Chereads / A Magical Virus: Zombie outbreak / Chapter 8 - Chapter 6

Chapter 8 - Chapter 6

"Ate Diane, pagod na ako" hinihingal na sabi ni Trinity.

Pagabi na at kanina pa kami naglalakad.

"Buhatin nalang kita para mas mabilis tayo" Sabi ko sa kanya.

"Kaya mo ako ate Diane? Maliit po ako pero mabigat rin ako" natatawang sabi niya

Natawa ako sa sinabi niya

"Subukan lang natin" sabi ko sa kanya

Kapag kinaya ko ay ganun rin ang gagawin ko bukas para mas mabilis na kami makapunta sa Sancturary.

Yumuko ako sa kanya at binuhat siya. Humagikgik siya dahil umikot-ikot muna ako bago ko siya ilagay sa balikat ko

"Sigurado ka po bang bubuhatin niyo ako? Baka bukas po kuba na kayo hihihihi" hagikgik niya.

Natawa ako sa sinabi niya. Nagsimula na akong mag lakad hanggang sa maging takbo na. Agad siyang napakapit sa ulo ko dahil bala mahulog siya.

"Wahhh ate Diane! Dahan-dahan naman po!" Tili niya kaya natawa naman ako.

"Okay lang yan HAHAHAHA"

Pinagpatuloy ko na ang pagtakbo habang naglilibot ng tingin.

"Ate Diane, anong oras tayo mag papahinga?" Bigla niyang tanong

"Pagnagugutom ka na" I said

Hindi na siya sumagot kaya nagpatuloy na ako sa pagtakbo ko.

Meron na kaming dalang ulam at kanin. Yung ulam namin ay fried chicken parin at ang kanin namin ay nilagyan ko na ng suka nung sinaing ko para hindi mapanis agad.

Hindi ko alam kung ilang oras o minuto na kami tumatakbo pero gabi na nang magsabi si Trinity na nagugutom na siya kaya huminto na ako sa pagtakbo at pumunta sa ilalim ng puno.

Naglatag kami ng kumot doon para hindi kami madumihan kapag umupo kami.

Nilabas ko ang ulam at kanin namin. May dala narin kaming kutsara, tinidor, at plato. Mahirap kasi magkamay lalo na't nagtitipid na kami ng tubig dahil dalawa na kaming gagamit ng tubig.

Kumakain na kami ng may sumagi sa utak ko. Hindi literal na may sumagi ah! *Pout*

"Anong plano mo Trinity kapag nakarating ka na sa bahay namin? Ipapahanap mo ba ang pamilya mo?" Tanong ko

Medyo nalungkot ako ng isipin ko yun pero kailangan kong tanggapin kung ano ang desisyon niya.

Napahinto naman sa pagkain si Trinity at napatingin sakin. Ngumiti siya sakin.

"Hindi na po. Bakit ko pa po sila ipapahanap kung iniwan na nila po ako. Kung iniwan na nila ako dati ibig sabihin maaari nila ulit akong iwan. Kaya hindi ko po sila ipapahanap at sayo lang po ako sasama" sabi niya habang nakatingin sa mnga mata ko.

Ramdam ko ang lungkot sa kanyang tinig. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Basta ang alam ko, kapag umalis na siya ay malulungkot ako.

Oo alam ko ang mga iniisip niyo. Na ang OA ko masyado. Na kesa ganyan, kesa ganito na nung nakaraan palang kami nagkakilala pero bakit na ako ganito na ang kinikilos ko.

Sabi nga nila ay madaling sabihin pero mahirap gawin. Madali mong nasasabi kasi hindi ikaw ang nasa posisyon niya. Malalaman mo lang ang isang bagay kapag naranasan mo na.

I smiled at her at ginulo ang buhok niya.

"Thank you." I said "Thank you for trusting me kahit na nung isang araw mo lang ako nakilala." Sabi ko sa kanya

"Hindi ko po alam ate pero ang gaan ng pakiramdam ko po sa inyo." Sabi niya habang ngumunguya

Napadako ang tingin niya sa mga gamit ko sa bewang.

"Wow ang dami niyo pong dalang weapons" manghang sabi niya

I chuckled "Nung isang araw ko pa yan dala tapos ngayon mo lang napansin HAHAHA" natatawang sabi ko

Natawa rin siya at may tinuro "Para saan po yan?" Tanong niya sa switch.

Nilagyan ko kasi ng langalan ang pana ko. Pinangalanan ko itong switch dahil pwede mo siyang palitan sa isang ikot ilang.

"Pana yan" ngiti ko sa kanya.

"Pana? Eh parang bakal lang na mahaba po yan ah?" Inosente niya tanong

"Tingnan mo" sabi ko sa kanya at kinuwa ko si switch.

Inikot ko ang magkabilang gilid at naging pana.

"Wow ang angas ate. Pwede mo ba po akong turuan niyan at katana po?" Manghang tanong niya

I smiled at her "Oo, bukas ay tuturuan kita pero sa katana ay kaunti lang ang alam ko." sabi ko

"Wipey, thank you talaga ate." Sabi niya na mukhang masaya sa sagot ko

Niligpit na namin ang pinagkainan namin at ang kumot na ginawang sapin namin.

"Saan po tayo pupunta?" Tanong ni Trinity ng yumuko at dahil bubuhatin ko ulit siya.

Kaya ko naman kasi siyang buhatin eh kaya bubuhatin ko nalang para madali.

"Itutuloy na natin ang adventure natin" sagot ko

"Eh? Gabi na po ah?" Tanong niya "Wala naman po tayong dalang flashlight kaya hindi tayo makakakita? Hindi ko na nga po kayo makita masyado eh. Buti nalang nagliliwanag po yang mata niyo kaya nakakatingin ako sa inyo po" sabi niya

Ahh, kaya pala nakakatingin siya ng deretso sa mata ko kasi nagliliwanag ito.

"Kaya kong makakita sa dilim" I said to her

"Talaga po?" Mangha niyang tanong

"Oo pero kulay blue lahat ang paligid" ngiting sabi ko sa kanya

"Paano po?" Tanong niya

"Hindi ko alam eh. Basta lumalabo nalang yung mata ko ng ilang araw. Tapos nung bumalik na ay ganito na ang nangyari. Nakakakita ako ng kaunti sa dilim tapos gumanda na rin ang paningin ko. Dati kasi ay malabo ang paningin ko." Mahabanh paliwang ko sa kanya

"Wow, sana magkaganyan rin ako gaya niyo" tuwang tuwa niyang sabi.

Ngumiti nalang ako at hindi na sumagot dahil baka magtanong pa siya kung paano ko ito nakuwa. Pagnagkataon ay hindi ko alam ang isasagot sa kanya.

Binuhat ko na ulit siya at nilagay sa balikat ko bago ako magsimulang tumakbo ulit. Ilang oras din kaming tumatakbo ng magtanong si Trinity.

"Saan po pala tayo matutulog mamaya?"

"Sa hammock tayo matutulog dahil baka langgamin tayo sa lupa." Sagot ko sa kanya

"Wow, buti po may duyan kayo. Ang tagal ko ma kasi po hindi nakakatulog sa duyan simula nung masira." Sabi niya

"Ngayon makakapagduyan ka na kahit kailan mo gusto" sabi ko

Ilang minuto ulit kaming hindi nagsalita.

"Ah Trinity" tawag ko sa kanya

"Bakit po? Nabibigatan na po kayo?" Takang tanong niya

I chuckled "Hindi, ang sasabihin ko sana sayo na kapag tinuruan kita kung paano magpana at katana. Titigil tayo ng ilang araw doon para maturuan kita ng maayos." Mahabang paliwanag ko sa kanya

"Ayos lang po ba sa inyo iyun?" Alanganin niyang tanong "Diba gusto niyo na pong umuwi?"

"Oo ayos lang yun sakin" sabi ko.

Lumilingon-lingon ako sa paligid dahil naghahanap ako ng magandang pwede pagsabitan ng hammock. Inaantok na kasi si Trinity sa balikat ko.

"Trinity, ayos na ba yun pagkabitan ng duyan?" Turo ko sa punong masanga

"Opo" inaantok niya sagot.

Pumunta ako sa ilalim ng puno. Nilapag ko si Trinity dahil aakyat ako.

"Takot ka ba sa mataas?" Tanong ko sa kanya ng may kalakasan para marinig niya

"Hinidi po" sagog niya.

Umakyat pa ako ng may kataasan at doon ako nagtali. Sinigurado kong maayos maigi bago ako bumaba.

"Kaya monbang umakyat mag-isa Trinity?" I asked

"Opo" sabi niya.

Nagsimula na siyang umakyat at ako naman ay nakatingin sa kanya maigi. Nakahanda na ang katawan ko para saluhin siya kapag nahulog siya

Sa kabutihang palad naman ay hindi siya nahulog. Nakaupo na siya sa hammock at nakatingin sakin na para bang binabantayan ako na baka iwanan ko siya.

Ako naman ang umakyat. Maingat akong tumungtong sa duyan dahil naka bumablentong kami.

Malaki naman kasi itong hammock kaya kasya kami at matibay ang tali.

Ako ang unang humiga bago si Trinity.

Pinahiga ko siya sa dibdib ko para meron siyang mauunanan. Samantalang yung bag namin ay isinabit ko muna sa sanga.

"Hindi ka po ba tatakbo ngayon? Baka po sumakit ulit katawan niyo" nag-aalalang sabi niya habang nakatingala sakin oara makita ako.

Umiling ako at ngumiti "Hindi na. Tumakbo na ako buong araw ngayon kaya hindi ko na kailangan tumakbo." Sabi ko

Parang nakahinga naman siya ng maluwag

"Bakit? Ayaw mo ba akong umalis?" I tease her

Tumango siya "Opo, baka po kasi kapag umalis kayo ay hindi niya po ako balikan"

"I do not promise but I will try not to happen" paniniguro ko

Ngumiti siya at umayos na ng higa sa dibdib ko. Niyakao na niya ako at pinatong ang binti niya sakin.

Napangiti ako bago ko ayusin ang higa ko. Niyakap ko rin siya gamit ng isang kamay at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

~~~~

April 1, 2015

Kusa akong nagising ng madaling araw.

Napatingin ako sa relos ni Trinity at April 1 na pala. April fool's day.

Dahan-dahan akong tumayo para hindi magising si Trinity pero nagising parin siya.

"Diane?" She asked

"Yes?" Tanong ko pabalik

"Saan ka po pupunta?" Dumilat siya at nakatingin sakin

"I will run and I will look for something to eat. Don't worry because I will be back before sunrise" sabi ko

"Do you promise?" She asked

"Yes, just like when I promised to come back to you yesterday" sabi ko

"Okay, I will wait here" She said

"Tumili ka lang or call my name kapag kailangan mo ng tulong" paalala ko sa kanya

"Okay po" sagot

Tumango ako sa kanya bago ako bumaba. Ramdam ko ang tingin niya sakin bago ako magsimulang tumakbo.

Umikot-ikot ako sa paligid ng puno kung saan nakakabit ang hammock namin ni Trinity. Nagtitingin kasi ako ng pwedeng makain at sinisiguro kong walang ibang tao o mabangis na hayop na malapit kay Trinity

Nang masiguro kong walang ibang tao o mabangis na hayop na malapit kay Trinity ay tumakbo na ako palayo para maghanap ng pagkain. Pero sinisiguro ko na malapit rin ako para marinig ko kung kailangan ni Trinity ang tulong ko.

Takbo lang ako ng takbo hanggang may nakita akong ilog. May nakita akong mga isda. Mas mabilis kasi akong makakita dahil medyo blue ang nakikita ko.

I grabbed my bow in my waist at itinutok sa isdang nakikita ko. Natamaan ang isda kaya namatay. Kumuha ulit ako ng palaso at naghanap ng isda ulit. Nang may nakita ulit ako ay inasinta ko muna bago ko bitawan ang palaso.

Hinubad ko na ang rubber shoes ko at itinaas ang jeans ko.

Lumusong ako sa ilog at kinuwa ang dalawang isdang nakuwa ko. Tinanggal ko ang mga palaso na nakatarak sa katawan nila. Nilinisan ko muna ang palaso ko bago ko ibalik sa lalagyanan. Ganun rin ang ginawa ko sa isda. Pumutol ako sa puno ng sanga at nilagay sa tabing ilog. Tinanggalan ko ng kaliskis ang isda at nilinisan.

Sinuot ko na ulit ang rubber shoes ko bago ko kinuwa ko na ang dalawang stick at ipinasok sa bunganga ng dalawang isda.

Hawak hawak ko ang dalawang stick habang nililinisan ang ginamit kong knife na panglinis ng isda.

Kinuwa ko na si switch at nilagay sa bewang ko bago ako tumakbo pabalik kung nasan si Trinity.

Paumaga na ng makabalik ako. Itinayo ko ang dalawang stick sa puno para hindi madimihan.

Naghanap ako ng mga panggatong at nilagyan ko rin ng mga tuyong dahon. Nilinis ko muna ang paligid ng paglulutuan ko dahil baka kumalat ang apoy kung may mga malapit na tuyong dahon.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumayo si Trinity at tumingin sakin. Sinubukan niyang kuwain ang bag ko pero mukhang hindi niya kaya. Dahan-dahan nalang siyang bumaba bitbit ang bag niya hanggang sa naramdaman ko nalang na nasa tabi ko na siya

"Good morning ate Diane" humalik siya sa pisngi ko

"Good morning baby" bati kong pabalik sa kanya at humalik rin sa kaliwa niyang pisngi.

Tumayo ako at umakyat sa puno. Kinuwa ko ang bag ko. Inilapag ko sa lapag at kinuwa ko ang posporo. Pagbukas ko ng posporo ay napatigil ako. Mukhang kailangan na naming pumunta sa bayan dahil nag-iisang piraso nalang ang posporo.

Nagsindi na ako at sinigurado kong hindi mamamatay ang apoy. Inilagay ko sa pinaka ilalim ng panggatong ang apoy na kung saan nandoon ang maraming tuyong dahon para lumaki agad ang apoy.

Tumayo ako at kinuwa ko na ang dalawang isda at sinimulan ko ng ihawin.

"Saan niyo po nakuwa yung isda?" Tanong niya.

"May nadaanan akong ilog kanina kaya humuli narin ako" sabi ko "Pupunta rin tayo doon mamaya para maligo bago pumunta sa bayan." Sabi ko

Napatigil siya "Bakit po tayo pupunta sa bayan?" She asked

"Wala na tayong posporo. Wala tayong pang-apoy" sabi ko habang iniikot ang isang stick ng isda. Ang isang stick naman ay si Trinity ang nag-iikot

"Sige po." May kinuwa siya sa bag niya at inabot sakin ang isang mapa.

Napangiti ako dahil buti nalang meron na kaming mapa.

Kita sa buong mapa ang apat na lungsod.

Ang San Isabella, San Nicolas, San Matino at Sanctuary. Hindi ko alam kung nasaan kami kaya tinanong ko si Trinity.

"Nasaan ba tayo ngayon?" Tanong ko sa kanya.

Lumapit siya sakin at tinuro ang mapa.

"Wow, ang layo na agad po natin. Nasa San Isabella na po tayo" sabi niya at tinuro ang munisipyo ng San Isabella. Tiningnan ko ang San Matino at ang San Isabella.

Oo nga noh? Ang layo na agad namin.

Hinanap ko sa San Isabella kung saan ang mapunong lugar at may ilog na malapit. Nakita ko ito sa dulo ng kanang bahagi ng San Isabella.

"Medyo malayo ang lalakarin natin papunta sa bayan kaya bubuhatin nalang kita mamaya para meron kang energy kapag tinuruan na kita. Ano sa tingin mo?" Suggest ko sa kanya

"Sige po, basta sabihin niyo lang po sakin kung pagod na po kayo" Sabi niya

"Sige" sagot ko pabalik.

Pinagpatuloy na namin ang pag-iihaw. Umaalis minsan si Trinity lara kumuha ng panggatong at ako naman ang nag-iikot ng stick.

Habang nag-iikot kami ni Trinity ng stick ay may narinig ako.

"Kruuuuuu" rinig kong tunog ng tiyan ni Trinity.

Natawa ako hindi dahil sa tunog ng tiyan niya. Kung hindi dahil sa mukha niyang parang kamatis sa sobrang pula sa hiya.

"Don't worry. Malapit ng maluto" natatawang sabi ko

"Hehehehe sorry *piece*" nahihiya niyang sabi.

Ilang minuto ang lumipas bago maluto.

Tumayo ako. Agad na napatingin si Trinity sakin.

"Saan ka po pupunta?" Trinity

"May kukuhain lang" sabi ko sa kanya habang naglalakad.

Lumapit ako sa isang saging at kumuha ng dahon ng saging. Bumalik ako sa tabi ni Trinity na nakatingin parin sakin at sa dahon.

Kinuwa ko ang isda at nilagay sa dahon ng saging. Nagsimula na kaming kumain na nakamay. Meron naman kaming sapat na tubig pang inom at tubig pang hugas ng kamay.

Habang kumakain ay napatingin ako sa isda ni Trinity at natawa.

"Baka kulang pa yan sayo ah? Sabihin mo lang at sayo na toh." Natatawang sabi ko

Paubos na kasi agad niya yung buong isda.

"Pwede po ba?" Tanong niya habang alanganin siyang ngumiti.

Ibinigay ko na sa kanya ang isda ko dahil busog narin naman ako. Naghugas muna ako ng kamay bago ako uminom ng tubig. Sinigurado kong may matitirang tubig para kay Trinity.

Inubos na ni Trinity ang binigay ko sa kanyang isda kaya naghuhugas na siya ngayon ng kamay. Ang natirang tubig ay ginamit namin pangpatay ng apoy. Malalagyan rin naman mamaya.

Umakyat ulit ako ng puno para kuwain ang hammock namin. Inayos ko ito at nilagay ulit sa loob ng bag ko bago ako bumaba.

"Ayos na ba lahat ng gamit mo?" I asked her

"Opo" sagot niya habang nakahawak sa strap ng bag niya

Tumango ako at nagsimula na kaming maglakad papuntang ilog. Si Trinity ay nasa tabi ko habang nakahawak sa kamay ko.

Ako naman ay iniisp kung ano na ang nangyayari sa bahay namin.

Alam na kaya nila Mama at Papa na nawawala ako? Ano na kayang ginagawa nila ngayon?

I sighed

Napatingin sakin si Trinity pero hindi siya nagsalita pero bumitaw siya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Catch me if you can!" Sigaw niya sabay takbo palayo sakin.

I grinned.

Hinabol ko siya pero hindi ko siya mahabol dahil lumulusot siya sa maliliit na sanga kaya hindi ko siya mahabol.

Maya-maya ay bigla nalang siyang nawala. Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko siya makita.

Pumikit ako at nagfocus. Napatingin ako sa kanan dahil may narinig akong kaluskos.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa gilid ng puno at nakita ko siyang nakasilip sa puno. Nakatalikod siya sakin kaya hindi niya ako nakikita.

Agad ko siyang niyakap sa likod

"Got you" I said while laughing

She giggled "Ang bilis niyo naman po akong nahuli" sabi niya habang humahagikgik

Kinapitan ko siya sa dalawang braso niya at binuhat. She giggled dahil umikot muna ako habang nakataas siya sa ere bago ko siya ilagay sa balikat ko.

Tumakbo na ako habang buhat ko siya dahil naririnig ko na ang agos ng tubig

"What time is it?" I asked

"7:45 na po" sabi niya habang nakatingin sa relo niya.

Ibinaba ko na siya ng makarating na kami sa tabing ilog.

Inilabas na namin ang tubigan namin at nilgyan ng tubig.

Nang matapos na ay tumingin ako sa paligid at ng masigurong walang tao ay tinanggal ko muna ang belt holster ko at lumusong na kami sa tubig.

Tinuruan ko si Trinity kung paano lumangoy. Tuwang tuwa naman siya ng matuto siya. Naglaro rin kami ng kung ano-ano hanggang sa nagalaro kami ng habulan.

Sana laging ganito. Sana laging masaya

★★★★

Abangan sa susunod na kabanata:

-Ano ang manyayari sa susunod na kabanata?

★★★★

Hanggang sa muli, paalam! :)

Please comment and vote! Thank you! :)