𝐄𝐋𝐈𝐙𝐀𝐁𝐄𝐓𝐇 𝐏𝐎𝐕
"Elizabeth Nathalie Lawrence."sigaw ng isang taong nagpagising sa aking kamalayan.Napakurap pa ako ng isang beses bago tumingin sa kanya.
"Y-yes sir?"
"Ano bang nangyayari sayo huh?"galit na tanong nito sa akin."and how many times that I called your name pero hindi mo ko naririnig?Sabihin mo lang kung ayaw mo na ang trabaho mo at mapalitan kita ka agad.Hindi kita pinapasweldo para tumanganga lang diyan."Mahabang lintaya niya sa akin.Napayuko naman ako dahil sa pagkahiyang nararamdaman ko dito.
"Sorry po sir hindi na po mauulit."tanging nasagot ko nalang dito.
Hindi ko alam pero simula ng umuwi kami galing sa birthday ni Denise ay palagi na lang akong nawawala sa katinuan ng isip ko.Nililipad sa kung saan saan ang imahinasyon ko.
Kasalan niya nanam kasi yun kung tutuusin kasi ba naman binigla niya ako ng araw na iyon at hindi na ako nakatulog ng maayos dahil doon.Laging lumilitaw sa isip ko ang kanyang basta yung...ay ewan! Basta halos masagi na ng mukha ko ng binihisan ko siya habang kausap nito ang lolo niya.
Sa katunayan naman eh gawain ko talaga iyon.Pero maliban lang sa ganung bagay.Na pati ang underwear nito ay sa akin pa ipapasuot.At iyon din ang dahilan kung bakit lagi niya akong nasisita.Hindi ko naman masabi ang tunay na dahilan sa kanya kung bakit lagi akong natutulala.
Alam niya namang babae ako pero...What the fuck?Hindi mawala sa isip ko ang bagay na iyon na parang nasa harapan ko parin hanggang ngayon.Umiiwas na nga ako na magtama ang mga mata namin baka makahalata siya.At baka lalong mawalan pa ako ng trabaho dahil sa nararamdaman ko.
"Dapat lang at kung mauulit pa ito na hindi ka nakafocus sa mga pinagsasabi ko.Mas mabuti pang maghanap ka na ngayon ng bagong trabaho."
"Yes sir."kinalma ko ang sarili ko.Hindi dapat ako magpanic.Kailangan ko lang ibaling sa iba ang isip ko.Hindi yung palaging nasa isip ko ang bagay na iyon.Nagmumukha pa tuloy akong bastos dahil doon.
Kumilos naman ako para ayusin ang mga gamit niya.Mayroon kasi siyang pupuntahan daw at hindi ko na kailangan pang sumama kaya maaga ako nitong makakauwi.
Ito ang isa sa gusto ko sa trabaho ko dahil kapag may pupuntahan ito na hindi niya ako kasama o kailangan ay papauwiin na lang niya ako.
Kaya naman magkakaroon ako ng time na bantayan si nanay at makapagpahinga ng maaga.
"By the way agahan mo ang pagpasok mo tomorrow.Hindi ako papasok ng opisina dahil pupunta ako sa A place at sasama ka sa akin."
Tanging tango naman ang ginagawa ko dito.Palagi ko namang naririnig sa kanya ang ALVAREZ PLACE na iyon.Isa itong subdivision ba pagmamay ari nila at nandoon ang sarili nitong bahay at hindi ang tinitirahan niya ngayon at himala na isasama ako nito.
Hindi ko lang alam kung ang tinitirahan niya ngayong bahay ay doon niya ipapupunta ang mga babaeng nakuha nito o di naman kaya sa AP house niya dinadala.Hindi ko pa naman itong nakikita na nag uuwi ng mga babaeng kumakalantari sa kanya.
"Yes sir."muli kong sagot sa kanya.
Nang tumayo na siya ay awtomatikong ipinasuot ko sa kanya ang black suit nita na tinatanggal niya sa tuwing papasok ito sa opisina niya at kung walang mga bisita na kakausap sa kanya.Tanging ang puting polo lang ang suot niya.
"Let's go sabay na tayong lumabas at bahala na si Elise na magayos ng mga kalat dito."sabi niya at ang tinutukoy niya ay ang secretary nito.
Agad naman akong sumundo dito.Napadaan naman kami sa lamesa ni Elise at binilin niya nga ito na ayusin ang mga kalat sa loob at siguraduhing naka lock ang opisina niya.
"Yes Sir Xavier."magalang na sagot nito at tumayo na.
Hindi niya naman inimik ito at tumalikod na lang.Ako naman ay nginitian na lang siya at kumaway para narin magpaalam.
Narating naman namin ang parking lot kung saan naka parada ang kotse niya.Yumuko pa ako dito upang magpaalam at sinabing mag ingat.Tango naman ang naisagot niya sa akin bago tuluyang pinaandar ang sasakyan niya palayo.
Doon naman ako nagpakawala ng buntong hininga ng hindi ko na tanaw ng dalawang mata ko ang kotse niya.Pakiramdam ko kasi ay parang sumisikip at nahihigit ko ang hininga ko dahil sa presensya niya at nagsimula ang pagkailang ko dahil doon nga sa bagay na iyon.
"Nababaliw kana Eliza."kausap ko sa aking sarili habang palayo sa building ng kompanya ni Sir Xavier at tinungo ang paradahan ng tricycle na may bente pa ang.Exclusive kasi ang lugar ng kompanya ni Sir Xavier kaya hindi nakakapasok ang mga tricycle o ano pa mang hindi related sa kanyang company.
Pagkarating ko doon ay agad akong sumakay sa mga nakapilang tricycle at dahil sagot naman ni Sir Xavier ang pamashe ko sa transportation ay agad na itong umandar.
"Dito na lang ako kuya."sabi ko sa driver ng marating na namin ang maliit na pamilihan.Malapit lang ito sa hospital na kung saan nakaconfine si Nanay.Bibili kasi ako ng mga prutas na pwedeng kainin ni nanay.
Pagkababa ko sa tricycle ay tinungo ko na ang bilihan ng mga prutas.Kalahating kilo ng Orange at grapes ang binili ko.Kahit gusto kong damihan ay saka nalang.Basta mayroon lang akong pasalubong na maibigay kay nanay.
Nakangiti pa akong naglalakad lakad ng magaagaw ang pansin ko sa isang matanda na inaagawan ng kung ano.Nakikipag agawan ito sa binata na halatang walang kalakas lakas.Kita ko namang walang nag abalang tulungan ang matanda kaya ako na ang lumapit.Pero paglapit ko ay siya namang tangay ng binatilyo ang maliit na bag ng matanda at hindi lang iyon natumba pa ang matanda at lumagapak sa semento.Kaya naman dali dali ko itong tinulungan.Sobra naman akong nag alala ng mapansin kong parang inaatake pa ito ng kung ano dahil sa hirap nitong huminga.
Hindi na ako naghingi pa ng tulong sa iba at agad ng tumawag ng tricycle.Isinakay naman ang matanda sa tricycle at dinala ko na ito sa hospital kung saan din ako papunta.
Pagkarating ko sa hospital ay agad na inasikaso ng mga nurse at doctor ang matanda.
"Kayo ba ang guardian ng pasyente Maam?"tanong ng isang nurse sa akin.
"Naku hindi eh tinulungan ko lang siya kanina at hindi ko rin kilala."totoong sabi ko dito.
"Ganun ba.Paano ba yan.Tinanong namin siya kanina pero ang sagot lang nito ay hindi niya alam kung sino ang guardian niya.Tanging pangalan lang niya ang alam nito at hindi ang apelyido."
"Ako nalang pipirma bilang guardian niya."medyo alanganing kong sagot dito.Hindi saayaw ko pero iniisip ko din ang perang babayarin ko sa bill ng matanda.Mababawas kasi ang iniipon kong pera para sa operasyon ni Nanay.
"Pakipirmahan nalang po ito Maam.At pakibayaran nalang din po sa counter ang bill para sa magagastos ng pasyente."saad nito at nagpaalam na sa akin.Wala naman akong choice kundi ang pirmahan ang papel na binigay ng nurse sa akin para sa matandang lalaki.Tsaka naman ako nagtungo sa counter upang bayaran ang bill nito.
Pagkatapos kong mabayaran ay tsaka ako tumungo sa kwarto kung nasaan si Nanay.Mamaya ko nalang siguro babalikan ang matandang lalakina iyon at tulog pa naman ito ng pinuntahan ko para sana sabihin na wala na itong proproblemahin sa gagastuhin sa hostpital at pananatili nito ng ilaw araw.
"Kamusta na kayo Nay."Nakangiting lumapit ako kay Nanay ng mabungaran ko itong kamapanteng nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama.Humalik naman ako sa pisngi nito bago ko inayos ang mga binili kong prutas para sa kanya.
"Maaga ka yatang nakauwi ngayon Eliza anak."
"Opo Nay may pinuntahan po kasi ang boss ko at hindi ako pwedeng sumama dito kaya pinauwi na niya ako.Pero mamaya naman papasok parin ako sa restaurant na malapit diyan."
"Anak,masayado mo atang inaabuso ang sarili mo hayaan mo nalang kaya ako.Isipin mo naman ang sarili mo Eliza."
"Ano ba yang sinasabi niyo Nay?Bakit ko naman kayo hahayaan at hindi ipagamot?Nay naman hanggat magagamot pa ang sakit niyo ay gagawa ako ng paraan para maipagamot kayo."ani ko dito at kumuha ng orange at ipinagbalat ito.
"Siya nga pala Nay may tinulungan ako kanina sa labas at nakaconfine ngayon dito." Pagiiba ko ng usapan dahil ayaw konh ipagpilitan nito na pabayaan ko nalang at huwag na itong ipagamot.
"Anong nangyari?"
"Hinablot yung bag niya kanina Nay.Ewan ko ba sa mga tao sa paligid.Nakikita naman nilang nahihirapan ang matanda kanina pero wala man lang nagtangkang tumulong sa kanya."
"Ganun namam talaga anak.Minsan talaga hindi na sila nakikialam sa isang gulo para hindi sila madamay."
"Alam ko naman yun nay pero hindi ko naman matiis ang matanda na iyon kanina.Tapos inatake pa ng highblood kanina.Iiwan ko na nga sana ito kanina pero hindi daw nito alam ang kahit isa sa mga kamag anak nito."
"Ganun ba anak.Napakabait mo talaga "
"Syempre kanino ba ako magmamana kung hindi sa inyo.Hala kainin niyo na po ito.Maya maya lang po ay papasok pa ako sa isang trabaho ko."
Tango naman ang naisagot ni Nanay sa akin at kumain ng orange na binalatan ko para sa kanya.Nang natapos na itong kumain ay nag ayos na din ako ng sarili para sa pagpasok ko.Mamaya ko nalang siguro bibisitahin ang matanda pag uwi ko galing sa trabaho ko
_