"Halika na, sumama kana lang samin." Sabi ni Krisha habang nagsusuklay ng buhok nya gamit ang twalya.
"Kayo na lang muna, dito muna ako." Paninigurado ko sa kanya habang pinapanood sya sa pag aayos.
Narinig ko ang buntong-hininga nya na para bang wala na siyang magagawa. Ilang araw na din ang nakalipas simula ng umiyak ako sa tabi ng dagat, hindi ko pa din maialis ang sakit ng nararamdaman ko hanggang ngayon.
"Sigurado kaba na hindi ko na mababago pa ang isip mo?"
"Hindi na." Tanggi ko agad. "Ok lang ako. Sayang din yung oras na ibinibigay ni France para magbakasyon kaming dalawa dito."
Tinitigan na muna niya ako bago tumango. "Ikaw bahala."
Matapos non ay inihatid na rin sya ng pinsan sya pabalik ng Manila. Nag tanguan lang kami sa isa't isa nang magkita kami bago bitbitin ang gamit ni Krisha.
"Mag-iingat kayo." Tapik ko sa balikat ni Lucas.
"You too." Seryosong sambit nya.
"Ingatan mo ang puso mo." Sambit ni Krisha bago ako bigyan ng yakap.
"Salamat." Ngumiti ako sa kanya at kumaway.
Tinanaw ko na muna sila bago pumasok ng kwarto. Napahiga ako sa aking kama bago tumingala sa ceiling. Nagpapasalamat kay France dahil hindi isang kwarto ang pina booked niya.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang laman sa gallery ko. Napangiti ako nang makita ang picture naming dalawa noong first day namin dito. Iniisip kung dito na lang ba kami sa loob ng dalawang buwan o may plano pa siya.
Nakarinig ako ng katok kaya agad akong tumayo upang pagbuksan si France.
"Pasok ka." Sabi ko at nilawakan ang bukas ng pinto.
"Oh, wala na sila?" Pagtatakang tanong niya at inikot ang tingin sa kwarto.
"Obvious ba?" Pagtataray ko sa kanya. "Dyan kana muna at mag su-swimming ako."
Suot ko na ang black two piece swimsuit ko kanina pa. Suot ko lang ang puting pantakip sa katawan ko kaya hindi gaano nakikita.
"Teka, sama ako. Ako ang nagbayad nito, Chloe kaya isasama mo ako." Pagdadaldal niya.
"Wala naman akong sinasabi, tara na!" Hinawakan ko na ang kamay niya at pumunta sa swimming pool.
Mabuti na lamang at hindi na gaano masakit sa balat ang init. Inutusan ko pa muna si France na picturan ako nang akmang tatalon na sya sa pool.
"O sya, game! Mag pose kana, ayusin mo ha! Gagandahan ko kuha ko."
Umirap ako bago mag pose ng kung ano ano. Hindi naman sya nagrereklamo at panay lang ang picture sa akin. Sinuot ko pa ang sunglasses ko at sakto namang hinangin ang buhok ko habang naka fierce ay narinig kong nakuha nya iyon.
"Ang dami na chloe, tama na to." Sambit nya habang tinitignan sa phone nya ang mga litrato ko.
"Patingin nga ako." Kinuha ko ang phone nya at tinignan ang mga picture ko doon mula umpisa hanggang huli.
Ang ganda nya kumuha. Malinaw na malinaw at wala akong makitang epic na pose ko doon. Lahat ay magaganda, napangiti ako ng wala sa sarili habang ini-scroll ang mga picture ko doon.
"Pwede ka nang maging photographer, alam mo 'yon?" Tanong ko sa kanya at tinignan sya. Nagulat pa ako nang makitang naka tingin na pala sya sa akin nang seryoso.
Kumunot ang noo ko ng hindi sya magsalita at nakatitig sa akin. Napa iwas ako ng tingin bago binalik ang tingin sa cellphone nya na may litrato ko.
"Kaya mo naman maging masaya eh." He unconsciouly said that kaya napatingin ako sa kanya.
"Ano?" Kunwaring tanong ko.
Ngumiti na sya bigla at ginulo pa ang buhok ko. "Wala" Natatawa nyang sabi bago tumalikod sa akin.
Napuno ang pagtataka sa mukha ko. Ang dali nyang mabasa pero ayoko na lang din mag assume. Sobrang hirap din kasi nyang hulaan.
Matapos ko ipasa lahat ng pictures ko sa cp nya ay tinanggal ko na ang pang taklob sa katawan ko bago ibinabad ang paa sa pool.
Dahan dahan kong inilubog ang sarili ko at nagbilang ng limang segundo bago lumangoy pailalim.
Napakasarap sa pakiramdam ang tubig. Tila ay nakakalimutan ko ang problema panandalian sa tuwing lumalangoy ako at nakikita ko ang dagat. Lalo na ang mga bituin sa gabi na kay sarap panoorin bago ako matulog.
Nang marating ko ang dulo ay umangat na ako at inayos ang buhok ko bago lingunin si France.
"Napapadalas yata ang pagkatulala mo?" Sambit ko sa kanya at lumangoy papa lapit sa kanya.
"Nag-iisip lang." Maikling sabi nya habang naka sandal malapit sa hagdan.
"Hmm.. care to share?" Ngumiti ako sa kanya para naman maging masaya sya kahit papaano. Ni hindi pa yata ngumigiti ang isang ito mula kaninang umaga.
"Last day na natin ito ngayon." Nagulat ako sa biglaang pagsabi nya.
"Ano? Bakit?" Kinakabahan na sabi ko ngunit hindi ko ipinahalata. Ayokong pangunahan sya hangga't hindi nya pa sinasabi ang dapat kong malaman.
"Hanggang madaling araw pa naman tayo dito kaya wag kang magmadali. May plano akong iniisip."
Nakahinga ako nang maluwag at lumayo ng kaunti sa kanya nang malaman kung gaano kami kalapit sa isa't isa.
"Anong plano naman kaya iyan, at saan tayo pupunta?" Tanong ko at sinusubukan basain ang buhok ko habang nakatingala sa kanya.
"Basta, ngayon, mag floating muna tayo habang nag-uusap." Pumayag naman agad ako sa sinabi nya at nagpantay kami habang naka floating.
"Q and A?" Tanong ko at tumango naman sya.
"Ako ang una. Sino na ang nagugustuhan mo ngayon?" Tanong nya ka agad.
Halos muntikan na akong lumubog sa ilalim ng tubig nang magulat ako sa biglaang tanong nya. Katahimikan ang bumalot sa akin at nararamdaman ko ang pag init ng mukha ko. Mabuti na lamang at hindi nya ako malilingunan kaya hindi nya makikita ang pamumula nito.
Ano ba 'yan, umpisa pa lang, talo na ka agad ako.