Chereads / Unanticipated Love / Chapter 6 - Chapter 5: On His House

Chapter 6 - Chapter 5: On His House

Nagising na lamang ako sa isang tao na kumakalabit sa akin habang natutulog sa isang malambot na upuan ng sasakyan. Bumungad sa akin ang kanyang nakasimangot na mukha, wala ng iba kundi ang boyfriend ng aking kakambal. Napalinga lang ako saglit at napansin kong hindi ito ang lugar sa bahay namin kundi sa kanila.

Kaya tinitigan ko siya ng nakakalitong tingin. "Bakit tayo nandito? Di ba dapat sa bahay na ako uuwi?"

"I told your parents that you will stay here for three weeks." Pinaningkitan ko siya ng mata sa kanyang sinabi.

*What? Dito muna ako mamalagi sa loob ng tatlong araw? Aba nababaliw na ang isang 'to eh!*

Napaestatwa na lang din ako ng sabihin niya 'yon.

"Don't worry about it. Your parents have already agreed to this set up. I said that we need so much time to talk and date each each other kahit nasa bahay lang." Kalmado niyang tugon subalit hindi naman ako mapalagay sa narinig ko. Tatawagin ko na sana si Mom pero pinigilan niya ako.

"You don't have to call them at this time mi cielo. I thought they are busy and you are just disturbing your parent." Pagkukumbinse niya pa sa akin pero di pa rin ako nagpatinag.

Sinubukan ko ulit kunin ang phone subalit bigla na lang ito nawala sa bag ko. Hays, nasaan na ba 'yon? Eh di kaya naiwan ko sa hotel?

Napatitig ako kay kolokoy. Oo 'yan na lang itatawag ko sa kanya kasi naiinis ako sa attitude at treatment niya sa akin.

Ngayon nakangisi lang siya habang dahan-dahan inangat ang kanyang kanang braso hawak ang cellphone ko. *Teka, paano niya niya nakuha 'yan sa bag ko?*

Sinubukan kong agawin sa kanya subalit nilayo niya sa akin dahilan para makalabas na ako ng sasakyan. Hinabol ko siya papasok ng kanilang lugar at bigla ko na lang napansin ang pagbati sa akin ng mga katiwala niya dito sa mansion.

Masasabi ko ngang mas mayaman sila sa amin. Mas engrande talaga kasi ang pagkakagawa ng kanilang bahay, pati yung mga interior designs nito ay hindi basta-basta lang. Talagang pinaghirapan at pinagkagustusan nila ito.

Napadako kami sa isang kwarto malamang ito yung magiging guestroom ko.

"Heto yung kwarto na pinahanda ko kay Yaya Celeste. Nagustuhan mo ba?" Tanong niya pero tumango lang ako bilang sagot.

"Cellphone mo.." Sabay inabot niya ito sa akin at kinuha ko kaagad. Nagulat ako sa pagdating ng isa nilang maids dito para iabot aking mga gamit.

"Magpahinga ka na muna." saad niya saka siya naglakad na palabas ng silid.

Nakapagpahinga nga ako at nakatulog sa loob ng isang oras saka napagdesisyunan kong bumagon at lumabas ng kwarto.

Naglalakad na ako pababa sa hagdan nang bumungad sa akin ang isang katulong nila dito na abala sa paglilinis ng buong sala. Nagulat rin ito pagkakita sa akin.

"Nandyan po pala kayo, Ma'am!" Hindi mapakali niyang saad.

"Bakit naman?" Nalilito kong tanong hanggang sa pumasok sa isipan kung paano tratuhin ni Athena ang ganitong klaseng tulad ni ate. Ayaw niya sa mga maids, maarte siya pero magkaiba kami.

"Baka tarayan niyo nanaman po kasi ako katulad ng dati, Ma'am?" Natawa ako sa kanyang naging sagot pero sumeryoso ulit.

"Hindi ko na gagawin sayo 'yon." Malumanay kong paliwanag sa kanya para sa susunod hindi na siya maiilang kausapin ako. Napatango lang at napangiti hanggang sa naagaw ng atensyon ko ang mga litratong naka-display sa bandang dulo.

"Sige po pupunta muna ako roon." Paalam ko sa kanya saka niya tinuloy ang paglilinis.

Dahan-dahan lamang akong naglakad hanggang sa makita ko ang mga pictures ng dalawa, nina Greige at Athena. Masaya sila sa larawang nakikita ko. Baka noong bago pa lang sila sa isang relasyon tutal ganoon naman talaga ang relationship madalas sa una lang maganda tignan pero mayroon namang nagtatagal katulad sa amin ni Zen. May mga tampuhan din kami, hindi naman umabot sa ganitong sitwasyon na nangyari sa kapatid ko.

Hindi ko tuloy maiwasan maramdaman ang pagka-missed sa boyfriend ko. Napapaluha na lang din ako sa nararamdaman. Humihiling ako na sana magising na si Athena at makabalik na kaagad ako sa dating nakasanayan ko na.

Nilisan ko na ang lugar hanggang sa dalhin ako nito patungong kusina at napansin ko na abala ang mga maids sa paghahanda ng hapunan.

Nagsalin lamang ako ng tubig at may biglang nagsalita. Si Yaya Celeste, ipinakilala iyan sa akin ni Yaya Helena noon dahil alam niyang magpapanggap din ako bilang si Athena. Itinuro niya sa akin lahat ng kanyang nalalaman.

"Hinahanap niyo po ba si Sir Greige iha?" Lumingon ako sa kanya at ngumiti.

"Hindi po, Yaya." Tanging sagot ko, bakit ko naman hahanapin si kolokoy?

"Kung gusto mo makausap si Sir Greige nandoon siya sa kanyang mini-office kausap ang mga clients niya." sabi niya sa akin at napatango lamang ako bilang sagot.

"Sige po, mauna na ako." Muli kong saad pagkatapos makainom ng tubig. Maya-maya naglakad ako patungo ulit ng sala.

"Saan ka galing? Tinignan kita kanina sa kwarto mo, wala ka?" Agarang bungad niya nang makita ako.

"Sa kusina, uminom lang ng tubig." sagot ko agad at hinatak na lang niya ako ng walang pasabi. Nagiging habbit na na niya ang talaga ang manghila ng biglaan.

"Halika." Pinaupo niya ako sa sofa saka binuksan ang T.V.

"Mama and Papa is not here so we are freely to do what we want ofcourse masusulit natin ang tatlong araw na pamamalagi mo rito." Dagdag pa niya pero hindi ko mapigilan kabahan sa kanyang sinabi. 'We are freely to do what we want?'

Nahihibang na talaga ang isang ito. Minsan naman, masyadong seryoso kaya di ko alam kung may sayad na ang isang 'to.

"Nasa business trip sila ngayon sa Cavite at isang linggo sila roon." Dugtong niya pa.

Nanood kami ng movie, 'Taken' yung title sa pagkakaalam ko. Pamilyar sa akin ang movie kaya't may Taken 2 and 3 din ito.

"Tamang-tama Sir, heto na po yung pinahanda mong pagkain." Biglang singit sa amin ng isang maids dito. Natakam ako sa pagkain, french fries with mayonaise sauce.

Sa sobrang gutom na rin, hindi na nagdalawang isip pang kumuha ng fries at kinain ito.

"You looks hungry, uh. Anyway, you can eat. Hindi kita pipigilan diyan." saad niya na may ngisi pa sa mga labi kaya napasimangot ako at tinignan siya ng masama.

Sa sobrang tutok namin sa pinapanood, napansin kong nakaakbay na siya sa akin ngayon. Tinititigan ko lang siya sa loob ng isang segundo at muling inalis ang tingin sa kanya saka napag-isipang tumayo upang kumuha ng maiinom at makaiwas na mula sa pagkakaakbay sa akin.

"Ahmm, kukuha lang muna ako ng maiinom natin." sambit ko sa kanya at maglalakad na sana nang hilahin niya ako pabalik dahil para mapaupo ulit.

"No. You don't have to do that. I will call for Jinky to bring us drinks here." Maotoridad niyang sabi at hindi na lang din ako umangal pa.

"Jinky!" Tawag niya sa ibang babae na may trenta-anyos na ata ang edad. Mabilis itong nakatungo sa pwesto namin pagkarinig pa lang ng boses ni kolokoy.

"Pakikuha mo kami ng juice." Tumango lang siya saka muling naglakad pabalik ng kusina.

Pagkalipas ng dalawang oras natapos na rin namin ang first part ng movie.

"Maliligo muna ako at ikaw maligo ka na rin." kanyang saad pero sinamaan ko lamang siya ng tingin.

Pumanhik muli ako sa kwarto at napansin ang laptop ni Athena na nakapatong sa malambot na kutson. Bigla na lang pumasok aking isip ang mga bagay na dapat ko pang alamin tungkol sa aking kapatid. Bagama't kilalang kilala ko na siya, may mga bagay pa rin akong hindi alam tungkol sa kanya lalo pa't matagal kaming hindi na nagkikita.

Binuksan ko ito at tinignan ang mga bahay na makakatulong sa akin. Simula noong umalis ako rito at nakipagsapalaran sa Manila para namang makalayo sa sakit na aking nararamdaman yung sakit na hindi ko matanggap bilang anak, wala na akong alam sa mga nangyayari sa kanila lalo na kay Athena.

Pagkatapos, naligo na rin ako at hinablot muna ang aking cellphone para tignan kung may texts sa akin si Zen at si Gin. Wala namang pumasok na messages hanggang sa napunta ako sa facebook para i-stalk ang aking boyfriend gamit ang account ni Athena.

Hindi ako napalagay kaya bahagya akong napagulong-gulong at mahinang napahiyaw dahilan nang marinig ito ni kolokoy kaya agad nito binuksan ang pintuan ng aking silid. Laking gulat ko nang makita siyang nakakunot nanaman ang noo.

"Ano nangyayari sayo?" Bungad niyang tanong habang pinagmamasdan ang paligid.

"Hindi ka man lang ba marunong kumatok, noh? Paano kung nakahubad pala ako dito at nakita mo na lahat?" Reklamo at sigaw ko sa kanya.

Nginisian niya lang ako bilang kanyang reaksyon. *Wala talaga siyang good-manners, tzk. Sarap kutusin!*

"Kailangan pa ba? Saka ano naman ngayon kung makita ko ang lahat sayo?" Nanlaki ang aking mga mata sa naging saad niya kaya't napabalikwas ako sa kama at nilapitan siya.

*Nakakadiri siya! Bukod sa pagiging moody, manyakis din pala isang ito. Omg, Athena! Ano ba nagustuhan mo sa lalaking ito at bakit patay-patay ka.*

"May kailangan ka ba kaya ka naparito?" Naiirita at nakapamaywang kong tanong sa kanya.

"Wala naman." kanyang sagot at narinig ko pa muli ang pagngisi niya saka na naglakad palabas na ng kwarto. *Grabe nakakaimbyerna!*

Napag-isipan ko pumunta ng garden para tignan ang mga bulaklak at biglang napalingon sa akin ang hardinero nang makita nito ang buo kong presensya.

Mga nasa edad 50's na rin ito katulad ni Yaya Helena. Ngumiti ito sa akin ng malapad at ganoon din ako.

"Nandito ka pala Ma'm Thena!" Dinig ko mula sa isang pamilyar na boses. Si Yaya Celeste pala.

Nabanggit niya rin sa akin ang pagka-missed mga bulaklak sa presensya ko. Pero nagdahilan na lang akong busy sa trabaho at hectic masyado ang schedule kaya hindi na rin nakakadalaw. Napatango naman siya na ikinatuwa ko rin.

"Pero narito na po ako, oh!" saad ko na lang at natawa lang si Yaya Celeste sa kilos ko.

"Siya nga pala iha, nakalimutan ko. Magluluto at maghahanda pa pala ako ng makakain natin ngayong gabi." sambit niya na nagmamadaling nililigpit ang mga gamit saka naglakad patungong kusina at tinawag ko siya.

"Tutulungan ko po kayo magluto." Dagdag ko pa na ikinapagtaka niya.

Alam kong hindi marunong si Athena magluto at wala iyong alam sa mga gawaing bahay. Pero hindi naman niya siguro mamapansin ito…Gusto ko lang kasi ulit gawin ang magluto. Simula kasi bumalik ako dito, wala namang akong inatupad kundi pag-aralan ang tungkol sa ganap sa buhay ng aking kakambal at magpokus lamang sa office works.

"Magluto?" tumango ako kaagad bilang sagot subalit nagtataka pa rin siya.

"Opo tutulong po ako sa inyo magluto." Buong tiwala sa sarili kong tugon.

Napapaisip pa si Yaya sa naging kilos ko ngayon. "Di ba hindi ka naman marunong magluto at ayaw mo ring matutunan?" tanong niya.

"Marunong na po ako, Yaya Celestina. Nagpaturo ako kay Yaya Helena habang nasa U.S si Greige para namang maka-experience ng bago." aking pagsisinungaling, hindi naman talaga mahilig sumubok ng ganun na lang si Athena maliban na lang kung nakakapukaw ng kanyang interest lalo na kung patungkol sa fashion designing at photography.

"Talaga ba? Oh sige, iha. Mabuti sumunod ka na sa akin at makapagluto na tayo." tanda na ng pagsang-ayon niya sa akin at napangiti lamang ako ng palihim dahil naging successful ang ginawa ko.