Gray's POV:
Pagdating namin sa bahay ay agad akong pumasok para makita sila. I really love them.
"Hello ate!" salubong saakin ni kaizu at niyakap ako sa legs. Kaya naman lumuhod ako at kinurot ang pisngi niya.
"Tumaba ka ata kaizu" natatawang sabi ko sakanya.
"Hindi nga ate" nakapout niyang sabi saakin at pilit na inaalis ang kamay ko.
"Where's your twin?" malambing na tanong ko sakanya.
"There" sabi niya at itinuro ang sofa kung saan naglalaro ang kakambal niya.
Pinuntahan ko naman si Kazuke at nilambing.
"Hi baby" malambing na bati ko sakanya ng makalapit ako.
"Hi atezh" medyo bulol na bati niya kaya natawa ako at hinalikan na lamang siya sa nuo.
Pumasok na rin si Mom sa loob ng bahay. Agad naman siyang binati ng mga bata.
"Hi tita" magiliw na bati ng dalawa kaya hinalikan naman sila ni Mom sa pisngi.
"Continue playing babies. I'll just talk to your ate" pagpapaalam ni mom sa mga bata kaya naman nagsitakbuhan sila sa sofa para ipagpatuloy ang laro nila.
"Anak, punta muna tayo sa garden dun tayo mag-usap" sabi saakin ni mom
Tinungo naman namin ang garden at umupo sa upuan para makapagsimula ng mag-usap.
"Anak, namiss mo ba talaga sila?" tanong niya saakin na may bahid ng pag-aalala
"I miss them so much" sabi ko kay Mom at maluhang tumingin sakanya.
"Kung ganun, kunin nalang natin sila at aminin ang totoo" sabi ni Mom at awang-awang nakatingin saakin.
"I can't mom. Kakamuhian nila ako. Ang alam nila pinsan lang nila ako. Ang alam nila ate lang nila ako. Paano ko sasabihin sa mga bata na ako ang tunay nilang ina?" sabi ko sakanya at nagsimula ng umiyak.
"Anak, maiintindihan nila. Mas mabuti na bata pa lang malaman na nila" alalang sabi saakin ni Mom habang pinapatahan ako.
"Mom, paano kung naghanap sila ng tatay? What am I going to say? Am I going to say that "your father raped me". I don't want them to know" naiiyak na sabi ko kay mom.
"Anak-" naputol ang sasabihin niya nung biglang may nagsalita sa likod namin.
"Tita? Ate?" takang tanong ng boses bata.
Agad-agad naman akong humarap at tingnan siya.
"Hey, kazuke. What are you doing here?" tanong ko sakanya at binuhat siya.
"Why are you iyak?" takang tanong niya saakin at pinunasan ang luha ko sa mukha.
"Nothing" pilit na tawa na sabi ko at bumalik na sa sala para makasama ang mga anak ko.
Gray's mom POV:
Sinundan ko ng tingin ang anak ko at ang apo ko. Hindi ko maiwasan na maawa sakanila.
Bakit mo ginawa yun marcus? Pinagkatiwalaan ka namin. Akala ko ba tinuturing mo siyang nakababatang kapatid? Bakit mo nagawang lokohin si Chloe at nagawa mong babuyin ang anak ko?
Kung pwede lang gumanti. Kung pwede lang mabulok ka sa kulungan pero hindi na pala pwede. Matagal ka na palang patay.
Napingiti nalang ako ng mapakla at tumingin sa ulap.