Gray's POV:
Papunta na ako ngayon sa school. Excited na akong makita yung mga kaibigan ko. I'm really grateful that I have them. Pagpunta ko palang ay nakita ko agad sila sa gate na may hinihintay. Sino kaya ang hinihintay nila?
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko kay Kriston.
"Hinihintay ka" nahihiyang sabi ni Kriston sabay kamot sa ulo.
"Bakit niyo ako hinihintay?" takang tanong ko sakanila
"Bakit masama ba?" malamig na tanong saakin ni Jayred.
"H-Hindi naman. Sorry" nauutal na sabi ko sakanya sabay yuko.
"Huwag mo siyang intindihin, binibini. Gusto ka lang namin makasama sa pagpasok." sabi naman ni Andrei.
"Let's go" seryosong sabi ni Cole.
Sabay sabay nga kami pumunta sa section na kinabibilangan namin. Pagkapasok na pagkapasok namin ay agad kaming inatake ng mga bulungan.
"Bakit sila magkasama?"
"Gosh, how I hate that girl"
"Baka boyfriend niya na yung isang player"
"Kawawa naman siya ang inosente pa naman niya"
"Sayang siya"
"Baka bagong kaibigan lang nila yung transferee"
Masama bang kasama yung mga bagong kaibigan ko? Para na akong maiiyak dahil sa pinagsasabi nila.
Humiwalay na ako sakanila at papunta na sa upuan ko ng may kamay na tumigil saakin
"Where do you think you're going? Honeybunch" pagpigil naman saakin ni Cypton.
"Honeybunch? Hindi naman yun ang pangalan ko. Pupunta na ako sa upuan ko" nakakunot ang nuo na sabi ko sakanya.
"You're not going anywhere. Sit beside us" seryosong dagdag naman ni Kriston.
"But nandun yung upuan ko" pagpapaliwanag ko sakanila
"Dito kalang, huwag kang aalis. Kami bahala. Concern lang kami sayo baka bastusin ka ng lalakeng katabi mo. We're friends, right? So listen to us" seryosong tugon naman ni Kriston
Ngumiti nalang ako ng pilit at napilitang tumango. Ganun ba kapag may kaibigan ka na? Do you always need to listen kung ano ang sasabihin nila?
Pinaupo nila ako sa tabi nila. Saktong pagupo namin ang pagpasok ng mga maiingay na lalake sa cafeteria kahapon.
Pumunta sila sa upuan nila. Ilang minuto rin kami naghintay bago dumating si miss.
Pagdating niya ay agad namin siyang binati at nagsimula na ang klase.
Napunta naman ang mata ko sa lalakeng nangulit saakin kahapon. Bakit parang may hinahanap siya?
Tinanggal ko nalang ang tingin ko dun at nagfocus sa tinuturo ni miss. Natigil naman si miss sa pagtuturo ng may tumawag sakanya.
"Miss, nasaan po ang katabi ko? Absent po ba siya?" inosenteng tanong ng lalakeng kanina ko pa pinagmamasdan
Nagtaka naman si Miss kaya nilibot niya ang tingin niya sa classroom.
"Miss Ashton, nandyan ka pala. Why did you change your seat? Mas comfortable ka ba dyan?" tanong saakin ni miss
"Yes. She wants to seat beside us. We're her friends" sagot naman ni Jonas para saakin.
"Ganun ba?" tanging nasabi na lang no miss at itinuloy ang discussion.
Napako naman ang tingin ko sa lalakeng nagtanong kay miss pero mabilis ko rin tinanggal ang tingin ko sakanya.
Bakit ganun siya makatitig? Nakakatakot. Nakabagang yung panga niya at madilim na nakatingin saamin. May ginawa ba kaming mali?
Nung magbell na ay niyaya na ako nila Kriston na kumain. Sumabay naman ako sakanila dahil sila lang naman ang mga kaibigan ko. Ang saya saya ko dahil tanggap nila ako.
Hanggang sa dumaan ang mga oras ay uwian na. Hinatid nalang ako nila Kriston sa labas dahil may practice daw sila sa basketball.
"Bye honeybunch. Ingat ka" sabi saakin ni Cypton at ngumuso. Agad naman siyang sinampal sa pisngi ni andrei
"Paalam binibini, hanggang sa muli nating pagkikita" sabi naman saakin ni Andrei at kumindat.
"Bye, my lovely flower" paalam naman ni Rendeyl habang kumakaway. He's so cute, I wish I have a brother like him
"Ingat ka, babe. Papakasal pa tayo" sabi saakin ni Jonas at nagflying kiss pa saakin.
"Bye" sabi naman ni Cole at ginulo ang buhok ko.
"Bye bestie, ingat ka. I love you" paalam saakin ni Kriston habang nakangiti ng matamis. He's so sweet
"Be careful on your way home" tipid na paalam saakin ni Jayred at tumalikod saakin. I know he doesn't consider me as a friend but I'm still grateful that he cares for me.
Nagsimula na silang umalis sa harapan ko kaya bago pa sila mawala sa paningin ko ay sumigaw ako sakanila para makapagpaalam
"Thank you sa lahat! I'm eternally grateful to have you guys by my side. I love you!" sigaw ko at mabilis na tumalikod para hintayin si mom.
Cole's POV:
Pagkatapos namin magpaalam sakanya ay agad na kaming tumalikod para makapunta sa court at makapagpractice.
Ngunit hindi pa kami nakakalayo ay natigilan kami sa sinigaw ni Helena saamin.
"Thank you sa lahat! I'm eternally grateful to have you guys by my side. I love you!" sigaw niya bago pa kami nakalayo.
Isa-isa ko namang tinignan ang mga mukha ng kasama ko. Mukhang lahat kami iisa lang ng reaksyon. Nakangisi
My dear, binuhay mo lang ang halimaw sa loob namin.
You're our addiction. Pagaari ka namin.
Yes, we're wolves in a sheep's clothing.
Gray's POV:
Habang naghihintay ako kay mom ay nakarinig ako ng ingay na palapit. Mukhang uuwi na rin sila. Base sa boses na yung mukhang mga babae sila.
"Well, looks who's here. The slut of the campus. Don't you agree, girls?" sabi naman ni Taylor saakin. Eto yung babaeng nang-insulto saakin.
Iniwas ko nalang ang tingin ko sakanya at umatras para makalayo sakanya.
"Oh what a scaredy cat" sabi naman nung isang babaeng kasama ni Taylor.
"Such a slut" sabi naman ng isa at nandidiring nakatingin saakin.
Nilapitan naman ako ni Taylor at pinagmasdan ang mukha ko. Ginalaw rin niya ng paikot ang buhok ko at nilapit ang bibig niya sa tenga ko.
"Stay away from them or I'll have to ruin your dirty face. Get away from them, you monster." bulong niya saakin at lumayo na saakin para umalis na sila ng mga kasama niya.
Nung tuluyan na silang umalis ay tuluyan na rin nagsilabasan ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Tama sila, monster ako. I'm useless. Madumi ako. Hindi ako nararapat na-
Naputol ako sa pag-iisip ng may lumitaw na kamay at mayroong handkerchief doon.
Agad ko naman tinignan kung sino yun at nakita ko yung lalakeng seatmate ko nung first day na kasama ang mga kaibigan niya.
"Para saan yan?" takang tanong ko sakanya at patuloy pa rin yung luha ko.
"Tsk. Punasan mo yang luha mo. You look like a trash" sabi naman ng isang kaibigan ng lalake.
"Stop being harsh, Renardo." sabi naman nung lalakeng nagabot saakin ng panyo.
"Stop calling me that name." tugon naman nung Renardo at umirap pa saakin.
"Nakita namin ginawa sayo nung dora na yun. Don't mind that bitch ate" pagpapakalma naman saakin nung pinakapandak sakanila.
"Here. Wipe your tears. Hindi bagay sayo ang umiiyak" binigay niya naman saakin yung panyo niya.
Pagkakuha ko palang ay agad ko ng pinunasan ang mga luha ko sa mukha. Pagkatapos nginitian ko sila.
"Maraming salamat sainyo. Huwag kang mag-alala, lalabhan ko nalang itong panyo mo." sabi ko sakanya na may ngiti sa aking labi.
"Huwag na. Keep it" sabi niya saakin at ngumiti ng matamis saakin. Nakakagaan ng loob ang ngiti niya, para siyang anghel.
"Diba yan yung kaibigan ng kaaway natin?" tanong naman nung lalaking may sumbrero at tinuro pa ako.
"Kaaway? Kaaway niyo ba sila Kriston?" takang tanong ko sakanila. Impossible naman na may kaaway sila Kriston, ang bait-bait kaya nila.
"Oo, that's why we should stay away from you" pokerface na sabi naman ng lalakeng may salamin sa mata.
"Naunahan kasi nila tayo. Nako naman" sabi naman nung nakashades kahit wala namang araw. Weird
"Mabangis talaga ang mga yun" natatawang sabi naman nung kulay red ang buhok.
"Let's go. Gusto ko na magpahinga" yaya naman nung Renardo. He's a bit rude.
"Ay oo nga siguradong naghihintay na saatin ang magkambal na yun." sabi naman nung pinakapandak sakanila.
"Before we go, magpakilala muna tayo sakanya" sabi naman nung kulay red ang buhok at kumikindat pa saakin. Napakakunot naman ang nuo ko. May sira ba mata niya?
"Glenn nga pala" pagpapakilala nung red ang buhok.
"Lander" pagpapakilala naman nung lalaking may sumbrero.
"Dark, here!" masayang sambit naman nung lalaking pinakapandak sakanila at kumakaway pa.
"Logan" sabi naman nung nakashades at ngumisi saakin.
"Clayton" pagpapakilala naman nung lalaking nakasalamin. Seryoso naman siyang nakatingin saakin. Ayaw niya ba saakin?
"Angelo nga pala, miss seatmate" pagpapakilala naman nung lalaking pinagmamasdan ko kanina at ngumiti ng matamis saakin.
"Renardo Brayton. Call me Brayton not Renardo. If you call me that dirty name, i'll fucking kill you" masamang tinignan naman ako ng lalakeng tinawag akong basura kanina. He's so rude and harsh.
"Maraming salamat sainyo." sabi ko habang nakangiti.
"Walang anu-" sasagot pa sana si Angelo nung may tumigil na sasakyan sa harapan namin.
Lumabas naman dun si mom na halatang nag-aalala ang mukha. Agaran niya akong nilapitan at hinawakan ang braso ko at sinusuri ako kung may galos ba ako o wala.
"Are you okay, my baby? Sorry kung nalate si mommy sa pagsundo sayo. May tinapos lang ako." sabi naman ni Mom at niyakap ako.
"I'm okay, mom." sabi ko sakanya at niyakap rin siya pabalik. Medyo naiilang ako kasi may mga nanood saamin.
Kumalas naman si mom ng may napansin siyang mga tao na nonood saamin. Ngumiti naman siya sakanila
"Kayo ba ang kaibigan ng anak ko? Thank you for keeping her safe" nakangiting pagpapasalamat ni mom sakanila.
"Hind-" naputol ang sasabihin ko nung sumabat si Glenn.
"Kami nga po ang mga kaibigan niya tita. We just want to make her safe. That's how we love her po" magalang na sabi ni Glenn kay mom.
Napangiti naman si mom sakanila at nagpaalam na para makaalis na kami.
Nung makasakay na ako sa kotse at handa na umalis ay tinignan ko sila sa binatana ng likod na kotse. Ngunit agad ko rin binawi ang tingin ng mapansin na hanggang sa pag-alis namin ang nakatingin pa rin sila sa sasakyan na pinasukan ko.
I think I need to stay away from them. Feeling ko magagalit sila Kriston saakin kapag nalaman nilang may mga lalake akong kinausap. I don't know I just feel it.
Habang bumabayahe ay may sinabi si mom na nakapagpasaya saakin.
"Anak, kaizu and kazuke are here" masayang sabi saakin ni mom.
"Really mom?! I can't wait to see them. I really miss them" excited na sabi ko at tuluyang kinalimutan ang nangyare ngayon.