Chereads / The Possessive Man Series 1 / Chapter 4 - TPM #4

Chapter 4 - TPM #4

𝑬𝑳𝑰𝒁𝑨𝑩𝑬𝑻𝑯 𝑷𝑢𝑽

"Kamusta po ang pakiramdam niyo lo."tanong ko sa matandang lalaki ng makauwi na ako galing sa trabaho.Gising na ito at nakaupo na sa gilid ng kama nito."Huwag po muna kayo masyadong kumilos lo baka mahilo kayo at matumba."paalala ko dito sabay lapit at inalalayan itong umayos ng pagkakaupo sa kama.

"Salamat apo "mahinang sabi niya.

"Walang anuman lo."nakangiting sabi ko dito."Sabi nga pala sa akin ng nurse na tumingin sa inyo kanina na ayaw niyong kumain.Mabuti nalang ay mayroon akong dalang pagkain na bigay ng boss ko sa restaurant kaina."sabi ko at ipinaghain ng pagkain."Dapat po kumain kayo para agad po kayong lumakas."dugtong ko pang sabi atΒ  tinanggap naman nito ang tray ng pagkain. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtitig nito sa akin.

"May problema po ba sa mukha ko lolo." Bahagyang akong nailang saka nag iwas ng tingin dito.

"Napakaganda mong bata."

"Ho!" Bigla naman akong natawa sa sinabi nito.Nawala naman ang pag kailang ko dahil doon.

"Si lolo naman.Nagpapatawa pa kayo. Hindi po ako maganda."

"Pero totoo iyon apo.Kung aayusan ka lang siguro ay lalabas din ang tunay mong ganda."

"Hala! Oo na lolo. Sige.Maganda na ako. Pero sa ngayon ay kainin niyo muna iyan para magkaroon kayo ng lakas sa katawan.Pupuntahan ko pa kasi ang nanay ko na nasa kabilang silid lang." Sabi ko na lang dito.

"Anong nangyari naman sa Nanay mo apo?"

"May sakit po siya sa kidney lolo at kailangang maoperahan.Pero sa ngayon nag iipon muna ako ng pera para sa operasyon niya."

"Ganun ba."

"Opo.Siya nga po pala,wala ba kayong matandaan kahit ni isang pangalan sa mga kamag anak niyo?" Pagkuway tanong ko habang inaayos ang ibang binili ko para dito at ito naman ay nagsimula ng kumain.

Nakita kong umiling lang ito at hindi na nagsalita pa.

"Paano po niyan lo kung palalabasin na kayo ng doctor? Saan kayo pupunta?"

"Ulyanin na kasi ang lolo apo. Pero naaalala ko naman sila minsan. Pagpasensyahan mo na ako at nagdagdag pa ako sa alalahanin mo." Sagot nito na tumigil sa pagsubo ng pagkain at tumingin sa akin.

"Okay lang iyon lolo. Wala iyong anuman sa akin. Ang inaalala ko ay kung saan kayo uuwi pag na discharge na kayo."

"Napakabuti mong bata. Sana pagpalain ka sa kabaitan mo."

"Salamat po lolo. Pinalaki kasi ako ng nanay sa mga mabubuting pangaral niya. Kaya po ako ganito."

"Maswerte ang mapapangasawa mo kung nagkataon. Ipapanalangin ko na sana makatagpo ka din ng mag aalaga sayo at magmamahal sayo ng buong puso. Kung magaayos ka lang siguro apo. Maswerte ang lalaking mamahalin mo at natitiyak kong mamahalin mo siya at aalagaan."

"Haha! Si lolo talaga.Pero salamat parin po." Totoo ang mga ngiting gumuhit sa mga labi ko habang nakikipag usap dito.Kahit papaano ay magaan ang pakiramdam ko dito at hindi ako nagsisisi na tinulungan ito. "Sige po lo, magpahinga na po kayo.Babalikan ko na lang po kayo bukas para kumustahin bago ako pumasok sa trabaho ko."

"Sige apo. Salamat muli."

Nagpaalam na ako dito ng maayos at lumipat ako sa kwarto ni Nanay.Naabutan ko itong tulog kaya naman hindi ko na inabalang gisingin. Magpapahinga na din siguro ako para hindi ako antukin bukas sa trabaho ko ng hindi na ako masita ni Sir Xavier.

_

"Damn it!." Sigaw na mura na naman ni Sir Xavier habang papunta na kami sa ALVAREZ PLACE. Tinignan ko na lang ito sa gilid ng mga mata ko habang nagmamaneho.

Napansin ko pa ang pagsabunot niya ng sariling buhok at kung hindi lang siguro kami nasa loob ng kotse niya ay nagwala na naman siya at makahagis na naman ng mga bagay na mahawakan niya.

"Paanong hindi ako makakapagmura kung minamanipula niyo na naman ako." Sigaw na sagot na naman niya. Nakakabingi tuloy ang pagsigaw niya sa loob ng kotse niya. "Look at you,old foggy brain. Hindi mo ako mapapasunod sa gusto mo."

Ilang sandali pa ay hindi ito nagsalita habang nakikinig sa kausap. Ang lolo niya marahil iyon dahil ang lolo lang naman niya ang hindi natatakot sa kanya.Kundi ang lolo niya mismo ang nagmamanipula ng buhay niya gaya ng narinig ko kanina.

"Damn it! Damn it." Sunod sunod na mura niya nag marahas na binitawan ang cellphone niya. Nagulat pa ako ng bigla niyang suntukin ang Glove compartment sa harapan niya."Damn you old man. Damn you." Gigil na kuyom pa niya ang kamao.

Kinabahan naman ako bigla sa biglang pagbabago ng mood niya ay nagpatuloy parin ako sa pagmamaneho. Bigla tuloy uminit sa loob ng kotse niya dahil sa galit niya. Ako pa tuloy ang nakakaramdam ng panggigigil niya sa lolo niya na kung siguro nasa haparan lang niya ang lolo niya ay baka nag aaway parin sila hanggang ngayon.

Binabaan siya ng cellphone at iyon ang isa sa mga pinakaaway niya. Sa mag iisang buwan ko na siyang kasama ay halos alam ko na kung anong ugali ang mayroon siya.

"Ibalik mo sa companya." Pagkuway utos niya sa akin na agad ko namang sinunod.Nagpakawala pa siya ng malalalim na buntong hininga saka sumandal sa upuan niya.Pumikit ito habang marahas parin ang bawat paghinga niya.

" Sir nandito na tayo."

Nagmulat siya ng mata, mula kasi kaninang pabalik kami ay hindi na siya nagmulat pa kaya naman napagmasdan ko pa siya ng ilang minuto bago ko siya tuluyang ginising. Bumaba na ako at pinagbuksan siya ng pintuan.

"What now?" Tanong niya sa isang lalaki na ngayon ko lang nakita simula ng naging PA niya ako na naabutan na namin mismo sa loob ng opisina niya.

"Eto ang dukomento para sa naturang Will ng lolo mo Mr.Alvarez. At nakapaloob na diyan ang lahat ng kasunduang gustong mangyari ng lolo mo. Ikaw na ang bahalang bumasa." Sagot naman nito at ibinigay sa kanya ang brown envelope na hawak nito na agad naman niyang kinuha.

Umupo naman ito sa swielchair at inilabas lahat ang laman ng envelope at sinimulan ng binasa.

Isa, dalawa o tatlong minuto mahigit ang lumipas at tahimik lang na binabasa niya ang mga iyon.Pero habang nakatingin ako dito ay unti unting nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.Ang kaninang magkasalubong na mga kilay nito ay mas lalong nagsalubong at nadagdagan ng kunot ng nuo at naging marahas na tumingin sa akin.

Bigla naman akong kinabahan. Bakit niya ako tinitignan ng ganung katalim na tingin.Hawak ang isang maliit na papel na tantya ko ay isa iyong larawan.Ipinaglipat ang tingin niya doon at sa akin.

"What the fucking hell is this?" Dumagundong na tanong niya at padabog na tumayo.Pabalibag na isinandal ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa niya. "And you! Who the hell are you at bakit nadamay ka sa Will ng lolo ko?" Galit na lumapit siya sa akin at pahampas na ibinigay sa akin ang hawak na larawan na ngayon ay nalaglag na sa lapag.

"S-sir Xavier. A-ano pong kasalanan ko?" Nahintakutan ako dahil sa talim ng tinging ipinukot niya sa akin. Naging marahas ang paglingon naman niya sa lalaking nagbigay sa kanya ng mga papel na iyon.

"This is nonsense. Sabihin mo sa lolo na hindi ako kailanman magpapakasal. At lalong hindi ako magpapakasal sa kanya." sabay duro sa akin.

Wait! Kasal? Anong nangyayari? Anong kasal ang tinutukoy niya? Ano ba kasi ang nabasa niya sa will ng lolo niya? At bakit ako nasali doon?

Ang daming katanungan sa isipan ko kaya naman pinagtuunan ko ang pansin ang larawang nalaglag na sa sahig at kinuha iyon. At ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng mapagsino ang nasa larawan.

Ako ito!

_