"Best friends come and go but if your best friend is your brother he stays with you lifelong"
***
Clyde's POV
Hirap na minulat ko ang mga mata ko, fuck! Halos wala akong tulog! Biglang pumasok sa utak ko yung nangyari kagabi. Agad akong lumingon sa likod ko at nakita kong wala sa tabi ko si Eiffel.
Umupo ako at sinuot ang indoor slippers ko "Asan kaya siya?"
Pagkalabas ko sa kuwarto ko ay agad kong nakaamoy ng masarap at napahawak ako sa tiyan ko "Di nga pala ako kumain kagabi"
Tumungo ako sa lamesa at nakita ko ang mga nakahaing pagkain.
"Good morning" bati sa akin ng kanina ko pang hinahanap na tao.
"M-Morning" nauutal na sagot ko.
Nakasuot siya ng apron at nakatali ng mataas ang mahaba niyang buhok. Inilapag niya ang hawak hawak niyang pagkain at bumalik sa kusina.
Sinundan ko siya at muntik na akong natawa sa nakita ko.
Nakatungtung siya sa maliit na upuan habang hinahalo ang niluluto niya.
Hindi niya pala abot ang kusina.
"Need help?" tanong ko habang pinipigilang matawa.
Lumingon siya sa akin at umiling "Mauna ka nang kumain. Susunod na ako"
"I'll wait for you" sagot ko at tumalikod. Parang masyado naman nqa akong mean kung di ko pa siya sasabayang kumain ngayon tulad kahapon. Pagbalik niya ay dala dala niya ung niluto niya. Pinagsalin niya ako ng gatas sa baso ko at saka naupo sa tapat ko.
Hinawakan ko ang baso ko "milk?"
"What's wrong? Milk is healthy and good for breakfast" sagot niya.
"Haist... Idadamay mo pa ako sa pagpapatangkad mo" bara ko sa kanya at tumingin nalang siya sa ibang direksyon.
Tinignan ko ang mga nakahain. Bacon sunny side up eggs, loaf bread pancakes and mushroom soup. Muntik ng tumulo ang laway ko sa gutom.
Kumuha ako ng soup at tinikman.
Masarap.
Napatingin ako sa kanya na mahinhing kumakain at napansin ko ang mga bandage sa dalawa niyang kamay.
"You really don't know how to cook right?"
Nagulat siya sa sinabi ko at napatingin sa akin.
"It's my first time. Why? Does it taste bad?" malungkot na sabi niya.
"No. It's good. Napansin ko lang yang mga sugat mo sa kamay." Sagot ko at sumubo ng sunnyside up egg.
Uminom siya ng gatas "Ah, ang talas kasi nung kutsilyong nagamit ko."
"Be careful next time, better call me if you need help" nakokonsenyang bilin ko. Ngumiti nalang siya at pinagpatuloy ang pagkain.Pagkatapos naming magalmusal ay kinuha niya yung mga plato pero hinawakan ko siya.
"Ako nang maghuhgas."
"Pero-"
"Sige. Maghanda ka na at may pasok pa tayo" sabi ko nalang at wala na siyang nagawa.
Kahit na bata lang siya ay pilit niyang ginagawa ang tungkulin niya bilang asawa ko. Habang ako pasaway at matigas ang ulo.
Mayamaya ay tapos na ako at pumunta na sa sala. Nakita ko siyang nanonood ng international news. Napailing nalang ako, ang ibang bata ay mga cartoons ang pinapanood pag umaga, siya pero ay balita.
"Let's go" yaya ko at agad naman niyang pinatay ang TV at sumunod sa akin.
Dahil walking distance na ang school namin mula sa bago naming bahay ay naglakad nalang kami.
Inihatid ko muna siya sa school niya. Pagdating namin sa gate ay ngumit siya sa akin.
"Have a nice day Hubby"
Shit, ang cute niya talaga. I just nodded at tumalikod na. baka makita niya ang pamumula ng mukha ko.
Pagdating ko sa school ay agad akong pinagtinginan ng mga babae.
Di ko na kailangang sabihin dahil halata namang habulin ako ng babae. Kaso ay hindi ako nagkainteres sa kahit kaninong babae. Kaya sa tingin ng iba ay bakla ako na kinaasar ko naman.
Pagpasok ko sa classroom ay agad akong sinugaban ng isang siraulong lalaki.
"Brad! Ang gwapo natin ngayon ah! Ay mali. Ang ganda pala natin ngayun" pagaasar niya pa niya.
Naiinis na binaklas ko ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko. "Shut up Willam!" pero tinawanan lamang niya ako.
Umupo ako sa upuan ko sa last row at tumingin sa bintana.
Lumapit ulit sa akin si Willam at umupo sa desk ko.
"Ang aga aga badtrip ka agad? Ngayon na nga lang kita pagkatapos ng mahaba kong bakasyon, ang sungit mo pa"
"Shut up" uulit ko at di pinansin ang pagpapacute niya.
"Hahaha, ang cute mo talaga brad. Ano nanaman bang-"
Bigla niyang hinablot ang kaliwa kong kamay at tiningnan. Nawala ang makulit na mga singkit niyang mata.
"What the heck are you wearing Clyde?" mahina pero madiing tanong niya sa akin.
Napatingin ako sa kamay ko. Nakalimutan ko palang hubarin, ilang araw ko na itong suot kaya nasanay na ako.
Kibit balikat na sinagot ko siya. "A ring if you can't see"
"I know it's a ring!" naiinis na sagot niya "but you never wore any accessories before at ang malala pa ay sa kaliwang kamay mo pa suot yan. Alam mo bang ibig sabihin nian?"
"Anong akala mo sa akin?" I sarcastically asked him.
"Kung ganun bakit-"
"I got married" sagot ko at bigla siyang natahimik na parang di makasink in sa utak niya ang sinabi ko.
Mayamaya ay napangiti nalang siya. "That was the lamest answer I got from you brad"
Pero nanatili akong nakatingin lang sa kanya.
Unti unting nawala yung ngiti niya at nanalaki ang mata niya. Maybe he remembered that I never joked before.
Alam ko nang susunod kaya agad kong tinakpan ng panyo ang bunganga niya
"Wag kang sisigaw! Baka gusto mong lumutang na bangkay ka na bukas?" banta ko at tumango nalang siya.
"I'll tell you everything but make sure na walang makakaalam nito kundi lulunurin talaga kita sa ilog Pasig" banta ko sa kanya at mabilis na tumango siya.
Pagkatapos ng klase ay nagtungo kami sa ilalim ng puno sa likod ng building namin. Dito kami madalas na tumatambay pag ayaw naming pumasok dahil walang nagpupunta rito.
Pagkatapos kong ikuwento ay nakanganga nalang siya.
"Woah! Ang lala ng nangyari sayo brad! Nagbakasyon lang ako sa China pagbalik ko kasal ka na?!"
"Tell me about it" sabi ko sabay inom sa canned beer.
"Pero brad. Sisiguraduhin kong best friend parin kita in the next 9 years. Hanep bilyonaryo ka na noon! Imagine lahat ng properties ng mga Sinclaire ay mapupunta sayo!"
Naiinis na binatukan ko siya ulit "Hindi pera ang habol ko sa kanya ulol!"
Natawa siya "Kung ganon ay ano?"
Nagtatakang tiningnan ko siya "Hindi ka naman pinilit ng magulang mo o noong bata. Sabi mo nga tinangihan mo ang una niyang pakiusap sayo, pwede naman siyang magpakasal sa ibang lalaking umattend ng marriage interview but you volunteered on your own and that makes me wonder."
Tumingala ako at tiningnan ang asul na langit.
"I don't know... I've known her since she was a child. I've been the one on her side. And I can't help but feel unpleased imagining she'll be with other man"
Nanahimik siya kaya tiningnan ko siya at nakita ko siyang hawak hawak ang dibdib niya. "Napakasweet at possessive mo pala brad! Kakainlove ka alam mo yun?"
"Gago!"
"Pero seryoso brad sa tigin ko hindi lang kapatid ang tingin mo sa kanya."
"What do you mean?"
"I think you like her"
"Ulol! Ano ako pedophile?!" naiinis na sabi ko at sinuntok siya pero agad naman siyang nakaiwas.
"Brad always remember, she might just be a child for now but years will past and she'll be a woman in no time and she is your wife" nakakalokong sabi niya.
"Ewan ko sayo" tiningnan ko ang relo ko. Mag-aalasais na pala. Baka nakauwi na siya.
Tumayo ako at kinuha ang bag ko.
"Uy saan ka pupunta?" tanong ni Willam at sinundan ako.
"Uuwi"
"Diba magbabar pa tau?"
"Magisa lang siya sa bahay" sabi ko.
"Ohhh... So naka husband mode ka pala ngayon" pangaasar niya pero hindi ko na lang siya pinansin.
"Hoy! Teka sama ako!"
Nilingon ko siya "Hindi"
"Sige na! I want to meet your Mrs. Fuentabella!" kulit niya parin.
"Bahala ka"
''''
Pagdating namin sa bagong bahay na tinitirhan namin ni Eiffel ay nakita kong nakabukas na ang ilaw, andito na nga siya.
"Ang lapit pala ng bahay niyo brad, ayos to, may bago na akong tambayan" kumento ni Willam habang nagmamasid sa paligid.
Dumeretsyo na ako sa pinto, tinangal ang sapatos ko at lumuob. Sumunod naman agad sira ulong intsik.
Pagpasok ko ay nakita ko si Eiffel na nagluluto at nagbabasa ng recipe book sa may kusina. Napangiti nanaman ako I quietly walk near the counter. Naramdaman niya atang may nagmamsid sa kanya kaya napalingon siya sa direksyon ko. Pumasok na ako sa kusina at sinilip ang niluluto niya.
Inilapag niya yung libro at kumuha ng tubig saka nakangiting lumapit sa akin.
"Welcome home, kanina ka pa ba?" tanong niya at ibinigay yung tubig sa akin. Tinangap ko at uminom.
Nakakataba pala ng puso ang makarinig ng ganitong bati.
"Hindi naman"
"Ah. Nagluluto na pala ako. Gutom ka na ba Hubby?" malambing na tanong niya sa akin.
Umiling lang ako. Pinipigilang mamula dahil sa narinig na tawag sa akin. Bigla nalang may sumipol kaya napalingon kami.
Ang gagung intsik na nangaasar na nakangiti sa amin ni EIffel habang nakapatong ang dalawang kamay sa counter at parang naonood ng pelikula.
Bwiset talaga to.
"Ah. Siya pala si Willam, kakilala ko lang" pagpapakilala ko kay Eiffel.
"Ouch!" react ni Willam at lumapit kay Eiffel.
"I-I am Eiffel nice to meet you" bahagyang nakayukong pagpapakilala ni Eiffel sa sarili.
"I'm Willam Feng my lady, the one and only best friend of Clyde, such an honor meeting you" sabi niya at hinalikan ang palad ni Eiffel!
"Likewise," namumulang sagot naman ni Eiffel! Naiinis na binatukan ko ang lalaking to "ulol" asawa ko kaya yan!
Hinila ko siya sa sala at tinapon sa couch."Aray! Garapalan talaga brad?!" may hinakit na sabi niya "Gagu!" inis kong sambit.
"E-E-Ey!!! Nagseselos si Clyde Dale Fuentabella!"
Lumapit ulit sa amin si Eiffel at may dala dalang juice at meryenda
"Sorry for not noticing you kanina Mr Feng" sabi niya.
"Oh, please don't call me like that my lady, Kuya Willam will do. After all you're the wife of my best friend" sabi niya at napatingin sa akin si Eiffel na may pagaalala. Halatang hindi niya inexpect na may ibang tao akong pagsasabihan ng katotohanan maliban.
"Don't worry agad kong papatayin yan pag pinagkalat niya"
Sawakas ay napangiti siya at tumingin ulit kay Willlam. "Would you like to eat dinner here Kuya Willam?" nahihiyang paanyaya niya.
Tumayo ulit ang tarantadog intsik at hinawakan ang kamay ni Eiffel at inilapit ang mukha sa kanya!
"Such a caring wife you are my lady. If ever na magsawa ka na sa lalaking yan ay sabihin mo sa akin. Agad kitang aagawin mula sa kanya" nangaakit na sabi niya.
Agad kong piningot papalayo ang instik na to at tumingin kay Eiffel.
"Wag mo nalang siyang pansinin." Bilin ko.
Tumango siya "Sige maiwan ko muna kayo dito. Aasikasuhin ko lang ung niluluto ko" Nakangiting sabi niya habbng yakap ang tray at tumalikod na.
Pagkaalis niya ay masamang tinitigan ko ang sira ulong intsik.
"Possesive ka pala brad?" nangiinis na sabi niya.
"Pero...Bat di mo sinabing napakaganda pala ng asawa mo?!" sigaw niya at agad ko siyang inambaan ng suntok.
"Will you shut up!"
"Maganda! Mabait! Mayaman! British accent pa! Kaasar ka brad! Kung alam ko lang na kinailangan niya ng asawa. Edi sana inunahan na kita!"
Nagugulhang tiningnan ko lang siya habang yakap yakap ang sarili nito at nagdradrama.
"Bata palang ay ang ganda na niya, pano pa kaya pag nagdalaga na siya?!"
Hinawakan niya ang dalawa kong balikat "Clyde... I know na napakahirap ng sitwasyon mo, living under one roof with a beauty like that." He paused and looked at me intensly "But no matter what. Wag mong hahayaan madungisan si Eiffel ng pagnanais mo... Wag mong hayaang maghari ang pangangailangan mo-"
Di na niya natapos ang sinasabi niya dahil agad kong hinapas ang plato sa mukha niya.
Narinig ni Eiffel ang kalampang ng mga kutasara at napalingon sa amin
"Is everything alright hubby?"
"A-Ah...Oo! Nadulas lang si Willam at nangudngud sa plato" nakangiwing palusot ko.
"Is he alright?"
"Yeah. Wag mo na kaming pansinin, magconcentrate ka na lang sa niluluto mo" bilin ko. Nagtatakang bumalik nalang siya sa kusina.
"Nakakarami ka na brad ha! Sa akin lang naman e nagaalala ako para sa morality mo!" naiinis na sabi habang hinihimas ang mukha niyang namumula.
"Ayusin mo kasi" I said and rolled my eyes.
"Ang malas mo pero swerte at the same time. Imagine makikita mong mamukadkad ang isang napakagandang bulaklak na pagmamayari mo. Pero, kahit gaano ito kaganda ay hindi mo pwedeng pitasin" pag momonologue niya, feel na feel ang bawat linya.
"Willam..." nagbabantang tawag ko sa kanya.
"Teka... Eiffel... Siya ba ung batang kinuwente mo sa akin noon? Yung nangiwan sa iyo pero hinintay mo parin nang tatlong taon?" tanong niya.
I was caught off guard sa tanong na iyon kaya hindi ako agad nakasagot. Lumapad ang ngiti sa labi niya.
"It must really be your destiny! Imagine you got married with your so-called princess?! Hahaha the three years of wait was worth it. Who would expect na sa pagbalik niya ay mapapasayo siya! Now I know ba't wala sa sariling nagvolunteer kang pakasalan siya!"
Sabi niya at naiwan lang akong namumula.
Is it really destiny? Wait what?! Kelan naman akong naniwala sa mga ganyang bagay?!
"Unexpected realization ba brad? Wag kag magalala, hormones lang yan" nagaasar na sabi ni Willa sa akin.
Hinawakan ko ang vase na nakapatong sa lamesa para ihampas sa kanya.
"T-Teka brad! Baka maospital na ako sa balak mo!" nagaalalang sabi niya at lumayo sa akin.
"Buti naman kung ganon atleast tatahimik ang buhay ko" sabi ko.
Tumayo siya "I-Isusumbong kita kay Eiffel!" banta niya. Tumayo rin ako at dahan dahang lumapit sa kanya.
"Edi magsumbong ka. Di ka rin niya paniniwalaan"
"Bakit sasabihin mo rin bang napangudngud ako diyan sa vase?!" nanlaking mga matang tanong niya habang humahakbang palayo.
"Pwede..." nakangititng sabi ko.
"B-Brad pagusapan natin to! Buti ikaw may asawa na! Ako wala pa! Hayaan mo namang magkapamilya muna ako. Brad! Wag kang lalapit! Brad-"
"What are you doing?" biglang tanong ni Eiffel na naglalakad papalapit sa amin. Napatingin ako ako sa vase na hawak ko at agad ko itong tinago sa likod ko.
"A-Ah nothing," nakangiwing sagot ko.
Agad lumapit sa kanya si Willam at nagtago sa likod niya "Eiffel! You're my angel!" sabi niya. Tinignan ulit ako ni Eiffel "Why are you holding the vase hubby?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"E-Eh I was just showing Willam how beautiful this vase is. Y-Yes that's right"
Nilingon naman niya si Willam and I glared at him like telling him to follow the flow.
"Y-Yes Eiffel your hubby is just showing me how beautiful the vase is as you are"
Napangiti naman si Eiffel sa narinig niya.
"That was nice, ah- the food is ready. Halina kumain na tayo" masayang sabi niya.
Tumango nalang kami "O-Ok"
And she went off humming a song happily.
"Don't you ever do that again Clyde! I just saw my life's flashback a earlier!" naiinis na sita niya na di ko nalang pinansin.
Pagdating naman sa lamesa ay umupo na kami.
"Wow! Mukhang masarap!" sabi ni Willam at napangiti nalang si Eiffel habang nagsasalin ng juice sa baso ko.
Kumuha ng kutsara si Willam at tinikman ang luto niya "Ang sarap talaga! Brad di ba favorite mo ang curry? Ang swerte mo ang sarap magluto ng asawa mo"
Kumuha ako ng kutsara at sumubo.
He's right...
Napansin ko si Eiffel na nakatingin sa akin habang hinihintay ang reaksyon ko.
"Masarap nga" pagsangayon ko at napangiti ng malawak si Eiffel.
"E-E-Ey! Mas naiinlove si best friend!" nangiinis na sabi niya. Agad ko siyang inapakan sa paa at umaktong walang nangyari habang siya naman ay napasigaw sa sakit.
Napatingin ako kay Eiffel na natatawa kay Willam na namimilipit sa sakit.
Napangiti ako...
Hindi rin pala masamang kumain kasama ang kaibigan at asawa ko.
WAIT WHAT?!