Chapter 9 - Chapter 9

"It must be nice to meet you, Mr. Alseiti and Ms. Vinuera." Sambit ng babae at nagulat pa ako nang malaman ang apelyido namin ni Lucas.

"Don't be shocked, we're not sure if kalaban sila o kakampi." Bulong sa akin ni Hans.

Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita. Naupo na lamang kaming tatlo sa harap nila at nakipag kamay sa kasamahan.

"You can seat and relax. We'll just eat dinner and talk a little." Sambit naman noong matanda na lalaki na nasa tabi ng babae.

Tinignan ko ang pagkain na nasa harap ko at sinimulan ng kumain dahil nagugutom na rin naman ako. Naririnig ko na may pinag uusapan silang apat ng masinsinan at pa minsan minsan ay lumilingon sa aming tatlo.

"Oh, I think you are the new member of their Squad." Sambit ng babae at tinignan si Lucas nang nakaka mang-hang tingin.

"I am." Maikling sambit nya at itinuon ang pagkain na nasa harap niya na para bang wala siyang pakielam.

"Oh dear, be careful who you trust. Your life is in dangerous, I hope you will not regret for joining." Binigyan sya ng babae ng makahulugang ngiti bago sya napatingin sa akin.

"A gorgeous lady, I always saw you before, how's the life of your family and friends?" Tanong nya bigla at tinaasan ako ng isang kilay nya.

Hindi ko pinahalata ang gulat ko kung bakit niya alam iyon? Itsura pa lang nila ay alam ko na marami silang koneksyon sa ibang tao at minomonitor kami.

"It's good, and I have fun with them." Sinagot ko na lang.

Nakita ko ang ngisi sa kanya ng uminom sya ng Wine at doon itinago at reaksyon nya. Hindi na ako magugulat kung may pasabog silang gawin sa amin. Ni hindi nga namin sila kilala.

****

"Sigurado kaba na hindi mo lang nakita sa kalye ang mga 'yon?" Tanong ko kay Hans nang makalabas na kami ng resto.

Natawa sya sa tanong ko at umiling. "Hindi, galing pa silang qatar at dito nag booked para sa flight nila, at para maka usap tayo"

"Parang hindi naman mapagkakatiwalaan." Sambit ko at sumakay sa passenger seat.

"Don't judge other easily, you might regret it." Sabay kaming napalingon kay Lucas na nasa likod at kinuha ang earphone bago pumikit.

Nagkatinginan kami ni Hans at pinagkibit balikat na lamang iyon bago nya paandarin ang sasakyan.

"Look at him, he always chill and not minding the people around him." Bulong nya sa akin para hindi marinig ni Lucas.

"Hayaan mo na nga lang siya." Sambit ko at tumingin sa labas ng bintana.

Bakit kasi kailangan pang mangielam kung pwede na manahimik na lamang? Hindi naman lahat kailangan pakielaman.

Nang makarating kami sa condo ay sinalpak ko ang sarili sa kama at pumikit. Doon lang naramdaman ang pagod ngayong araw.

Hindi ko napansin na nakatulog pala ako kaya nang magising ako ay madilim na sa labas. Bumangon ako sa kama, gulo gulo ang buhok at nakalimutan pang magbihis kaya naman naisipan ko na lamang na maligo bago magluto ng kakainin ko.

Humikab pa muna ako bago tingnan ang ingredients sa kusina. Nagluto ako ng sinigang na baboy para sa dinner nang maramdaman na nag vibrate ang phone ko.

From: Lucas

Can I talk to you?

Napabuntong-hininga ako at nag reply.

To: Lucas

Later, Let me eat first.

Binaba ko na ang phone ko at kumuha na ng plato at mangkok upang mapaglagyan ng kanin at ulam.

Mabilis akong natapos at nakita na lang ang sarili na pinupuntahan ang unit ni Lucas sa 4th floor. Kumatok ako sa pinto niya at agad namang bumukas iyon.

"Come," Sinenyasan nya ako na pumasok kaya naman pumasok ako at tinignan ang unit nya.

"Spill the tea so I won't stay here longer." Sabi ko at humarap sa kanya.

"We can't talk while you are standing near at the TV, you can seat on the couch." Natatawang sambit nya sa akin ng makitang hinaharangan ko pala ang pinapanood niya.

Kinuha nya ang remote at pinatay iyon. Umupo nalang din ako para wala na siyang masabi. Pinalitan nya bilang music background bago umupo sa tabi ko at humarap sa akin.

"Good news." Sambit nya at tinignan ang reaksyon ko. "We can go back to the Philippines the day after tomorrow."

Tinignan ko lang sya at hindi nagsalita. Iniisip ko pa lang na maaga kaming makaka uwi ay parang maiipon ang takot sa dibdib ko. Paano kung sundan nila kami? Paano kung binibigyan lang nila kami ng break para makapag handa?

"Stop thinking, I knew that I can't protect you cause you have a partner, but I can be your cctv and reporter if something happens." Pampalubag loob nya sa akin.

Kinagat ko ang pang ibaba na labi ko at tinignan siya. Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan? Paano kung kakampi nga namin siya pero isa pala sya sa kalaban?

Pero kung titignan mo sa itsura ay mukhang hindi niya iyon magagawa. Nagsisisi na agad ako sa sarili ko nang pag isipan ko agad ng masama ang pinsan niya. Gusto ko agad humingi ng tawad.

Bumuntong hininga ako at tinignan sya. "How can I trust you?"