Chereads / We're Connected / Chapter 3 - Our Start(KIANNON/Y-)

Chapter 3 - Our Start(KIANNON/Y-)

5 days passed.. Nakilala na ang stalker ko, sino? Edi si Fridor! Katrabaho ko pa naman siya! Anong dahilan niya? Insecured daw siya! Anak daw kase ako ng may-ari ng company kaya't mas mapapabilis akong maging CEO kesa sa kan'ya na dapat ay susunod na CEO dahil sa dedication at galing niya sa trabaho. Sakit niya sa ulo!

Nalaman iyon ni mama't papa kaya tinanggal siya agad sa trabaho. Ngayon, andito ako sa Sanmartino Store.. Liblib na lugar, walang masyadong bumibili at walang masyadong dumadaan. Ito ang napiling lugar ni Ivy, para daw hindi kami makakuha ng unwanted attentions. Dito ako pipirma ng Agreement para sa aming bargain. Just like some 7/11 stores that we know, itong Sanmartino Store ay meron ding mga chairs and tables. Nakaupo ako't umiinom ng milktea habang iniintay si Ivy nang biglang may pumasok na babae. She's wearing a fedora and big sunglasses, trench coat, and black boots with heels; a natural clothing of a detective.. Hanggang dito ba naman, yun ang suot niya?

Umupo siya sa aking harapan at tinanggal ang sunglasses.. In fairness, maganda naman siya haha.

"Here's the agreement paper, read it then sign" saad niya't inabot sa akin ang papeles. Nakatitig lang ako sa kaniya kaya't kailangan niya pang kumaway sa mukha ko upang bumalik ako sa huwisyo.

"A-ah o-oo, thankyou pala sa pag solve nung case ko" saad ko't ngumiti. Tumango lang siya kaya't sinimulan ko na ang pag-basa sa nilalaman ng agreement.

Pabor naman ako sa mga nakasaad kaya't pumirma na lamang ako sa dulo. Iniaabot ko ito sa kaniya, tinanggap niya ito't ngumiti.. Muntik na naman akong matulala ng matagal dahil doon. Her smile somehow got me mesmerized. It seems familiar.

"So eto ang rules ng trabaho natin" saad niya at may iniabot sa aking papel habang ini-elaborate ang mga nakasulat doon. Nakikinig lang ako sa kaniya hanggang matapos ang kaniyang paliwanag.

"We're starting tomorrow, see you" nakangiting saad niya't tumayo na tsaka lumabas. Naiwan akong nakaupo at iniinom pa din ang milktea habang napapaisip ng malalim.

Sana talaga hindi ako magsisi sa ginawa kong desisyon.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

___Kinabukasan___

Ito na ang araw na magsisimula kaming magkasama. Ngayon namin i-imbestigahan ang kaso na ibinigay sa kaniya ng aming kliyente kahapon bago siya pumunta sa aming meeting place.

___

Paolo Q. Paromo

23 y/o

Male

Nagtatrabaho sa Fritzilicious(resto)

Nakatira sa Visciville malapit sa Villadenta(apartment ko)

Pumunta sa apartment niya ang kaniyang pinsan dahil may kailangan daw itong itanong ngunit natagpuan nito siyang naghihingalo sa kaniyang kusina seven fifty ng umaga, mayroon itong laslas sa kanang kamay at leeg, katabi nito ang baso ng tubig at hawak ang kutsilyo sa kaliwang kamay.

Nakita ang kutsilyong hawak-hawak ng biktima ngunit ideneklara ng pulis na ito'y isang murder at ang culprit ay ang kaniyang pinsan lalo pa't ang nakitang suicide note ay nasa sahig ng kaniyang kuwartong naka-lock kung saan, nakita ang mga bakas ng kaniyang pinsan sa may pinto. Nakita rin ang fingerprint ng pinsan sa kutsilyo ngunit sabi ng pinsan ay gising pa daw si Paolo ng mga oras na iyon, humihingi ng tawad sa pagsu-suicide niya. Sa takot ay kinuha niya ang kutsilyo sa kamay ni Paolo at tatawag na sana ng tulong ngunit ito'y biglang hinablot ni Paolo sa kaniya tapos ay tuluyan nang nawalan ng hininga, hindi naniwala ang mga pulis. Todo tanggi ang kaniyang pinsan na si Janice na siyang nakakita sa kaniya na ito'y murder dahil buhay pa nga daw ito pag-dating niya, pumunta lang din daw siya sa kuwarto ng biktima upang i-check kung nandoon ito ngunit naka-lock nga ang pinto. Naniniwala si Janice na suicide lang ang naganap dito kaya't agad siyang nag-dive sa aming website at ini-recommend ang kaso. Tinatanong niya kung totoo bang muder ito dahil para sa kaniya'y suicide talaga lamang ito.

___

Iyan ang pagpapaliwanag sa akin ni Ivy.. Kung mamalasin nga naman, unang kaso ko pa namang i-imbestigahan tapos patay agad!

Andito kami ngayon ulit sa Sanmartino. Ibinigay niya sa akin ang papel ng mga detalye at sinabihan akong i-deduce kung sino ang nagsasabi ng tama, ang pulis ba o si Janice..

"Base sa mga ebidensya, aakalain mong murder nga ito ngunit kung totoo ang sinabi ni Janice na buhay siya nung kaniyang natagpuan at humihingi ng tawad, posible ngang suicide. Pero kung titignan, kung sa kusina siya magpapakamatay, bakit nasa kaniyang kuwarto ang suicide note? Hindi ba't mas ayos kung ilalagay yon sa lugar na agad makikita ng mga pulis o ng sino man? Tapos naka-lock pa ang kuwarto at nasa sahig pa ang suicide note" saad ko habang hinihimas ang bridge ng aking ilong.. Unang kaso pa lang, stressed na ako. Hindi ko alam kung tatagal ako dito kase hindi naman talaga ako mahilig sa mga kaso jusko, sa law firm nga namin tinatamad na ako, dito pa.

"Maaring may murderer talaga't isiningit niya sa pinto ng kuwarto ang note habang nandoon ang biktima, nang mabasa ito ng biktima ay natakot siya kaya't lumabas siya upang kumuha ng tubig tapos doon siya pinatay ng murderer. May sense naman diba?" dagdag ko pa at napakamot sa noo.

Tumango siya.. So tama nga? Yes! Galing mo Kian!

" You almost got it right.." saad niya

" Almost? So may mali?" tanong ko

" Yes, it was totally a suicide. Nakausap ko ang isa sa mga pulis na nag-imbestiga dito, tinanong ko kung ano ang maaaring estimated time ng pag-patay at ang sabi niya'y seven fifty-five daw sapagka't medyo malambot pa ang katawan nang kanila itong puntahan alas otso ng umaga at sariwa pa ang dugo. Tinanong ko si Janice kung expected ba ng biktima ang kaniyang pag-dating at ang sagot niya'y oo, alam daw nito na dadating siya ng seven fifty. Tinanong ko din kung mayroon ba silang naging away at sinabi niyang oo dahil daw sa mama ni Janice, nagalit daw kase kay Paolo ang mama ni janice dahil puro daw ito kalokohan kaya't pumunta si Janice doon upang humingi ng tawad at itanong na din kung makakapunta si Paolo sa dinner nila kagabi sana." mahabang litanya niya.

" Anong punto mo?" tanong ko

" Totoong intensyon ni Paolo na pag-mukhaing murder ito upang mag-higanti kay Janice at sa pamilya nito. Kung titingnan ang time stamp, sinadya niyang mag-laslas ng kaunting oras lamang bago dumating ang pinsan niya upang pag-dating nito ay buhay pa siya't makukuha pa ni Janice ang kutsilyo upang mapunta ang fingerprint ni Janice doon. Iniwan din niya ang suicide note sa kuwarto at ini-lock ang pinto dahil alam niyang doon siya unang hahanapin ni Janice. Namatay siya saktong seven fifty-five kung saan, nandoon na si Janice, nakuha na ang bakas at fingerprint niya. Nag-panggap si Paolo na nagso-sorry siya kay Janice sa ginawang suicide upang mataranta ang babae at kunin ang kutsilyo upang makuha ang fingerprint. Sigurado akong planado ito ni Paolo" saad niya.

"Kung gan'on, anong ebidensya ang maaari nating ibigay sa mga pulis upang mapatunayang inosente si Janice? I'm a lawyer kaya alam ko---at sigurado din akong alam mo---na kapag walang ebidensiya ay hindi masasabing totoo" ani ko at tumango naman siya.

"I know that, that's why I had this." saad niya't ipinakita sa akin ang kan'yang phone.

"Phone?" tanong ko.

"Oh sorry, nakapatay pala hehe" napapakamot sa ulo niyang saad. May pinindot siyang kung ano sa phone niya at ipinakita sa akin ang isang video.

Nagulantang ako sa napanood. Si Paolo?!

"P-pa'no ka nagkaroon niyan?" tanong ko

"Paolo is a drug dealer.. Member ng isang sindikato, may nakakita sa kaniya noon at ipina-consult din sa akin. Ang nag pa-consult ay.. Surprise--mama ni Janice. Kaya siya galit na galit kay Paolo dahil sa pagiging drug dealer nito at paminsan-minsang pag-gamit. Binigyan ko ang mama ni Janice ng camera na ipinalagay ko sa part ng bahay ni Paolo na hindi masyadong halata ngunit kita ang mga galaw niya. Connected ang camera sa phone ko kaya't nakita ko ang ginawa niya. Kanina, pinakuha ko ito doon sa pulis na pinagtanungan ko.. Mabuti na lamang at hindi ito napansin ng ibang mga pulis" paliwanag niya na ikinagulat ko.

" Sino ba iyang pulis na kinakausap mo lagi?" Tanong ko. "Curious eh? Are you jealous? Gosh Kian, we've only met few days ago, you already caught feelings?" natatawang saad niya. "The hell? I was just asking if that police is really worth our trust. Who knows, he would be our downfall? Don't get me wrong" I shyly responded. She just shrugged.

Bukas, ibibigay namin kay Janice ang video at hahayaan siyang i-surrender ito sa pulis.

.

.

Sana naman maging maayos ang unang kaso ko..