"Bakit kapa mag i-stay? Sabi mo uuwi kana d'ba? " Nagtatakang sambit ni France habang nasa harap nya si Lucas.
"Para hindi na ako ma guilty, sasamahan na muna kita dito, ayos ba?" Tinaas-baba ko ang noo ko at tumingin sa kanya.
Nakita ko naman na pinipigilan niya ang ngiti nya at sumeryoso lang ng tapunan nya ng tingin si Lucas.
"Sige ba! Sabi mo yan ha?" Tuwang-tuwa na sabi nya sa akin at yumakap pa nga.
"Oo na!" Tinulak ko sya ng mahina para kumalas siya sa kakayakap.
May tumikhim bigla na lalaki kaya napalingon kami sa kanya ng sabay. Pinabalik-balik pa nya ang tingin nya sa aming dalawa na parang hinuhusgahan sa ganoong gawin ni France sa akin.
"You can go to the Philippines, now. I'm staying here with him." Seryosong sambit ko na ikina-nuot ng noo nya.
"You don't want to.." Tumingin sya bigla kay France ngunit binalik din agad sa akin ang tingin. "To go home with me?"
"I want to, but I'm busy." Pagpapalusot ko at ngumiti sa kanya.
"Well, I can't force you..." Nilipat pa nya ang tingin nya kay France at sa akin. "Take care." Sagot niya.
Tinitigan pa nya ako saglit bago tumango at tinapik ang balikat ni France bago tumalikod sa amin.
Hinigit agad ako ni France papasok at padabog na sinara ang pinto na ikinagulat ko.
"M-may problema ba?" Maingat na tanong ko sa kanya ng tingnan nya ako.
"Bakit ganon ka nya tingnan? Lalo na ako?" Kunot noong tanong nya na may inis sa tono.
"Hindi ko rin alam." Kibit balikat ko.
"Bago lang sya dito, tapos kung makatingin sya parang hinuhusgahan na nya ang buong pagkatao ko matapos kitang yakapin." Pagrereklamo nya. "Huwag nya sabihin na nagseselos siya akin?"
Nagulat ako sa sinabi nya kaya hinampas ko siya. "Pinagsasabi mo? Hindi lovelife ang ipinunta namin dito."
"Ah kaya pala kung tignan nya ako kanina parang gusto na akong paalisin sa tabi mo e." Sarkastikong sambit nya at tumawa pa.
"You're just imagining things. Dyan ka muna at maliligo lang ako." Tapik ko sa balikat nya at pumasok na ng kwarto para maligo.
After 30 minutes ay nakita ko na lang ang sarili ko na pinapatuyo ang buhok. I was wearing a black pants and a peach long sleeves dahil malamig sa labas. Nag suot na rin ako ng grey sweater at white heel boots bago paliguan ang sarili sa pabango.
Nag apply na rin ako ng polbo at liptint bago inipit ang buhok ko sa half ponytail. Lumabas na ako ng kwarto dala ang maliit na bag ko.
"Tara na pre." Sambit ko at tinignan sya.
Kumunot ang noo ko ng tumagal ang titig nya sakin bago ako lapitan.
"Ang bango natin ah."
Umirap ako bago sya batukan. "Wow ha, nahiya naman ang outfit ko na hindi mo pinansin."
Nahiya ako bigla ng sabihin ko iyon ng deretso kaya napatigil ako sa paglalakad palabas ng marinig ko ang tawa nya.
"Palagi ka namang maganda sa paningin ko, chloe."
*****
"Libre mo ako, tutal ikaw naman ang dahilan kung bakit matagal ang pag i-stay ko dito."
"Wow naman, nagtitipid na nga ako, ililibre pa kita?!"
"Maawa ka naman, gusto ko nang umuwi. Pasalamat ka at binigyan pa kita ng pagkaka-taon na samahan ka e."
"Eh bakit mo sinusumbat? Buti nga one call-away friend ako na pwede kang puntahan kapag nami-miss mo e."
Umirap pa siya kaya inirapan ko na lang din. Kanina pa kami paikot-ikot sa mall at kanina pa din kami nagtatalo dito. Nangangalay na nga ang paa ko dahil sa lalaki na ito.
"Libre mo ako ice cream!" Sigaw nya at hinigit ako doon sa nakita nyang ice cream.
"Ang lamig lamig na! Ice cream kapa din." Nagreklamo pa siya pero nilibre ko na lang.
Tuwang tuwa sya ng makakain sya ng ice cream. Ang yaman-yaman pero ang kuripot!
Umikot pa kami at kumain ng mag gabi na. Mabuti na lang at pumayag syang bayaran ang pagkain namin. Napangisi ako ng makita ko ang presyo dahil sya ang magbabayad noon.
"Ang mahal naman." Bulong nya sa akin habang katapat ko sya.
"Wala ng mura sa mundo ngayon, wag ka ng mag reklamo dyan." Irap ko sa kanya.
Barya lang naman sa kanya iyon. Ewan ko ba sa lalaking ito. Para namang hindi nya ako nililibre kapag namamasyal kami. Ngayon lang nag reklamo ng ganito.
Ilang araw pa kami nag istay sa U.S at panay picture nalang namin ang nasa cellphone nya at sa kanya din. Kalalaking tao, ang hilig mag selfie.
Malapit nang mag pasko, kaya naman sobra talaga ang lamig dito. Sinulit na lang din namin dahil namiss din daw nya na makasama ako.
Kinagabihan ay parehas kaming nasa kwarto. May dalawang kama na malaki at magkahiwalay iyon.
"Kailan mo balak umuwi?" Tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang scarf ko sa leeg.
"After christmas, ok lang ba sa'yo?" Tanong nya bago nya tanggalin ang sweatet nya.
Naalala ko bigla ang pamilya ko lalo na ang kapatid kong bunso. Paniguradong naghihintay na sa akin iyon at magtatampo na naman kapag hindi ako ang nakasama.
Nang makita nya na malalim ang iniisip ko at nag extend sya ng isang araw. Alam na nya ang dahilan sa tagal na naming magkakilala.
"Pasensya na pati.. salamat sa pagbibigay ng oras para lang masamahan ako dito." Seryosong sabi nya at tumitig sa akin.
Tinignan ko din sya at tumango na lang ako bago nag iwas ng tingin. Naramdaman ko na tumayo sya at lumipat sa tabi ko. Inihilig nya ang ulo sa balikat ko at hinawakan ang kanang kamay ko.
"Thanks for being my friend." Mahinang sambit nya at niyakap ako.
Friend..
Napangiti ako ng mapait habang tinitingnan syang naka yakap sa akin. Nakaramdam ako ng kirot doon ngunit pinalampas ko na lang.
Panigurado namang dahil lang sa emosyon ito. At kinalimutan ko na din ang nararamdaman ko sa kanya noon. Niyakap ko na lang din sya pabalik at tinapik ang likod.. bilang kaibigan.
"Always welcome.."