Althaea Cassidy's POV
Dalawang linggo ng lumipas matapos ang huli munang pagkikita namin ng boyfriend kong si Troezen Rioja Montanez. Hangggang ngayon nalulungkot pa rin ako sa naging desisyon namin kaya hindi ko rin lubusang natanggap ito. Hindi ko alam ang totoong dahilan kung bakit naaksidente si Athena Zerene Muestra at na-coma siya. Bakit hindi niya nagawang mag-ingat at nagpadala siya silakbo ng damdamin, sana pa kasama ko ngayon si Zen.
Pagkaraan ng ilang minuto, naisipan ko na rin bumangon sa kama, nagmadaling tumayo saka sinuot ang tsinelas.
"Good morning, Thaea." Nakangiting bati sa akin nina Mom and Dad habang abala sa pagnguya ng pagkain. Alam kung nalulungkot pa rin sila sa nangyari kay Athena, nagagawa lang nilaang tunay na nararamdaman.
"Good morning din po." Walang ganang sagot ko sa kanila dahil hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako maayos sa naging desisyon kong 'to.
"Later, you will go to the botique to get your dress I have sued for you. We are going to meet Greige's parents this evening." May otoridad na pagpapaala sa akin ni Mom na ikinapagtaka ko dahil maraming damit pa naman si Athena sa cabinet niya na hindi pa nasusuot kahit kailan, napapansin ko lang na hindi halatang nagagalaw karamihan dahilan upang napakunot na lang ang noo ko sa kanyang sinabi.
"Why Mom? Ang dami pa namang dresses diyan ni kambal na hindi pa naiisuot? Bumili nanaman po kayo ng bago?" Agad kong reklamo. Nakakahinayang lang kasi. I can't deny that my mother really loves fashion same as my twin sister. Unlike me, na hindi mahilig sa mga magagarbong kasuotan dahil simple pero disente na pananamit ay sapat na basta magmumukha pa rin akong presentable haharap sa ibang tao.
"Mga luma na 'yon, Thaea. Anong silbi ng pera kundi natin gagamitin ito at sayang rin naman ang pinaghirapan namin ng daddy mo kung lagi lang nakatago ang yaman natin sa bangko." As my Mom argued, lagi na lang 'yan ang dinadahilan nila. Ganito siguro kapag galing sa isang mayaman na pamilya pero sa tingin ko kasi ako yung naiiba sa kanila. Hindi akong tulad na isang rich na mahilig magpayabangan at puno ng kaartihan sa mga katawan.
"Your mom is right, Thaea. You're not suitable too for wearing some old dresses there, lalo pa na magkikita kayo ng boyfriend ng kapatid mo. Ano na lang sasabihin nila kay Athena? Useless lang rin ang pagpapanggap kung pinapakita mo lang rin sa kanila kung sino ka in front of them." Dad proved his point as he agreed to my mother.
Napaisip rin ako sa sinabi ni Dad masasabi ko ngang tama siya. Magpapanggap nga pala ako sa harap nila. Bakit hindi pumasok sa kukote ka 'yon? Palibhasa naman kasi lutang ako ngayon.
"Ok Mom and Dad." Senyas na sumang-ayon na rin ako sa mga sinabi nila.
Pagkatapos, umakyat ulit ako sa kwarto upang magpalipas muna ng aking kinain kaya napag-isipan ko munang magbukas ng laptop at may bigla na lamang nagpop up na video. Best friend ko lang pala ang tumawag na si Ginger Penelope Ricafort na taga-Manila at isa rin siya na kasamahan ko sa banda.
"Oh Cas!" Bungad nito sa akin. "Kaaga-aga ang seryoso mo naman diyan." Dagdag pa niya.
"Hindi kaya madali mahiwalay sa jowa. Ikaw kaya noh?" Pagmamaktol ko na may kasamang pagtataray at napansin niya 'yon dahila mapatigil siya sa pagbibiro.
"Oh nga pala, sorry. But what will be your plans?" Tanong na lang niya pagkatapos ko siyang irapan pero alam naman niyang acting ko lang 'yon.
I sighed, "Syempre I have no choice kundi magpanggap bilang kakambal ko. Kahit hindi kaya, kakayanin. Kahit masakit kailangan tanggapin alang-alang sa kumpanya at sa parents ko." Seryoso kong paliwanag sa kanya dahilan para maramdaman rin niya nag nararamdaman ko ngayon.
"It's complicated though. You and Athena are very different to each other, right?" Napatango lang din ako bilang sagot. Oo, marami kaming pagkakasalungat ng kapatid kong 'yon at kagaya ng sinabi ko kanina parehas sila ni Mom na may hilig sa fashion at ery conscious pagdating sa kanilang mga sarili. We have different prespectives in life kaya noon hindi rin maiwasan magtalo sa isang bagay pero sa huli ako na lang din nagpapakumababa. Athena is sophisticated woman that attracts many guys before while I am just a simple kaya hindi napapansin. Halos lahat ata nasa kakambal ko na kahit yung talino meron siya at ako wala.
"Kailangan ko itong gawin, Gin. Kailangan ko magsacrifice para sa sariling kong kagustuhan at kaligayahan, hindi ako pwede gumawa ng selfish decision dahil sa huli maaaring may mawawala na pinaghirapan ng parents ko." Saad ko na lang habang nagpipigil sa pagtulo ng aking luha.
Kahit hindi ko kasalanan kailangan ko pa rin itong gawin dahil ayaw ko pa rin iwan sa ere ng aking mga magulang. Hindi ako makasariling tao. Pero hindi ko pa rin maiwasan sisihin si Athena na mailagay ako sa ganitong sitwasyon, mula pagkabata ako sumasalo lahat ng bagay na siya ang may pagkakamali.
"You're really a kind person bestie so I've never been regret that you are my friend. I am very lucky to have someone like you." Nakangusong sambit niya dahilan para mapangiti ulit ako. I tried to divert our conversation now because I really hate this kind of drama baka kasi mamaya tuluyan na akong umiyak.
"Day off mo ba ngayon, bestie?" Tanong ko na lang sa kanya.
"Hindi bestie. Nasa duty nga ako ngayon eh saka wala naman siguro makakapansin nito." Nakangisi na saad nito dahilan para sitahin ko siya.
"Hay nako, Gin umayos ka nga! Sa oras ng trabaho, nakikipagchismisan ka pa pala sa akin. Porque wala ako eh naging ganyan ka na." Suway ko kaya napangiwi naman siya.
"Take it easy, Cas. Ito naman masyadong strikto nasa malayo na nga sinisermon pa rin ako. FYI ngayon ko pa lang naman ito ginawa eh." Pagdadahilan pa niya samantala noon nahuhuli ko minsan siya nakkipagchat sa mga American guys, tzk.
"Sige na nga bez I will go back to work na baka mamaya mapansin na ako nito ni Ma'am Crystal." Kasabay na pagwave ng kamay niya sa akin saka ko na rin pinatay ang laptop.
Pagkatapos naming mag-usap ni Gin, naligo na lang din sa halip na maghihilamos lang lalo pa sobrang init na sa labas. Mga ilang sandali nakapagbihis na rin ako at nakapag-ayos saka dumiretso sa botique kung saan pinakukuha ni Mom.
Pagsapit ng alas-kwatro ng hapon, hindi pa rin ako mapakali tungkol sa mga sasabihin at gagawin ko mamaya kapag nakaharap ko na sila. Huminga ako muna nang malalim saka isinuot ang dress na pinatahi ni Mom.
Ngayon nakikita ko na sa salamin ang reflection ng aking kakambal, wala na ang mukha ni Althaea, napalitan na ng bago. Isang sophisticated woman ang makikita ko ngayon, wala na ang simpleng babaing nanatili lamang sa tabi ng kapatid para hangaan ito sa mga naging achievements sa studies. I am starting to hate myself now but I have no choice. Nandito na ako, hindi na pwede ako umatras pa.
Napag-isipan ko na ring lisanin muna ang silid dahil sigurado hinihintay na nila ako sa baba. Huminga ako ulit nang malalim bago binuksan ang pintuan bago ito isinara. My parents look amazed when they saw me walking down upstairs.
"Wow so beautiful, Althaea. You appeared like your sister." As my mom complimented pero pinupuri niya ako dahil nakikita niya sa akin si Athena. Alam kong labis pa rin siya nalulungkot sa nangyari sa kakambal ko.
"Yeah, honey. We have no longer a problem regarding this more particularly kay Greige kapag hinanap sa atin ang girlfriend niya. Here our second daughter, Althaea Cassidy Muestra, the exactly like Athena Zerene Muestra." Papuri rin ni Dad bilang pagsang-ayon rin sa sinabi ni Mom, kapwa tinatago nila ang kalungkutan na nararamdaman sa ngayon. Pero kahit papaano makakahinga na sila nang maluwag dahil sa akin.
Di nagtagal nakarating na rin kami sa ni-reserve na resto ng boyfriend ni Athena na kakarating lang raw galing Amerika. So I have no idea na nakauwi na pala siya, kung di pa nabanggit sa akin ni Dad. I didn't receive any text messages from just to update me na nandito na siya sa Pilipinas. He is very irresponsible. What kind of boyfriend material he is? Hindi man lang nagpasabi, 'oh hi babe na nandito na ako sa Pilipinas. I miss you', ganon di ba? Pero wala eh. Napapaisip na lang ako kung ano nakita sa kanya ni Athena, akala ko ba talaga matalino itong kakambal ko. Sa umpisa pa lang nakaka-dissapoint na ang ugali ng Greige na 'yan. Mabuti na lang hindi ganoon si Zen kaya napakaswerte ko naman talaga sa kanya kaya hindi na ako maghahanap pa ng ibang lalaki. Siya na talaga ang para sa akin panghabambuhay.
Bumungad sa akin ang napakandang restaurant. Actually, ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase eh. Kahit sa Manila, nalibot ko na ang mga lugar at nakakain na kami sa iba't ibang restaurants pero itong napuntahan namin kakaiba ang ambience niya. Nakabrickstyle ang wall designs nito na pinagsamang red at pink, tapos may mga nakasabit na artificial fruits sa bawat ceilings at umiilaw ang mga ito pati mga puno at damo ganun din. Pero kahit hindi sila totoo ang sarap pa ring pagmasdan.
Mga ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa reserved seats at sabay-sabay na rin kaming nagsiupuan. Nag-order lang muna si Dad ng drinks habang naghihintay sa kanila. Maya-maya pa ay bigla na lang napa-angat ng tingin si Mom mula sa pagkakatitig sa kanyang phone.
"Papunta na raw sila rito." Saad ni Mom kaya naman inayos ko ang sarili at muling huminga ng malalim para mabawasan ang kaba na nararamdaman.
Mga ilang sandali pa ay dumating na sila kaya nagsitayuan muli kami. Pinilit kong maging kalmado pa rin hanggang sa nakalapit na sila sa kinororoonan namin. Nagbeso-beso muna sila saka sumunod na rin ako. Bigla akong hinalikan sa pisngi ng boyfriend ni Athena kaya medyo nagulat ako.
Umupo na rin kami sabay-sabay saka umorder na rin ng makakain. Masasarap pala pagkain dito ah. Maya-maya dumako ang paningin ko sa isang pangalan ng pagkain, bigla tuloy ako natakam kaso hindi ito yung paboritong kainin ni Athena, alergic kasi siya sa shrimp at hindi rin siya mahilig sa pasta kaya no choice ako kundi yung paborito niyang sisig. Nang makapili na ako hindi ko maiwasan lingunin sila at napansin kong wala pa sila napipiling pagkain.
Pagkaraan ng ilang minuto, nai-served ang mga pagkain namin at hindi ko naiwasan tignan ang napiling pagkain ng boyfriend ni Athena, pasta kasi yung sa kanya. Hindi ko akalain na parehas rin pala kami ng gustong kainin.
Agad namang binasag ng katahimikan ni Tita Marcela dahilan para lingunin ko siya.
"It seems you've changed a lot, Athena! Since our son Greige went to United States." Panimula nito saka muling nagsalita. ''Then parang umitim ka ng kaunti kaysa dati eh…." Dagdag pa nito habang napapaisip kaya napalingon sa akin si Mom. Ngumiti lang din ako bilang sagot.
"Napapadalas na po kasi ang paglabas ko ng bahay, Tita Marcela." Pagsisinungaling ko na lang din dahil sa katunayan niya ay hindi ako kaputian katulad ng kay Athena. Iyon ang isa sa mga bagay na nakikita na magkaiba pa rin kami kahit carbon copy ang itsura naming dalawa.
"Ah I see but I think it is much better that you are now going outside kaysa lagi ka lang nagkukulong sa bahay at sa mall lang nagpupunta." Nakangiting sabi nito sa akin habang abala sa paghihiwa ng karne sa plato.
"Oo nga po." Nahihiya kong sagot dahil hindi ko pa rin maiwasang kabahan sa ganitong eksena parang gusto ko na tuloy gumawa ng teleportation dito para makaalis na ako.
"Don't worry dear maganda ka pa naman eh kahit nagbago ang kulay mo. Aside from that, mukhang pinaghandaan mo nga yung pagdating ng anak namin." Napatitig siya kay Greige nang nakabungisngis, ganoon din sila Tito, Mom and Dad.
"Mama naman." Pagtanggi pa nito na hindi pa niya nagagawang lingunin ako. Bakit ko nga pala aasahan 'yon? Saka ganyan naman talaga siya walang care sa girlfriend niya, asa pa.
"I am right, Wexford. Why you don't'try to lean on your girlfriend and to see that I am not kidding!" Muling dagdag pa nito. Hindi ko rin akalain na ganito ang Mama ni Greige, mapagbiro di tulad ni Mom na masyadong seryoso.
"It's been so long when the last time you meet each other and Athena used to visit you rarely because she has something else to do to herself that's why." Depensa ni Mom sa akin na ikinaluwag naman ng aking pakiramdam dahil hindi ko na talaga alam ang mga sasabihin ko kung tama pa ba o mali na.
"I think we should talk about the business contract between your company and ours." Bigla singit na lang din ni Tito Enrico. Mabuti nga 'yon at naibaling sa iba yung conversation. Pinag-uusapan nga nila ang tungkol sa pagsign ng agreement kaya isa rin 'yon sa dahilan kung bakit nagkita kami ngayon.
"Ang tahimik mo ata ngayon." Napalingon na lang ako sa isang lalaking nagsasalita mula sa pakikinig ko sa usapan ng mga parents namin. Nakaseryoso ang mukha nito at halatang hindi siya mahilig ngumiti. Tinititigan ko lang siya saka ako muling nagsalita.
"Ah ga---noon ba?" Nauutal na sagot ko. Ano ba 'yan self, umayos ka nga!
May parteng nainis ako sa sarili ko dahil sa kapalpakan. Pinag-aralan ko na rin naman ito ng mga ilang araw kaso kapag sa actual hindi maiwasan ang kabahan at magkami pero sana wala siya mapansin sa akin na kakaiba.
"Hindi lang siguro makasabay ngayon kasi maraming iniisip." Pagsisinungaling ko na lang ulit.
"Really?" Hindi makapaniwalang saad niya habang nakatitig pa rin siya sa akin kaya ang ginawa ko nanatili rin ang mata ko sa kanya para malabanan ang nerbyos na aking nararamdaman. Gusto ko kasing ipakita na walang mali sa aking kinikilos.
"Dati kasi hindi ka naman ganyan katahimik lalo na kapag kausap mo si Mama at Papa." Seryosong sabi niya saka siya muling sumimsim ng kanyang iniinom.
"I am sorry pero magulo lang kasi isip ko." Paliwanag ko ulit at di na siya muli nagsalita, nakisingit na lang din sa usapan ng mga parents namin.
Maya-maya pa ay nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta ng comfort room. Gusto ko lang muna i-refresh ang sarili kahit sandali. Tatayo na rin sana ako nang may pumigil at humawak sa aking braso.
"Sasamahan kita." Presinta ng boyfriend ni Athena pero tumanggi ako. Nagpupumilit rin siya kanina pero wala siyang nagawa kundi hayaan lang din ako.
Sa totoo niyan, hindi naman talaga ako naiihi eh. Kailangan ko lang i-realx ang sarili dahil sa sistema ngayon na nagpapanggap akong si Athena sa harap nila. Na-realized kong napakahirap itong ginagawa kong pagpanggap lalo pa marami kaming pagkakaiba ng kapatid ko kaya sari-saring emosyon na lang aking nararamdaman.
Lumabas na rin kaagad ako ng C.R at biglang bumungad sa akin si Greige na nakasandig lamang ito sa may gilid ng pintuan.
"Bakit ang tagal mo?" Reklamo at nakasimangot niyang tanong. Ang sungit talaga ng lalaking ito. Lahat ng bagay eh sinusungitan niya.
"Ahm, nag-ayos lang sandali sa loob." Pagdadahilan ko uli at tinititigan ko lang siya sa mukha saka muling lumingon sa gawing kanan ko.
"Hindi mo na naman kailangan mag-ayos eh. Look, you are so gorgeus tonight, Thena." Saad niya para magulat ako sa kanyang sinabi. Hindi ko rin akalain sa taong tulad niyang masungit nagawa pa talaga niya mambola. Dito siguro nahulog ang loob ng kakambal ko sa mga sinasabi ng lalaking ito na puro pangogoyo lang, hays.
Inayos niya ang buhok na nakasagabal sa aking mukha. "I am sorry kung di ko agad nasabing nakauwi na pala ako kahapon galing America. I am so much tired yesterday at kanina marami rin akong inaasikaso ng mga papeles." Kalmadong paliwanag niya pero nanatili pa rin seryoso ang kanyang mukha.
Lagi na lang ba niya iyan idadahilan? Mas mahalaga pa talaga ang career na 'yan kaysa sa girlfriend mo? I am so much dissapointed to this guy right now. Bakit hindi na muna niya isantabi sandali ang gagawin just to update your love one if she is ok or not! Dahil diyan, wala siyang kaalam-alam sa nangyari sa kakambal ko.
"Mabuti pa bumalik na lang tayo." sabi ko na lang para humupa kaagad yung inis ko sa lalaking ito.
"Oh bakit ang tagal niyo?" tanong ni Dad sa amin at napalingon siya sa akin.
"May pinag-usapan lang po kami ni Thena." Sa halip si Greige na ang sumagot dahilan para napatitig sa akin si Dad.
"Yeah may pinag-usapan lang po kami." Tugon ko bilang pangsang-ayon sa sinabi ng lalaking ito.
Pagsapit ng 9:00PM, napagdesisyon na rin namaing umuwi matapos pumirma na sa agreement ng kumpanya namin at ng sa kanila. Kaya naman laking tuwa ko na rin na makakauwi na kami.
Naglalakad na rin kasabay ang parents ko nang biglang sumingit sa amin si Greige.
"Can I talk to your daughter for awhile, Tita and Tito?'' Pagpapaalam nito sa kanila at tumago naman si Dad subalit si Mom tatanggi sana, pinigilan lang ito ng aking ama.
"Thena alam kong nagtatampo ka sa akin pero this time babawi ako sayo. I promise that." Sabi nito habang nakatagilid lang ako sa kanya.
"Hindi ako nagtatampo." Sagot ko habang at nanatili lamang ako sa ganoong posisyon.
"No. Don't deny that, please?" Pakiusap niya kaya napaharap ako sa gawi niya. "Hayaan mo akong makabawi sayo, ok. Pangako ko 'yan.''
Wala naman akong ibang sasabihin pa tutal hindi ako interesado pa sa sasabihin niya lalo pa nagpapanggap lang ako. "Alright, gawin mo na lang." sagot at naglakad na rin palayo sa kanya at saka na rin ang biglang pagtawag sa akin ni Dad.
"Athena tayo na." Sigaw nito mula sa bintana ng kotse namin.
"Yes Dad, I am coming." Sagot ko at muling lumingon sa likod saka kumaway kay Greige pagkatapos.