My day of vacation was fun with him. I never thought that I still like him from college and until now. I just knew, that I am happy when I am with him.
It's not easy to unlike him. He was so attractive and handsome in my eyes. I still can't accept the girl who in his life now. It hurt me so much when I remember the beautiful girl beside him a month ago.
Hindi ko mapigilan ang mag-isip habang tinatanaw sya sa malayo. Hindi ko maisip na balang araw ay hihiwalay na sya sa amin at mag fo-focus sa mapapangasawa nya.
I wanted to be happy, I'm trying. But when he's afar from me, I really can't stop this overthink of my mind. Dahil pakiramdam ko, ang layo niya. Pakiramdam ko, kahit nandyan lang sya, ay hindi ko sya abot.
Napakasakit isipin na kayang kong isugal ang pagka kaibigan namin kung tatanggapin nya ako sa buhay nya bilang babae sa paningin nya, hindi bilang kaibigan.
One and a half month na lang ang natitira, nandito pa din kami. Hindi ko na alam minsan ang plano nya at kung balak na nyang bilhin itong isla dahil naka ilang extend na kami dito.
Kinagabihan ay inilabas ko ang tatlong wine at pinatong iyong sa lamesa habang tulog na sya. Kumuha ako ng baso at binuksan ang wine bago uminom doon.
Napapikit ako ng malasahan ang pait kasama ang tamis sa wine bago magmulat.
"Kaya ko ito." Bulong ko sa sarili ko at tumayo upang magpahangin sa labas dala ang inumin at baso.
Naglakad ako sa may buhanginan ng naka paa bago sumandal sa may puno at pinakikinggan ang tunog ng alon mula sa dagat.
"Gusto ko ng kausap." Bulong ko muli at lumagok habang naghahanap sa contact ko.
I accidentally click Lucas name and called it. Hindi ko na binawi pa at hinintay lamang na sagutin nya ang tawag mula sa akin.
[Yes?] Sagot nya ka agad.
"Lucas." Nahihirapang sagot ko sa tawag ng maramdaman ang init sa mata ko.
[Are you okay? Where are you?] Pag-aalala nya at narinig pa ang lakad nya sa kung saan.
"Lucas, ang sakit." Napahikbi ako ng mahina habang tinitignan ang langit na puno ng mga bituin.
[Where are you? Tell me your location and I'm going there.] Nagpapanic na boses nya at halatang nagmamadali na.
"I really can't handle the pain, too much pain is not even easy to feel. Please help me." Pagmama kaawa ko at humagulgol na. Alam ko na naririnig na nya ang iyak ko ngunit wala akong pakielam kung sino man ang makakita s sakin dito.
[Chloe, text me the location okay? I'll be there in a minutes just drink water and try to calm yourself. I'll wait for you.]
Hindi ko alam kung bakit nya pinatay ang tawag pero uminom na lang ako ng uminom hanggang sa umiikot na ang paningin ko. Patuloy ang pag-iyak ko habang umiinom at napahawak sa dibdib ng mahirapan na ako sa paghinga dahil sa patuloy kong pag iyak.
"Walang magagawa ang pag-iyak mo kung hindi mo kayang kaawaan ang sarili mo." May nagsalita sa likod ko kaya nilingon ko ito.
"Krisha." Pag tawag ko sa kanya habang nakahalukipkip siya at umupo sa tabi ko.
"Sinundan kita." Buntong-hininga na sabi nya at tinignan ang itsura ko. Napaiwas naman ako ng tingin.
"Kailan pa?"
"Kahapon lang. Alam ko kasi na magpapaka tanga kana naman doon." Inis na sabi niya. "Ayan ang nangyari, wala pang dalawang buwan umiiyak kana. Paano pa kaya kung ikasal na yung tao-"
"Tama na nga." Kalmadong sabi ko at tinignan sya. "Alam ko ang ginagawa ko-"
"Talaga ba? Kaya pala nagmumukha ka nang ka-awa awa ngayon, kakaiyak mo sa lalaking hindi mo na deserve." Irap nya. at inagaw ang wine bago niya tinungga iyon.
Hindi ako nagsalita at tinignan lang sya. Mukhang problemado din katulad ko. Hindi naman sya umiinom kung wala syang dinadala na problema. Narinig ko pa na huminga ulit sya nang malalim bago magsalita.
"Alam mo ba yung pinsan ko parang tanga." Pag uumpisa nya bago natawa. "Minsan kasi nakikita ko siyang tumitingin sa phone nya na para bang naghihintay ng message. Hindi ko na alam ang gagawin ko, palagi nang nandoon ang pag-aalala nya kapag may hindi nag rereply sa text nya, yata. Kahit ganoon ka busy 'yon, kayang magbigay ng oras para sa taong mahalaga sa kanya." Pagku-kwento nya.
"Bakit mo sakin sinasabi to?" Tamad na sabi ko nang makaramdam na nang antok.
"Diba may first love sya?" Tanong nya kaya tumango naman ako. "Napaka imposible na maka move-on agad sya doon."
"Tapos?"
Nakita kong nag iisip pa sya ng sasabihin nya bago pumitik sa kawalan. "Basta, ang hirap i explain. Pati hatid-sundo kana din nya diba? Hindi kaba nagtataka kung bakit lagi na syang nasa inyo?"
Umiling ako. "Hindi. And he's just a new friend of mine. Walang malisya lahat sa akin ang gusto nyang gawin kasama ako." Paninigurado ko at pumikit na.
"Talaga bang hindi mo nakikita?" Bulong nya sa akin.
"Ang alin ba? Just spill it already so I don't waste a time to think of it." Napahawak na ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko ay makakatulog na ako.
"Pasensya kana pero ayoko na lang mangielam. One day, you'll know what I mean."
Ginulo ko ang buhok ko ng wala sa oras. Tinignan ko pa ang phone ko at 1 am na pala kaya naman tumayo na ako habang naka hawak sa puno at inilalayan naman agad ako ni Krisha.
I really can't understand what they're saying to me. It's just that.. It's like.. I don't want to know and never be.