Chapter 2: The Bride
"A BRIDE is a woman with a fine prospect of happiness behind her"
***
Umugong ang malakas na palakpakan at nakangiting yumukod ang labing isang taong gulang na batang babaeng may hawak na violin at nakatayo sa sentro ng malaking stage. She was wearing a white long-back dress and her wavy hair was tied with a red ribbon making her look like a living doll.
The audience threw flowers and stuff toys on the stage which made the young girl with breathtaking blue eyes happier knowing that she was able to please them all. But as she looked on the two reserved chairs in front and saw it empty, the happiness she felt was replaced by sadness. Still, she tried to mask it away.
Pagdating niya sa backstage ay nilapitan siya ng MC at inabot ang isang bugkos ng puting rosas. "It was a wonderful performance Eiffel. I hope you'll be able to join again in the next recital" sabi nito. Nakangiting tinangap ni Eiffel ang bulaklak "Of course Ms. Mejia. Thank you for these" sagot niya at inamoy ang mababangong bulaklak.
She shook her head "Oh no, that is not from me. A fan of yours pleaded me to pass it to you. He was such a handsome young man"
Napakunot noo naman siya. A fan? "Lady Eiffel!" tawag ng kasama niya at nilapitan siya, may hawak hawak itong camera recorder "Grabe ang galing galing niyo po! Panigurado ay matutuwa sina Senyora at Senyor nito!" puri nito.
"Merci ate Ekay"
"Sige, mauna muna ako sa inyo Eiffel" paalam ng MC at nagpasalamat ulit siya.
"Wow! Ang ganda naman po niyang bulaklak Lady Eiffel! Bigay po ba iyan ng fans niyo?" tanong ni Ekay habang nilalagay sa case ang kanyang violin at inayos ang mga gamit niya.
"It seems so, let's go home now ate" aya niya at pasimpleng nilibot muli ang paningin sa mga upuan.
She blinked her eyes suddenly when she thought she saw someone familiar, namalik mata kaya siya?
Yup, for sure ay namalik mata lamang siya, why would that man be here?
"""
Agad na binati ni Eiffel ng ngiti ang kanyang yaya na kanina pa hinihintay ang kanyang pagdating. Nakatayo ito sa harap ng malaking mansyon nila.
"Yaya," ubod ng hinhin niyang tawag dito at nanatiling nakatayo lamang.
Kung ang ibang bata ay tatakbo papasok ng bahay at agad sasalpak sa harap ng tv, pwes ibahin niyo ang batang ito.
"Eiffel! Naku bata ka! Kanina pa ako nag-aalala sayo! Bakit naman kasing ayaw mo akong samahan ka sa Music Recital na iyon!" panenermon ng yaya Rosy niya. Nakangiting lumapit siya sa kanyang yaya at inabot ang bulaklak na natangap at naglakad sila papasok sa Mansyon.
"Naku Manang! Kung nakita niyo lang po kung gaano kagaling kanina si Lady Eiffel! Nakanganga nga lang po ako buong oras na tumutugtog siya eh! Ang galing na nga maganda pa!" pagmamalaki ni Ekay.
Matalim na tinitigan siya ng mayordoma "Oo na! Hala dun ka sa kusina at tulungan si Cora! Panigurado ay gutom na ang aking alaga!" pagpapataboy nito at nakangusong umalis naman ang dalagang kasambahay.
Eiffel chuckled "Yaya, malaki na po ako at ayaw ko pong mabagot pa kayo sa kahihintay sa akin" eksplika niya gamit ang nanlalambing niyang tono.
"E para't ano pang tinawag mo kong Yaya kung ayaw mo namang bantayan at alagaan kita? Baka tangalin na ako ng Mommy at Daddy mo sa trabaho ko"
"Of course that won't happen Yaya Rosy, you're my one and only best Yaya in the whole wide world, di po ako papayag" sagot niya at niyakap ang nagtatampong tagapagalaga.
Hinimas naman ng yaya Rosy niya ang mahabang kulot na buhok niya "Naku bata ka! Kung makapagsalita at kumilos para kang matanda. Ilang beses ko bang sasabihin na ayos lang namang enjoyin mo ang pagkabata mo, wag mong mamadaliin ang oras mo" litanya ng Yaya niya.
Maunawaing ngiti ang isinukli niya. "Opo, I love you Yaya"
"Yan ka nanaman sa panlalambing mo sa akin e" at napangiti na ito.
Ang ibang batang kasing tanda niya ay lumaking spoiled brats, pag hindi naibigay ang gusto ay magtatantrums o magagalit na. Ang iba naman ay walang galang sa mga magulang at mga Yaya. Pero pagdating sa pamilya ng mga Sinclaire, daig pa sa isang prinsesa ang turing nila sa nagiisang tagapagmana nila. Yan ay walang iba kung hindi si Eiffel Earl Sinclaire.
Sinasabing isa siyang biyaya ng magasawang Sinclaire mula sa Diyos. Mabait at matalino, idagdag pa ang kagandahang namana niya mula sa kanyang mga magulang. Bata pa lang ay mapapansin na ang kanyang aristokratang dugo ang kanyang paraan ng pagkilos at pagiisip ay tila isang ganap nang dalaga.
Eiffel's POV
Pagkatapos kong lambingin si Yaya ay tumungo ako sa kwarto ng Papa ko.
"Welcome home My Lady"
"Lady Eiffel, gusto niyo po ba ng maiinom?"
"O baka naman po ay nagugutom kayo?" nakangiting tanong sa akin ng mga maid na nadadaanan ko.
Ngumiti ako pabalik "Ok lang po ako" magalang na sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Kita mo yang si Lady Eiffel,maganda na nga napakabait pa talaga!"
"Oo nga, naiingit nga yung iba kong kaibigang yaya kasi ang swerte raw natin sa kanya di tulad ng mga alaga nila!"
"Tama! Tignan mo nga, British accent pa kung mag ingles dahil Briton ang ama"
"At napakatalinong bata pa. Kung ang ibang bata e tamad mag-aral, ganun naman kasipag magbasa itong batang ito kaya naman consistent honor."
Bahagyang narinig ko ang bulungan nila at napangiti nanaman ako.
Ingat na ingat sa akin ang mga magulang ko at lahat ng mga tao sa paligid ko. Medyo natagalan kasing magbunga ang pagmamahalan ng aking magulang. Hindi nga raw inexpect na dadating pa ako sa buhay nila dahil matagal na silang nawalaan ng pagasa. Kaya naman noong nalaman nilang buntis si mama ay tuwang tuwa ang lahat. Sawakas ay nabiyayaan na raw ng isang tagapagmana ang mga Sinclaire. Di man ako lalaki ay sapat na raw na maging healthy ako. Ako raw ang swerte nila pero para sa akin ay ako ang swerte sa kanila dahil sila ang magulang ko.
Pagdating ko sa kwarto ng Papa ko ay nakita kong naghihintay sa labas ang secretary nito.
Lumapit ako sa kanya at ngumiti. "How are you Mr. Cruz?"
"Ah, anyone would be great seeing a beautiful girl like you My Lady" he responded with a smile.
Tinakpan ko ng panyo ang bibig ko at bahagyang natawa "I'm glad to hear that" pero pagkatapos ay napalitan ng pagaalala ang tingin ko sa kanya.
"How's my father?" tanong ko.
Malungkot na pinagmasdan muna niya ako na tila kinakalkula kung ano ang dapat na isagot.
"Sir Raven is fine my lady, kailangan lang niya ng pahinga" sagot niya.
Tumango ako "Thank you, I hope Papa gets better soon. I'll go inside and check if he needs something" paalam ko at pumasok na sa kwarto.
Kasalukuyang nakaupo si Papa sa kama at si Mama naman ay nakaupo sa upuan katabi ng kama.
"Papa, Mama, andito na po ako" pagbati ko.
"Ah, my princess is already back! Would you be kind enough to give your old father a warm hug?" nakangiting request ni Papa.
"Of course Papa, it would be my pleasure" nakangiting tumakbo ako sa kanya at niyakap. Hinalikan naman niya ang noo ko at umupo ako sa gilid ng kama saka hinawakan ang kamay niya. I did my best not to show my sadness as I look at my sick old father.
"How was your Recital anak? Did you enjoyed playing with your violin?" tanong ni Mama.
Tumango ako "It was a fun experience Mama" I answered and returned my attention to my father "How are you feeling Papa?" pagpapatuloy ko.
"Good but I would be better now if you call me Daddy princess" sagot niya at mas lumawak ang ngiti ko.
"Opo Daddy" medyo naawkwardan akong gamitin kasi ang term na iyon pangtawag sa papa ko, it sounds a little bit childish to my ears but he kept on insisting me to call him like that for I am still a child.
"Pasensya na at hindi kami nakadalo sa recital mo princess" paumanhin ni Papa at umiling ako.
"It's ok Daddy, meron pa namang next time at mas gagalingan ko pa po para maging proud kayo sa akin"
Hinaplos ni Papa ang mukha ko "We are already proud of you Eiffel, you're beautiful, kind, intelligent, obedient and perfect. Always remember that we love you"
I nodded and hugged him. "Did you know Daddy? I got full marks on my exams today. Ms. Fernandez told me that I might be the valedictorian this year!" kwento ko.
Sa isang public school lamang ko pinili magaral para masubukan ko ang simpleng buhay bilang isang elementary student dahil simula anim na taong gulang ako ay puro private tutors ang meron ako.
"Eiffel, how many times do we have to tell you that you should at least enjoy your childhood? Hindi yung puro aral ang inaatupag mo, alam mo namang hindi mahalaga sa amin ng Daddy mo kung mababa man ang grades mo, sapat na sa amin na nakikita kang masaya, yung nakikihalubilo ka sa mga kapwa mo bata. Isn't that what you wished for that's why we came back here? For you to live a simple life for the time being?" nakakunot ang noong sermon ng Mama ko, though, there's nothing new with it.
I smiled sheepishly, ang totoo ay wala kasi akong mga kaibigan, nahihiyang lumapit sa aking ang mga kaklase ko kasi nga raw napakamature ko raw magisip kaya mas gusto ko na lang magbasa ng mga libro.
"Is that so my princess? You make me so proud. I guess I'll do my best to get better. I want to be there in your ceremony and see how my beautiful daughter give her speech." Kitang-kita ang kasiyahan na mababakas sa mukha ni papa.
"Eiffel Earl Dela Fuente Sinclaire, you're changing the topic again." Paalala ni Mama.
Napayuko ako at apologetically smiled "I understand Mommy"
Tumango si mama "Eiffel, gusto mo bang samahan ka ni Yaya Rosy mong magshopping ng mga bago mong damit bukas? Hindi ka na kasi madala sa mall ng Daddy at Mommy mo" tanong niya.
"No mommy, I don't need new clothes dito nalang po ako sa tabi ni Daddy at saka marami pa po akong mga damit" sagot ko.
Hinimas ni papa ang mahaba kong buhok "Princess forgive Daddy kasi hindi ka na niya maasikaso" malungkot na saad niya.
"It's alright Daddy, enough na po na andito kayo sa tabi ko" nakangting sagot ko.
"Napakaswerte namin talaga ng Mommy mo na dumating ka sa amin anak" dagdag ni Papa.
Hindi lingid sa kaalaman ko na nanghihina na si Papa dahil sa isang karamdaman. Simula nalaman ko na may sakit ang Papa ay iniwasan ko ang pagiging isip bata at nagsimulang maging maunawaiin para sa kanila. Ayokong dagdagan pa ang problema nila pero labis ang aking pagtataka kung bakit tila mas nabothered sila ng naging ganito ako.
"Sige Eiffel, magpahinga ka na sa kuwarto mo" sabi ni mama kaya lumapit ako at hinalikan sila sa pisngi.
"Sige po good night Daddy, Mommy"
Pumasok ako sa kwarto ko at umupo sa kama ko. Hinayaan ko lamang dumaloy ang mga luha mula sa aking mga asul na mata. Akala ko makakapunta talaga sila sa Recital ko kaya 8 hours a day ako nagprapractice sa pagtugtog ng violin. Kahit na gusto kong magtampo ay hindi pwede, kahit na gusto kong maging clingy ay hindi pwede.
Nakakapagod din palang maging perpekto.
Si Mama ay galing sa pamilya ng mga Dela Fuente and she is known as a successful business woman for running the biggest chains of Hotels and Restaurants here in the Philippines and some part of Australia. Si Papa naman ang kasalukuyang Konde ng aming pamilya sa Britanya.
I am the daughter of these two big figures in the society so everyone expects great things in me.
I am a girl and yet not a girl.
Hindi ko maaaring ipakita ang mahinang bahagi ng pagkatao ko. Galing ako sa isang maharlikang angkan, I live to please everyone. I need to act perfect and be perfect so that I won't trouble everyone around me.
I opt to give happiness to all and yet fails to be happy.
I can only be me whenever I am alone.
Napatingin ako sa side table ko at nakita ang mga puting rosas na nakalagay na sa isang crsytal vase. How I wish hindi lamang isang malik mata iyong kanina. How I wish it was really him.
Binuksan ko ang drawer ko at kinuha ang Isang sketch ng isang batang lalaking naging sandalan ko sa mga panahong ganito.
He was my Friend, my Brother, and my Prince...