๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
"Fuck!" Napayuko naman ako dahil sa paghagis sa akin ng mga papeles na ibinigay ko sa kanya.
Mga papeles iyon na kinolekta ko sa bawat department at mukhang hindi niya nagustuhan ang mga statement na ibinigay ng mga ito.
"Bullshit! Ganito ba ang ipapasa nilang report sa akin? Mga walang kwenta.Sabihin mo sa bawat department na ayusin nila ang mga report nila,dahil kung hindi ay bukas na bukas din ay pwede na silang umalis dito at maghanap ng ibang trabaho."sigaw ni Sir Xavier sa loob ng opisina niya.
"Y-yes,sir."tanging nasagot ko nalang dito na palagi kong sinasabi.
Halos dalawang linggo pa lang ako sa pagiging personal assistant niya at sa loob ng dalawang linggo na iyon ay puro sigaw lang ang natatanggap ko dito.Sa katunayan niyan ay hindi ko talaga trabaho ang magdala ng mga papeles na iyon dahil ang kanyang secretary dapat ang gagawa nun.Ang trabaho ko lang talaga dito ay ayusin ang mga gamit niya kapag pupunta ito sa opisina at paguuwi niya.Binibili ng pagkain kapag hindi ito makakalabas sa loob ng opisina niya.Ipagtitimpla ng kape or tsaa.Ipaghahanda ng kahit anong gusto nitong kainin.Sa lagay kong ito ay masasabi kong hindi PA ang pinasukan ko kundi yaya na at ngayon dinagdagan niya pa ang trabaho ko kaya heto ako na naman ang unang sasalo ng galit niya sa mga nagtratrabaho sa company niya.Kaya siguro walang nagtatagal na PA sa kanya dahil sa sobrang sungit nito at walang nakakatiis sa ugaling meron ito.
Nagulat nga sa akin ang mismong secretary niya dahil nakatagal ako ng dalawang linggo kay Sir Xavier.Isa,dalawa,o tatlong araw pa lang ang nakukuhang PA para kay Sir Xavier ay umaayaw na ang mga ito dahil gaya kanina sa paghampas ng mga papeles nito sa akin ay malamang walang magtatagal sa ugaling meron ito.
Gustuhin ko mang umayaw na sa trabaho ko pero kailangan ko ng pera dahil para ipagamot ang nanay ko na nasa hospital ngayon.May malalang sakit kasi si nanay.Mayroon itong uraemia na kung saan ay kailangan na niyang maoperahan sa kidney pero dahil wala kaming sapat na pera ay hindi pa isinasagawa ang operasyon para sa kanya.
Nagtitiis na lang si nanay sa mga gamot na kayang ibili ng sahod ko.Magkabilaan ang trabaho ko.Kapag tapos na ang trabaho ko kay Sir Xavier ay mayroon pa akong part time sa isang maliit na restaurant malapit sa hospital kung saan naka confine si nanay.Kahit gusto ko ng mag give up sa mga trabaho ko ay tinitiis ko nalang dahil mahirap ang maghanap ng trabaho na malaki ang sahod na binibigay.
"What are you waiting for.Kumilos kana!" Sigaw pa nito kaya agad ko namang pinagkukuha ang mga papeles na nagkalat sa sahig at dali daling umalis sa harapan niya at ibinalik ang mga iyon sa bawat department.
"Maam Lucy,pasensya na po kayo pero pinabasabi ni Sir Xavier na ayusin nyo po daw ang mga report na ginagawa niyo.Dahil kung hindi ay papalitan po silang lahat dito at bukas na bukas din kung hindi magiging maayos ang mga ito."sabi ko agad sa pinakahead ng bawat department ng company at ibinalik ang mga papeles na hindi ko na naayos pa dahil sa pagmamadali ko.
Iling iling naman na kinuha nito ang mga iyon sa akin at inilapag sa sariling lamesa.
"Maraming salamat Elizabeth,mabuti at nakakatagal ka sa boss natin.Kami nga na minsa lang siyang nakikita ay para gusto na naming magresign dahil sa sama ng ugali na meron siya.Pero ikaw natitiis mo siya na lagi mong kasama."
"Kailangan ko lang po kasi ng pera maam lucy kaya tinitiis ko nalang ang ugali ni Sir Xavier."sagot ko dito.
"Oo nga naman,wala kasi tayong mapagpipilian kung ang hindi kumapit sa patalim minsan.Kahit na nasasaktan kana ay kailangan mo paring humawak para lang magkapera ka.Ay hala sige na bumalik kana sa boss natin at baka pag initan ka din niya ng ulo.Ako na ang bahala sa mga ito at mapagsabihan ang mga tao ko."
"Sige po maam lucy."magalang na pagpapaalam ko dito at agad ding bumalik sa opisina ni Sir Xavier.
"Malayo ba ang pinuntahan mo at inabot ko ng sampong minuto.Hindi kita pinapasweldo para makipag kwentuhan lang sa mga katrabaho mo."Bungad niya ka agad sa akin at binato pa ako ng ballpen na hawak niya na nasalo ko naman.
"Sorry po sir."nakayuko na paghingi ng tawad dito sa kanya na kung tutuusin eh dalawang minuto pa lang naman ang tinagal ko.Nasa 30th floor pa kasi ang opisina niya habang ang mga department ay nasa 5th floor.Kahit gusto kong sumagot sa kanya ay hindi ko na ginawa dahil alam ko naman na walang ibang tama maliban sa kanya.
"Ang pinaka ayaw ko ay ang tsesmosa.Kababae mong tao peri nakikipag tsismisan ka."Galit ba sermon pa niya sa akin.
Tanging yuko nalang ang ginawa ko dahil ayaw kong salubungin ang mga matang nanlilisik sa akin.Kahit na wala akong ginagawang masama ay hindi ko nanaisin na magtama ang mga paningin namin.Baka ora mismo ay umalis na ako sa trabaho ko dahil hindi ko kayang tagalan ang nakakamatay nitong tingin.
"Ipaghahanda ko po ba kayo ng kape o tsaa sir?"tanong ko sakanya para kahit pa paano ay mawala ang galit nito.
"Hindi na kailangan ibili mo nalang ako ng regalo para kay Denise.Dadalo tayo ngayon sa birthday niya.Kaya bilisan mo diyan ng makaalis din tayo ka agad."
"Anong klaseng regalo sir?"
"Bumili ka ng pinaka latest na kwintas ngayon.At huwag mong isipin ang peranv gagamitin mo.Ireregalo ko na sa kanya ang pinakamahal na kwintas ngayon para narin may maibigay ako sa kanya para sa pakikipaghiwalay sa kanya."seryosong sabi niya sa akin at pahagis na ibinigay sa akin ang credit card niya na lagi kong ginagamit kapag may ipapabili ito sa akin.Agad naman akong tumalima para bilhin ang nais niya para sa babaeng maiiwan na naman na luhaan.
Sa dalawang linggo ko siyang nakasama bilang PA niya ay apat na beses na akong nakasaksi ng pagkikipaghiwalay niya sa mga babaeng dumadaan lang sa mga kamay niya.Aanhkinin at pagsasawaan.At kapag napagsawaan na ay itatapon nalang bigla.
Hayy nako iba nga naman talaga ang mga mayayaman maraming mga babae ang nahuhumaling sa kanila lalo na kung ang isang gaya ni si Xavier iyon ay panigurado laglag na ang panty ng mga kababaihan sa isang ngiti lang niya.
Pero ang ngiti na iyon ay bihira kong makita sa kanya.Sa dalawang linggo na nakalipas ay dalawang beses ko palang ata siyang nakitang ngumiti sa tuwing mayroon itong naisasaradong mga deal sa kanyang mga negosyo.
Mayroon pa nga kapag may kasama siyang babae.Dinig na dinig ko ang bawat..haystt ewan! Kasi ba naman nasa labas lang ako ng silid kung saan niya inilalabas ang makamundong bagay at sinasabing maghintay nalang ako sa labas na kung saan niya dinadala ang mga babae niya.
Ako namang si Personal the alalay ay hindi ko pwedeng baliwalain ang utos niya.
Okay,back to normal.Kailangan kong bilisan baka mamaya ay masita na naman niya ako na kahit isang minuto o kahit wala pang isang segundo na mahuli ako ay mapapagilatan na naman niya ako.Kaya naman doble ang galaw ng bilis ko sa tuwing inuutusan niya ako.
Agad naman akong nakarating sa Jewelry shop na kung saan ako bibili ng latest at napaka mahal na kwintas.
Pero parang gusto ko naman ngayon mainggit sa pagbibigyan ng kwintas ni Sir Xavier dahil ang halaga ng kwintas ay katumbas na ang pambayad sa operasyon para kay nanay.
"Hindi dapat ako mainggit sa kanila.Dahil pagsasawaan at iiwan lang din naman sila ng boss ko.Siguro ay makakapag ipon pa ako ng pang paopera kay nanay."kausap ko sa aking sarili habang pabalik na sa opisina ni Sir Xavier.Saka hindi naman ako katulad ng ibang babae para kainggitan sila.
_