Chapter 9 - Pain

Gray's POV:

Everything will be fine. Everything. I'm gonna be fine. I can do this

Walang gana akong pumasok sa class ko.  I'm not like myself today. Hindi naman ako ganito, everytime na papasok ako sa klase ay lagi akong nakangiti. But today is different, pumasok ako sa klase ko ng hindi ngumingiti at hindi man lang binibigyang pansin ang mga kaibigan ko. 

Maybe that's why wala akong naririnig na bulungan sa paligid ko. Sometimes, I would catch my classmates looking at me as if something is wrong with me. Nahuhulli ko din yung iba na tumititig kaya tinititigan ko din at sila na ang unang umiiwas. 

Nagpatuloy ang klase hanggang sa second subject na. Buong araw lang ako nakikinig sa professor na nagsasalita sa harapan namin. Hindi ako nagtangka na kausapin ang mga katabi ko o tapunan man lang sila ng tingin. 

Hanggang sa hindi na nakatiis ang katabi kong si Cypton at kinalabit ako. Inis na tinignan ko lamang ito

"What's wrong hmm? Hindi mo kami pinapansin, honeybunch" malambing na pagkakausap niya saakin. Kung hindi ko lang narinig yung ginagawa nila sa headquarters ay baka nakikipag-usap na ako sakanya

"Nasa oras ng klase. Don't talk to me" masungit na sabi ko at inirapan pa siya. I'm not upset that ginagawa nila yun, ang nakakasama kasi ng loob ay si Taylor pa. Bakit siya pa? Binubully niya ako simula pagpasok ko and I told them kung ano yung ginagawa niya. 

Hearing them doing that makes me remember him, what he has done to me at bumabalik sa akin lahat ng masalimuot na pangyayari sa buhay ko. For now, I don't want to talk to them. I'll fix myself first before talking to them and confronting them. Sabi ni mom, I'm big na. So I have to face this

"Giving us cold treatment huh" nakangising sabi saakin ni Kriston. Bakit ba siya ganyan? Ano bang nagawa ko? Nasaktan lang naman ako sa ginawa niya kahapon but ginaganito niya ako ngayon. Saan na yung Kriston na nakilala kong masayahin? Am I wrong sa pagkakakilala ko sakanya?

Iniwas ko na lamang na mapatingin sa kanya at hindi na pinansin pa ang komento niya.

Buong klase ay nanatili akong tahamik at nakikinig lamang sa professor. Hanggang sa natapos na ang second sub at nag-alarm na palatandaan ng break 

Dire-diretsyo kong kinuha ang gamit ko at nilagay ito sa bag. Napansin ko din na niligpit nila Kriston ang mga gamit nila kaya mas binilisan ko ang pagligpit sa aking gamit at walang pahintulot na umalis sa room

Pagkaalis ko palang ay malakas akong napabuntong hininga dahil sa tensyon sa loob ng klase kanina. Gusto ko silang kausapin kanina lang pero baka mapagbuntungan ko lang sila ng galit na siyang kinaiiwasan kong mangyare

Nagsimula na akong maglakad papunta sa labas ng Arche University. Sa tingin ko ay duon muna ako tatambay para maiwasan ko sila. Tahamik akong naglalakad nang bigla na lang ako akbayan ng nasa likod ko

Tinignan ko naman ang kamay na nakaakbay saakin at tinignan kung sino iyon. Napabuntong hininga ako nang kakilala ko ang taong umakbay saakin. Kinabahan ako doon kahit papaano. Konti palang kasi ang kakilala ko dito, sa totoo lang sila pa lang naman ang naging ka-close ko sa ngayon. 

"Bakit mo ko inaakbayan?" nakakunot ang nuo na tanong ko sakanya. Hindi naman kami ganun ka-close para akbayan niya ako. Sa tingin ko nga ay hindi niya ako tinuturing na kaibigan dahil kakilala lang naman niya ako 

"Hmmm, gusto ko lang" nakangising pahayag niya at mas dinikit pa ako sakanya. Mukha tuloy kaming magkasintahan na naglalakad kahit hindi naman

"Nasaan ang mga kaibigan mo? Hindi mo sila kasama ngayon?" curious na tanong ko sakanya. Himala kasi, sa pagkakaalam ko lagi silang magkasama ng mga kaibigan niya. 

"Hindi sila nagsipasok eh, hindi mo nga siguro napansin kasi hindi ka man lang tumingin saakin sa loob ng klase" madramang sambit at nagkunyare pang nasasaktan siya. 

"Bakit naman kita titignan ha? Hindi talaga kita maintindihan, Logan. Pati yung araw-araw mong pagshashades kahit wala namang liwanag. Ang labo mo din" mahabang sabi ko sakanya at tuluyang ngumuso dahil sa pagtataka

"I like how you call my name" nakangiting sabi niya at para bang walang narinig sa sinabi ko. Napailing naman ako. Nababaliw na siya 

Tahimik naman na kaming naglalakad papunta sa destinasyón ko. Nang makarating na kami ay nagsimula na akong magpaalam 

"Salamat pala sa pagsama saakin. Maiwan na kita, kailangan ko muna mapag-isa" nakangiting pagpapaalam ko sakanya

Tumalikod na ako sakanya at hindi na hinintay pa ang kanyang sasabihin. Magsisimula na sana akong maglakad nang tawagin niya ang pangalan ko 

"Helena" tawag niya saakin. May kailangan pa ba siya? Nakakunot ang nuo ko nang lingunin ko siya

"Ano 'yon?" takang tanong ko rito

"The reason why I'm always wearing this thing is because of this" pagpapaliwanag niya saakin sabay tanggal ng kanyang shades. 

Napatingin ako sa kaliwang mata niya. Totoo ba 'to? Am I hallucinating right now?

"Yes, bulag ang isa kong mata. Ayoko siyang ipagamot because it reminds me of that tragic day. I don't deserve to be happy" malungkot na saad niya at nagsimula na umalis sa harapan ko 

Tinignan ko siyang maglakad palayo sa harapan ko. I don't know what should I feel. But one thing's for sure, nangingibabaw ang pagkaawa ko sakanya.

'What happened to him? Bakit ganun ang nangyare sakanya? I can't believe na may pinagdaanan siya na mabigat. He's been positive and happy since the first time we met' ang tanging pagtatanong ko sa isip ko 

Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na may nabangga ako sa aking paglalakad. Masyadong malakas ang pagkakabangga namin kaya tuluyan akong napaupo.

Agad akong tumayo at manghihingi na sana ng paumanhin nang masilayan ko ang taong nakabangga saakin

"Well, if it isn't the slut of the campus. Mukhang hindi mo ata kasama yung mga kaibigan mo, hmm?" pang-uuyam saakin ni Taylor

Tuluyan naman akong napaiwas ng tingin sakanya dahil sa pandidiri na naramdaman ko. 

"Look, I'm sorry na nabangga kita. Hindi ko sinasadya. I'm not looking for trouble" sabi ko sakanya sabay nang pag-iwas ko sakanya para makaalis na 

"You can't leave me here. I'm asking you a question. So you need to answer it. Don't you think that's right huh?" hinarang niya ako at pinagpatuloy ang pang-uuyam saakin. 

"Look, I don't want any trouble. Just please, let me go" pakikiusap ko sakanya at sinubukang umalis 

"Hmmmm, let me think first" nakangiting pang-aasar niya at hinawakan pa gilid ng kanyang nuo na parang nag-iisip

"How about, no?" pagkasabi niya saakin ay hinablot niya aking buhok at sinabunutan ako. 

"Stop! What are you doing? Arghh" pakiusap ko sakanya dahil sa sakit na naramdaman ko dulot nang pagsabunot niya saakin

"Fight me, you fucking slut! I hate you to death! Malandi ka! Ang bagay sa katulad mo ay ma-rape!" gigil na sambit niya at marahas na sinabunutan ako kasabay nang pagsipa saakin 

Napadaing ako sa sakit sa kanyang pagsipa sa kadahilanang naka-heels siya. Siguradong, magkakapasa ako. Nandilim naman ang paningin ko nang marinig ko ang huli niyang sinabi. I'm sorry, Mom. Let me stand up for myself this time. 

Gumanti ako nang sabunot at tuluyang pinatulan siya. Tila nagulat naman siya nung gumanti ako kaya kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para itulak siya ng malakas.

Napaupo naman siya sa sobrang lakas nang pagtulak ko sakanya. Tumingin naman siya ng galit saakin pero agad din yung nagbago nung mapatingin siya saaking likod. 

Nagulat naman ako nang umiyak siya ng napakalas at tila nasasaktan.

"Ouch! It hurts. Nag-sorry naman ako sayo. You didn't have to grab my hair" naiiyak na sumbat niya saakin. Bakit niya ako binabaliktad? 

"Ano bang pinagsasabi-" bago ko man matuluyan ang sasabihin ko nakaramdam ako nang pagtulak saakin sa gilid. Tuluyan akong napaupo ulit at napadaing sa sobrang sakit. Ang lakas nang pagkakatulak saakin. Mukhang na-sprain pa ang paa ko dahil sa lakas ng pagtulak. 

Tinaas ko naman ang ulo para makita ang salarin at tuluyan akong nanghina nang makita ko ito. Galit niya akong tinignan habang inaalalayan si Taylor. 

"What do you think you're doing, huh?!" galit na galit ang boses na sigaw ni Jayred saakin

"It's not what you think" pagsubok ko na magpaliwanag

"Stop explaining! Nakita namin ang ginawa mo! Shut up!" galit na sigaw saakin ni Kriston at nilapitan si Taylor para alalayan 

Tinignan ko ang iba ko pang kaibigan pero iniwas lang nila ang tingin nila saakin. Tinignan ko lang sila na alalayan si Taylor at hindi na nagsalita pa hanggang sa makaalis sila. Hindi ko namalayan na tuluyang tumulo ang luha ko.

Nilabas ko muna ang lahat ng sakit na naramdaman ko at niyakap ang sarili ko. Nanatili akong nakayuko hanggang sa makita ko na may nakatayo sa harap ko. 

Inangat ko ang aking ulo at tuluyang dumami ang luha ko nang mapagtanto ko kung sino ang nasa harapan ko 

"Wipe your tears" nakangiting sabi niya sabay lahad ng kanyang panyo saakin. Tuluyan naman akong napaiyak sa ginawa niya

You came back for me, Logan. Thank you for trusting me. 

Naiiyak na tinanggap ko ito at pinunasan ang mukha ko na natabunan ng luha ko. Sinubukan kong tumayo ngunit nabigo ako nang dumaloy ang sakit sa aking isang paa. Napadaing ako sa sobrang sakit at sinubukan ko ulit na tumayo ngunit nabigo ulit ako. 

Tuluyan na dumaloy ulit ang luha ko sa sakit, sa sakit na hindi nila ako pinagkatiwalaan hindi sa sakit na nararamdaman ko sa aking paa. 

They didn't trust me enough