πΏπ¨π½π°π¬πΉ π·πΆπ½
Hindi ko mapigilang umalpas ang galit ko matapos kong mabasa ang will ng lolo na nagsasaad na kailangan kong pakasalan ang napili niya para sa akin.Hindi ko na nga tinapos iyon basahin dahil napuno na ako ng galit.
Magagalit talaga ako kay lolo dahil minamanipula niya ang buhay ko. Gusto niya akong magpakasal na dahil hindi na daw ako bumabata.At ngayon kumilos na ito para isakatuparan ang mga plano nito para sa akin.
Magpapakasal ako at mapapasaakin ang kalahati ng kayamanan nito na dapat ay mahahati sa apat na mga apo nito. Isa na ako sa mga iyon. At kung hindi ko naman nasunod ang gusto nito ay walang mapupunta sa akin ni sentimo sa kayamanan nito na halos ako na mismo ang nagpalago ng mga iyon simula ng hawakan ko ang pamamahala ng mga negosyo nito.
And damn him! Inipit niya ako ngayon dahil lagdado na niya ang Will na ipinakita sa akin ni Atty. Hermosa na siyang family Lawyer namin.At ang hindi ko matanggap ngayon na lalong nagpaigting ng galit ko ay ang malamang ang ipapakasal sa nito sa akin.
Oo, galit na ako kaninang tumawag siya sa akin habang papunta sa na ako sa A. PLACE kung saan lahat kaming apo, anak ng lolo ay doon nakatira at walang ibang pamilya maliban sa amin ang nakatira doon. Exclusive lang ang village na iyon para sa amin.
Muli akong napatingin kay Elizabeth.Na mag iisang buwan palang na PA ko. At hindi ko lubos maisip na siya ang napili ng lolo na pakasalan ko.
Ang tanong.. bakit siya? At ano ang mayroon sa PA ko at siya ang napili nito? At paano nakilala ng lolo ang PA ko? Ano ang ginawa ng PA ko sa lolo ko at bakit ganito na lang kabilis na nagpasya ito na agarang may Will ng may lagda niya?
Iyan lang ang ilan sa mga tanong ko na nabuo sa utak ko at muli na namang nag umigting ang galit ko habang nakikita ko ang balisa ding mukha niya na ngayon ay hawak ang larawan at nanlaki pa talaga ang mga mata nito ng mapagsino iyon. Syempre dahil siya mismo ang nasa larawan. Siya mismo at wala ng iba.
Galit na muli ko siyang nilapitan at pasakal na hinawakan sa leeg na napasandal na sa pader ng isadsad ko siya doon.
"Sino ka talaga? Paano mong nakilala ang lolo ko?" Galit na tanong ko sa kanya na dahil sa gulat sa pagkakasakal ko ay hindi siya nakasagot agad at halos maluha na sa ginawa ko.
"Mr.Alvarez bitawan mo siya." Kampante na lumapit naman si Atty. sa amin at hinawakan mismo ang kamay ko na nakasakal kay Elizabeth.
"Alam kong nabasa mo ang nakasulat sa will ng lolo mo. Na hindi mo pwedeng saktan ang napili nitong mapangasawa mo." Sabi nito sa akin at ipinaalala talaga ang mga nabasa ko sa will ng lolo.
Nanggagalaiti at halos mangilo pa ako dahil sa pagkimpian ng ngipin ko sa pinipigil kong galit na huwag siyang gilitan ng leeg ngayon. Matalim na muli akong tumingin dito na umiiwas na magtama ang mga mata namin. Patulak pa na binitawan ko siya. Wala na akong pakialam kong nasaktan siya dahil dinig na dinig ko pa ang pagkakauntog niya sa pader at padaosdos na naupo sa sahig na hindi alam ang gagawin. Galit na nilayuan ko siya at hinarap naman ngayon ang abogado ng lolo.
"Gusto kong makausap ang lolo ngayon din."
"Pero ayaw niyang makausap ka ng personal mr.Alvarez. Nasa sa iyo na iyan kung ayaw mong tanggapin ang nakasaad sa will ng lolo mo. Pero sana nabasa mo ang nasa hulian ng will nito. Na kung hindi ka papayag ay ipapasa kay mr. Kayle Alvarez ang Will at siya ang magmamana ng kalahati ng kayamanan nito na sana ay mapapasaiyo kung tutuparin mo ang nasa will ng nito. "mahabang paliwanang nito na siyang nagpadoble ng galit na nararamdaman ko.
Isa pa iyon sa nagpapagalit sa akin.Ang wala akong pagpipilian man lang. Na kung tatanggi ako ay mawawala sa akin ng tuluyan ang mga pinaghirapan ko.
Kung tutuusin naman kahit kunin ni lolo ang mga kompanyang ipinahawak niya sa akin ay okay lang dahil may sarili na akong ipon at kaya ko ng higitan ang iba nitong negosyo. Pero hindi ako makakapayag na mapunta sa iba ang halos ako na ang nagpalago. Na mapupunta lang iyon sa pinsan kong si Kayle kung hindi ko susundin ang Will ng lolo.
And damn him again ang again.
"You may go to hell." Sigaw ko na lang dito at itinuro ang pintuan palabas.
"At inuulit ko Mr.Alvarez. Gaya ng nakasaad sa will ng lolo mo, hindi mo pwedeng saktan ang napili ng lolo mo. O pagbuhatan ito ng kamay. At gaya ng nakita at nasaksihan ko kanina, makakarating iyon sa lolo mo." Sabi pa nito.
"Good day Mr.Alvarez. Mauuna na ako. Your grandpa give you 12 hour to think. Kung nakapag isip ka na, tawagan mo na lang daw siya." Dagdag pa nito bago tuluyang lumabas ng opisina ko.
Galit na nilakumos ko ang Will ng lolo na alam ko naman copy lang iyon ng original na Will nito saka ko iyon ibinato.
Hanggang sa nabaling na naman ang pansin ko kay Elizabeth na halata na nanginginig na yata sa takot sa akin na ngayon ay nakatayo na mula sa pagkakaupo niya sa sahig kanina.
Aba dapat lang siyang matakot dahil kung papayag man ako sa kagustuhan ng lolo ko ay hindi ibig sabihin non ay magbubuhay prinsesa siya kapag pinakasalan ko siya. Kundi ipaparanas ko sa kanya ang buhay kung ano ang buhay sa empyerno. Wala man akong pagpipilian, magagawa ko parin ang gusto ko kung sakali man.
Mabagal na naglakad ako palapit sa kanya na napaatras pa siya at muling napasandal sa pader. Galit na hinawakan ko siya ng mahigpit sa magkabilang pisngi gamit ng isang kamay ko.
"S-sher, u-hmm. H-hama nha foh." Halos hindi na siya makapagsalita ng maayos sa higpit ng pagkakahawak ko sa pisngi niya pero wala akong pakialam.
"Paano mo nakilala ang lolo ko?" Iyon ang unang lumabas na tanong ko sa kanya. "At bakit ka kilala ng lolo? Anong ginawa mo sa lolo ko at bakit ganun na lang ang kagustuhan niyang maikasal ako sayo.You, disgusting dumbass girl." Gigil na mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa pisngi niya dahilan para tumulo na ang namumuong luha niya sa kanyang nga mata. "Ganyan ba ang ginawa mo? Ang iyakan ang lolo ko sa harapan niya? O may kung anong gayuma ang ipinainum mo sa kanya kaya ikaw ang napili niyang ipakasal sa akin? Sabihin mo sa akin, huwag mo akong dramahan dahil hindi iyan uubra sa akin." Sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"S'sher pleash. L-lhet mhe gho."
"Kung magandang babae pa siguro ay mas matatanggap ko pa at hindi ganito ang galit ko ngayon." Patulak na binitawan ko na siya ng hindi na siya tumigil sa pagluha. "Get out, bago pa magdilim ang paningin ko at mapatay pa kita." Sigaw ko sa kanya na agad na tumalimang patakbo palabas ng opisina ko.
Malakas ang bawat pagtaas baba ng dibdib ko habang malakas na humuhugot ng paghinga dahil sa galit na nararamdaman ko. Parang mainit na tubig lang na pinapakuluan ang dugo ko dahil sa mga nangyari.
Damn it!
"Ahhhhhhhhh." Sigaw ko at lahat ng mahawakan ko ay ibinato ko. Wala akong pakialam kong masira lahat ng mag gamit ko sa opisina. Basta gusto kong magwala ng mailabas ang galit ko.
Nasa ganun akong ayos ng biglang tumunod ang red line na kumukunekta sa numero ng aking lolo. Marahas ang naging galaw ko at agad iyong sinagot.
"You fucking old foggy. You can't manupulate me whenever you want." Iyon agad ang ibinungad ko dito at hindi ko itinago ang galit sa boses ko. Pero sa pagsigaw ko sa kanya ay tumawa lang ito.
"Nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo apo." Nasa boses pa nito ang pagkakalmante gayong ako ay parang bulkan ng sasabog ang galit ko.
"This is not funny anymore. Kung magandang babae pa siguro matatanggap ko pero ang malamang kung sino ang gusto niyong ipakasal sa akinβ... Damn it! What's with your foggy brain, old man."
"Kahit kailan talaga ang tabas parin ng dila mo at hindi ka parin nagbabago. Pero ito ang tatandaan mo young man, huwag ko lang malalaman na sasaktan mo ang taong napili ko dahil isang pagkakamali mo lang apo ko, mawawala sayo ang mga pinaghirapan mo." Sabi niya at hindi pinansin ang galit ko sa kanya. "By the way, may mapagpipilian ka naman apo, iyon ay ang kalimutan at i-give up mo ang pamamahala sa mga negosyong hawak mo at ibigay iyon kay Kayle, sigurado ako sa isang iyon na hindi niya ako matatanggihan." Mahabang dagdag pa niya.
Kung hindi lang siguro matigas ang hawak kong reciever ay kanina pa iyon nayupi sa higpit ng pagkakahawak ko.
Magmumura na naman sana ako pero hindi na niya ako hinayaang makapagsalita.
"12 hours apo. Sabihin mo lang kung ayaw mong tanggapin ang kasunduan ko. Magpapakasal ka at mapapasayo ang kalahati ng kayamanan ko o hahayaan mo na lang ang testamentong ginawa ko at ipapamahala kay Kayle ang lahat.Hindi bali apo, kung hindi mo man tatanggapin iyon ay may matatanggap ka parin namang 10 % sa lahat ng asset ko. Bye apo. Good luck." Ni hindi na ako talaga nakasagot dahil end tone na ang narinig ko. Pabalibag na binitawan ko ang reciever at sunod sunod na napamura.
"Ahhhhhhhh! You fricking, old foggy." Sigaw ko ng pagkalakas lakas. Wala na akong pakialam kung marinig ako sa buong companya ko. It's none of their damn fucking business. They are just my employee.
_