"Life is very complicated. Don't try to find ANSWERS because when you find answers, Life changes the Question"
***
Eiffel's PoV
Nanatili akong nakaupo sa kama at tahimik na nagiisip habang nakatunghay sa labas ng bintana.
"Isa kang Sinclaire. Don't stoop so low to the level that you will use people!" Paulit ulit na naaalala ko ang mga sinabi ni Kuya Clyde sa akin.
Naalala ko ung galit sa mga mata niya. I'm so selfish...
Nakatingin parin ako sa bintana nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang mga magulang ko na puno ng pagaalala.
"Eiffel! You had us worried!" sabi ni Mama at mahigpit na niyakap ako. Nagulat pa ako noong una pero dahandahang pumikit ako at niyakap pabalik si Mama.
Umupo sa gilid ng kama ang Papa ko at hinimas ang ulo ko.
"Wag mo na ulit gagawin to Eiffel," nakangiting sabi rin ni Papa. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
Niyakap din niya ako at hindi ko napigilang hindi mapaluha. Ngayon ko lang nasubukang pagalalahin ang mga magulang ko ng ganito. Di rin pala masamang maramdaman ang pagmamahal nila sa ganitong paraan.
Pumasok sa loob ng kwarto si Tta Sophie.
"Salamat sa pagalaga kay Eiffel, Sophie" sabi ni Mama.
Ngumiti si Tita "It was nothing, alam niyo rin naman kung gano ko kamahal si Eiffel."
"Eiffel..." Hindi alam ni Papa kong paano niya ako kakasusapin.
"If it's about me marrying someone Papa, don't worry. Ayos lang po sa akin. Mahal na mahal ko po kayo Papa kaya handa akong gawin ang kahit ano para lang sa inyo"
My papa looked astonished.
"I am ok marrying anyone" dagdag ko na siyang ikinagulat ni Mama.
"No Eiffel! You don't really need to marry someone for real!" angal ni Mama.
"No Mommy, I want to be wed for real. Ayokong makikipagkasal ako na parang laro lang. Wedding is a sacred sacrament needed to be honored. Kung sino man ang pakakasalan ko ay ang magiging asawa ko habang buhay" pursigidong sagot ko.
Tiningnan ko ang Papa ko na malungkot na nakatingin sa akin. Ginagap ko ang kamay niya.
"I want Daddy to meet the man who'll take care of me for the rest of my life...I want him to personally talk to the man whom I'll offer my everything, whom I'll love as much I love him... And whom I'll share my life with" puno ng pagmamahal na sabi ko na nagging dahilang ng pagluha ng Papa ko.
"Please forgive your father for putting you in this situation Princess" sabi ni Papa habang umiiyak. Umiling ako at niyakap siya.
"D-Daddy *sob* there's nothing to forgive *sob* I was so blessed having you and Mommy in my life *sob* don't worry about me *sob* I will make sure that I *sob* w-will be happy with the one I will marry *sob*"
Niyakap ako ni Papa ng mahigpit, pati si Mama ay napaluha narin habang nalulungkot si Tita Sophie na nakatunghay sa amin.
"I'll personally arrange the possible candidates for Eiffel's groom" sabi ni Mama habang pinupunasan ang kanyang mga luha.
"We will be having a marriage interview; I shall gather all the sons of our business colleagues and the aristocrats in Europe and other countries" She announced and I nodded.
It doesn't matter anymore kung sino ang pakakasalan ko. I'm desperate.
"Pauline" pigil ni Tita Sophie kay Mama, halata sa mukha niyang hindi siya sangayon sa gustong gawin ni Mama.
Hinawakan ni Mama ang kamay ni Tita "It's the wish of the two most important persons in my life Sophie, who am I to object?" nakangiting tanong niya.
"I'll talk to my son about this Pau" sabi ni Tita Sophie at bago pa nakasagot si mama ay nagsalita na ako.
"No Tita, I don't want to force Kuya Clyde again, ayokong idamay siya dito. It's already enough having him as my Kuya" tugon ko at malungkot na tumango naman si Tita.
"I understand Eiffel, iha" sagot ni Tita Sophie at niyakap ako.
Tears fell from eyes again as I remember the face of Kuya Clyde.
He was the only one I want but I can't have him.
''''
"Napakaganda niyo po Lady Eiffel!" nakangiting puri ni Ate Ekay habang pinapanuod akong inaayusan.
Nakaupo ako sa harap ng malaking salamin. Nagkalat ang high class make ups at mga alahas, ang kama naman ay puno din ng mga mamahaling damit at mga sapatos.
Daig ko pa ang isang prinsesang inaayusan noong unang panahon.
"Syempre naman, effortless nga ang beauty ni Ms Eiffel, ewan nga bat bakit pa kami hinire para ayusan siya eh" saad ni make-up artist habang nilalagyan ako ng blush on.
"You look like a living doll Ms. Eiffel, panigurado ay madaming hahanga sayo mamaya" dagdag ng hairdresser ko habang sineset ang mahaba kong buhok.
"Thank you" sagot ko habang nakatitig sa repleksyon ko. This party is for me but I can't help but feel sad. Ito siguro ang nararamdaman ng mga bidang babae sa mga drama kung saan ay pinagkakasundo sila sa hindi nila kakilala.
I was wearing purple puffed gown adorned with purple butterfly ribbon on my waist. My curly black hair was set in half with small diamond tiara and partnered with pearl necklace. I was also wearing purple shoes with butterfly wings.
Pumasok si Mama sa Hotel Room ko at sinabihan na lumabas muna sila ate Ekay.
Tulad ko ay naka ayos din siya at may suot na puting long gown.
Nilapitan niya ako "Eiffel, it's almost time" sabi niya at hinawakan ang dalawang balikat ko habang nakatayo ako at nakatitig sa salamin. The girl on the mirror is so pretty and yet she is crying.
"Yes Mommy"
Napaluha si Mama nang makita niya ang mga luha ko at hinarap niya ako sa kanya. Umuklo siya at niyakap ako. "Do you really want to continue this? You can still change your mind anak" tanong niya sa akin.
"Yes Mommy, like I said, I'm willing to do anything for my Daddy"
Pinunasan niya ang mga luha ko "Do you wish to be with you Kuya Clyde Eiffel?"
I wanted to nod, I wanted to yes...
But I know it will just trouble them.
Umiling ako at tipid na ngumiti. "I believe its inappropriate Mommy. After this night, I need to forget him. I have to because I will be married to another man"
Tumango si Mama at hinalikan ang noo ko.
"Don't worry anak, hindi ka namin ibibigay sa hindi karapat dapat sa iyo. Hindi man si Kuya Clyde mo sisiguraduhin naming aalagaan ka niyang mabuti dahil mahal na mahal ka namin"
Tumango ako at niyakap pabalik si Mama.
Lumabas na kami sa kuwarto at kasama ni Mama, nakita ko ang aking Papa na nasa ibabang parte ng magarbong hagdanan at may dalang mikropono.
"To all of you here, thank you for coming to this party especially to those who had to travel here in the country even its Holiday Season. Without further ado, everyone meet our beloved daughter, Eiffel Earl Dela Fuente Sinclaire. The next Countess of the House of Campbelle" pagpapakilala ni Papa at tumingin sa kinaroroonan naming parte. Tumingin ako kay Mama at nakangiting tumango lamang siya.
I took a deep breath, napakaimportante ng okasyon na ito kaya kahit nais ko man tumakbo ay hindi maaari, pagkababa ko mula sa hagdan na ito ay tuluyan nang magbabago ang buhay ko.
I gracefully took my steps forward and went to the center of the stairs. Habang bumababa ako mula sa hagdan ay sinasalubong ako ng masigabog palakpakan, lahat ng atensyon ay nakasentro lamang sa akin. Napili nila Papa at Mama na ganapin ang party na ito sa pinakamalaking Hotel na hawak ni Mama. Pili lamang ang mga bisita at ang karamihan ay galing pa sa Europa. Kumukutitap sa mga suot na alahas at mga damit ng mga babae ang bulwagan at ang mga ginoo naman ay hidi rin magpapatalo sa mga mamahalaing damit na suot.
Pagdapo ng mga mata ko sa parehas na asul na mata ng ama ko ay nagawa ko ding ngumiti kahit papaano, I'm doing all of this for him. For my father. Inangat niya ang kanyang kanang kamay at agad kong ibinigay ang akin saka tumabi sa kanya at yumukod sa lahat bilang pasasalamat.
"As we all know, the main purpose of this small gathering is to find a suitable partner for our family's heiress but nonetheless, please enjoy!" Papa announced and the music resumed as people started dancing and talking.
Nakaalalay sa akin si Ate Ekay habang lumilibot at nakikipagkamustahan ang mga magulang ko sa mga bisita.
Nakangiting binabati ko naman ang mga bisita na namamangha lamang sa aking kagandahan.
"You look so beautiful Eiffel" puri ni Tita Sophie kasama ni Tito Gene nang makalapit sila sa akin. Of course, they are also invited.
"Thank you Tita"
"Clyde didn't come with us Eiffel" pagbibigay alam ni Tito and I just smiled. Alam ko na iyon, I expected it already. Why would he be here when he doesn't care about me at all?
"It's ok Tito Gene, Tita Sophie, I have to go to my guests now please do enjoy the party" paalam ko at naglakad na papalayo.
"The girl of the party sure looks the least happiest" naring kong ani ng isang pamilyar na boses.
Lumingon ako at napangiti "Alphonse! It's great to see you too" bati ko sa kaedadan kong batang lalaking nakasuot ng sky blue na suit.
Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan, hindi naman na bago ang ganitong uri ng batian sa amin sa Britanya kaya hinayaan ko lamang siya.
"I wonder why a gentleman like you is here my Lord, it's quite intriguing" sabi ko at nagkipit balikat siya.
"My ever-supporting Grandfather grabbed me from our manor 36 hours ago just to attend the engagement party of the famous heiress of Sinclaire and hereby I stand in front of you as one of the candidates for being your Fiancée" pagbibigay alam niya.
"Oh dear, please forgive me for putting you in this situation Al" tawag ko sa kanyang palayaw na binigay ko. Alphonse Salazaar became a close friend of mine as I stayed in Great Britain for three years, since we were at the same age, it wasn't hard getting along with him.
"Not a big deal Eiffel, it was also interesting seeing different personalities in our society gathered here in your birth country. The 23-year-old Marquis of Scot, the newly proclaimed Spanish Lord, Arabian Oil Sheikh, the son of the 2nd Prince of Thailand and look, the next French Duke who is almost same age with us is also here! A mere next in line Viscount like me can't surely go up against them" napapailing na sabi niya.
"Nonsense, in my eyes you're in lead" joke ko. I knew from the very beginning that Alphonse will be forced by his own grandfather, Lord Elric to attend my party and be one of the candidates, if it's him, perhaps I wouldn't mind anymore though I only see him as a friend.
Kumuha siya ng juice na sineserve ng mga waiter at ibinigay sa akin ang isa. Tinuro niya ang mga lalaking nakatayo sa di kalayuan.
"Son of Japanese Prime Minister, Heir of a Chinese Real State owner, grandson of an Airline Company Director. Not only aristocrats from Europe but also businessmen and politicians are after you Eiffel, aren't you scared of being used in the future?" he asked, I glanced at all the men inside the hall.
"I'm scared, really scared Al. I'm only an eleven-year-old child but I have to do this for my family" amin ko. Hinawakan niya ang balikat ko at tumango.
"At last I heard an honest answer from you" nakangiting sambit niya at napangiti din ako.
Wala pang nakakaalam ng totoong kondisyon ng Papa ko. Ang sabi nila ay sa mapipiling Fiancée ko lamang nila sasabihin ang katotohanan pati ang magaganap na fake Marriage Ceremony na hiling ni Papa.
"You've been rejecting engagement proposals since forever Eiffel so everyone is curious of your sudden search for a partner tonight. Is there something wrong?" Alphonse inquired.
"No, I just realize that the sooner I am matched with someone would be the best" pagsisinungaling ko.
Sumalang ang tugtog at nagsimula na ang sayaan nang biglang lumapit ang isang halos kasing edad kong batang lalaki.
"Est-ce que je peux dansez? (May I have this dance?) the boy asked in French. I looked at Al and he just winked at me.
I smiled and gave him my hand "Oui"
He led me to the center of the dance floor and gracefully dance with me.
"Est-ce que parlez anglais monsieur?" (Can you understand English Sir?) tanong ko, looking at him I think he is just a lil' bit older than I am.
"Pardon! Yes, I do understand" namumulang sagot niya at natawa ako. Kinakabahan ba siya?
"I am Silvariuz de Seville" pagpapakilala niya at nagulat ako.
"Oh, you're the son of Duke Silvior? The next Duke in line of the house of Crowbelle? It's a pleasure meeting you, your Excellency" ani ko at ngumiti siya.
"Please drop the courtesy Mademoiselle the pleasure is all mine" napatingin ako sa magulang ko na kasama ang Duke na pinapanood kami. My father smiled and nodded at me.
Gulat na napatingin naman ako sa kasayaw ko. Hindi kaya siya ang napili nila? The de Sevilles was always been a family friend even if they were not at the same country as we were like the Salazaars.
"Are you really sure about this engagement?" seryosong tanong niya na ikinangiti ko. Yes, it definitely him.
"Of course, we are at the same society my Lord, for sure you do understand it"
"I see, would you mind answering question Lady Eiffel?"
"Certainly"
"Do you have anyone you like? Or perhaps anyone you love?" he asked which made me pause for a while, his peculiar silver eyes trying to decipher my mind. Will he notice it once I lie?
"No-"
Napatigil ako ng biglang bumukas ang pintuan at napalingon ang lahat sa taong kakapasok lamang.
Is this real?
W-Why is he here?
Nakasuot siya ng puting polo at magulo ang buhok, ibang iba siya sa mga nakapusturang mga lalaking dumalo.
Parang wala lamang sa kanya ang tinging ibinibigay sa kanya na nakakababa ng dignidad at dirediretsong lumapit sa akin.
Napabitaw ako kay Silvariuz at napatulala sa binatang nasa harapan ko na. Lumapit si Papa at Mama sa amin kasama ni Tita Sophie at Tito Gene.
"Clyde, what are you doing here?"
Imbes na sagutin niya ang ama niya ay lumuhod siya kay Papa "Gusto ko po siyang pakasalan Tito Raven" pagpapaalam niya.
Nanlaki ang mga mata kong napatitig sa nakayukong kuya Clyde.
"C-Clyde" nakangangang tawag ni Tita Sophie sa anak niya.
"Hindi ko hahayaang ibigay niyo siya sa ibang tao. Pakiusap, payagan niyo pong ako ang maghintay sa kanya sa kabilang dulo ng altar Tito, Tita" baybay niya sa tagalog para hindi maintindihan ng mga bisita ang pinaguusapan namin
Parang di ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Hinihingi ni Kuya Clyde ang kamay ko sa mga magulang ko! Akala ko ba wala siyang pakealam? Na galit siya sa akin? Pero bakit niya ito ginagawa?
Tinignan ni Papa si Kuya ng seryoso.
"It's not our decision Clyde. It all depends on our daughter" sagot ni Papa. Kuya Clyde inhaled and looked at me in the eyes.
"Will you accept me Eiffel?" tanong niya habang nakatulala pa rin ako sa kanya.
Did I hear him right?
Is all of this real?
Napatingin siya sa lamesang puno ng mga naglalakihan at naggagandahang regalo "I don't have any high-class jewelries or gifts to offer you, I don't have blue blood that I can boast about. All I have is this" saad niya at pinakita ang isang boquet ng mga puting rosas.
It was a very familiar bouquet. So he was really there at my recital? He was there supporting me like he used to do in the past?
Tears fell from my eyes. Can I be selfish just this once?
Pwede ba akong sumagot ng hindi inaalala ang sino man o ano man?
Just this once... Can I answer honestly?
I extended my trembling hands and accepted the flowers.
"Yes" dahan dahan akong tumango at namumulang sumagot.
Ang saya ko.
Hindi napakasaya ko.
Kahit alam ko na sinasakripisyo niya lang ang sarili niya para sa akin. Na kahit alam kong na bata lang ang tingin niya sa akin...
Ayos lang ba kung nakakaramdam ako ng kasiyahan? Kahit na kasinungalingan ang lahat nito?
Ngumiti si Papa kay kuya Clyde at hinawakan ni Mama ang kamay ng gulat na si Tita Sophie.
Dahan dahan kong iniangat ang mga mata ko at nakitang nakangiti si kuya Clyde. Ang ngiting niyang ito... Ito ang ngiti niyang matagal ko ng hindi nakikita. Ang ngiti niya noong mga bata pa kami.
Yung mga ngiti niya na ubod ng sinseridad at tuwa.
****