Narito kami ngayon ng boyfriend ko sa isang amusement park at kasalukuyang nakaupo upang makapagpahinga pansamantala. Napagod kami kalalakad at kalilibot ng buong lugar at maging pagsakay sa mga rides.
Sobra akong naenjoy at hindi ko 'to makakalimutan.
"Huy wifey?!" agad naman akong nagulat sa biglang pagtawag ng gwapo at mabait kong boyfriend.
Tumitig ako sa kanya at nginitian.
"Mukhang layo ata ng iniisip mo ah?!" komento pa niya sabay abot sa akin ng snacks. "Heto kumain ka muna."
Habang kumakain ako ng burger hindi ko maiwasan hindi masagi sa isip ko ang tungkol sa pinag-usapan namin ni mom and dad 5 days ago bago ako bumalik dito sa Manila from Bicol. ANG TUNGKOL SA PAGPAPANGGAP KO BILANG ATHENA ZERENE ANG AKING KAKAMBAL.
Napabuntong-hininga ulit ako sa naisip kong iyon at napansin naman din ng lalaking nasa tabi ko.
"Malalim nga iniisip ng wifey ko" saka niya ginulo ang bangs ko.
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sasabihin ko ba sa kanya? O itatago ko na lang. Pero mahal ko siya eh at ayaw ko siyang masaktan. Oo masakit kung sasabihin ko sa kanya ng harapan at mas maiintindihan niya 'yon kaysa sa ililihim ko naman sa kanya at sa bandang huli malalaman din niya. Ayaw kong magmukha akong sinungaling sa kanya. Walang lihim na hindi na nabubunyag.Kaya hinarap ko siya at pinatong ko ang aking kamay sa kamay rin niya at napatingin siya sa naging akto ko. Ilang segundo bago ang nagsalita.
"May sasabihin sana ako sa iyo eh" sinasabi ko habang nanatiling nakatingin lang sa kanyang mala-brown na mga mata at mahahabang pilik-mata nito.
"Ano ba iyon wifey?" curious na tanong niya. "Kinakabahan na ako sa mga sasabihin mo." kaya mas diniin niya pa ng hawak sa mga palad ko.
"Magpapanggap akong bilang si Athena pagdating ng boyfriend niya galing U.S. Hanggang ngayon kasi hindi pa siya nagigising buhat ng kanyang pagkaaksidente . At sabi pa ng doctor possibleng tumagal pa ang comatose niya." pagpapaliwanag ko kasabay ng pagkawala ng mga ngiti niya sa labi.
"May kontrata pa kasi ang kompanya namin sa kanila dahil nalulugi na ang sa amin, kinakailangan na ng parents ko ng tulong mula sa kanila kaya nagkaroon ng agreements sa pagitan ng magulang ko at ng magulang niya." dugtong ko pa.
"Alam kong masakit itong magiging desisyon natin pero hindi ko naman kayang ipagpalit mo ang relasyon natin sa kapakanan ng business niyo na ilang taong ding pinaghirapan ng mga magulang mo." saad niya saka pinahid ang luha na tumutulo sa aking mga mata.
"P---e---r--o...." nauutal kong sabi sa kanya subalit yinakap na lang niya ako nang mahigpit.
"Pumapayag na ako wifey at may tiwala ako sayo na ako pa rin mamahalin at babalikan mo pagkatapos ng lahat." habang nakayakap pa rin kami sa isa't isa. Pagkatapos humiwalay na siya at hinarap ulit ako.
"Thank you hubby sa pag-unawa at napakasuwerte kong ikaw naging boyfriend ko. Sana magising na si Thena para makabalik na ako sayo kaagad kasi hindi ko kaya eh." sabi ko pa habang patuloy pa rin sa paghikbi.
"Oo sana nga dahil kahit ako hindi mapalagay sa magiging sitwasyon mo" nag-aalalang sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa noo. Pagkatapos nilisan na namin ang lugar na iyon upang makabalik na rin ako sa aking apartment at makauwi naman siya sa kanilang bahay.