Nagpahinga lamang kami sa condo magdamag dahil uuwi na rin naman kami kinabukasan.
Nakapag impake na din kami ng advance para wala na masyadong gagawin at aalis na lang nang deretso. Tinignan ko si France na may earphone sa tenga habang may binabasa ng kung ano sa phone nya.
Hindi ko maiwasang titigan sya ng palihim. Natatawa na para bang nasa college pa rin ako at palihim na sumusulyap sa crush ko.
"Na gu-gwapuhan kana naman sa'kin, Chloe." Sambit nya at tumingin sa akin sabay ngisi.
"Asa ka." Irap ko at humiga sa kama. Pinapakiramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Crush mo pa din ba ako, ha?" Nagulat ako ng tumalon sya at niyakap ako bigla.
"Ano ba! Asa ka naman!" Sigaw ko sa kanya at tinulak sya.
Tumawa sya sa reaksyon ko, tinuturo pa ang mukha ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Aysuss, yung mga ganyang tinginan alam ko na agad yan, Chloe." Niyakap nya ako sa bewang ko at ngumuso. Mag-iisip bata na naman.
"Wala na akong feelings sayo, okay?" Pagpapaliwanag ko at kinurot ang pisngi nya.
Nang sumapit ulit ang gabi ay nag aya pa ang tukmol na mag inom kami. Pumayag na lang din ako dahil baka may problema sya na hindi nya sinasabi sa akin at dinadaan na lang sa inom.
Nasa pang tatlong bote na kami ng magsimula na syang magsalita. "Chloe."
Tumingin ako sa kanya at hinihintay ang sasabihin nya. Halatang tinamaan na sya habang ako ay sober pa din.
"Can we spend our time together?" Tanong nya habang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. "Oo naman."
"Talaga, paano yung mission ninyo?" Nagugulat nyang tanong kaya nilapitan at tinabihan ko na sya.
"Kaya ko naman balansehin ang oras kobdoon at sa'yo. Walang problema sa akin lahat."
Nilinaw ko na sa kanya iyon habang maaga pa. Ayoko naman na sisihin nya ang sarili nya kapag nakita nyang mahihirapan ako.
"Bakit kaba ganyan?" Lasing na sabi nya pero umiinom pa din.
"Anong ganyan?" Napakunot ang noo ko.
"Napaka bait mo, lagi mo na lang ako binibigyan ng oras at palagi kang nandyan sa tuwing gusto ko ng kasama."
"Bakit, may problema kaba ngayon?" Tanong ko.
Tinignan nya ako ng may kalituhan sa mukha. Mukhang nag aalinlangan kung sasabihin nya sa akin o hindi.
"Pwede naman na hindi mo sabi-"
"Sasabihin ko." Putol nya sa sasabihin ko. "Nakikita mo ba ito?"
Pinakita nya sa akin ang papel at kinuha ko naman iyon sa kanya. Dahil nakatiklop ay dahan dahan kong binuksan iyon para tignan ang nakasulat.
"Marriage contract?" Kunot noo na sambit ko at tinignan sya.
"Correction: Fake marriage contract. It's just a papers."
"Bakit mo pinirmahan?" Nagugulat kong sabi sa kanya.
"Just to have fun-"
"Nasisiraan kana ba? What about your career?" Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil sa gulat.
"Chloe, don't mind me. Buhay ko ito at ako lang ang may karapatang mag desisyon sa kung ano ang gusto ko. Ino-open ko lang ito para wala akong maitago na sikreto sa'yo." Mahinahon na sabi nya at parang nawala ang alak sa sistema.
"Did your parents know about this?" Kunot noo na tanong ko.
Napabuntong hininga ako ng umiling sya. So ginagawa nya ito para ano? at para saan?
"Ano ba ito, trip mo lang?"
"Nililigawan ko sya, okay? That's enough for you to know." Tumayo na sya at muntikan pang matumba bago ako iwan na naka upo sa couch.
Tumayo ako at sinundan sya sa loob. Hinigit ko sya sa akin bago sya iharap. "Kailan pa?"
"Month's ago, pasensya na kung huli ko na sinabi. Ayaw ko lang na masaktan ka, Chloe."
Kinagat ko ang labi ko at binitawan sya bigla kaya napa upo sya sa kama. Frustrate nyang inayos ang buhok nya at humarap sa akin.
"I'm sorry."
"Bakit ka nag so-sorry?"
"For hurting you." Napa kurap ako ng makitang umiiyak na siya.
Tumayo ako at niyakap sya. "Don't say that. Hindi talaga siguro tayo." Sinubukan kong magbiro na ikinatawa naman nya saglit.
Ngumiti ako sa kanya at pinunasan ang luha nya. "Wag ka nang umiyak please?" Pagmama-kaawa ko nang makitang tuloy tuloy ang pag agos ng luha nya.
Tumango sya. "Alam ko chloe, na nasasaktan kita. Pasensya kana."
"What-"
"Kabisado na kita chloe." Putol nya. "Magaling kang magpanggap, at kaya mong humarap sa tao na parang hindi ka nasasaktan."
"That's enough. Let's just sleep. Forget everything this tomorrow. Wag mong sayangin ang luha mo, okay?"
Mabigat ang pakiramdam ko nang gumising ako ng maaga pero dali dali akong naligo at nagbihis para sa flight namin ngayon.
Aalis na kami at iiwan ang bansang ito. Makakabalik pa ako, alam ko. Dahil dito rin mismo ang mission namin. Tahimik akong kumain ng almusal ng mabilisan at hinugasan iyon kaagad.
"Good morning," Bati nya.
"Morning." Ngumiti ako sa kanya at nilagpasan upang i lock ang kwarto.
"Let's go." Tumango na lamang ako at lumabas na ng unit.
****
Nang makarating ng airport ng Pilipinas ay nandoon ang sasakyan ni Kuya Nicko. Naghiwalay na din kami ni France dahil iba ang susundo sa kanya.
Pasakay na sana ako ng tawagin nya ako ulit kaya nilingon ko sya.
"We had a party at the evening. Bigay ko invitation mamaya sainyo." Ngumiti sya ng matamis sakin bago ako kawayan.
"Anong party naman kaya iyon?" Bulong ko pero narinig ni Kuya Nicko.
"The girl he like and him."