"Let's take a picture!" Tuwang-tuwa na sabi ko nang makarating kami ng Palawan.
Umayos naman sya ng tayo suot ang asul na polo nya at sweat shorts na pang swimming bago ayusin ang suot na salamin at tumingin sa camera.
Ngumiti ako sa camera ng cellphone gamit ang tripod ko kasama sya at inakbayan. Nag apiran pa kami bago bumalik sa kanya-kanyang pwesto.
"Pwede ba kitang picturan?" Tanong ko sa kanya dahil sayang naman ang outfit nya kung hindi siya mapi-picturan.
Tumango naman sya. "Sige, basta ayusin mo ha."
"Oo naman, o sya mag pose kana." Tinanggal ko ang cellphone ko sa tripod at kinuhanan sya.
Nag post sya ng iba't ibang anggulo at tuwang tuwa naman akong pini-picturan sya gamit ang malinaw kong camera sa cellphone. Sinubukan kong ipahubad sa kanya ang polo shirt nya at pinabasa sya sa tabi ng dagat bago lagyan ng kaunting buhangin ang katawan nya.
"Sigurado kaba na magugustuhan nya to?" Kinakabahang tanong nya habang kinukuhanan ko siya.
Tinignan ko pa sya saglit bago ako tumango. "Oo naman, baka nga gawin pa nyang wallpaper e." Sagot ko.
Natawa sya sa sinabi ko bago mag pose, sa una ay naka side view sya habang ang katawan nya ay nasa harapan. Pinatong nya sa kabilang tuhod nya ang siko nya at tumingin sa gilid.
Naka ilang picture na ako sa kanya nang magsawa sya at nag-aya nang kumain. Pinahiram ko na din ang cellphone ko para makita nya ang itsura nya doon.
"Ang galing mo talagang manguha ng picture, airdrop mo na lang sakin." Sabi nya habang tinitignan ang mga litrato nya doon.
"Kahit ngayon mo na gawin, tutal hawak mo naman na." Sambit ko habang kumakain.
Napakunot ang noo nya bago tumango. Nakita kong ginagawa na nya ang sinabi ko kaya nanahimik na lang ako.
"Ikaw ba?" Tanong nya kaya napakunot ang noo ko sa kanya. "Bakit ayaw mong magpakuha kahit tatlo lang?"
Umiling ako. "Hindi ako mahilig mag picture, pati hindi rin ako mahilig mag facebook. Ang makapunta lang at makasama ka dito ay sapat na sa'kin." Simpleng sabi ko kaya nanahimik siya. Hindi naman nya kailangan matahimik, alam naman nya ang nararamdaman ko.
Dahan dahan nyang inilagay sa lamesa ang cellphone ko at kinuha ko naman na iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil natahimik siya, wala rin namang saysay kung babawiin ko ang sinabi ko. Minsan talaga mas gusto ko na lang manahimik para hindi ko maisip na naiilang na sya.
"Pasensya kana-"
"Ok lang." Ngumiti sya sakin pero hindi abot hanggang mata nya. "Pasensya na din.. kung hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo."
Nagugulat ko syang tinignan nang magsalita pa ulit sya. "Hindi ko rin naisip na masasaktan ka, kung alam ko lang, hindi na kita inimbita noon. Ang daming kong pagkakamali, Chloe. Kaya gusto kong makabawi sa'yo hangga't may oras pa ako at mapatawad mo ako sa ginawa ko noon sa'yo. Hindi ko intensyon na saktan ka, pasensya na. Sana maunawaan mo ako." Matamlay nya akong tinignan at hinihintay ang reaksyon ko.
Sinubukan kong tignan sya sa mga mata na para bang normal. "Huwag kang mag-alala, wala na 'yon sa'kin. Kalimutan na lang natin ang nangyari na, mag focus tayo ngayon sa ginagawa natin." Pangungumbinsi ko. "Hindi ito ang dahilan kung bakit tayo nag punta dito. Nandito tayo para mag enjoy."
I'll try my best to cheer him up. To give his mood back to be a joyful man. Hindi naman ako nabigo ng ngumiti sya at tumango bilang pag-sang ayon sa sinabi ko.
Nagpatuloy siya sa pagkain nya habang ako ay tinitignan sya ng palihim. I'll never thought that I'll be interested on him, and I'll never thought I know what love is. I actually don't want to love someone because it creeps me out so much.
Maybe, I like him. But not love him. I don't want to love another man, I don't want to find a weakness from someone. I also don't want a distraction to my works or mission. I really can't imagine for myself to love someone except loving myself and my family.
"Find someone who's suitable for you." Biglaang sabi nya kaya nawala ako sa malalim na pag-iisip.
Ngumiti ako sa kanya at bumuntong-hininga. "That's not and never be my plans, to love and to find someone who's matching for me? I really don't think so." Pagtanggi ko.
"Why? Scared because it might hurt you or cry?" Patanong nya at seryoso ang mga mata na nakatingin sa akin.
"I just can't imagine myself like to love someone?" Tanong ko na tinanguan naman nya. "The man or boy might leave me, and you know, madali akong ma-attach sa tao and what if another day comes, hindi na sila magparamdam o magpakita and what should I do without them?" Mahabang sabi ko sa kanya at magpapatuloy dapat ng unahan na nya ako.
"You really can love someone, I saw it in your eyes. Takot ka lang siguro sa commitment at kung ano ang mga mangyayari in the future. You said na you easily get attached to someone and I know that you will love some harder and deeper in your life."
"I know myself, France. I really can't I just knew, I can't" Pagpipilit ko at nakita ko naman sa itsura nya ang pag tanggi.
"One day, you will find someone who's suitable for you, opposite and the next day, you'll be in-denial to your feelings and rejected him twice-"
Tinakpan ko na ang bibig nya gamit ang palad ko dahil sa pinagsasabi nya. Hindi ko na kaya ang mga sinasabi nya, it's not that I want to. It's just that, I don't want to..
"Okay that's enough, we should enjoy this short vacation not love topic or anything."
Natatawa syang tumango at nakikita ko sa mga mata nya na para bang mangyayari ang sinabi nya kanina. Ngumisi pa nga na akala mo ay manghuhula. Binatukan ko na lang sya at pinagbayad ng mga inorder namin na pagkain bago nauna nang umalis doon.
I really can't believe him.