Chereads / A Magical Virus: Zombie outbreak / Chapter 10 - Chapter 8

Chapter 10 - Chapter 8

Ang nakaraan:

-Nagtungo sila Diane at Trinity sa bayan ng San Isabella. Papauwi na sila ng biglang nawala si Trinity. Hinanap niya si Trinity at nakita niya na hostage ng apat na lalaki si Trinity. Kinalaban niya ang apat na lalaki kaya nadaplisan siya ng bala. Doon din niya napagtanto na nagiging silver ang dugo niya. Pinapunta sila sa police station ni SPO 3 Fernando para sa ilang katanungan. Habang nagtatanong si SPO 3 ay dumating ang kapatid ni SPO 3 na si Lucifer. Nagkaasaran sila Diane at Lucifer at nauwi sa pag walk out sa walk out ni Diane dahil nainis at sumasakit na ang katawan niya.

Sa kabilang dako naman ay may taong interesado kay Diane at Trinity.

ℭ𝔥𝔞𝔭𝔱𝔢𝔯 8

"Anong oras na Trinity?" Tanong ko kay Trinity habang nakaupo sa sanga ng puno.

Nasa tabi kami ng ilog ni Trinity kung saan kami naligo kanina bago pumunta sa bayan.

"2:45 pm na po" sabi ni Trinity habang nakaupo sa ilalim ng puno.

Tumingin ako sa langit at tumalon na pababa sa puno dahil hindi na mainit.

Kinuwa ko sa loob ng bag ko ang extra kong arnis na nagiging pana at inabot kay Trinity.

(A/N: kung nagtataka kayo kung saan galing ang extrang arnis na nagiging pana ay dahil nga dalawang black arnis ang binigay sa kanya at iba pang gamit.)

"Para saan po ito?" Takang tanong niya

"Tuturuan na kita ngayon" sabi ko habang inaayos ang sarili kong pana.

"Hindi po ba masakit ang iyong binti at braso?" Nag-aalala niyang sabi

Kanina kasi habang pauwi kami galing sa bayan ay ilang beses kaming huminto para magpahinga ako dahil sumasakit ang binti at braso ko.

Ngumiti ako sa kanya para hindi na siya mag-alala sakin

"Ayos na ako. Nakapag pahinga naman na ako kanina" sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko.

Napatingin ako bigla sa braso kong nadaplisan ng bala.

~Flashback~

Hingal na hingal ako ng makaupo na kami sa tabing ilog ni Trinity.

Kung kanina na papunta kami sa bayan ay inabot kami ng isang oras. Ngayon ay halos dalawang oras kaming naglakad pabalik dito sa tabing ilog.

"Hala! Ate Diane may sugat ko!" Natatarantang sabi niya. Hindi niya alam kung hahawakan ba niya ang sugat ko o hindi. Kita ko na nagtutubig na ang mga mata niya kaya nagsalita ako.

"Ayos lang ako" sabi ko kay Trinity at tiningnan ang sugat ko sa braso.

Ito yung akala ko ay tinamaan ako ng bala pero buti naman ay nadaplisan lang ako. Tiningnan ko ang maigi ang braso ko dahil tumigil na ang pagdudugo nito. Bakit ang bilis naman tumigil ng dugo kahit dalawang oras lang ang nakalipas.

Napatingin ako kay Trinity na nakatingin sakin habang lumuluha

"Huwag lang mag-alala. Nadaplisan lang naman ako oh. Tumigil narin ang pagdurugo kaya hindi ako mamamatay" pag papagaan ko ng luob niya

"Pero paano po nangyari yun? Dalawang oras palang ang nakalipas" nagtataka niyang tanong habang pinupunasan niya ang mga luha niya.

Napayuko ako dahil kahit ako ay hindi alam ang sagot sa tanong niya.

"Hindi ko rin alam. Sa ngayon ay wala pa akong alam" mahinang sagot ko habang nakatingin sa braso ko.

~End of flashback~

Huminga na ako ng malalim at tumingin kay Trinity na tinitingnan ang hawak niyang arnis.

"Anong gusto mong ipangalan diyan?" Nakangiting sagot ko

"Bakit po? Diba sa inyo po ito?" Taka niyang tanong habang pinapakita niya yung arnis sakin.

"Nah, sayo na yan pati yung isang katana ko dito" sabi ko habang pinakita sa kanya ang katanang nakasabit sa gilid ng bag ko

"Talaga po?! Salamat talaga ate" masayang sabi niya sabay yakap sakin "Pero hindi po ako marunong gumamit" nakanguso niyang sabi.

Natawa ako sa mukha niya. Ang cute cute niya kasi, lalo na kapag ngumingiti siya. Nakikita yung hindi pantay pantay na ngipin niya HAHAHAHA.

"Kaya nga tuturuan kita eh" gigil kong sabi sa kanya.

Pinag warm-up ko muna siya at stretch para hindi mabigla ang katawan niya.

Ipinasuot ko muna sa kanya ang archery guard bago ko siya turuan kung ano ang tamang posisyon ng paa at braso. Lahat ng tinuro ni Lolo sakin kung paano gumamit ng pana ay itinuro ko sa kanya.

Medyo nahihirapan siya dahil hindi niya masyado mahatak ang pana pero kinakaya naman niya.

Huminto na kami ng pagabi na dahil hindi na siya masyado makakita sa dilim.

Nakaupo ngayon si Trinity dahil masakit ang buo niyang katawan sa pag-prapractice namin.

Namamangha nga ako dahil ang bilis niyang matuto. 7/10 ang score niya kanina ng sinubukan ko siya. Pitong tama sa puno at tatlong mintis.

Noong ako kasi ang tinuturuan ni Lolo ay hirap na hirap ako at hindi ako makatama. Inabot pa nga ako ng isang linggo bago ako makatama ng sunod-sunod.

Sa ngayon ay nag-iihaw ako ng isda na nahuli ko kanina habang nagpapahinga si Trinity.

Nang maluto ko na ay kinain na namin ni Trinity ang dalawang isdang inihaw ko. Gaya kanina ay ibinigay ko ulit sa kanya ang kalahating isda ko.

Simula kasi nung nakagat ako nung misteryosong lolo ay napapansin kong kumokonti na akong kumain pero hindi naman ako pumapayat at nanghihina. Lalo pa nga akong naging energetic at lumakas eh.

Nang matapod ay umakyat na ako ng puno dahil inaantok na daw so Trinity. Kinabit ko na ang hammock at pinauna ko siyang umakyat para pagnadulas siya ay sasaluhin ko siya.

Pagkahiga ko sa tabi ni Trinity ay nagtanong siya.

"Hindi ka po ba tatakbo? Baka sumakit po ulit katawan niyo." Nag-aalala niyang sabi

"Mukhang hindi muna ako tatakbo ngayong gabi dahil hindi nagpaparamdam ang heat warning. Baka siguro ay dahil napagod ako ng sobra kaninang umaga dahil ginamit ko yung heat." Sabi ko habang nakatingin sa mga bituin sa taas namin.

"Ano po yung heat? Magkaiba ba po yung sinasabi niyong heat warning at heat?" Curious niyang tanong

"Nararamdaman ko ang heat warning kapag hindi ako gumagalaw o tumatakbo. Ang heat naman ay nararamdaman ko kapag gusto kong bilisan ang galaw ko. Kapag saktong init lang ang nararamdaman ko sa katawan ko ay hindi sasakit ang katawan ko, pero kapag tumaas ang init na gaya kanina na sobrang bilis kong gumalaw ay pagkatapos nun ay sasakit ang katawan ko." Mahabang paliwanag ko sa kanya para maunawaan niya ang sinasabi ko

"Magkaparehas po ba yung sakit ng heat warning kapag hindi ka gumalaw at heat kapag binilisan mo ang galaw mo?" Taka niyang tanong.

"Last na yan ah" natatawa kong sabi sa kanya.

Humagikgik siya at tumango

"Magkaiba yung sakit at init ng nararamdaman ko. Kapag nararamdaman ko ang heat warning ay para siyang iinit ang katawan mo tapos biglang nawawala tapos bigla ulit iinit. Pabalik balik siya pero habang tumatagal ay painit na ng painit. Kapag masyado ng mataas ang init ay sasakit na ang katawan mo at hindi ka na mapakali. Kapag gumalaw ka naman ay para kang binabalian ng buto pero kailangan mong gumalawa at tiisin ang sakit dahil ayun lang ang paraan para hindi lalong sumakit. Masakit sa una pero nawawala siya habang tumatagal." paliwanag ko.

Inantay ko siyang sumagot pero nakatingin lang siya sakin kaya pinagpatuloy ko na.

"Sa heat naman ay kapag nararamdaman mo ay init lang. Habang pinupuwersa mo ang sarili mo na bumilis ka ay tumataas rin ang init ng katawan mo. Especially kung anong parte ng katawan ang pinapabilis mo. Kunwari ay binilisan mong tumakbo. Mararamdaman mo ang init pero mas mainit ang mga binti mo kasi ayun ang ginagamit mo. Kapag mabilis ka namang sumuntok ay braso ang tataas ang init sayo at sasakit sayo pagkatapos" Huminto muna ako saglit bago magpatuloy.

"Pero ang lagi kong ginagamit ay buong katawan ko. Kapag pinabilis mo gaya ng kanina kong ginawa. Sa buong katawan mo tatas ang init perl sasakit ang buong kataean mo kapag lumagpas kana sa limit mo." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga bituin.

Napatingin ako kay Trinity na pupungas-pungas. Tumawa ako dahil halatang pinipigilan niyang huwag makatulog at makinig sa sinasabi ko.

"Lumapit ka nga rito. Matulog ka na dahil maaga pa ang gising mo" sabi ko habang inaayos ko ang higa niya sa dibdib ko.

Sumiksik siya lalo sakin at niyakap ako.

"Good night Ate Diane" sabi ni Trinity sa inaantok na tono.

"Good night my baby" at hinalikan ko siya sa noo niya.

Ipinikit ko na ang mga mata ko at hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

~~~~

Ibinukas ko ang mga mata ko at nilibot ang paningin.

'Nasan si Trinity? Nasan ako?' tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa paligid

"Boss, andito na tayo" biglang sabi ng isang lalaki.

Nasa loob kami ng isang van at may mga lalaking na nasa harapan nakaupo. Nandito ako sa pinaka likod ng kotse.

Naramdaman kong huminto ang kotse at bababa na sila kaya nagsalita ako.

"Sino kayo" tanong ko sa kanila pero ni isa ay hindi sila sumagot. Bumaba nalang sila na para bang wala silang narinig.

Napabuntong hininga nalang ako at binuksan ang pinto na nasa likod ko pero bigla nalang tumagos ang kamay ko. Ilang beses kong sinubukan pero ayaw talaga mahawakan. Sinubukan kong tumagos at nagtagumpay ako pero nahulog naman ako sa lupa.

"Ang sakit!" sabi ko habang hinihimas ang tuhod kong naunang bumagsak sa lupa.

Inilibot ko ang paningin ko. Parang pamilyar ang lugar na toh ah?!

Aha! Bahay ito nila Lola. Pero bakit ako nandito? At nasan si Trinity?

Nakita kong naglakad yung limang lalaki patungo sa bahay nila Lola kaya sinundan ko sila.

Huminto sila kaya pumunta na ako sa tapat nila.

"Hindi niyo ba talaga ako naririnig?" Taka kong tanong sila. Sinubukan kong batukan yung isa pero nahalikan ko lang ang lupa dahil tumagos lang ang kamay ko at nasubsob.

Tumayo ako at napabuntong hininga nalang ako. 'Kaluluwa na ba ako o nananaginip lang?' bulong ko sa sarili

Gabi ngayon kaya nagtataka ako at bakit sila nandito sa tapat ng bahay nila Lola.

Nagulat ako sa sunod na nangyari

Nagkatinginan sila at sabay na nagkatanguan bago maingat na tumatawid sa bakod na gawa sa kawayan.

Gaya nga ng sabi ko, mas gusto kong pang probinsya talaga ang dating na bahay kaya hindi namin pinapagawa.

Dahan-dahan silang pumunta sa pintuan at pinihit pero sarado. May kinuwa ang isang lalaki at kinalikot ang butas ng pinto. Maya maya ay bumukas na ang pinto at dahan dahan silang pumasok.

Hindi na ako nag-atabala pang umakyat sa bakod dahil tumatagos naman ako. Magpapakahirap pa ako sa pag-akyat eh nakakatagos naman ako.

Sinusundan ko ang bawat galaw nila. Mabagal at maingat silang kumilos.

Napatingin ako sa digital clock na nakapatong sa cabinet.

(2:47 am - April 3, 2015)

Yan ang nakalagay sa digital clock.

Ohh, mukhang nagegets ko na ang nangyayari. 'Mukhang nanaginip nanaman ako pero bakit ako kinakabahan?' sabi ko sa sarili ko

Pamilyar na ako sa bahay na ito dahil nakapunta na ako dito ng ilang beses.

Pumunta ako sa kuwarto nila Lola at Lolo. Napangiti ako dahil magkatabi silang natutulog ng mahimbing.

"Dun ka sa kuwarto ng matanda. Maghanap ka ng pwedeng makuwa" rinig kong bulong ng nakamaskara sa isa pa niyang kasama.

Nagtungo ang isang lalaki sa kuwarto nila Lola habang ako ay pinagmamasdan sila sa ginagawa nila. Sinubukan ko ulit tawagin ang lalaking nakamaskara pero hindi niya ako naririnig.

Nagtungo ang lalaki sa cabinet at naghalungkat.

"Hoy! Anong ginagawa mo?!" Gulat kong sigaw ng makitang kinuwa niya ang bag nila Lola.

"Pre, mukhang swerte tayo ngayon" bulong niya sa isang kasama na kakaratong lang.

"Sino kayo?" Biglang may nagsalita.

Napatingin ako kay Lolo na bakas ang takot sa mga mata niya habang nakatingin sa mga lalaking nasa cabinet at hawak ang bag ni Lola.

"Paano yan? Nagising natin" prolemadong sabi ng may hawak na bag

"Walang problema yan" sabi ng isang lalaki at nanlaki ang mata ko dahil humugot siya ng baril.

Agad akong tumakbo para harangan si Lolo ng kinalabit niya ang baril pero tumagos lang ito sa katawan ko at natamaan si Lolo.

Agad umagos ang mga luha ko sa mata ko dahil puno na ngayon ng dugo ang kama.

Nagising si Lola sa tunog ng baril at napatili ng makita niyang patay na si Lolo.

"Lola!" Sigaw ko ng makita kong nahihirapang huminga si Lola.

"Hindi na namin kayo papatagalin" sabi ng may hawak ng baril.

Tiningnan ko siya ng masama at sinugod pero bawat sipa at suntok ko ay parang balewala lang dahil tumatagos ako.

*Bang*

Isang putok ng baril ang narinig ko pero parang nanigas ang buong katawan ko. Dahan-dahan kong pinihit ang katawan ko para tingnan si Lola at napaluhod sa nakita ko.

May tama ng bala sa ulo si Lola.

Pakiramdam ko ay wala akong kwenta. Oo, panaginip lang ito pero ramdam ko ang sakit sa puso ko.

Hindi maawat ang pag-iyak ko ng marinig kong nagsalita yung isang lalaki.

"Tara na pre, ayos na itong perang nakuwa natin. Tiba-tiba rin tayo dito" agad silang naglabasan at narinig ko nalang na may sasakyan ng umalis.

Hindi ko alam pero hindi ako makatayo dahil nanghihina ang mga tuhod ko sa nasaksihan ko.

Hindi ko alam kung ilang oras minuto na akong nakaluhod pero wala akong pakielam.

'Panaginip lang ito diba? Hindi pwedeng mangyari ito' bulong ko sa sarili

"Diane, iiyak ka nalang ba diyan?" Tumigil ang luha ko ng may narinig akong pamilyar na boses

Inangat ko ang tingin ko sa nagsalita. May maliit na ngiti sa aking labi dahil nakita ko muli sila.

"Nagkita ulit po tayo" nakangiti kong sabi habang nakatingin sa kanila.

★★★★

Abangan sa susunod na kabanata:

-Ano ang ibig sabihin ng panaginip ni Diane? At sino ang tumawag sa kanya?

★★★★

Hanggang sa muli, paalam! :)

Please comment and vote! Thank you! :)