Chereads / Marry Me Kuya! / Chapter 5 - Chapter 5: The Painful Truth

Chapter 5 - Chapter 5: The Painful Truth

"Honesty will always get you farther in life than lies ever could. A lie may open many doors but they will only be slammed in your face when the truth comes out"

***

Eiffel's PoV

"Eiffel!" Tawag sa akin ni Tita Sophie nang bumaba ako mula sa hagdan. Nakangiting lumapit ako at niyakap siya.

"Merry Christmas Tita, Tito" bati ko sa kanila.

"Merry Christmas too our dearest adorable princess" comment ni Tito Gene at napangiti na lang ako.

"Siyempre, sa akin yan pinaglihi ni Pauline eh! We bought you souvenirs from Paris dear" sabi ni Tita at binigay ang limang paper bags sa akin.

"Merci Beaucoup Tita" nakangiwing pasalamat ko, lumapit sa akin si Ate Ekay at kinuha ang mga iyon para dalhin sa kuwarto ko.

"Buti po at nakarating kayo," saad ko at napatingin sa bintana. Today is Christmas pero napakalakas ng ulan simula kagabi pa kaya akala ko ay hindi na sila matutuloy.

"Oo nga e, ang lakas kasi ng ulan sa labas" Tito Gene agreed.

Tita Sophie sadly looked at me and patted my head "Your Kuya Clyde wasn't able to come with us" pahayag niya and I shook my head.

"No, it's ok Tita, kuya Clyde is a college student now and for sure he will be spending the holiday with his group of friends" maunawaing saad ko, pilit na tinatago ang kalungkutan.

"Mama and Papa are inside their room and waiting for you, let's go?" aya ko at tumango naman sila.

"You just turned eleven last month right Eiffel?" tanong ni Tito Gene habang naglalakad kami.

"Yes Tito, but sadly hindi pa po ako tumatangkad" kwento ko at natawa sila.

"Wag kang magmamadali Eiffel, enjoyin mo ang kabataan mo"

"Everyone says that Tita, pero nakakapagod nang laging pagkamalang nine years old e" Hindi ko alam kung bakit but my height is not really appropriate for my age, nawawalan na nga ako ng pagasang tumangkad pa eh.

"That's ok, you act like thirty naman" biro ni Tita na nakapagpatawa sa akin.

Pagdating namin sa tapat ng kuwarto ay kumatok ako.

"Mama, Papa, andito na po sila Tita at Tito"

"Let them in anak" bilin ni Mama at binuksan ko ang pintuan.

Pumasok sila at binati sila Mama at Papa.

"Aalis muna po ako, I'll go get some refreshments" paalam ko. Papa smiled at me "Just let Manang Rosy do that Princess"

"Yes Papa" sagot ko at bahagyang yumukod saka umalis na ako para makapagusap sila.

Pagdating ko sa kusina ay umupo ako sa isang stool sa counter.

"Oh, Lady Eiffel. Bakit po kayo naririto?" tanong ni ate Ekay habang may dala dalang bowl.

"Hindi kasi pwedeng makinig sa usapan ng matatanda at tapos ko narin ang mga assignments ko. I'm bored" nakangusong sagot ko. All our servants are busy preparing for our Christmas Party for later. Every year, we spend this holiday with them for they are already a family to us.

"Hmmm, naku problema to, nabobored ang aming prinsesa" singit ni Manong Roberto habang umiinom ng tubig.

"Bumalik ka na nga sa pagbabantay ng gate Berto! Napakachismoso mo talaga!" sita ni Aleng Cora, isa sa mga kusenera namin.

"Napakasungit mo talaga kaya wala kang lovelife!"sigaw niya pabalik at tumingin sa akin "Wag kang gagaya diyan Lady Eifffel, palibhasa pinaglihing bitter" nangiinis na dagdag niya at natawa naman ako.

Binato ni Aleng Cora ng plastic na baso si Mang Robert at tumatawang tumakbo ito paalis.

"Wag nga kayong magligawan sa harap ng alaga ko at baka masuka ng wala sa oras to" sita ni Yaya Rossy ko.

"Naku Manang! Ako papatol sa lalaking yun? NEBER!" deny niya.

Napapailing na lumapit sa akin si yaya "Ganito nalang, gusto mo bang tulongan kami sa pagawa ng meryenda eneng?" tanong niya sa akin.

Agad akong tumango "Better than nothing!" sagot ko. Tumayo ako at binigyan ako ni ate Ekay ng apron. Pagkatapos naming maghanda ay kinuha ko ang tray na may laman na mga tasa.

"Lady Eiffel! Kami na po ni Manang ang bahala diyan" sabi ni ate Ekay pero umiling ako

"Dadalhin ko lang naman ito ate, isunod niyo nalang ni yaya ang iba" saad ko at umalis na para wala na tong magawa.

Ubod ng ingat akong na naglakad para hindi mahulog ang dala kong tray at pagdating ko sa harap ng pintuan ay kakatok na sana ako ng bigla kong narinig ang usapan nila.

"Wala na bang ibang magagawa Raven?" narinig kong tanong ni Tito Gene.

"Wala na talaga Gene. It's just a matter of time sabi ng Doktor"

"Paano na si Eiffel? She's too young to lose you!" bulalas ni Tita Sophie.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Anong pinaguusapan nila..?

P-papa is dying?

Naghalo ang lahat ng emosyon sa akin. May taning na ang buhay ni Papa...

"That is why before I die, I want to see her getting married"

"W-What? Raven! Eiffel is only eleven" Tita Sophie exclaimed.

"I know, but... Soon I'll be going. And before I do, I at least want to see my daughter with the man who will replace me on protecting and loving her. She's my one and only daughter. At ang makita siyang ikasal ay ituturing kong pinakamasayang huling sandali ng buhay ko." Umiiyak na sabi ni Papa.

" It's really painful to accept it but I'm dying. At hindi ko na makikita pa ang anak ko sa hinaharap."

Nagsimulang tumulo ang mga luha ko at nanginginig ang mga kamay na nabitawan ko ang tray na dala dala ko. Naglikha ito ng ingay at gulat na binuksan ni Tito Gene ang pintuan.

My trembling hands was on my mouth while tears are streaming down from my eyes.

"E-Eiffel" gulat na tawag sa akin ni Mama.

I took a step backward. I'm so hurt to know that they're hiding the truth from me.

"P-Princess" saad ni Papa. I looked at his blue eyes full of guilt.

I shook my head and ran. I couldn't accept the fact that they were hiding everything from me.

"Lady Eiffel ano pong problema?" tanong sa akin ni ate Ekay nang madaanan ko sila papaakyat ng hagdan.

Hindi ko sila pinansin at nilagpasan lamang sila. Binuksan ko ang pintuan at lumabas ng bahay. Agad akong sinalubong at nabasa ng malakas na ulan pero wala akong hindi ko ito binigyang pansin.

Pagdating ko sa gate ay mabilis akong lumabas at gulat na tinawag ako ni Manong Berto "Ma'am Eiffel!"

I ran and ran without any destination. Walang pakialam kung nababasa man ako ng ulan. Ang sakit tangapin ang katotohanang mawawala na ang Papa ko.

Dear God, why does it have to be him?

Did I become a bad girl to suffer this?

Paano na kami ni Mama?

I don't want to lose him!

Ang daming tumatakbo sa isipan ko hangang sa napagod na ako sa pagtakbo at naglakad na lamang na sa tingin ko ay umabot na ng ilang oras. I know they are already worried because I'm already gone for hours without destination. Sa kakalakad ko ay di ko namalayang napadpad na pala ako sa park kung saan dati kami naglalaro ni Kuya Clyde, dito ako pumupunta pag may problema ako. Habang naglalakad ay tuloy tuloy sa pag agos ang mga luha ko.

"That is why before I die, I want to see her getting married"

Bigla kong naalala ang mga sinabi ni Papa kanina. Ayokong mawala ang Papa ko na hindi ko nagawa ang huling kahilingan niya.

Handa akong magpakasal kahit kanino para sa kanya kasi ayokong malungkot si Papa.

Di ko namalayan na may tao pala sa harap ko kaya nadumbo ko ito.

Napatumba sa sahig pero hindi ko ito ininda.

"Bat hindi ka tumitingin sa daanan mo? Sa susunod magingat ka" sermon nung nakabungan ko kaya unti unting napatingala ako at nagulat.

"E-Eiffel?" di makapaniwlang tawag niya sa akin. Like me, he is also drenched in rain.

"K-Kuya Clyde" tawag ko sa pangalan niya. Ngayon ko lang ulit siya nakita. Pero wala akong pake kung ano man ang isipin niya.

Tumayo ako agad at hinawakan ng mahigpit ang laylayan ng damit niya.

Dahil napakatangkad niya ay nakatingala ako sa kanya, I looked at him with my tears stained face.

"A-Anong. Bat ka umiiyak?" nagtatakang tanong niya habang nakayuko sa akin.

"MARRY ME KUYA!"

Sigaw ko at napatanga lang siya at hindi makapaniwala sa mga narinig niya.

"W-What are you talking about Eiffel?!" he exclaimed.

Mas humigpit ang hawak ko sa damit niya.

"Please..." I begged while whimpering.

"Before *sob* it's too late *sob*..."

"Marry me please" ulit ko at lumuhod sa harap niya out of desperation.

Tuloy tuloy ang agos ng mga luha ko at nagsimulang nahirapan sa paghinga.

Nagulat siya sa ginawa ko at umuklo rin sa harap ko saka hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Stop this Eiffel! Tumayo ka! Hindi dapat lumuluhod ang isang Sinclaire kahit kanino!" sigaw niya at napamaang lamang ako sa kanya.

"A Sinclaire?" I repeated full of sarcasm.

"What can a Sinclaire do in this situation?! Can that surname fix this problem?! Why do I have to be a Sinclaire?! It gave me nothing but pain! Because of it I had to leave you for years!" I shouted as I broke down slowly.

"Eiffel.." Kuya Clyde looked at me speechlessly.

"Yes, I was given prestige, power and wealth but I lost the one who was always been there supporting me. I lost my Kuya Clyde... I lost you and now I'm going to lose another man in my life!"

"Can being a Sinclaire cure my father?!"

"I don't wanna be a Sinclaire anymore!"

"Eiffel stand up-"

"WALA AKONG PAKE! Marry me! I'm begging you! Kuya! Ikaw lang!" I screamed my lungs out. I looked like I was mental with all these shouting and cryings.

"S-Si D-daddy..."

Hirap na sabi ko habang sumisikip ang dibdib ko.

"A-Ang Daddy ko..." I muttered again while clenching my chest.

I can't breath!

"E-Eiffel!" nagaalalang tawag sa akin ni Kuya.

"D-D-Daddy..."

Nagsimulang dumilim ang paningin ko hangang binalot na ng dilim ang paligid ko.