Chereads / Marry Me Kuya! / Chapter 11 - Chapter 11: The Wedding Gift 

Chapter 11 - Chapter 11: The Wedding Gift 

"Wedding ring goes on the left finger, because that's the only finger that has a vein that goes directly to the Heart"

***

Eiffel's POV

I was quietly walking at the path walk in our school. Nagkaroon ng meeting between the faculty kaya napaaga ang uwian namin.

Halos lahat ng mga estudyante tulad ko ay sinusundo na ng mga magulang ang iba naman ay kusa nang umuuwi kasama ang mga kaibigan nila at ako naman ay magaantay sa driver na susundo sa akin.

Nakuha ang atensyon ko ng mga bulungan sa paligid.

"Sino kaya yun? May kapatid rin kaya siya dito?" a teenaged girl asked and can't help but squeal out of delight.

"Lapitan natin best friend!" sabi naman ng kasama niya.

Nilibot ko ang mga mata ko. Pati mga bata at mga magulang ay nakatingin sa gate ng school. Nagtatakang sinundan ko ang mga tingin nila sa gate at napatigil ako sa paglalakad

A very familiar guy was leaning against the gate of the school.

He wore a leather jacket and had headphones on his head. He had his eyes closed as he listens to the music, not minding the stares of others. The guy looked like a model standing there quietly with his intimidating aura.

He opened his eyes and pitch-black orbs met my cerulean eyes. Agad kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

He walked towards me while other people kept on looking at him like he was hypnotizing them. He stopped in front of me and just stared at me.

Should I greet him? But why is he even here in the first place? Am I already being rude to him now?

We just kept on staring at each other.

"Tapos na ba ang klase niyo?" sawakas ay naputol din ang staring contest naming sa katanungan niya.

Tumango lamang ako na parang nawalan ako ng boses.

"Psh. Ngayon lang ba sila nakakita ng tao?" naiinis na tanong niya referring to the people staring at us.

"What are you doing here Kuya Clyde?" mahinang tanong ko, sawakas ay nakapagsalita narin ako.

Kinamot niya ang ulo niya "Para sunduin ka, nakapagpaalam na ako kay Tita at Tito" he answered. Ha? Sunduin?

"Halika na" sabi nalang niya at kinuha ang kamay ko.

Bakit niya ako susunduin? Hindi na ako nagtanong habang naglalakad palabas ng school gate.

Paglabas namin ay nagtatakang tiningnan ko siya. Wala akong nakikitang kotse na nakaparada. Plano ba niyang maglakad kami?

Tiningnan niya ako at napabuntong hininga sabay turo sa isang motorsiklo na nakaparada malapit sa puno.

Nanlaki ang mga mata ko. Diyan kami sasakay?! Bigla niya akong kinaladkad papunta sa motorsiklo.

"I-Is this yours?" naiilang na tanong ko. "Yup" Sagot niya.

Ang taas at ang laki noong motor. Natatakot ako. Baka mahulog ako rito! Sanay akong sumakay sa mga kabayo lalo na at niregaluhan ako ni Daddy ng sarili kong kabayo sa Britanya pero iba ang kaso nito ngayon, I don't feel safe riding this monstrous piece of metal!

"It's a big bike. Ducati Veron to be exact, my baby" dagdag niya at bigla akong binuhat at isinakay. Out of poise I freaked out and squealed.

Nabigla si kuya at bahagyang natawa.

Umupo na siya sa harap ko at kinuha ang dalawa kong kamay saka nialagay sa bewang niya. Bigla akong nanigas, kahit saang angulo mo tingnan nakayakap ako sa kanya!

"Don't worry, hindi ka mahuhulog just hold onto me tightly"

Buti nalang at nakatalikod siya as akin. Hindi niya makikita ang pamumula ko.

"Ok let's go!" sigaw niya at pinatakbo ang motor. Napahigpit ako ng yakap sa kanya at nanatili akong nakapikit dahil sa takot.

"Don't be scared" narinig kong sabi niya.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nagulat sa nakita ko!

Ang daming dilaw na dahon na lumilipad sa ere!

"Daan to sa likod ng school niyo. Shortcut."

Oo nga pala. Ito ang mini forest sa likod ng school! Madami ang nakatanim na puno dito kaya halos walang nagpupunta rito kasi natatakot sila. First time ko rin dito.

Most ng mga puno ay mahogany at naglalagas ang mga dahon. Parang autumn season sa Britain! Such a breath-taking sight.

"Ang ganda diba?" tanong ni Kuya Clyde at nakangiting tumango ako at humilig sa likod niya habang pinagmamasdan ang mga nahuhulog na dahoon sa ere.

Ang bilis ng tibok ng puso ko...

Sana di niya marinig sa sobrang lakas.

Pagktapos ng ilang minutong byahe naming ay tumigil kami sa harap ng isang mall.

Ibinanaba niya ako at hinawakan ang kamay ko papasok sa loob. Kahit nagtataka ay di ako nagtanong. Dinala niya ako sa loob ng isang shop at nagulat ako.

It's a shop of high-class accessories.

Lumapit sa amin ang isang babae.

Lumapad ang ngiti niya nong napatingin siya kay Kuya Clyde. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng kaunting iritasyon pero pilit kong hindi ito pinahalata.

"Good afternoon Sir, how can I help you?" maarteng tanong nito na parang di ako nakita.

"We're looking for rings" walang ganang na sagot ni Kuya Clyde.

Dahan dahan nitong nilayo ang mata nito mula kay Kuya Clyde at tiningnan ako "Ang ganda naman po ng kapatid niyo Sir" puri nito sa akin. Di siya pinansin ni Kuya Clyde at dumiretso sa mga singsing na nakadisplay.

Para saan kaya ang hinahanap niya?

Lumapit ulit yung makulit na babae.

"Para kanino po ba ang Sir? Para ba sa girlfriend niyo?" usisa nito.

"Naku Sir! Ang swerte naman ng girlfriend niyo"

Hinihintay kong pansinin siya ni Kuya pero wala pa rin.

"Pero Sir, di po yan mga couple rings. Mga wedding rings po yan. Doon po sa kabila yung mga couple rings. Ay! Sakto mayron po kaming mga latest designs!" pagibigay alam ng sales lady.

Lihim akong napangiti nang hindi parin siya pinapansin ni Kuya Clyde.

Tiningnan ako ni Kuya Clyde at basta basta nalang akong binitbit. Nagulat pa ako kaya napayakap ako sa leeg niya. Alah! Baka namumula nanaman ako. Walang kahirap hirap na bitbit ako gamit ang kanang braso niya at nagtatakang tinignan ko siya.

"Do you like anything here?" tanong niya tungkol sa mga nakadisplay na mga singsing.

Tiningnan ko ang mga ito, and dami at magaganda pero walang nakaagaw ng atensyon ko kaya umiling lang ako.

Saka lang niya sinulyapan ang babaeng kanina pa siya kinukulit "Do you have anything better than these?" tanong niya.

"A-Ah yes Sir" tarantang sagot nito at agad lumapit sa lalaking nakaupo sa counter which I assume is the manager of this store.

Bumulong ito dito at lumapit ung lalaki sa amin. "Good afternoon Sir, how can we help you?" nakangiting tanong niya ulit.

"As I have said a earlier, we are looking for better rings, just tell us if you don't have so that we can go to other shops" walang ganang sagot ni Kuya. The guy looked at us from head to toes, siguro nagtataka kung seryoso ba kami o nagjojoke lang. Sabagay sino ba naman ang papasok sa ganito kamahal na store sa ganitong mga edad.

"This way sir" sabi nung lalaki at dinala kami sa loob ng VIP area na naglalaman ng mga mas magagandang alahas.

Tahimik kong nilibot ang mga paningin ko sa loob ng kuwarto at tinignan ang mga nakadisplay na alahas nang lumapit si Kuya sa isang lamesa kung saan may mga nakahilerang singsing.

Naglabas ng isang set ng mga singsing ang manager at masasabi kong mas high quality ang mga ito kumpara sa iba naming tinignan.

"These pieces are made by famous Jewelry Designers. They're pure golds, white golds, and silvers" pagbibigay alam nito.

Kuya Clyde narrowed his eyes scanning the rings. Napansin nung lalaki na hindi parin type ni Kuya yung mga singsing kaya naglabas ulit siya ng isa pang set.

"Ok, these designs are specially created by the three famous jewelry designers, one of our highest qualities of rings. You can select from different gem stones, opal, ruby, sapphire, carnelian, beryl, aquamarine and moonstone"

Isa isa kong tiningnan ang mga ito. Magaganda pero napadako ang mga mata ko dun sa isang nakaseparrate na black box na may nakalagay na dalawang singsing na nasa pinakadulo.

Napakasimple lamang ng desinyo ng pares ng singsing na ito kumpara sa iba. Sa gitna ng singsing ay may asul na linyang kumokonekta sa maliit na batong kulay asul na parisukat.

Napansin ata ni Kuya Clyde kung nasaan ang atensyon ko at tinuro yung mga singsing na tinitingnan ko.

Sinuot nung lalaki ang isang black gloves at kinuha ang singsing saka binigay kay kuya Clyde.

"The stone in the middle of the ring is a blue diamond. One of the rarest one, it was located in Northwest Australia. The place has produced more that 780 million carats through 2010, the mine where it came from is the world's largest producer of pink diamonds that is why this diamond was the rarest of them all. It was also designed by the famous Jewelry Designer in Europe" the manager elaborated.

"Do you like this?" tanong niya at tumango lang ako "Yes, it's very pretty. But what is it for?" hindi ko na napigilang itanong.

"We're getting married. Of course, we need rings." Sagot niya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa mga narinig ko!

Di makapaniwalang tiningnan lang kami nung lalaki at nakakanganga lang yung makulit na sales lady. Baka iniisip nila na nagjojoke lang si Kuya Clyde

"There's no wedding without wedding rings Eiffel" he sarcastically added, hindi ko nalang pinuna ang pangaasar niya dahil masyado akong na overwhelm a sinabi niya.

Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at isinuot ang singsing sa palasingsingang daliri ko.

"Well, it still doesn't fit yet. But its ok, I guess lalaki ka pa naman" puna niya at mapaglarong tinapik ang ulo ko.

I couldn't help but to blush with his action. Napakasaya ko dahil kahit pilit lang ay nageeffort parin talaga siya para sa kasal namin.

Ibinababa na ako ni Kuya Clyde at inilabas ang wallet niya.

"Are you sure you're ok with this?" naniniguradong taong niya.

Sunod sunod akong tumango "I want it!" out of character na sigaw ko, parang batang nagpapabili lamang ng laruan.

Nakakahiya!

Kuya just simply smiled at my reaction.

I handed him the ring again so that he can pay for it.

Ibinalik niya doon sa manager yung singsing "We'll take it" sabi ni Kuya saka inabot ang black credit card niya. Nakakunot na tinangap nung manager ang binigay ni Kuya, nawala ang pagkakunot ng noo nito nang matapos icheck ang card at napangiti ng malawak "Please wait for a minute sir" sabi niya at agad na inayos ang singsing. After signing some papers ay nakabalot na naming natangap ang singsing.

Pagkabigay nong lalaki ay aalis na kami nang lumingon si Kuya Clyde doon sa Manager "Next time, hire someone who's not nosy as she is" sabi niya sabay tinuro yung makulit na sales lady.

Kitang kita kahit ang pagkahiya nong babae at dumiretsyo na kami palabas ng shop.

Naglakad pa kami at hinatak nanaman niya ako sa loob ng McDonalds. "I'm hungry" sabi lang niya at pinaupo ako sa upuan saka umalis siya para magorder.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng fastfood, may mga kumakaing mga pamilya at ang daming mga batang masaya habang ngumunguya. I've never been into thse kind of places, madalas kasi ay sa mga French Restaurants kami kumakain nila Papa at Mama o kaya sa ibang First Class Restaurants.

Pagbalik niya ay dala dala na niya ung mga inorder niya at umupo sa tapat ko.

Kinuha niya yung burger saka tinangal yung balot at kumagat. Habang ako ay nakatingin lang sa kanya.

"It's your first time here I assume" he stated at tumango lang ako, kumuha siya ng fries saka sinawsaw sa sundae at inilapit sa akin "There's no poison on it, try it" sabi niya.

Nahihiya man ay ibinuka ko ang bibig ko at isinubo niya sa akin yung fries.

Tahimik na nginuya ko ito habang hinihintay ang reaksyon ko. Nang maaubos ko ang sinubo niya ay ako na mismo ang kumuha ng isa pang piraso at sinawsaw sasunday at kinain.

Napangiti naman siya. "Uso rin magreact sa lasa" sabi niya at binuksan pa yung isa pang burger at inabot sa akin. Kinuha ko ito at tinikman.

"BAKIT ANG SARAP?!" sigaw ko sa isip ko.

Syempre kahit ganito ang mga kinakain ko ay dapat may manners at etiquette pa rin ako. Ngumunguya ako ng bigla niyang pinunasan ng tissue paper ang gilid ng labi ko.

"May ketchup ka" pigil tawang puna niya sa akin at tinuloy ang pagkain niya. Namula ang mukha ko sa ginawa niya at uminom nalang ako ng float.

Pagkatapos namin kumain ay umalis na kami ng mall.

Akala ko ay ihahatid na niya ako pauwi pero tumigil kami sa Manila Bay at bumaba sa motor niya. Umakyat ako sa maliit na dike na gawa sa semento at napatingin sa papalubog na araw sa karagatan. Such beautiful sunset. The sky was tainted with reddish orange color which is reflected by the sea.

Konti lang ang mga tao, mostly ay couples na nanunood din ng sunset

Malayang nililipad ang mahaba kong buhok but I didn't mind it, naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Kuya Clyde and I know he was also looking at the beautiful sight.

"Tomorrow..." I started to walk slowly towards the path, maybe because I can't look at him in the eyes. "Is our wedding day..." I continued.

"Forgive me for being so selfish..." guilty na dagdag ko.

"Are you hesitating?" he questioned. Napako ako sa kinatatayuan ko.

Me? Hesitating to marry him? I...

"No... If ever that I would be marrying another man, I guess I would be... But"

I looked back at him, saktong humangin ng malakas at nilipad ang mahaba kong buhok.

"I am marrying you," I answered with a sincere smile. He looked at me like he was dazzled by the sun. Bahagya siyang umubo at binalik sa araw ang tingin.

Siguro dapat ay maiinis ako dahil binalewala niya ang sinabo ko, but looking at him now, seeing how he struggles to hide his blushing face is such an adorable sight...

I went back near him and seated beside him. Both of us just quietly stayed there watching the sunsent.

Enjoying this peaceful moment.

'''

"CLYDE DALE FUNTABELLA! Sinong nagsabing isakay mo si Eiffel sa motor mo?! Alam mo bang delekado yun lalo na't first time ni Eiffel?!!!" galit na galit na sermon ni Mommy Sophie.

Parang walang narinig si Kuya Clyde at binuhat ako pababa ng big bike niya. Hindi ko nanaman napigilang hindi mamula.

"Tingnan mo nga ang itsura ng mapapangasawa mo?! Namumula sa takot!" galit na dagdag niya at nagalalang lumapit sa akin at inayos ang magulo kong buhok.

"Pagpasensyahan mo na ang Kuya Clyde mo Eiffel." Sabi nito na agad ding binawi "Este ang fiancée mo, parang di na tama pang tawagin siyang Kuya kahit na iba ang edad niyo"

Umiling ako at ngumiti "It's okay Mommy, nag enjoy nga po ako"

Nakangiting hinimas niya ang ulo ko "That's a great news"

"Halika na't kanina ka pa namin hinihintay ng mga magulang mo. "

I nodded and proceeded towards the mansion with them

"Aalis na ako" paalam ni kuya at naglakad na papalabas ng mansyon.

Napahawak ako ng mabuti sa hamba ng hagdan. I want to tell him- "I really had fun today! Thank you for everything H-Huby!" sigaw ko kahit na pulang pula ang mukha ko

Napatigil siya sa paglalakad "Likewise..." mahinang sabi niya at sumakay na sa motor niya at umalis na.

Nakangiting pinanuod ko lng siyang papaalis pero bigla nalang kong nagulat nang may nagsalita sa likod ko

"Such a sweet endearment" nakangising pangaasar ni Mama.

Namula ulit ako at nahihiyang tumakbo ako papasok sa loob.