Days turned to weeks and weeks turns into month. We don't have a communication anymore. And what should I expect? To come back to me and forgave what he did?
Alam na niyang masasaktan ako pero bakit niya pa ako ininvite sa party nilang dalawa noon? Ilang linggo na ako nakakulong sa kwarto na para bang kay bigat ng problema ko kahit nasasaktan lang ako.
Kaya ayokong magmahal ng taong hindi ko alam kung mamahalin pabalik. Masyadong masakit kapag nalaman mo na may mahal pa lang iba. At mas mahirap kapag madali lang ma attach o masanay na na nariyan lang sila, pero kapag may dumating na sa buhay nila, parang bula kana lang sa kanila.
Hindi ako makapaniwala na dinamdam ko iyon ng ilang buwan. Natapos na ang pasko at bagong taon ay ganito pa din ako. Palagi din kumakatok ang kapatid ko para pag dalhan ako ng pagkain.
Kaya naman nagkusa akong tumayo upang ayusin ang sarili. Hindi naman pwede na ganito ako araw-araw. Kailangan ko i enjoy ang natitirang oras ko. Ayokong masayang ang oras dahil lang sa isang kaibigan.
Matapos maghilamos at toothbrush ay lumabas ako ng kwarto. Nakasalubong ko pa si Clarence na agad lumapit sa akin na may pag-aalala sa itsura.
"Are you okay, Ate?" Hinawakan pa nya ang pisngi ko at tinitignan ang kabuuan ko.
Natawa naman ako. "I'm fine, and I'm sorry."
Na guilty ako bigla. Ang sabi ko ay babawi ako sa kanya pero pinangunahan naman ako ng emosyon ko. Umabot na siguro ng taon ang paghihintay ng kapatid ko para lang mailabas siya.
"No worries, as long as you're not hurting yourself. It'll be fine for me. I'm still waiting.." Bulong nya sa huling sinabi at tumungo bigla.
Mas lalo lang akong na guilty, sana man lang mas inisip ko siya kaysa sa nararamdaman ko last 2 months. Hindi ko alam kung ano ang dinaramdam nya dahil hindi naman sya nagsasabi sa akin at kay Mommy.
"Labas tayo?" Masayang sambit ko at inangat ang mukha nya para iharap sa akin.
Nakita ko ang kasiyahan sa mukha nya at biglang tumango ng dalawang beses. Mukhang matagal na niyang hinihintay na bigyan sya ng oras na ngayon ay natupad na din.
"Salamat Ate, you're the best Ate for me! I'll just shower." He kissed me at the cheeks at sa sobrang tuwa ay nagtatalon talon papunta sa kwarto nya.
Dali dali na akong kumain nang almusal bago bumalik ng kwarto upang maligo at mag ayos. Tuwang-tuwa naman si Mommy nang sabihin ko iyon sa kanya. At least.. she's proud at me.
I was wearing a high waist black jeans and a white croptop long sleeves with a silver diamond necklace on it. Nag sapatos na lang ako ng itim at kinuha ang blow dryer ko upang patuyuin ang brown kong buhok.
I was staring myself at the mirror and stare at my blue eyes. Napaka indimating tignan ang mata ko, I got it from my mother because she was a half british and half Filipino.
While my dad is pure filipino and has a hazel brown eyes. I miss him so much already but he's busy to his work to other country with his men and body guard.
My sister, Aaliyah has a hazel brown eyes. Namana nya ang mata kay Daddy lalo na pag dating sa trabaho. Those two are Workaholic person that's why na palagi silang magkasundo kapag usapang business.
And my third sibling has a blue eyes like mine. Kay mommy nya namana ang minsang katamaran lumabas kapag walang kasama. He's clingy to like my mom and always want an attention to his siblings.
Lumabas na ako ng kwarto dala ang silver shoulder bag ko. Natanaw ko na ang ngiti sa akin ng kapatid ko at halatang hinintay ako na lumabas. He was wearing a blue polo tucked inside on his black pants and a black shoes too. His hair was fixed using a gel or something.
"Attractive mo naman tignan." Sabi ko sa kapatid ko na ikinatawa naman nito.
"Because I'm handsome. I wouldn't surprised if other women staring at me in the mall later."
Hindi ko nalang sya sinagot at nagpaalam na kay Mommy. Sabay kaming lumabas at pinagbuksan ang kapatid ko upang makasabay.
"You'll drive?" Kunot noo na tanong niya.
"Oo bakit?"
"Let me, seat on the passenger."
"Ako na, please. Minsan ko lang to gawin sa'yo."
"No."
Hindi talaga siya magpapatalo kaya tumango na lang ako at binigay sa kanya ang susi ng kotse. Nakita ko pa ang ngisi nya. Ibig sabihin ay natuwa dahil nasunod ang gusto.
****
Nang makarating ng mall ay hinigit nya agad ako ng parang bata at naghanap na agad ng damit. Mabuti na lang at nag withdraw ako. Dali dali nya kinuha ang damit na nakikita nya at pumasok sa fitting room.
Napabuntong hininga ako at umupo sa gilid upang hintayin sya. Hindi naman kasi ini-ispoil ni mommy at parehas tamad lumabas ang dalawa kaya siguro gusto ng mamili ngayon.
"I want this Ate." Sambit nya nang makalabas ng fitting room. Hawak hawak ang gray hoodie at peach long sleeve na may design.
"Okay, anything you want?" Pagpayag ko.
"Nothing."
Binayaran ko rin naman agad at pinabitbit sa kanya iyon. Tuwang tuwa syang tinignan ang laman noon na parang bata.
Nagpunta kami sa may sapatos at tinitignan naman nya iyon ng madaanan namin. Bumuntong-hininga ako at hinarap siya.
"Ngayon ka lang ulit nakapag gala. Wag mo pigilan ang sarili mo, kung may gusto ka, ako nang bahala." Mahinahon na sambit ko, nakita ko pa na nagdadalawang isip siya bago tumango.
Naghintay ulit ako at umupo sa may tabi. Naglagay ako ng space para maka upo sya habang nagsusukat ng sapatos. Marunong naman syang makipag-usap kaya sya na din ang nagtanong kung may stock or size pa ang sapatos na gusto nya.
Naramdaman ko na nag vibrate ang phone ko.
From: Lucas
Where are you?
To: Lucas
At the mall.
From: Lucas
Alone?
To: No, I'm with my..
Hindi ko na naituloy ang pag t-type ko nang tumawag sya. Kumunot ang noo ko at sinagot ang tawag nya.
[I saw you]
Iginala ko ang tingin sa paligid at nakita syang naglalakad mag isa papunta sa direksyon namin na may seryong mukha. He was wearing a black shirt and blue pants. May jacket din na nakasabit sa dalawang balikat nya.
Pinatay ko na ang call at tumayo ng tumigil sya sa harapan ko. "Why are you here?"
"I went to your fam house earlier, and your mom said you're here in the mall. Who's with you?" Kumunot ang noo nya nang makita ang kapatid ko na busy sa pagsusukat ng ibang sapatos.
"My-"
"That's rude." Biglaang lumingon ang kapatid ko kay Lucas. "You're judging me in your eye's right now."
"He's my brother, don't mind him." Pagpapatuloy ko kahit inunahan ako ng kapatid ko sa pagsasalita.
Nakita ko ang kalituhan sa mukha nya at agad namula ang mukha nang sabihin ko iyon.
"I'm sorry." Mahinang sabi nya na ikinagulat ko at nakita nya iyon. Narinig ko pa ang tawa ng kapatid ko sa likod ko.
I can't believe this guy..