"Bye Kuya! Be careful sa pag-uwi, see you tommorow!" paalam ni Kianna, kapatid ko siya. We're working on our parents Law Firm, she's just an Intern. Hindi ko nga gusto itong trabahong pinasok ko kase wala naman akong interes sa mga krimen pero dahil ito ang industriya ng aming pamilya, dito din kami napasama ni Kianna. KYJ(pronounced as cage) Law Firm ang name ng company, why? Well yung pangalan ng bawat member ng family namin ang pinag-basehan.
Krisaldo R. Jaypenyo
Ylane P. Jaypenyo
Kianna Yureca P. Jaypenyo
Kiannon Yuri P. Jaypenyo
See? Ewan ko ba't nahilig yung parents ko sa mga kaso, ano bang mapapala dun?
Anyway, tumango lang ako kay Kianna at umuwi na. Kila mama pa din siya tumitira pero ako lumipat na sa Apartment malapit lang dito sa company. Mas mapapabilis kung dito kesa naman duon pa ako manggaling sa Sindoval City kung saan nandoon yung bahay nila mama. Katabi lang naman ito ng City namin which is Libanon City pero hassle pa din mag-travel lalo na't nandito kami sa Madarang kung saan napunta na ata lahat ng traffic galing EDSA.
Kapag dito galing sa apartment ko, walking distance na lang siya pero kakatamad kaya nagko-kotse ako,
Joke! Isang sakay pa ng jeep yung papuntang company galing sa Villadenta(apartment ko) kaya nagko-kotse na lang ako. Syempre naman, para saan pa yung kotseng bigay nila mama kung hindi ko gagamitin diba? 25 na ako't oo, may lisensya na ako kaya dapat lang talaga na gamitin ko yung kotse. Isa pa, hindi naman ako bibigyan nila mama ng kotse kung wala akong lisensya.
Habang nagmamaneho pauwi, napansin ko ang Black Mitsubishi na sumusunod sa akin. Wierd.. Lumiko muna ako papuntang Coffeteara---cafe siya, natatawa ako sa origin ng name nito haha, kupitera daw kase yung may-ari nito dati nuong bata pa siya kaya gan'on ang ipinangalan---sumusunod pa din sa akin ang Mitsubishi. Bumaba ako at pumasok sa cafe at napansin kong may bumaba din mula sa sasakyang sumusunod sa akin. "What's your order sir?" sabi ng waiter na sinabayan ng pag-tapik sa aking balikat, kanina pa niya pala ako tinatawag ngunit dahil pre-occupied ako about dun sa sumusunod sa akin, hindi ko na napansin. "1 Frappuccino na lang miss" saad ko, umalis na ang waiter kaya't luminga-linga ulit ako upang hanapin ang sumusunod sa akin ngunit hindi ko na ito mahanap. Pag-dating ng order ko ay lumabas na ako ng cafe, wala na din ang sumusunod sa akin.. Or baka nandiyan lang at hindi ko na napansin.
Umuwi na ako sa apartment ngunit laking gulat ko pag-pasok ng may bumungad sa aking isang malaking Teddy Bear na nakasabit sa kisame at puro dugo, may nakadikit ditong papel kaya't agad kong nilapitan. Nagitla ako sa aking nabasa..
"Be careful where you go.. Malay mo, ikaw na ang sunod sa manikang ito? They'll see your head hanging at your ceiling and your bloody body was on the ground."
It was the second time of me na makatanggap ng death threat at magkaroon ng stalker. Nuong una ay hindi ko ito pinansin kase baka it's someone who is just pulling a prank on me but now, creepy na talaga at baka may mangyari nga sa aking masama. Hindi na ito maganda kaya't kailangan ko na ng tulong.
Nanginginig man ay pumasok ako sa kwarto at nag bihis. Matapos iyon ay pumunta ako sa sala, binuksan ang TV at kinuha ang laptop. Parang ewan lang diba? Pero aba, ikaw ba naman bigyan ng death threats, mas gugustuhin mong medyo maingay ang bahay mo.
Nag research agad ako ng mga site kung saan mayroong Detective for hire at nakita ko naman ang website na MS yung pangalan. Kakaibang font.. Codename kaya ito? Pwede kasi siyang IVI S or kaya naman Miss lang talaga at pinapagana ko lang ang imagination ko pero hayaan na, Ivy na lang ang itatawag ko.
I started to type a chat on her and here it goes.
___
Me: Hi, Ivy right?
May ipapa-consult lang sana ako. Someone was stalking me kase and giving me some death threats which creeps the hell out of me! I'll email you the details. You're a detective for hire diba? I hope you can help me :).
Ivy: I can help you with that, here's my email MS*****@gmail.com.ph. But first,
HOW THE HELL DID YOU KNOW MY NAME?!
Me: Oh so my guess was right. I just deduced it haha!
Ivy: Hmm, I think I know what would be your payment for me.. Give me 5 days and you'll know who's your stalker ;-).
Me: Gan'on kabilis?! Kaya naman pala madami ang nakakaalam dito sa website mo e. What will be our bargain pala?
Ivy: Be my partner.
Me:W-what.. B-but..
Ivy: Don't think too much, I'm just asking you to be my partner in solving crimes.
Me: Oh.. I thought.. Btw, why me?
Hindi ako mahilig sa gan'yang stuffs.. May iba pa bang choice?
Ivy: There's no other choice, think about it.. You deduced my codename so you're brilliant in deducting, that's an important thing in being a detective.. You must have a codename too!
Me: I'm not yet agreeing on our bargain but.. Yeah, i had my own codename. You can call me Y- :).
Ivy: Such an intelligent boy.. I'm looking forward on working with you. Think about it very well, I'll wait for your respond!
___
I don't know if I will agree on that first.. But then, realization comes to me. I must agree, para sa kaligtasan na din.
Sana hindi ako magsisi.