Chereads / Unanticipated Love / Chapter 5 - Chapter 4: Beach Resort

Chapter 5 - Chapter 4: Beach Resort

Katatapos ko lamang uminom ng kape at nagtungo muna sa labas ng hotel upang masilayan ang dagat. Habang ako'y naglalakad may nakita ako isang teenager na babae. Mukhang kumakanta ito kaya naglakad ako palapit sa kanya.

"Pwede bang umupo?" Pagtukoy ko sa tabi niya. Tumango lamang ang dalaga saka muling pinagpatuloy ang kanyang pagkanta. Nakikita ko ang sarili sa kanya ngayon habang umaawit. 

Maya't maya hindi ko namalayan, tapos na pala siya. Nagulat na lang din ako nang iabot niya sa akin ang gitara.

"Hiramin mo na siya ate. Pupuntahan ko lang muna mga kaibigan ko doon." Turo niya sa mga mga teenagers din na naglalaro sa tabing dagat. Nag-aalinlangan akong tanggapin ang bagay na 'yon pero nakiusap siya na hiramin ko raw itong gitara.

"Babalikan ko na ulit 'yan dito, ate." Saad nito saka siya naglakad palayo sa akin patungo sa kanyang mga kaibigan.

Nagsimula na akong patugtugin ang gitara at naisipang kantahin yung love song namin ni Zen yung ***Can't Help Falling In Love by Richard Max.***

"Di ko alam na kumakanta ka  rin pala." Laking gulat ko na lang nang marinig ang boses na 'yon dahilan mapalingon ako.

"All I know that fashion designing is your fashion right? And now I saw you singing my favorite song." Dagdag pa nito at umupo sa aking tabi. Hindi ko akalain na paborito niyang awitin 'yon. How come!

Magkaiba kami ng hilig ni Athena.  Music ang sa akin at sa kanya fashion designing naman. Pero marunong din kumanta ang kakambal kong 'yon kaso di niya talaga ito hilig niya.

"Mukhang marami pa akong di alam sayo ah hmm." Sambit niya. "Music is also relaxing though kaya naman noong kabataan ko nakahiligan kong kumanta. Nawalan lang ng time nitong sobrang hectic na ng schedule ko sa opisina." Kwento niya habang napapatangu-tango lang ako sa kanyang sinasabi.

"Anyway why don't we try to sing our love song? ***You're The Inspiration by Chicago.***

Pagkatapos, nakarinig ako ng palakpakan buhat sa likod kaya napalingon ako. Sila pala.

"Ganda ng blend ng boses niyo ate at kuya nakakakilig." Puna ng mga teenagers sa akin kasama na yung dilag kaninang kausap ko.

"May chemistry po kayong dalawa habang pinagmamasdan namin kayo sa di kalayuan." Saad naman ng isang babae na medyo chubby.

"Ganun ba, thank you." Nakangiting tugon ni Greige sa kanila at kasabay ng pag-abot ko sa kanila ng gitara.

"Thank you." Nakangiti rin na saad ko habang inaabot sa kanya ito.

"Walang anuman po ate." Sagot ng dalaga at nagpapaalam na rin sila sa amin pagkatapos.

"Sige mauna na po kami." Huling saad nila saka naman kami naglakad pabalik ng hotel.

Pagkatapos namin kumain ng breakfast niyaya na niya akong maglakad-lakad sa labas.

Napatingin naman ako sa kanya, "Oo nga eh nakakarelax." pagsang-ayon ko sa kanya habang nakatitig sa sumisikat na araw.

"Pasensya ka na pala sa mga naging asal ko kagabi, naging moody ako." sabay nang pagtitig niya sa akin nang may ngiti rin sa mga labi.

Kailangan kong magrespond na naaayon sa kinikilos ng kakambal ko kapag kausap ang boyfriend niya.

"Ok lang mi cielo naiitindihan ko naman eh. Pagod ka sa trabaho!" Pagsang-ayon ko na ikinangiti na niya ulit.

Lumapit pa siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko, "Thank you. Akala ko kasi aawayin mo nanaman ako katulad ng dati kapag hindi kita napagbibigyan." saad nito na nakakapit pa rin ang kamay niya sa akin habang pinagmamasdan ang dagat.

Maya-maya pa'y napatitig siya sa akin. Sobrang lapit na namin sa isa't isa, kaunti na lang magdidikit na aming mga mukha kaya agad akong umiwas ng tingin. 

Narito ako para magpanggap pero ang mahalikan ang lalaking ito ang hindi ko kayang gawin. Kaya ko pa naman sakyan lahat, huwag lang 'yon. Magkakasala ako sa boyfriend ko na ayaw kong mangyari. 

Napangisi siya sa ginawa ko. "Nagtatampo ka pa rin ba?" Tanong niya saka bahagya niyang nilayo ang sarili sa akin.

"Hindi naman." Pagsisinungaling ko.

"Bakit ayaw mo ako halikan?" Nagulat ako sa sinabi niya at ngayon nakikita ko ang pilyo niyang ngiti dahilan para napalabi ako bilang reaksyon.

"Hindi nga eh, tzk." Naiinis ng saad ko.

"You're so cute of being like that." Dagdag pa niya. Kinalibutan ako ng balahibo sa aking narinig.

Sinubukan ko siyang titigan ulit pero umiwas kaagad ako. "Nambola ka pa!"

"Mabuti pa magswim na lang tayo. Let's go." Bigla niyang paghatak sa aking mga braso kaya di nagawang makapagsalita pa.

"Magprepare ka na ah bilis." Maotoridad na sambit niya dahilan para napasunod ako sa kanya.

Hindi kaagad ako nakapagbihis, di ko rin kasi mawari yung ganito. Hindi ko alam ang gagawin at susuotin ko syempre. Di ko kakayanin magsuot ng swim suit kagaya ng sinusuot ng mga karamihang babae. 

Matagal-tagal pa bago ako makapagdecide hanggang sa pinili kong magsuot na lang ng katamtamang ikli ng short saka manipis na sando. Mas kumportable ako sa ganito. Bahala na….

Pagbukas ko ng pintuan ng silid, bumungad sa akin ang nakakamanghang itsura ni Greige. Bumakat sa katawan niya ang manipis na T-shirt na tinernohan naman niya ng summer short.

Nagulat siya nang makita na ganito ang aking itsura. *Don't tell me na pinagnanasaan niya ako? No. Erase that.*

"Mabuti naman hindi mo na naisipang magsuot ng swim suit. Masyadong daring ang dating, pero sa suot mong 'yan ngayon mas ok sa akin." Nagtaka ako sa sinabi niya pero nagpasalamat na rin na wala siyang napansing kakaiba.

"I am glad that you finally listened to me. Alam mo naman ayaw kong nababastos ka." Kaya medyo na-touched na naman ako sa sinabi niya. Napagentleman din pala ng lalaking ito.

Pagkatapos, dumirestso ns kaagad kami patungong dagat. Ilang minutong lumipas nang magkahiwalay-hiwalay kaming dalawa, dahil parehas kaming sumisid. Hinanap ko rin siya baka kung ano na nangyari sa kanya kaya nilibot ko ang paningin.

"Hinahanap mo ba ako?" Sobrang gulat ko ng bigla siyang lumitaw sa aking likod at nakayakap pa sa akin. Tumindig ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang hininga niya.

Napaharap ako sa kanya dahil hindi ko kaya ang ganoong sistema pero nilalapit na niya ang mukha sa akin at umiwas ako.

"Is there any problem, mi cielo?" Nalilito niyang tanong.

"None." Pailing-iling kong pagsagot. Hindi ito yung tamang gawin.

"Eversince I will kiss, you keep avoiding me." Seryosong tugon niya.

"Nahihiya ako Greige." Iyan ang lumabas sa aking bibig at yumuko lang din.

"Saan mo ba gusto sa hotel? Just say and I will give it to you." Nakakalokong sagot niya dahilan para mas kabahan pa ako. He is crazy.

Hindi ko na lang pinansin pa at umaahon na lang din pagkatapos at iniwanan ko na lang siya roon na hindi na nakapagsalita pa.

Mahighit isang oras nang lumipas, bubuksan ko na sana ang T.V nang biglang kumatok rito. Huminga muna ako nang malalim bago binuksan at hinarap siya.

"Heto bumili na ako ng lunch natin para dito na lang tayo kumain, ayos lang ba?" Napatango lang ako bilang tugon saka siya pinatuloy sa loob.

Tahimik lang kami kumain dahil wala ni isa sa amin ang gusto magsalita pero hindi napigilan ng lalaking ito na kausapin ulit ako.

"Na-missed kita, Athena. Kahit ganyan ka mahal pa rin kita. Kung anuman iyong hindi natin napagkakasunduan dati kalimutan na natin please. Let's start a new beginning pero sana magbalik ka sa dati. I saw that you seemed different right now." Pahayag niya kaya natigilan ako at hinarap siya.

Sana wala pa rin siyang mapapansin na hindi ako si Athena kundi malalagot ako.

"It's not what you mean." Pagpapaliwanag ko dahil kailangan na talaga ng remedyo para maiwasan na ang pagdududa ni Greige. "Mi cielo, nagkamali ka lang ng sasabihin. Matagal ka rin siguro nawala. Ang bawat tao ay nagbabago."

Heto umaakting nanaman kunwari concern kaya nagawa kong hawakan ang kamay niya para matigil na ang usapin na ito. Maya-maya pa naging pilyo nanaman ulit ang kanyang ngiti dahilan para mabitawan ko siya.

"Hindi mo ba talaga ako mapapabigyan, mi cielo? Kiss lang naman ang hinihingi ko eh?" Kaya kinuotan ko siya ng noo.

*Akala ko ba ayos na? Bakit ganyan pa rin siya? Susko, help me!*

"Greige." Sambit ko lang sa pangalan niya pero damang-dama ko na ang kaba.

"Gusto lang naman kita makasama at maka-bonding eh." Pangungumbinse pa niya sa akin pero tinarayan ko lang siya. Hindi pa ba bonding itong ginagawa namin? Sobrang kinakabahan na talaga ako sa mangyayari. Ito na ata ang araw na mawawala na sa akin ang first kiss ko.

Tumayo ako sa hapag at tinalikuran siya. Tinawag niya ako pero hindi ko na pinansin pa pero napakabilis niya nang bigla kaagad siyang nakayakap sa akin.

Sinubukan kong makatakas mula sa kanya subalit nahuli niya pa rin ako. Nakaharang na siya sa aking dinaraanan, pilit kong makatakas. Wala eh mas mabilis siya kaysa sa akin.

Bahagya na lang akong umatras habang siya naman ay patuloy lamang sa paglapit hanggang sa wala na akong takas. Nakadikit na ang likod ko sa pader. 

Nakakatitig lang siya sa akin at ako naman napailing-iling lang. Ngayon binakuran na niya ako gamit ang kanyang mga braso kaya anytime pwede na sumabog ang puso ko sa sobrang nervous. *Paano na lang kung may mangyari sa amin? Hays! Iyon ang di ko makakaya. Hindi naman siguro niya gagawin 'yon. Nang-iinis lang isang ito.*

"Wala ka ng takas, Athena. It's time para mapagbigyan mo ako." Kasabay ng nakakaloko pa rin niyang ngiti.

"Greige, itigil mo na ito please? Manood na lang muna tayo ng T.V." saad ko subalit hindi niya pinakinggan. Sa halip, unti-unti na niyang nilalapit ang mukha niya sa akin. Ako naman ay halos di na makagalaw sa aking kinatatayuan. Namamawis na aking mga palad. 

Umiwas ako sa kanya pero pilit niya akong tumititig gamit ang kamay. Ngayon, unti-unti na talaga niyang inilalapit ang kanyang mukha sa akin habang ako napapikit na lang din at wala ng nagawa pa. Mga ilang sandali, lumapat na ang mga labi namin.

Hindi ko alam kung paano sumabay dahil first kiss ko nga ito at wala talaga akong alam sa mga ganitong bagay. Hinayaan ko lang siya at sumunod lang ako.

Hindi ko alam ang gagawin ko kung itutulak ko siya kapag ginawa ko naman iyon makakahalata siya. Kaya hinayaan ko na lang siya ginagawang niyang paghalik sa akin.

Hindi ko alam paano magresponde dahil first kiss ko ito. Kaya sinunod ko lang ano ginagawa niya.

Napakagaan lamang ang halik na iyon pero may katagalan. Wala akong spark nararamdaman kaya para lang ako humalik sa hangin.

"You are blushing, mi cielo." Nang-iinus na saad niya. "Halika manood muna tayo ng T.V." Sabay hila niya sa akin pabalik sa sala.

Napansin niyang hindi ako kumikibo. "Hey, Athena are you ok? You look so pale. May sakit ka ba?" Hinawakan niya ang aking noo para tignan kung maysakit nga ako. 

Napabuntong-hininga siya pagkatapos. "Wala naman." Nag-iisip pa siya ulit ng sasabihin. "Is it because of our kiss?"

Hindi lang ako sumagot at nanatili lang ang mata sa T.V.

"Tzk! Parang first kiss mo lang ang nangyari ah kung makatampo ka diyan." Puna niya sa akin pero hindi ko pa rin siya pinansin.

"Do you want to kiss again?" Dahilan para titigan ko siya ulit at batuhin ng unan sa kanyang mukha hanggang sa nauwi lang dib sa asaran naming dalawa.

Pagkatapos ng lunch, ginala namin ang buong resort at kinabukasan pumunta din kami sa ibang dako para makita ang kagandahan ng lugar. Marami naging ganap sa nalalabing isang araw namin sa lugar na iyon. Sa ganoong paraan, nakikilala ko ang taong maaaring dahilan kung bakit nasa malalang sitwasyon ang aking kapatid at kung bakit ako ngayon narito malayo sa aking pinakakamahal na si Zen.