayos. Kinuwa niya ang pera at nilagay sa bulsa niya.
Inangat niya ang garapon na para bang nasa loob ng garapon ang mga bituin.

"I think you are my guardian angel" Trinity said while strating at me.
Napangiti ako bago ako lumingon sa kanya "Why?" I asked
"You saved me earlier and now you help me again" sabi niya
"Pero aalis na ako bukas ng hapon" malungkot na sabi ko
"Bakit ang bilis naman po?" Mabilis niyang tanong
"Kasi kailangan ko ng makauwi samin dahil nag-aalala na ang mga magulang ko" sabi ko
"P-paano na po ako?" Sabi ni Trinity na nanginginig ang boses
Parang hinati ang puso ko ng makita kong umagos ang luha sa kanyang mga mata.
"Nandiyan naman ang Lola mo." Sabi ko sa kanya
"L-lagi nalang po akong i-iniiwan. Bata palang d-daw ako ay nasa heaven na daw po si M-mama at si P-papa naman po ay iniwan na ako kila L-lola ng mamatay si Mama. Bakit po ba lahag iniiwan ako?" Yumakap siya sakin at doon umiyak sa balikat ko
"Tapos pati rin po rin p-po kayo i-iiwan niyo po ako. Ang d-dami samin po nakakakilala d-dito pero w-wala man lang t-tumulong samin. P-pero kayo ay tinulungan nyo p-po kami kahit mas k-kailangan niyo." Humihikbing sabi niya sakin
Tumulo ang luha saking mata.
Hindi na ako nagsalita dahil baka lalo siyang umiyak.
Lumipas ang ilang minuto ay lumalim na ang paghinga niya. Mukhang nakatulog na siya sa hita ko pero humihikbi parin siya.
Hinagod ko ang buhok niya hanggang sa tumigil na siya sa pag-iyak.
Napatingin ako sa kanang braso ko.
Nagsalubong ang kulay ko dahil parang pagaling na ito. Tuyot na kasi ang sugat kaya nakakapagtaka.
Isinawalang bahala ko nalang ito at Kinuwa ko ang garapon at binuhat na si Trinity papasok sa loob. Inilapag ko siya sa tabi ng Lola niya.
Tatayo na sana ako ng may tumawag sakin
"Hija" mahinang tawag ni Lola
Tumingin ako kay Lola
"Bakit po?" I asked
"Salamat sayo hija" Lola said
Kahit naguguluhan ay sumagot ako
"Walang anuman po" ngiti ko
"Pwede ba akong humjling sayo?" Mahina niyang sabi
"Opo" sabi ko
"Pwede mo bang bantayan si Trinity para sakin? Alam kong malapit na akong mamatay kaya nagpapasalamag ako at dumating ka. Alam kong mayroon kang mabuting puso dahil nararamdaman ko yun. Narinig ko rin ang pinag-uusapan niyo at mukhang gusto ka rin ni Trinity dahil umiyak siya ng malaman niyang aalis ka" mahinang saad ni Lola
Namuo ang luha ko sa mga mata
Hinawakan ko ang kamay ni Lola at nagsalita
"Lola, huwag niyo pong sabihin yan. Gagaling po kayo. Pangako ko po ipapagamot ko po kayo pag nakauwi na po ako. Kahit bukas na po ay papasama po ako kay Trinity para pumunta sa bayan para makatawag ako samin at mapa gamot na po kayo" sabi ko kay Lola
"Basta ingatan mo si Trinity, Diane" sabi niya at may tinuro. Tiningnan ko ang tinuturo niya at isa iyong baul.
"Hija, pakuwa ng brown envelope" pakiusap niya
Tumayo ako at hindi na nagtanong. Binuksan ko ang baul at napaubo dahil ang alikabok. Kinuwa ko na ang brown envelope at sinarado ang abaul.
Lumapit ulit ako kay Lola at binigay sa kanya pero umiling siya. Bigla naman akong nagtaka.
'Pinakuwa niya kasi sakin pero hindi naman pala niya kukuwain.' sabi ko sa isipan
"Pakibigay yan kay Trinity sa tamang panahon. Nandiyan ang birth certificate niya at ang nag-iisang picture ng Nanay niya at Tatay." Sabi niya.
Tumango ako "Sige po Nay" sabi ko
"Alagaan mong maigi si Trinity, Diane. Ituring mo siyang parang tunah na anak. Ayan lang ang hinihiling ko" pakiusap niya.
"Opo Nay, aalagaan ko po si Trinity" pagkasabi ko nun ay ngumiti siya bago niya ipikit ang mata niya.
Ako naman ay nagtataka kung paano nalaman ni Lola ang pangalan ko. Hindi ko matandaan na sinabi ko kay Lola ang pangalan ko. Baka naman nabanggit ni Trinity sa Lola niya. Sabi ko sa sarili
"Good night Lola. Good night Trinity" sabi ko bago tumayo
Napatingin ako sa orasan na nakasabit. Bandang ten o'clock na pala.
Lumabas ako ng bahay at nagsimula ng tumakbo. Paikot-ikot lang ako sa paligid ng bahay. Chine-check ko rin kung may hayop bang malapit.
Naninibago ako dahil para akong may night vision. Nakakakita kasi ako kahit wala naman akong ilaw na dala. Oo may buwan pero hindi sapat ang buwan para makakita ako ng maayos sa dilim.
Tumingin ako sa paligid. Kulay blue talaga ang nakikita ko.
Umabot ng dalawang oras ang pag takbo ko bago ako bumalik sa bahay. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at pumunta sa bag. Kinuwa ko ang hammock ko at lumabas. Sa tabi ng bahay ay may nakita akong puno kaya doon ako umakyat at nagtali ng hammock.
Dahan-dahan akong humiga at natulog
~~~~
March 31, 2015
Kusa akong nagising. Nasasanay narin ako sa bago kong routine. Gigising ng maaga para tumakbo, tatakbo kapag naramdaman ang heat warning at tatakbo bago matulog.
Bumaba na ako ng puno at tinanggal ang pagkakatali. Naglakad ako papasok at nilagay sa bag ang hammock. Aalis na sana ako ng narinig kong tinawag ako ni Trinity.
"Diane?" Tawag ni Trinity sakin
Madilim ang bahay dahil nakapatay ang lampara kaya siguro hindi niya ako nakikita.
"Yes?" Sabi ko.
Nakatingin siya sa mga mata ko. Weird laang dahil paano niya ako nakikita.
"Saan ka pupunta ate?" Sabi ni Trinity habang nakahiga at nakatingin sakin
Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Tatakbo lang ako sa labas. Kukuwa narin ako ng pagkain natin" i said
"Madilim pa po sa labas ah?" She said while staring at the window.
"Oo, wala naman akong gagawin eh. Tulog ka nalang muna Trinity dahil maaga pa naman" i said
"Are you coming back?" Trinity
"Yes" i said
"Do you promise?" Sabi niya at itinaas ang hinliliit na daliri na parang nakikipag pinky swear.
"Promise" sabi ko at nakipag pinky swear sa kanya.

Ngumiti ako sa kanya at nguniti siya sakin
"Okay. I will wait here. By the way, i like how pretty your eyes are. They are glowing even in the dark." She said while looking into my eyes
Pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinauupuan ko.
"Glowing?" Tanong ko sa kanya
"Yes. They are glowing" Trinity said
"Are you sure?" I asked her again
Nanlalamig ang mga kamay ko
Tumango siya sakin.
"Meron ka bang salamin diyan?" Tanong ko
"Meron po" Trinity said
Umupo siya at may kinuwa sa uluhan niya ang salamin. Inabot niya sakin at dahan-dahan ko itong inabot.
I looked up and stared. My reflection looked back looked at me in the mirror of the dark room. It was not a reflection of a light, or any of the other excuses. They were glowing a light sapphire blue color. It was not a bright glow, but it was definitely a glow.
Glowing were eyes are not normal. Okay, inaamin ko na ngayon na hindi na talaga ako normal. What was I then? Am I abnormal? For that, I had no answer.
★★★★
Abangan sa susunos na kabanata:
-Ano ang nangyari kay Diane at bakit nag-iba ang kulay ng mata niya?
★★★★
Hanggang sa susunod muli, paalam! :)